Chapter 5
Avigail POV
Nakahiya mang aminin pero ang unfair ni Author yong iba ang haba nang Point of view nila samantalang ako yong bida dito! Joke.
Maaga akong Pumasok ops! Hindi ito himala ha kase itong baklang malandi na walang ibang ginawa kundi ang bwesitin ako kada oras.
Kaya sino ang hindi magising eh mas malala pa pala ito kay Ate kung mambulabog. "Abay Ang aga mo ngayun Avi ah!" Si Kuya Noel iyon ang night shift na guard namin sa School. "Duh kuya Noel ganito talaga ang mga mababait at masipag maagang nagigising" Ngumiwi siya saka parang natatawa pa dahil tila may mali yata sa sagot ko.
"Ang sabi sakin ni Pareng Pancho ay Lagi ka rawng late?" Ay naku apaka shismoso talaga ni kuya panot.
"Ay naku kuya wag kang maniwala dun dahil hindi totoo yun"
"Ay hindi ba? Kase kahapon nakita ko sa folder niya ang pangalan mo, halos napuno nanga yong folder niya eh!"
"Hehehe baka nga gawa gawa niya lang yun Kuya noel mabait talaga ako at masipag hahahah" Naku naku kuyang Panot kaya pala alam nang Tandang Guidance na palagi akong late kase lista lista na pala eksina niya ngayun. "Balita ko ay may darating na bisita ang Pioneer ngayun at kayu daw ang inatasan na mag assist sa mga ito totoo ba?" Ngumuso akp kase hindi ako makalayas para ilagay ang bag ko sa room. "Ayy opo kuya noel meron po yun po ang sabi nang mga kaklase ko"
"Bakit hindi ba't inanunsiyo na iyon nung lunes?"
"Kuya heheh hindi naman kase ako nakakaabot sa Flag Ceremony kada lunes" Ngiwi ko saka pinasadahan ang sarili nang tingin. Natigilan siya saka tumingin at kasunod nun ay ang sunod sunod niyang pag iling. "Hahahah totoo nga ang sinabi ni Pancho na palagi kang late, at himala yata itong hindi ka nahuli at ikaw ang nauna sa ibang Estudyante" Tinaasan ko nang kilay si Kuya Noel ibig sabihin may mas maaga pa sa kagandahan nang isang Avi?
"Ganito ka aga? May pumapasok na?" Tumango siya saka nagsalita " Marami nang Estudyante sa loob dahil mag aaral yata ang mga iyon" bumuga ako nang hangin saka nagpaalam. "Ganun ba sige Kuya Noel aakyat napo ako bababa nalang ako kapag malapit na ang mga bwesita heheh joke!" Tumawa pa si kuya Noel saka siya tumango sakin.
Makadaan nga sa building A sisilipin kulang baka si Yoichio iyong tinutukoy ni kuya Noel!
At ganun nga ang ginawa ko dumaan ako sa Building A saka sumilip doon kung nandun ba ang Long time crush ko heheh! Sumilip ako sa First section at wala naman siya doon kaya naman ngumuso ako saka bumuntong hininga Baka mamaya pa siya darating.
"What are you doing here?"
"Ay palakang malandi" Napatalon sa gulat kong sabi saka lumingon sa likuran ko yay nakita niya kaya akong sumusilip na parang tanga? "Ay hahaha hinahanap k o kase ang Hairpin ko heheh ouh tama lumipad kase papunta sa loob" Susko sana gumana ang palusot ko. Lumingon naman siya doon sa loob saka siya tumingin sakin Grabe ang cute nang bebe ko ackk!
"Hey are you okay? Your face isn't good. It's turning red" Jezz ang init nang mukha ko kaya naman tinabunan ko nang kamay iyon saka mukhang tangang tumalikod saka nagmamadaling Umalis sa harapan niya nakakahiya! "Hey?" wag kang sumunod omg nakakahiya wag mokong sundan please. "Hey Panda Stop" Ano raw? Ako panda?
Tinaasan ko siya nang kilay abay hindi lang pala matalino ang kigwang to bully din pala. "Excuse me I'm not" Abay matindi ang ganda nang pangalan ko tapos tatawagin niya akong Panda. No way! "Sorry i didn't know your name so i called you Panda" Grabe ang cute niya! biglang nag init muli ang mukha ko kaya naman inirapan ko siya saka nagmartsa paalis, mabilis pa kay flash akong bumaba nang hagdan saka tingin sa kanan tingin sa kaliwa at.
"Ahhuhuhu yeah hahahah napansin ako ni Yoichio hahah yohoo" grabe para akong baliw dito sa ilalim nang hagdan saka ulit sumilip sa itaas at muling tumili nang tumili sumasayaw pa akong tumatalon saka nagpaikot ikot na para bang siya ang kapares kung sumayaw.
Grabe hindi ko talaga naisipang sisihin ngayun ang bakla dahil ang ganda nang View nang araw ko.
Nang makontento na ako sa kakatili ay umalis na ako at nagtungo sa aking room na may gandang ngiti hahahah bakla hulog ka talaga nang langit kahit bwesit ka minsan hahah Pasasalamatan ko kaya siya mamaya after naming asikasuhin ang bisita.
Ilang minuto lang at dumating na ang tatlo mukhang nagkataong sabay silang dumating sa Gate. "Goodmorning ay wow ang aga nang Bobitang Avigail mag diwang naba ang bakla?" Umirap ako sa maarteng umikot sa harapan niya para I expose ang bagong bili ni Mama kahapon na hikaw. "Duhh sinong hindi maagang magising aber? Kung bulabugin ba naman ako nang engkantong bakla" humalakhak ang bakla saka pinasadahan ako nang tingin ang bagong bili ni Mama na hikaw.
"Ay teh ang ganda nang hikaw pero ang panget nang nagsout alam mo bagay sakin yan"
"Che mas bagay sakin to kase ako ang may ari, duh" umirap sakin ang bakla saka siya nag flip nang kanyang imaginary hair. "Wala pa si Alexa?" Tanong ni Maya Lumingon ako sa kanya saka tumango. "Himala ata at tayu ang nauna sa Tomboy nayun" Napaka bully talaga nang bakla.
"Anong nangyari?" Sabay kaming tumingin kay Shaina na mukhang lutang na naman. "Wala teh may mga Zombie raw na aatake sa Pioneer at ikaw lang ang makaligtas kase wala ka rawng utak" Ngumuso si Shaina saka kamot kamot sa ulong Lumingon sa Pinto. "Talaga bakla may Zombie na parating? Hala saan tayu magtatago?"
Ay Tanga!
"Heller Shaina Ano ba ang joke sa tradition niyu at lagi kang lutang?"
"Ay teh wag nang Magtanong at teka teka himala ata at wala kang Make up sa mukha anong nangyari? Nagbago bigla ang mundo?" sabay kaming tumingin kay Astrid at totoo ngang walang kolorete ang kanyang mukha. "Ay bakla nagka amnesia kaagad? Baka binulabog mo akp kagabi na walang Make up muna kase may bisita like Ugh dapat nga nag make up akp kase may bisita tayu" Ngumiwi akp saka nilingon si Maya na tahimik.
"Huy Maya baka pwedeng magsalita" Sarkasmo kung sabi rito. Inosente siyang lumingon saka tumingin sa gawi naming Tatlo. Ay lutang narin ang Maya?
"Ah ano kase hindi ako makarelate heheh"
"Ay kailan kapa makarelate eh wala ka namang pake sa mundo"
"Ang sama mo bakla mabulunan ka sana sa pagiging maingay mo"
"Ay teh ako pa ang Maingay nahiya naman ang Bunganga nang Bobitang Avigail sayu" Pinag kruss kp ang aking braso saka tinaasan nang kilay ang bakla. "Bat nasali ako dyan bakla?" Bumungisngis si Shaina saka siya parang tanga na nakatingin samin.
"Ah so ako talaga ang maingay ganun? So ano to kampi kampihan na ang eksina natin porket magkalapit kayu nang bahay ganun?" nginisihan siya ni Maya saka pa inasar lalo. "Ouh Bakla kase kaibigan kp siya simula dugyot payang si Avigail"
"Huy ang Sama mo Maya hindi kaya ako ang dugyutin noon duhh aminado akong ikaw ang dugyutin satin" Umirap ako saka pinaglaruan ang tip nang buhok ko.
"Hmmm"
"Si Dora kaya sino ang nagpaligo sa kanya noon?" sabay kaming napalingon kay Shaina na inosenteng nakatingin samin. Umawang pa ang labi niya nang mapansing lahat kami ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya Seriously Si Dora talaga? "Wuy bakit kayu ganyan makatingin sakin?" Ngumuso siya saka pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"Ay susko teh saan naba nakaabot ang utak mo?" gusto ko talagang humalakhak nang hard Biruin mo si Dora talaga? "si boots ang nag alaga kay Dora noon Shai" Tawa tawang sagot ni Astrid saka umupo sa kanyang upuan. Kumislap naman ang mata ni Shaina saka ngumiti nang pagkalaki "Talaga? Ang galing naman, sana ipakita rin nila kung paano ni boots inalagaan si Dora" Ngumiwi si Astrid saka humalakhak nang todo.
"Naku Shaina wag kang maniwala jan sa tatlo pinagloloko kalang nila, ang totoong nag alaga kay Dora ay si Swiper" Lahat kami ay napalingon kay Maya at.
"Bwahahahahahahah"
"Bwahahahhahahhahah kaloka ang Maya"
"Huy hahahhah teka wait bwahahah Maya ang galing mo sobra" Kaloka tong kaibigan ko Isa din pala tong siraulo. "Hala bakit kayu tumatawa?" halos mabilaukan na ang bakla sa kakatawa dahil napaka epic ba naman nang dalawa. Adik sa Cartoons si Maya sila dalawa ni Ryco ang laging tandem doon at hindi ko alam na adik din pala sa dora si Shaina.
"Hahah baby ka panga talaga Shaina what an innocent baby" Tumatawang ani ni Astrid saka inayos ang buhok niya. "Ay hahah grabe ka teh dapat ang ka tandem mo si Maya kase isang Walang pake at lutang magkasama" Napunp nang tawa ang classroom namin. "Tss manahimik ka bakla nag iisip ako" Ngumisi si Astrid saka tawa tawang tumayo saka namewang na pinanood ang dalawa.
"Hindi matatahimik ang bunganga ko Maya kase maingay na ika ako kamu diba?" napailing ako sa kanila like seriously ako ang bida pero parang design lang ako joke!
"Tss ang sabihin mo nangangati yang dila mo kapag hindi kabmag ingay" umirap si Justine saka ito tumayo at lumapit kay Maya na may ngisi sa labi.
Umiling ako saka pinanood silang dalawa. Kung hindi lang siguro to bakla si Justine isipin kuna talagang magjowa sila kaso waley sereyna ang bakla. Ano nga ba ang sabihin ko kay bakla?
Nagsimula na akong mag isip kung ano iyon, nakalimutan ko kase dahil sa ingay nila char kala mo tahimik. Iniisip ko talaga kung ano iyon dahil nakalimutan ko talaga promise heheh paalala nyu kaya.
Astrid POV.
Tawa tawa akong pinanood si Maya at Justine na inaasar nang bakla. Tumingin ako sa upuan ni Alexa pero she's still hasn't here. Im so worried na kaya. Huminga ako nang malalim saka nilingon si Avigail dahil bigla itong natahimik sa isang tabi. This day is really that weird. Ang lalim nang iniisip ni Avi kaya naman nilabas ko nalang ang make up kit ko saka nagsimulang mag ayos like duh may visitors kami and especially galing sa Elite School pa. Ayokong mag mukhang dugyutin nuh!
I was in the middle of putting my Make up when My Classmate interrupt our moment. "Classmates tara naraw sa baba at paparating na ang mga bisita" Kumunot ang noo ko saka nagmamadaling tinapos ang aking ginagawa. Ugh wrong timing pa talaga.
Lumingon ako sa upuan ni Alexa pero wala padin ang tomboy, mukhang nakalimutan niya ang sinabi ni Ms Dilague nung lunes na Attendance is a must. "Teka naman Wala pa si Alexa" hirit ni Maya saka ininguso ang upuan ni Alexa na empty. "Baka kinain na si Alexa nang Zombie Maya, Justine" Parang naiiyak na dagdag ni Shaina.
"Ay teh biro yun? Naku halika at masampal kita naku naku bata ka bawas bawasan mo ang pagiging lutang ha baka imbes ang bisita ang i welcome mo baka pusa at aso ang pinapasok mo" Grabe talaga ang bunganga ni Bakla walang preno. "Guys hindi sinasagot ni Alexa ang tawag ko" lahat kami Lumingon sa kay Avigail.
"Sure ka teh? O baka wala kana namang Load?" Pekeng ngumiti si Avigail saka nag peace sign. "Hahah ouh nga pala bakla wala pala akong load hahaha" Ay susmeyo Mga wirdo talaga ang mga kasama ko. "Hay naku pinairal na naman nang bobitang Avigail ang pagiging hampaslupa niya" Humalakhak si Avigail sa kay Justine.
"Sorry na bakla gipit ako ngayun eh hahahah para sa mga Collection nang Anime lang ang meron ako" Ay kaya naman pala nakalimutan ko na adik na adik itong si Avigail sa Anime. Kaya niya nagustuhan yong Hapon doon sa Building A First Section kase nga Mahilih siya sa Anime kaya ayun ang taas nang pangarap nang bruha. "Eh kung isupalpal ko kaya sayu yang mga Anime collection mo para matahimik nayang kaluluwa mo, naku mahilig magbasa pero laging bagsak sa klase ay naku wag ako Bobita" Natawa ako sa kanila ang ingay talaga nang dalawa kapag nagkasama.
"Sige subukan mo bakla at susunugin ko mga collection mo kay Sehun akala mo ha" Nanlaki ang mata ni Justine saka ito nameywang kay Avi. "Subukan mo talaga Bakla ka at matitikman mo ang bagsik nang paghihiganti nang isang Bakla" hay naku ang lapit lapit lang nila pero heto at nagsisigawan pa.
"Ang ingay niyu tara na sa baba nakakahiya naman kung ang bisita pa ang maghintay satin diba?" Umirap Si Avi at Justine sa isat isa. Napailing ako rito Maingay mahangin well natural nayan samim kung ganito ba naman kami kaganda abay sinong hindi mapapasipol. " ay excited Maya excited?"
" Tss hindi bakla nangigil nga akp kase bababa na naman tayu"
"Eh di umakyat ka very easy shunga"
"Ah so ako. SHUNGA anong tawag sayu?" Napapikit ako saka nameywang sa kanila. "Pwede naba tayong umalis? Kase tayu nalang ang nandito oh" turo ko saming apat "Kayu pa naman ang importante kase class officer kayu" Grabe isang secretary na tamad at President rin na maingay.
"Sino ba ang dadating bakit wala na ang iba?" Naku naku sabi na eh absent minded na naman si Shaina Malamang sa malamang iniisip nito kung sino ang nag alaga kay Dora nung baby pa kaloka!
"Wala teh maiwan karaw dito para marked absent ka ni Bulag"
"Ang sama mo Justine" Hindi ko alam kung fetus pa ba ang utak ni Shaina like seriously lutang siya whole day kaya laging zero sa quizzes eh. "Tama nayan tara na sa baba baka andun na si Alexa" Agap ko saka nangunang rumampa palabas. "Huy Make up girl yong palda mo may Foundation pa" Sita ni Bakla kaya naman nilingon ko iyon at pinagpag. "Thanks but no thanks bakla" Maarte kung sabi saka inilagay ang buhok kung naka curly pa saking likod.
"Taray pinaghandaan talaga nang gaga ang araw natu" Bulong niya pero naka volume ten ang boses "Tss inggit ka, kase wala kang ganyan ka gandang buhok" ouch savage hahah ho Maya girl. Humalakhak si Avigail nang hard "hayaan muna Maya mahirap kayang itago ang true color ni bakla kaya hirap magpahaba nang hair"
Tams!
"Che itchuserang froggy to" tawa tawa akong naglalakad pababa kami lang talaga ang laging maingay kapag bumababa. Ang iba kase tahimik lang na para bang may patay na sinusundan.
Busy parin sa kadada sina Avi at Justine hanggang sa dumating kami sa bababa at saktong sakto naman na dumating ang sunod sunod na Kulay itim na kotse. Ayan na sila. Halatang Elite School ang may ari dahil sa nakaukit na silyo sa harap nang plate number nang kotse na kulay Silver.
Tumigil ito sa harap nang gate kaya naman gumilid kami saka yumuko ganito kase ang kinaugalian nang mga Elite School lalong lalo na kapag dumaan ang Top ten students sa School na iyon. Nilingon ko ang mga kasama konat palihim na siniko dahil nakatunganga lang naman ang dalawa samantala si Avigail naman ay atat na atat nang makita ang nasa loob. "Ms President baka pwedeng yumuko" Bulong ko kaya naman nakaawang ang labi niyang nilingon ang Students na mukhang tinuruan na nang mga advicer nila. Palibhasa ay wala si Mrs Johnson kase naka on leave pa.
"Yuyuko like hari at reyna?" Tumango ako saka ulit yumuko. Nakahinga ako nang maluwang nang sumunod si Avi sakin. Kaya naman nakita ko sa gilid nang mata ko ang mga sapatos na papalapit sa gawi namin.
Kilala ko ang may ari nun dahil mahilig talaga sa Italian collections ito. Tumigil ito sa harapan namin kaya naman nag angat ako nang tingin.
At ganun nalang ang gulat ko nang saakin siya nakatingin. "Long time no see" umawang ang labi ko sa kanya, Si Mr Taylor ang batang Dean nang Elite School. Nasa mga mid twenties pa siya dahil halata naman iyon.
Close ba kami?
Gusto ko siyang tangin pero nangunguna ang kakaibang kabog nang dibdib ko. Rinig kuring nagsipang singhapan ang mga students nang Building A, B, C and D nag iwas ako nang tingin at aksidente iyong dumako kay Avi na kunot na kunot ang noo na nakatingin sa Limang Exchange student, Sina Yushiro Hiragi ang isa sa pinaka matalino sa Elite School siya ang Top one doon.
Si Caila Wright ang nasa ikatlong Pwesto, si Bryant Habberley ang ikaapat, Si Vincent Baker ang ikalima at ang isa ay Si Jeremiah Heaton na nasa Ikalawang Pwesto sa Top ten student sa Elite School.
Masama at matalim ang pinukol ni Avi kay Yushiro na Wala ring mababahid na Emotions sa mukha. Takot ang lahat sa kanya lalo na ako duhh, hirap landiin ang lalaking yan dahil kailangan mupang makipag debate para lang kausapin ka.
Ano kayang meron sa kanila?
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro