Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Squad Goals







Tamad na tamad akong bumangon mula sa  kama. Kakamot kamot pa ako ng ulo dahil sa inis. Late na ako natulog kagabi dahil sa pinanuod naming banda kagabi sa may plaza.

"Kumain ka na Sera, magagalit nanaman si Daddy sayo" salubong ni Ate sa akin. Napairap na lamang ako, palagi namang galit si Daddy sa akin, wala namang bago duon.

Bumaba ako sa may dinning. Naabutan ko si Daddy na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Sandali siyang bumaling sa akin bago niya muling itinuon ang atensyon sa binabasang dyaryo.

"Kumusta yung binalikan mong subject?" seryosong tanong niya kaya naman napahinto ako sa pagkuha ng kanina. Napangiwi ako, umagang umaga ay iyon ang isasalubong niya sa akin.

"Hindi ba't lumabas na ang result ng midterms niyo?" pahabol na tanong pa niya dahil sa hindi ko agarang pagsagot sa kanya. Bayolente akong napalunok. Pinagisipan kong mabuti kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o magsisinungaling nanaman ako.

"Ano Seraphine, naputulan ka ng dila?" galit na tanong niya kaya naman kaagad bumagsak ang mga mata ko sa plato.

"Failed po Dad" labas sa ilong na sagot ko sa kanya. Mariin akong napapikit ng hampasin niya ng malakas ang lamesa.

"Nanaman!?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Patakbo siyang nilapitan nina Mommy at Ate sa takot na tumaas ang dugo nito.

Nakatingin lamang ako sa kanila. Hindi ako makagalaw. Ako nanaman ang may kasalanan, palagi naman ako. Napairap na lamang ako para pigilan ang mga luhang gustong magsitulo. Dinuro ako ni Dad across the table. "Yang anak mo, wala ng ginawang matino!" inis na sabi niya kay Mommy na para bang hindi niya ako anak.

Muling nasira ang umaga ko dahil sa tagpong iyon. Kasalanan ko bang pinakuha niya ako ng Pharmacy course sa college eh ang gusto ko naman talaga ay maging teacher. Sinabi ko na iyon sa kanila ni Mommy na ayaw kong magtake ng medical field. Gusto kong maging teacher.

Dumungaw ako mula sa bintana ng aking kwarto. Bukas ay babalik na kami ng Manila. Umuwi lamang kami ng Sta. maria para sa piyesta. Parehong laki sina Mommy at Daddy sa Bulacan. May mayari ng pagawan ng chicharon ang pamilya nila Mommy isa sila sa may pinakamaliking pagawaan sa buong bayan at isang Pharmaceutical Manufacturing naman ang kila Daddy. Pinilit niya ang ate na kumuha ng bussiness course, pinilit naman niya akong mag Pharmacy eh ayaw ko nga nuon. May bahay kami sa Manila dahil kadalasan ay nanduon kami ni Ate.

"Hanggang kailan mo ba balak kuhanin ang Course na iyan Sera? Eh nagmamasters na ang ate mo nasa college ka pa din" pangaral sa akin ni Dad isang umaga. Nakabalik na kami ng Manila. Kumakain kami ng breakfast dahil balik nanaman kami sa eskwela.

Inirapan ko ang itlog na nasa plato ko. Palagi na lang niya kaming pinagkukumpara na ate. Eh matalino naman iyon at ako hindi. Kung hinayaan nila akong magteacher eh baka grumaduate pa ako ng cum laude.

"Sa dorm ka uuwi?" panguusisa ni Ate sa akin habang nasa byahe kami. Siya ang naghatid sa akin sa Fatima bago siya babalik para pumasok sa Ateneo.

Tinanguan ko lamang siya at hindi na nilingon pa. Sa tuwing nakikita ko si Ate lalo lang ipinapamukha sa akin na ako ang kabaliktaran niya. Kaya galit na galit si Daddy sa akin, dahil hindi ako katulad ni Ate na lahat ng gawin ay magaling siya. Samantalang ako, sa kalokohan at pagmumura lang ako magaling.

Tangina talaga

Mula sa malayo ay natanaw ko ang malaking logo ng University. Kitang kita ang mha nagkalat na nakaputing estudyante. Halos medical courses kasi ang  inooffer ng university. Nginitian ako ni Ate ng huminto siya sa tapat ng apartment type dorm na tinutuluyan ko.

"Kaya mo yan. Focus ka lang" pagchecheer up pa niya sa akin pero imbes na lumakas ang loob ko ay mas lalo lang akong nalugmok. Ang daling sabihin para sa kanya dahil matalino siya.

Maaga ako ng isang oras para sa unang klase ko. Naligo na ako at nagbihis ng puting uniform. Nagblower din ako ng buhok ko dahil ayaw na ayaw kong lumabas nang basa ang buhok. Pagkatapos nuon ay lumabas na ako ng apartment para pumasok ng campus. Mula sa main gate ng university ay nakita kong naghihintay na sa akin ang aking kaibigang si Abegail.

"Kanina pa ako naghihintay dito Senyorita" mapanuyang salubong niya sa akin na kaagad ko pang inirapan.

Dahil sa inis ay nauna na akong naglakad at tsaka siya iniwan duon na nagtatatalak. Napamura siya dahil sa aking ginawa. Kaya naman patakbo niya akong hinabol para makasunod ng lakad sa akin. "Alam na ng Daddy mong bagsak ka sa Midterms ano?" pangaasar niya sa akin.

"Oo hayop. Sa tingin ba nila madali ang magpharma? Tanginang yan, kulang na lang pumutok ang mga ugat sa ulo ko kakaaral" inis na inis na daing ko sa kaibigan.

Dumiretso kami sa isang bench sa may quadrangle. Madami ring ibang mga estudyante duon. Napahalukipkip ako at kaagad na napabusangot. Never ko talagang naisip na mapapabilang ako sa mga taong ito. Para kaming mga mental patients. Puro nakaputi, ang iba ay halos makuba dahil sa bigat at laki ng bag. Ang iba naman ay parang tuluyan nang nabaliw sa pagrereview at kinakausap ang sarili.

"Hayaan mo na Sera, 3rd year naman na tayo. Konting push na lang" pagpapalakas pa niya ng loob ko kaya naman mas lalo akong nainis. Bwiset talagang buhay.

"Yun na nga! Puta, 3rs year na tayo pero karamihan sa subject ko pang 2nd year pa" himutok ko sa kanya na ikinatawa niya din. Paanong hindi siya tatawa eh pareho lang naman kami. Pag may ibinagsak akong subject asahan mong bagsak din siya.

Ang sama tuloy ng tingin ko sa mga nagdaraang estudyante. Napaayos naman ng upo ang katabi ko ng magsimulang magsilabasan ang mga medicine student sa kanilang building. Kung maglakad ang mga ito ay nakakumpol pa.

"Andami talagang gwapo sa Med.. " maarteng turan ni Abby habang halos mabali ang leeg sa kakasunod ng tingin sa mga ito. Napairap na lamang ako, sa sobrang sama ng loob ko gusto ko silang pagmumurahin lahat. Oo wala silang kasalanan. Pero tangina talaga nilang lahat.

Hilong hilo ako sa una naming subject na Pharmaceutical Chemistry of Organic Medicinals. Unang subject pa lang ay para na akong masusuka lalo na sa mga structures na itinuturo ng babae naming professor. Mariin akong napapikit, inaantok na ako. Kaya naman bago pa ako tuluyang nakatulog ay kaagad na akong lumabas para mag Cr. Mula sa 4th floor ay bumaba ako ng 3rd floor para magtungo sa  female restroom pero napadaing ako ng makita kong sarado iyon.

Tamad na tamad akong bumaba sa PJP 1at floor dahil duon na ang susunod na Cr para sa babae. Nagulat ako ng makita kong mahaba ang pila ng mga Med student sa labas ng medicine registrar office. Hinayaan ko na lamang at tsaka ako tumuloy sa pagpunta sa Cr. Hindi kaagad ako nakapasok duon dahil may pila sa loob kaya naman tamad akong tumayo at naghintay.

"Inuna mo pa talaga yun kesa magreview?" rinig kong sabi ng isang babaeng med student. Nakasandal ang mga ito sa pader habang naghihintay sa pila.

"Oo naman noh, i need to release stress" giit ng lalaking kausap. Isang tingin mo pa lang duon sa lalaking nagsasalita ay halatang bastusin na, mukhang manyak. Dumapo naman ang tingin ko sa isa pa nilang kasama. Nasa gitna nila ito, nakayuko habang may binabasang handouts. Wala silang pakialam habang nagbabangayan ang kanyang mga kaibigan.

"Ikaw Kenzo, wag mo sabihing hindi ka nakikipagSex bago magexam" nakangising pangaasar nung lalaking mukhang bastusin sa kanya.

Kenzo huh?

Hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Matangos ang kanyang ilong, may kakapalan ang kanyang kilay. Ang kanyang labi ay nakanguso na kahit pa wala naman siyang ginagawa, ganuon na ata talaga iyon. Pouty lips huh.

Nagangat siya ng tingin sa kaibigan. Pero bago pa man siya nakapagsalita ay napatingin na siya sa akin. Mukhang nahimigan niya ang nagawa kong pagtitig sa kanya. Tiningnan niya ako, nakakailangang kanyang mga tingin. Tumatagos hanggang kaluluwa. Bumuka ang kanyang bibig kaya naman kaagad na lumingon ang mga kasama niya sa akin. Dahil duon ay mabilis akong nagiwas ng tingin. Shit.

Nakapasok na ako ng comfort room. Paglabas ko ay malapit na sila sa pintuan. Muli silang nagbulungan ng makita ako. Dahil sa inis ay inirapan ko sila. Tangina ng mga to, bwiset.

Nabadtrip ako pagbalik ko sa room. Nakakabadtrip na nga ang subject badtrip pa ang mga iyon. Kinalabit ako ni Abby ng makita ang paglaburyo ko. Bumulong pa siya para itanong kung anong nangyari sa akin pero wala akong ganang ikwento sa kanya. Matapos ang subject na iyon ay dumiretso kami sa Graduate school building para sa aming laboratory subject.

"Tara mirienda, late naman si Ma'm eh" yaya sa akin ni Abby pagkalapag namin ng bag namin sa laboratory room. Hindi na ako tumanggi sa kanya kaya naman mabilis kaming lumabas sa second gate. Pagkadaan namin sa registrar nakita ko kaagad yung tatlong bwiset kanina. Kagaya namin ay palabas din sila ng PJP gate.

"Bakit ba kanina ka pa badtrip?" tanong ni Abby sa akin kaya naman muling nagbalik ang inis ko sa tatlong iyon. Sinamaan ko ng tingin ang likod nilang tatlo. Kung nakakapaso lang iyon siguradong kanina pa sunog ang likod nila.

The Tangina Squad

Kung minamalas ka nga naman ay duon din sila huminto sa bibilhan namin ng mirienda. Sa sobrang inis ko ay kaagad kaming nagsumiksik para mapunta kami sa harapan. Alam kong nasanggi ko pa yung Kenzo pero wala akong pakialam, hindi ko na din siya nilingon pa. Nabwiset niya ako. Wala pa siyang ginagawa mas lalo ng nasira ang araw ko.

Naikwento ko kay Abby ang nangyaring pyesta sa Sta. Maria hindi ko napigilang mapamura sa tuwing natutuwa ako. "Tangina..." pagsisimula ko ulit ng kwento.

Sa kakatawa ay hindi ko namalayang nabunggo ko ulit si Kenzo na nasa aking likuran. Narinig ko pa ang pag protesta nito. "Tsk" inis na daing niya kaya kaagad ko siyang nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay. Halos masamid ako ng sarili kong laway nang lingonin ko ito. Puta ang gwapo.

"May problema ka po?" ma-attitude na tanong ko sa kanya pero umiling lamang siya ay tsaka ako inirapan.

Lumipas pa ang ilang araw. Hindi naman ganuon kalaki ang Kalat kalat naming Campus para hindi ko muling makita si Kenzo with his Tangina squad. Nagbabasa ako ng Pharmacology 2 handouts sa may quadrangle ng makita ko sila. Isa isang kinakausap ang ilang mga studyante. Mukhang magiiscam pa ata ang mga loko. Inirapan ko sila kahit hindi naman nila ako nakita. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa binabasang handouts dahil sa long test namin.

"Hi miss" nakangiting bati nung kaibigan niyang unang tingin pa lang eh alam mong bastusin na.

Pagkababa ko ng handouts sa mukha ko ay kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis niyang kinuha ang cellphone. "Ikaw to?" namamanghang tanong niya sabay pakita sa akin nung profile pic ko sa dating app na halos hindi ko na nga binubuksan.

Nakaramdam ako ng hiya dahil duon. Pero mas lalong naginit ang pisngi ko ng sunigaw ito at tinawag si Kenzo. Nataranta ako, gusto ko na sanang tumakbo palayo duon ngunit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko lalo na ng lumapit na sa amin si Kenzo. Puting puti ang kanyang med uniform. Mahihiyang lumapit ang dumi sa kanya. Ang bango niya ding tingnan, parang mas mukha pa nga siyang malinis kesa sa akin.

Kaagad napako ang mabibigat niyang tingin sa akin. Bayolente akong napalunok.  "Siya yung sa bumble" nakangising pakilala sa akin nung kaibigan niya. Nagtiim bagang yung Kenzo kaya naman kaagad ko siyang inirapan.

"Hindi pala maganda sa personal" sabi niya kaya naman pumitik ang tenga ko. Mabilis ko siyang nilingon at pinanlisikan ng mata. Tangina neto. Gwapong gwapo sa sarili ang hayop.

Napatawa yung bastusin pagkatapos ay pabirong sinuntok si Tanginang Kenzo. "Hi ako nga pala si Andrew" pagpapakilala nung bastusin.

Naglahad siya ng kamay pero tiningnan ko lamang iyon. Hiyang hiya siyang binawi iyon at napakamot na lamang sa kanyang batok. "Pa-swipe right naman daw si Kenzo, type ka kasi netong kaibigan ko" pangaasar nung nagpakilalang Andrew. Hindi ako nagpaapekto kahit ang totoo ay parang sasabog na ang dibdib ko dahil aa kaba.

Tiningnan ko si Kenzo. Hindi man lang siya nagprotesta sa sinabi ng kaibigan niya. Ibig sabihin ay totoo? Type nga kaya talaga ako netong bwiset na to?.

Napanguso ako. "Sorry hindi na kasi ako gumagamit ng dating app" sabi ko sabay taaa ng kilay kay kenzo. Im so surprise, hindi ko inaasahan na gumagamit din pala siya ng ganuon. Wala sa itsura.

Napatikhim yung Kenzo. "It's ok. You can join na lang sa study group namin. So far nakikita ko maa kailangan mo neto kesa sa relationship" parang tatay ko kung makapagadvice ang hayop.

Kinuha ko ang papel na inaabot niya. Binasa ko iyon at halos matawa ako sa aking nabasa. "Bible study? Mukha ba akong demonyo sa paningin mo?" inis na tanong ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. "Lahat ng estudyante binibigyan namin. Hindi ko na kasalanan kung ganyan ang pakiramdam mo sa sarili mo" pangiinis pa niya kaya naman padabog kong ibinalik sa kanya ang papel.

"No fucking way" inis na sabi ko sa kanya at tsaka ko padabog na kinuha ang mga gamit ko at nagmadaling umalis duon.

Ikinwento ko ang nangyaro kay Abby pagkadating niya. Nasa loob na kami ng room para sa susunod naming subject. Tawa ito ng tawa habang paulit ulit na sinabi yung tawag ko sa Squad ni Kenzo.

"Tangina Squad ang hayup" hindi makapaniwalang sabi niya kaya naman inirapan ko siya.

Bagay lang sa kanila iyon. The Taingina Squad. Si Kenzo ang tanginang lider, si Andrew na bastusin at yung Fidez na tuyot. Napakasungit, hindi niya siguro napansin na kitang kita ko ang pagirap niya sa akin nung kausap ko si Kenzo. Sino ba siya? Girlfriend ba siya?

Tumahimik lamang si Abby ng dumating ang prof namin para sa Physical Pharmacy. Tagilid din ang grades ko dito kaya naman hindi na ako nagtaka ng tawagin ako nito pagkatapos ng klase. Pinaiwan niya ako.

"Ms. Serrano gusto mo bang ulitin itong subject ko?" malumanay na tanong niya sa akin. Mahinhin siyang magsalita at gumalaw pero terror ito.

Napayuko. "Ayaw ko po Ma'm" sagot ko sa kanya kaya naman napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha.

"Eh anong gagawin natin dito sa grade mo. Kailangan mong maperfect exam mo sa finals para maka tres man lang" pamomorblema pa niya. Ramdam kong maganda ang intensyon niya sa pakikipagusap sa akin. Gusto niya akong bigyan ng chance na makabawi para pumasa.

Maya maya ay nagumpisa na siyang magligpit ng gamit. "Punta ka sa meeting ko sa Friday. Papatulungan kita para tumaas mga grades mo" sabi pa niya kaya naman kaagad na nagliwanag ang aking mga mata.

"Talaga po Ma'm? Maraming salamat po" masayang sabi ko pa na tinanguan lang niya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Nabawasan ang inaalala kong subject.

Pagdating ng biyernes ay naunang nag paalam si Abby sa akin para umuwi. Halos kalahating oras pa ako naghintay bago ako nakareceive ng text kay Ma'm kung saan ko siya kikitain. Sa PJP first floor iyon, sa dulo ng hallway ay mayroong medicine lounge. Ngiting ngiti pa ako habang naglalakad papunta duon. Dahil glasswall ang lounge ay kaagad kong namukhaan ang mga tao sa loob. Sina Andrew at Fideliz ang nanduon. May kasama na din silang ibang estudyante.

Napahakbang ako paatras. Ayaw kong pumunta duon. Pero kaagad din akong dumaing ng bumunggo ako sa kung sino na nasa aking likuran. "Pasok na bata" seryosong sabi ni Kenzo sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawag niya sa akin ng bata. Gagong to. Sarap sipain. "Ayaw ko" laban ko sabay irap sa kanya.

"Sige sasabihin ko kay Ma'm Diaz" pananakot niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang kamao ko. Dinuro ko siya. Nakakabwiset talaga.

"Alam mo. Tangina ka!" gigil na gigil na sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at nagmartsang pumasok sa lounge.

"Wow" hindi makapaniwalang sambit ni Kenzo matapos ko siyang murahin.

Si Fideliz ang nagsasalita, siya ang nagpaliwanag kung para saan iyon. Pharma din pala ang premed course nila kaya naman kilala nila si Ma'm Diaz. Biruin mong consistent deans lister ang magkakaibigan na ito. Bwiset, edi sila na squad goals tangina pa din nila.

Maliban kay Andrew, Fideliz at Kenzo ay may dalawa pang med student silang kasama. May ibang course din na nanduon na mukhang nabudol nila nung minsan silang magikot sa quadrangle. Nagbasa si Fideliz ng verse sa bible. Hindi ko napigilang mapahikab. Napatingin ako kay Kenzo pero matalim lang niya akong tiningnan.

"Naiiyak ako" pangaasar ko. Dahil nagkwekwento na si Fidez ng college life niya at kung ano ano pa blah blah blah.

Mariing napailing si Kenzo para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Ikaw Sera, paano ang study habit mo?" tanong niya sa akin ng umikot na ang tanong sa lahat. Napaawang pa ang bibig ko sa gulat dahil sa tanong niyo.

"Wala akong study habit. Masama ang sobrang pagaaral, nakakabaliw iyon. Hindi ko ginagawang habit ang pagaaral. I care for my mental health" proud pa sagot ko pa sa kanila.

Natahimik silang lahat habang titig na titig sa akin. Napasubsob si Andrew sa lamesa para itago ang tawa. Nakatingin lamang si Fideliz sa akin nakaawang pa din ang bibig. Nilingon ko si Kenzo, nakakagat labi siyang nakatingin sa akin. Kita ko ang pagkamangha niya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. Damuhong to nagpapacute pa ata.

"Okay...so paano ka pumapasa sa mga test?" tanong pa ni Fideliz. Tamad ko siyang tiningnan ano bang problema nito at tanong ng tanong sa akin akala ko ba ay uupo lang at makikinig?

Tamad akong umiling. "Chamba" tamad na sagot ko muli sa kanya kaya naman nahihiyang ngumiti ang iba pa naming kasama. Inirapan ko silang lahat. Wala akong pakialam.

Nagmamadali akong lumabas pagkatapos nung study group na iyon. Antok na antok ako kaya naman parang kinain lahat ng energy ko dahil duon. "Hatiin na lang natin sila para next week" rinig kong sabi ni Fideliz. Ramdam ko na sila sa aking likuran.

"Akin si Sera" rinig kong seryosong sabi ni Kenzo kaya naman kaagad ko silang nilingon.

"Lalaki ang tuturuan mo Kenzo. Ako ang magtuturo kay Sera" giit ni Fideliz. Naramdaman ko ang paghaba ng buhok. Aba't pinagagawan pa ko ng mga loko.

"Ako na ang magtuturo kay Sera" pinal na sabi ni Kenzo bago niya iniwan ang mga kaibigan niya. Kaagad akong napatago. Nang makalayo na si Kenzo ay patakbo ko siyang hinabol.

"Crush mo ako no?" biglang sabi ko na ikinagulat pa niya.

Nginisian niya ako. Tanginang dimples.

"Masyado ka atang gandang ganda sa sarili mo" mapanuyang sabi pa niya kaya naman inismiran ko siya.

"Want to date me?" panghahamon ko sa kanya.

"No thanks" mapanuyang sabi pa niya kaya naman napaadyak ako sa kinatatayuan ko.

"Fuck you ka talaga" inis na sabi ko sa kanya.

Nagtiim bagang siya. Kumalabog ang dibdib ko ng dahan dahan siyang paglapit sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, halos maramdaman ko na ang hininga niya sa aking pisngi. Dinilaan niya ang kanyang labi para basain ito. "Are you seducing me Kenzo?" galit na tanong ko sa kanya.

Muli siyang napangisi ng nakakaloko. "I want to suck your lips. I really want to taste that bad mouth of yours" madiing sabi ni Kenzo.



















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro