Chapter 7
Astrid POV.
Pumalakpak ako nang pagka bongang bongga, syempre kaibigan kuyan heheh. "Para tayong tanga na naghihintay kay tomboy andito lang pala to" Tumawa ako saka tumingin kay Alexa.
"Grabe ang astig niyang mag gitara"
"Natalo niya si Rica sa boses wew ang galing niyang kumanta"
"Sus magaling ngang kumanta pero duh she's still in the last section remember? At diba hindi allowed mag perform ang Section E the loser"
Umarko ang napakaganda kung kilay saka sila tinignan mula ulo hanggang paa. Nameywang ako saka pinanliitan nang mata ang student na nagsasabi nang loser. "Ano kamu ang sabi mo palakang higad?" Kumurap ako saka nilingon si Avigail. Oh no i forgot warfreak pala ang isang to sorry girl you just messed with the wrong person!
"Anong Loser loser na pinagsasabi mo ha impakta ka?" Umirap si Justine saka nag flip nang kanyang imaginary hair. "Well im sorry oh not sorry, did i just hurt your feelings? totoo naman kaseng mga loser kayu" Umirap pa ito saka maartrng nilagay ang buhok sa likod.
"Well" Maarte rin akong gumilid saka pina sway ang curly hair ko saka siya nginitian nang bonggang bongga. "Actually we're not loser because were talented we can make our own decisions unlike you" Turo ko sa babaeng higad mas lumapad pa ang ngiti ko dahil biglang pumanget ang ekspresiyon nang mukha niya. Nice shots
"ay korak ka dyan teh, talented kami like kaya ka naming sabunutan here kahit may bisita" Tinaas niya ang kilay niya saka siya lumingon kay Avi at Maya. "ay frogets wag munang idamay yan baka pati future mo mawala kapag yang dalawa na ang ginalaw mo" Tumawa ako nang hard.
"And you think na makakaya nyu ko excuse me anak ako nang Barangay chairman so back off, kaya kurin kayong ipatalsik dito" Nagkatinginan kami ni Justine at.
"Bwahahahah, so was ako pake sayu frogets hahahah"
"Hahahhah sige lang push mupa para maniwala kami hahhah kaloka"
Hawak hawak ko ang tiyan dahil sakakatawa. "Bat kayu tumatawa?" Sabay kaming lumingon ni bakla kay Shaina lutang na nemen!
"Hahaha see pati kasama niyu hindi makarelate sa mga biro niyo"
"Sino ka naman? Bat ka tumatawa? Nababaliw kana ba? Or baka wala kang utak kase kinain na nang Zombie" Pigil ko ang tawa dahil lakas ba naman maka lutang si Shaina.
Hahahhahahah Shaina girl i like you na talaga!
Natahimik ang babaeng frogets saka ito tumingin saming lima at inirapan saka nagmartsa paalis. "Ay teh muntikan na kaming mapahiya dahil sa kalutangan mo, buti nalang at gumana sa magandang paraan ang kaluntangan mo, tignan mo tiklop ang frogets at nag walk out walk out ang eksina"
"Huh? Eh tinanong kulang naman siya kung bakit siya tumawa eh" Ang cute niya talaga kapag ngumuso, nagkamot siya saka lumingon sa amin ni bakla. "Totoo naman kase na para siyang baliw wala namang nakakatawa sa sinasabi ko ah" Ginulo ko ang bagsak niyang buhok saka siya hinila at kinorner nang aking braso ang kanyang leeg saka ko piningot ang ilong niya.
"Grabe gutom na talaga ako hahay kailan ba tayu makalayas dito" Himas himas ni Avi ang tiyan niya. Napaka takaw talaga. Binatukan siya ni bakla saka hinila palayo samin.
Umiling ako nang umiling saka pinanood ang mga Students na nagpakilala. "Konichiwa I'm Yushiro Hiragi the President from the Elite School." Hindi ko alam kung pinag lihi ba itong lalaking to sa sama nang loob, lagi kaseng naka pokerface eh.
Sumunod naman ang nagpakilala ay si Caila. "Hello Pioneer Im Caila Wright the Vice President of the Elite School the future wife and the member of Hiragi" Ngumiwi ako saka umiling patay na patay ka talaga dyan Caila?. Binigay niya kay Jeremiah ang Mikropono.
"Hello Pioneer I'm Jeremiah Heaton from Elite School my pleasure to study here thanks" Mabait si Jeremiah siya yata yong Ideal type na pumasok sa panlasa ko. Buti nalang at hindi nagpresenta ang kapatid kung panget.
Sunod na nagpakilala sina Vincent at Bryant at saka si Lawrence sa entablado, nagmukha tuloy'ng concert ang Program dahil sa sunod sunod na pagpakilala nang mga bisita.
Tssk wala namang ka especial sa mga yan.
May tumapik sa balikat ko at gulat pa ako dahil kasama not. ALEXA si Alfriston habang ang ganda nang ngiti sa labi. "May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Nakataas ang kilay ko saka binitawan si Shaina na tahimik lang sa isang tabi habang nakatingin sa entablado. "Excuse me?" Pinagkruss ni Alexa ang kanyang braso at lukot na lukot ang mukha habang nakatingin sakin.
"Ay wala hahahah nakalimutan kung tibo ka nga pala" Umarko ang kilay niya saka ngumiwi.
"Sa tingin mo kilala kaya tayu nang mga yan?" Nginuso niya ang limang Student sa taas nang stage.
I shrugged because i don't even know kung kilala rin nila ako. "Who knows" Sabi ko saka lumingon din doon.
"Asan ang Tatlo?" Tanong niya saka hinahanap ang tatlong maingay. Tumingin ako sa likuran ko kung saan sina Maya at Avi pati narin ang bakla kanina pero wala na ito. "Andyan lang sila kanina eh, wait don't tell me?" nanliit talaga ang mata ko saka tinitigan ang area kung saan silang tatlo kanina.
"Oh yeah nasa Canteen ay este Cafeteria na naman ang mga hangal" napapikit ako sa frustration si Avigail na President sa classroom namin at si Maya na Secretary namin ay magkasama, bunos na yong pagsama ni bakla. Susko naman itong si Avi.
"Hindi talaga makapag antay ang bulate sa pagkain, hay naku sino ba ang naglista nang Attendance?" Tanong ko kay Alexa, lumingon siya sakin saka nagtatakang tumitig sakin bago umiling nang umiling. "Akala kuba kayu? Diba si Maya ang Secretary? So siya ang may hawak nun" Pumikit ako saka dumilat naku naku kung sino pa itong mga may mga dapat gawin ay sila pa itong laging tumitira sa Cafeteria Avigail Lavien.
Maehara POV.
Tumakas kami sa line para lumamun gutom na talaga kami at mabuti nalang ay hindi kami napansin na nawala na kami sa likod ni Astrid lol iba pa naman magalit yun dahil magiging wirdo na haha. "Wew Ate Nelia Bente pirasong Isaw si Maya po ang magbabayad thanks"
Talaga naman ouh minalas talaga ako ngayun naisahan ako nang Avi, "Ay teh yan ang diet? Sangkaterbang Isaw hay naku mashuba na ang bakla diet ako ngayun dahil baka hindi mapansin ang bakla nang mha hot fafa na lilipat sa School natin" Nagkatinginan kami saka sabay na nguniwi kay Justine.
Umirap si Avigail saka kumuha nang tray para lagyan nang pagkaing naka display sa harap namin. "Naku hija libre na lahat yan meron din kaming bagong dating na pagkain galing sa Elite School" Nagkatinginan kaming tatlo saka sabay na ngumisi.
"Talaga aling Nelia? Libre?" Matakaw talaga itong si Avi, tumango si Aling Nelia saka inutusan ang mga tauhan niya sa kusina na ilabas iyon.
Ngumiwi ako sa Mga Susshi na ibat iba ang kulay, saka ang takuyaki na nag uusok pa dahil halatang bagong luto. At ang french food naman ang sunod na nilabas hanggang sa ibat iba nang puteha pa na mukhang halatang na influence sa ibang bansa, Dahil puro taga doon ang inihain."So lahat yan libre?" Tanong ko na sinagot naman niya nang tango, "Lahat yan pati nanga ring mga isaw at itong barbique na baboy ay libre na" Napahilot ako sa aking sintido saka nilingon ang dalawa na tahimik na lumalamon na parang limang taong hindi nakalamon.
Napaka takaw talaga!
"Hahah ang sarap nitong fishball niyo aling Nelia" Ngumiwi ako dahil walang kaalam alam si Avi sa kinain niyang Takuyaki.
"Hindi fishball yan Takuyaki yan Avi" sita ko saka kumuha doon.
Tumigil siya sakaka subo bago tumingin sakin na malaki ang mata. "What? Ta-ku-ya-ki?" Tumango ako saka sumubo nang isa.
Mabilis pa sa alas kwarto siyang niluwa lahat nang nginuya niya saka patakbo sa basurahan. "Anong nangyari sa bobita at suka sukahan agad eksina niya?" bulong nang bakla sakin habang pinagmasdan si Avigail na pilit nilalabas lahat nang kinain niya.
Umiling ako saka sumubo ulit, wala naman akong pake sa paligid eh kahit magkwento kapa sakin nang mga nakakadiring kwento hindi ako maapektuhan kase gutom ako bat ba. "Baka may allergy" ngiwi ko
"ay talaga akala ko walang allergy ang bobitang Avigail kase lahat nilalamon"
"Malay mo may malalim siyang dahilan kaya niya sinuka lahat" Balik kung bulong.
Nang makuntento si Avi ay nagtungo siya sa lababo nitong Cafeteria at nag mumug. "Uy teh anyare ba sayu at bigla kang nag super sayan dyan?" Tumawa ako saka kumuha nang Susshi.
"Wala lang hahha, uy wag niyong ipagsabi na kumain ako nang Takuyaki ha" Aniya saka pinunasan ang bibig. "Kahit na sino at kung may magtanong wala kayong sasabihin ok" Umiling ako nang Umiling saka siya nginiwian.
"Bakit ano ba ang drama mp sa takuyaki ha bobita at hindi pwedeng ipagsabi ang pagiging matakaw mo?" Naka krus ang dalawang braso nang bakla habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Mahabang kwento bakla" Ngiwi niya.
"Eh di paiksiin mo"
"Hindi rin pwede kase hindi kompleto kung paiksiin"
"Ay sunga eh di deretsiyo sa Ending may pahaba haba kapang kwento, sabunutan kita dyan eh" Maingay masakit sa Tenga itong dalawang to.
"I knew it nandito na pala kayong mga matatakaw huy Secretary asan na ang Attendance hinahanap nang bulag" Lahat kami napalingon sa boses ni Astrid na parang nakalamon nang megaphone dahil sa tinis na boses, kasama ang dalawa.
"ay andito na pala ang ating Singer of the year Alexa the tomboy palakpakan" Aigaw nang bakla saka pumalakpak.
"Manahimik ka bakla baka ilibing kita nang buhay" Napatawa ako saka iseneyas ang kinakain ko.
"Huy Maya hinahanap ka nang bulag at kami ang laging pinag iinitan nang pagiging menopause niya" Ngumiwi ako saka inilabas ang attendance shit saka binigay sa kay Astrid.
"ikaw na muna magsulat gutom pa ako, total Muse ka naman eh" Binato ko sa kanya iyon na nasalo niya naman.
"Pwede rin tapos hindi kita ililista ano call?"
Anak nang
Ngumuso ako saka lumapit sa kanya para kunin ulit ang Attendance, no way ako ang Secretary dapat ako ang mag desisyon kung sino ang ilista ko joke. "Ako na sino bang nagsabi sayu na ikaw ang mag lista ha?" Hamon ko ngumiwi siya saka binato sakin iyon saka siya lumingon sa dalawang matakaw. "Sige tara iwan natin yang mga matakaw dito wag na wag mong ilista sa Attendance yang mga yan"
Sabay na nagkatinginan ang dalawa saka nanliit naman ang mata ni Avigail na nakatingin kay Astrid "At sinong nagsabi na hindi ako babalik sa line huy tara anong ginagawa niyu balik balik kayu ha" Ay tanga balingbing amp*ta.
Umiling pa siya saka hinila ang bakla palabas pati narin sina Shaina at Alexa. "Tss balingbing ka talaga President" Sigaw ko saka sumunod sa kanila.
"Hindi ko alam kung normal pa ba ang mga Student dito grabe" Si Astrid habang mukhang stress na stress sa mga kalokohan nang president namin.
"Wirdo ba kamu" Sagot ko saka nanguna sa kanya sa paglalakad.
Yes Weekend na bukas..
Nang makaakyat ay ganun nga ang ginawa ko nilista ko lahat nang mga present sa linya nang mga lalaki at babae, hindi man kompleto dahil ang iba ay umeskaso pero at least may ummattend parin sa linya,
Matapos nang program na iyon ay inanunsiyo nang Principal na walang pasok sa hapon dahil may meeting silang mga Teachers kasama ang mga Bisita namin.
At syempre dahil walang pasok ay kanya kanyang gala ang mga Students papatalo ba kaming anim no way. Gumala lang naman kami sa Mall at nanood nang sine, matapos nun ay naglaro pa kami sa game section nag videoke kaming anim na puro naman kalokohan.
Gabi na kaming nakauwi dahil malakas rin ang ulan, matapos naming kumain nang hapunan sa Japanese restaurant. Si Astrid kase ang nagyaya at syempre libre niya iyon.
"Bye Guys kitakits sa lunes" Paalam ko kasama si Avigail.
Kumaway rin ang iba naming kasama saka kami nagkanya kanyang deakarte para makauwi.
"Aruy panigurado bunganga na naman nang Ate mo ang sasalubong sayu Avi" Ngumiwi siya sakin.
"Ano paba ang bago eh lagi namang bida bida ang isang yun" Aniya saka sumalang sa ulan.
Tumawa ako saka sumunod sa kanya. Grabe parang gusto kung maulit muli ang moment natu.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro