Chapter 4
Alexa POV.
Maaga akong nagising saka ako nagtungo sa c,r upang mag ayos. Amuy na amuy kuna ang aroma na halatang gawa "Goodmorning self" bati ko sa aking sarili saka bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti sa harap nang salamin.
Ang alam nag lahat ay Tomboy ako pero ang totoo babae ako straight ako. Si mama lang talaga ang may gusto na magbihis panlalaki ako dahil matagal na niyang pinangarap na magkaroon nang anak na lalaki. Pero iba ang iniluwa niya noon at ako iyon, ang babaeng walang talento sa mata nang Ina ko. "Alexa your breakfast is ready" Bumuntong muli ako saka nagsimula nang gawin ang dapat gawin bago magtungo sa Skwelahan.
Ang skwelahan na ginawa kung tahanan upang takasan ang mundong aking ginagalawan. Mahilig ako sa musika yun yata ang talenting meron ako simula bata palang ako. Hiwalay sina Mama at Papa dahil nga sa hindi nila pagkakasundo sa isat isa. Nakakainggit si Avigail dahil may kompleto siyang pamilya!
Hindi rin ako nagtagalnay nagbihis na ako nang aming uniform Longsleeve iyon na pinatungan nang kulay Gray na Coat nang aming skwelahan na pinarisan nang hanggang tuhod na palda, Kapares ang Mahabang stocking na matatabunan naman ang tuhod ko, kinuha ko ang aking Bonnet na kulay brown saka ko nalang iyong sinuot.
Si Mama ang bumili nun para sakin dahil gustong gusto niya raw akong makita na sout iyon. Kinuha ko ang headphone ko saka iyon sinablay sa aking leeg. "Goodmorning Alex" Mukhang maganda ang gising niya ngayun dahil niya ako sininghalan nang lagi niyang ginagawa araw araw.
"Morning" Ni minsan ay hindi ko siya tinawag na Mama dahil hindi ko yata kayang tawagin siya habang akonay napipilitan lamang sa gusto niya. "Sa School na ako kakain" Pagdadahilan ko dahil ayaw ko siyang makasama sa agahang ito.
Tumaas ang kaliwang kilay niya saka ito biglang nagdilim ang mukha niya habang nakatingin sakin. Kaya yumuko saka palihim na bumuga nang hangin. "How's your Study? Did get a high score yesterday for thw recitation?" Lahat nang galaw ko alam ni Mama kaya hindi na ako magugulat na tanungin niya ang score ko sa Recitation namin sa Science kahapon.
Napipilitan akong lumingon sa gawi niya saka pilit ang ngiting sumagot." i got 25% yesterday unlike to the other group"Bumuntong hininga ulit ako. That's her hindi ka pwedeng magtagalog sa kanya dahil sangkaterba na naman ang mga salitang lalabas sa bunganga niya.
" Still lower 25% isn't enough for you to come back at Elite School" here we go again "You need to get a high Score and grades Alex, so you can enter the Elite School again" Nakakalungkot dahil mas concern pa siya sa Elite school kesa sa narardaman ko. Tumango na lamang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. "Remember you need to be a successful someday, because if you don't my hard work will go for nothing and you don't like to see your Mother suffering right? Because of my Daughters failure" Nangilid ang mga luha sa aking mata at mahigpit ang kapit sa kubyertos na hawak ko.
Ganun ba ang tingin mo sakin Ma?
Sa kaloob looban ko ay umiiyak, nasasaktan ako. Nasasaktan ako at dahil iyon sa mismong kadugo ko. "I had to go Bye" Pagdadahilan ko upang hindi na siya makasama sakin.
Mas gustuhin ko nalang na manatili sa lugar kung saan walang batas na kailangan mong sundan. Batas na kahit kailan ay ayaw munang balikan, ang batas nang aking ina na kahit kailan ay hindi ko maintindihan kung ano ang rason niya at kung bakit hindi niya ako matanggap tanggap bilang anak na babae.
Kusang tumulo ang luha ko na kanina kupa pinipigilang maging emotional sa harap nang Ina ko. "Psh hindi umiiyak ang isang Alexa" Para akong baliw na kinukunsinti ang sarili.
Dati akong Student nang Elite School mayaman sa lahat nang bagay ang eskwelahan na iyon. Syempre may payaman at patalinuhan, lahat yata nang estudyante doon ay matalino. Actually hindi naman sa wala akong alam sa lahat nang bagay, ang totoo ay kaya ako napatalsik dahil rin sa kahibangan ko. I ditch my classes and go with my friends no i mean Fake friends. Kung saan sila ay sinasama nila ako until one day, nahuli silang Naninigarilyo at sakto naman nang araw na iyon na may dala akong plastic bags dahil kakabili kulang nun sa convinience store.
Hindi ko alam na doon pala nilagay nina Stacey at Celeste ang Sigarilyo nila kayat ako ang napagbintangan na ako ang may gusto na magyosi sila. Pinalabas rin nila na kapag hindi sila sasama sakin ay irereport kuraw sila sa pagdala nila nang telepono sa classroom na hindi ko naman alam.
Psh magaling kase sa drama amg mga letcheng yun.
Sa sobrang lalim nang pag iisip konay hindi kuman lang namalayan na nakarating na pala ako sa Pioneer School. "Morning Alexa" Bati sakin ni Alfriston David isa sa mga kaklase ko na mahilig sa musika.
"Morning" Magaling rin siya pero gaya ko ay mas gustuhin niya nalang na manatili sa School natu kesa sa pagurin ang utak para lang malamangan ang Top ten Student sa Elite School. Ang Top ten student kase ay ito ang tinitingala nang Lahat, iniidolo nang student ang pagiging matalino nila. Kaya lahat nang Students dun ay walang ibang ginawa kundi ang mag aral nang mag aral para matalo ang Sampung Student doon.
Para rin kase yang Pioneer, kase sa School na ito ay meron rin silang tinatawag na Top fifty. Sila rin yong nga matalino sa boung school, mostly kase ang laging pasok dun ay ang taga building A, B, C and D. Kaming taga Building E or Section E ay walang lugar doon.
"Papunta ako sa Music room mamaya gusto mong sumama?" Ngumiti ako sa kanya saka umiling.
"Hindi na Kailangan ko kaseng mag aral para makabalik ako sa Elite School"
"Bakit iiwan muba ang mga Kaibigan mo dito?" Yumuko ako para hindi niya makita ang lungkot sa aking mga mata. "Hindi rin naman kase kapag nakita nila akong nag aaral ay gumagaya rin naman sila" humahangang tumingin siya sakin kaya naman ay agad akong nag iwas nang tingin.
Mas gusto ko nalang na manatili sa lugar na ito kesa sa bumalik sa dati kung pinanggalingan.
"Ang cool mo naman Alexa di ka talaga nababagay rito kase bukod sa magaling ka sa pagkanta ay meron karin palang tinatagong talino" Ngumiwi ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Tinapik niya ang balikat ko dahilan upang mapatalon ako nang walansa oras"Sorry heheh ginulat ata kita kung gusto mong tumugtug nang guitara ay pumunta kalang doon, nandun si Rica kaya walang problema" tumango ako sa kanya at siya naman ay umiba nang daan. Paniguradong dadaanin niya si Jessa ang kanyang nililigawan sa Building C.
Pagkarating ko sa Room ay naabutan ko doon si Ms Vice president Kausap si Christian ang manliligaw niya, kaya siya tinatawag na malanding Nerdy dahil nahuhuli lang naman siya minsan ni Class President Avigail noon sa C,r nang mga lalaki. Knowing Avigail gumagawa nankaagad yun nang sariling imahinasyon sa utak.
"Morning Alexa" Iba talaga ang ugali niya kapag wala pa ang iba kung kaklase, mukha siyang malanding higad. "Morning Maica" Bati ko pabalik saka umupo sa aking upuan.
Justine POV.
On the way na ang magandang bakla dahil hinatid lang naman ako nang aking Paparatsi na ang sama nang mood today, eh pano kase itong si Mamaratsi ang tagal magbihis eh pupunta lang naman sila sa Shop dahil bisitahin raw nila ang kita doon. "Mom, dad bukas po may Exchange Student na darating sa School namin" duh utos yan nang mga magulang ko na ipaalam sa kanila ang mga nangyari sa loob nang Pioneer na hindi ko naman ikaganda.
"Kung ganun ay pipili Ang Principal niyo nang ipapalit sa Elite ganun ba?"
"Yes Dad"
"Eh ikaw? Pasok kaba?"Bumuntong hininga ang bakla dahil kailangan kung I refresh ang utak baka masabunot ko nang wala sa oras itong kapatid kung hangal sa aking tabi."No dad Kase sa Building A, B, C and D lang po ang allowed" tumatango si Daddy kaya naman inirapan ko nang palihim si Joana ang pandak kung kapatid na kinulang sa high dahil tamad mag practice lumakad nung baby pa.
"Ikaw Joana? Pasok ka parim ba sa Top Fifty?" ay mga teh nanadya ang Paparatsi pinaparinig sa baklang boba.
Ngumiti nang pagkalaki ang panget kung kapatid sa aking Ama bago sumagot "Yes Dad I'm still on my rank 30" duhh hindi interesado ang bakla sa mga Rank rank nayan dahil ang importante ay nakapag aral ako. Pareho lang yong pinagaralan namin kaya chupe sila sakin. "That's Good to hear Joana at least Pasok ka parin sa Top fifty unlike to your kuya Justine" Sumulyap pa ang aking ama sa gawi ko kaya naman pasiring kung inalis ang aking paningin sa kanya at itinoun na lamang sa labas.
Nanatiling tahimik ang mga tao sa loob nang sasakyan hanggang sa ibinaba ni Paparatsi kami nang panget kung kapatid. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas saka nagmamadaling naglakad duh ayaw kong sumabay sa panget kung kapatid. "Kuya wait hintayin moko" Che kuyahin mo ang mukha mo.
Inirapan kp siya saka ako nagmartsa papasok. "Good morning kuya Panot" Bati ko sa Kay kuyang Guard. "Andito na ang Bakla" Kumaway naman ito sakin saka tinignan ang Maganda kung mukha. Che! "Dumaan naba ang Lutangers na si Shaina Kuya Panot?" Si avi ang nagbansag sa kay kuya Pancho dahil sa ulo nito na kinulang ata nang tubo ang buhok sa gitna.
"Oh nakita kunga muntik pang madapa ang batang yun kanina, ang lalim kase nang iniisip eh"
"Ay Malamang lutang na naman ang isang yun, eh si Avigail po ba?" malay nyu nagkaroon nang himala at napaaga ang bobitang yun.
Kamot kamot sa ulo si Kuyang Guard saka umiling nang umiling, ay gets na nang bakla waley padin ang bobitang Avi. Malamanh sa malamang tulog tipaklong pa ang gaga" Lagi namang late ang isang yun napaaga nga ang kasama niya eh"Ay naghimala napaaga ang Maya! "Si Maya po ba yong laging walang pake sa lipunan?" Tumango naman si kuyang Guard kaya naman inirapan ko siya at rumampa paakyat nang School.
Mataas kase ang area nang Pioneer kase kailangan mupang rumampansa pagkataas taas na hagdan bago mp ma reach ang Distinasiyon.
Pagkarating nang bakla ay naabutan kuna doon ang mga kaklase kung mga Panget charr "Goodmorning mga hangal andito na ang Baklang maganda sa balat nang lupa" nag bow pa ako saka rumampa sa harap nang mga boys na mukhang shunga dahil feeling gangsta sa sout nilang scarp sa ulo. Nagmukha silang mang kepweng na sinapian nang kabobohan.
"Wew Feeling ang bakla sumbong kita sa Papa mo hahahah baka iyak iyak ka sa tabi"
"Hahahah baka magiging lalaki ka bigla kapag nahuli ka bwahahah"
"Wampipti bakla tara sa C,r wag kang mag alala secret lang natin to"
Ang mga shunga kung kaklase na feeling gwapo eh mukha namang tubol. "FYFYI Mga bobos Hindi ako pumapatol sa mga Dugyuting katulad niyo, at kung Wampipti lang alam nyu duh donate k o sa inyu ang 200 pesos ko duh baka isampal ko sa inyu limang daan kong baon" Duhh anong akala nila sa bakla hampaslupa? Duhh kung meron mang hampaslupa dito ay si Bobitang Avigail iyon.
"Ito naman dina mabiro joke yun bakla joke yun" Umirap ako saka sila tinalikuran at nagrampa papunta sa gawi nang tomboy at lutang na Shaina.
"Heller tomboy Goodmorning, heller lutang Goodmorning" Kailangan kupang kumaway sa harapan ni Shaina dahil paniguradong wala na naman sa mundo ang utak nang babaeng ito.
"Morning" Si Shaina lang ang sumagot kaya naman pinagkruss ko ang aking braso habang pinagmasdan si Alexa na mukhang tulala, Nahawa na yata kay Shaina itong tomboy natu! Umirap ako saka umupo sa gitna nila.
"Yohoo andito na ang maganda" Sumipol ang mga kalalakihan dahil duh make up girl is layp ang Astrid nyu. "Teh hindi karaw maganda kase ako raw ang maganda rito" Rumampa ang Astrid saka umikot ikot sa harapan saka nagpapacute sa mga shunga kung kaklase. "Duhh Bakla inggit kalang kase maganda ako"
"Ay teh sige lakasan mupa ang hangin sa loob nang classroom baka liparin ang utak ni Shaina niyan" Tumatawang lumapit si Astrid samin saka tinapik ang mga balikat nang dalawa. "Tumawag sakin si Avigail baka raw malelate daw siya ngayun" Ay sus ko hindi na ako magugulat lagi namang late ang isang yun.
"Ay teh hindi na bago yan hindi na kailangang sabihin dahil lagi namang number one na late ang bobitang yun" tumawa naman ang gaga saka lumingon sa upuan ni Maya.
"Akala kuba nandito na si Maya bakit wala siya rito?"
"Ay teh andyan na siya, ayan oh invisible Maya"
Nanlaki naman ang mata nang gaga mukhang naniwala pa sa mga sinasabi ko. "Omygosh naging multo na si Maya omg omg!" Sinapak ko kaagad siya kase ang tinis nang boses nang gaga. "Teh biro yun biro pero grabe kang mag react" Sapo sapo niya ang ulo saka ngumuso na umupo sa kanyang upuan.
Naging tahimik kami hanggang sa narinig na namin ang boses nang bobitang si Avigail. "Lalala🎶 lalala🎶" ay iba, nakalimutan kung ipaalam sa inyu na late pala ang Dilague dahil meron atang meeting ang mga teacher para sa bisita namin bukas. "Hello Classmates Goodmorning" at kasiyahan lagi nang late ay ang mas na late kunti ang Teacher. "Ay hahha bonga maaga ako ngayun" Ngumiwi kami saka siya inirapan.
"Teh baka late lang ang Dilague ngayun kaya ka nauna sa kanya" Ngumiwi siya saka nagpunta sa kaniyang upuan, magkatabi sila ni Maya. "Wala pa si Maya?" ay hindi ba halata? Kaloka tong mga kaibigan ko sarap pagsampalin nang hard ba
"Wala kase ang sabi ni Maica ay nandun raw sa meeting si Maya. Lahat raw nang class secretary ay pinasama" At sa wakas nagsalita ang tomboy samin. Abay ano ito prank? At kailan pa naging prankster itong tomboy natu?
"Ay tomboy andyan ka pala? Akala ko hangin kalang eh"
"Psh gusto kulang nang katahimikan saglit"
"Tahimik ba kamu gusto mo? Tara sa Sementeryo teh tahimik dun" inirapan ako nang tomboy saka siya kumuha nang libro ay doon ginugod ang oras.
Hinayaan na namin siya at kami naman ay nagdaldalan kaming apat. Hanggang sa dumating si Ms Dilague kasama ang Maya na mukhang timang dahil sa buhok niyang parang bahay nang ibon. Dahil halatang hindi sinuklayan nang Bruha.
Tahimik kaming lahat nang magsimula nang mag umpisa si Ms Dilague sa pagtuturo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro