Chapter 14
Alexa POV
Napabuntong hininga ako dahil sa kaharap ko ngayon.
Celeste and stacey?
Paano nila nalaman na andito ako sa pioneer? At paano nila nalaman? Paano sila nakapasok?
"Surprise" Bungad nilang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan silang dalawa na maganda ang ngisi na nakatingin sa akin.
"What are you guys doing here? Paano kayo nakapasok sa School natu?" Inis at gulat ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng makita nila mga kaibigan ko sila nalamg ang meron ako at ayoko na pati sila magbago ang paningin sa akin dahil lang sa kasinungalingan ng dalawang ito.
Pero iniiwasan mo sila Alex
Napabuntong hininga ako at tamad na tinitigan ang dalawa na parang diring diri sa estado ko ngayon. "You know what Stacey it's kinda bored naman kase kung wala yong friend natin right?" Si Celeste iyon na maarteng nakatingin sa akin.
"Yeah right that's why were here to visit Alex kase naman hindi mo na kami nirereplayan sa mga message namin for you, come on alex move on na naka move on na kami sa ginawa mo" Sagot ni Stacey na nagpakuyom ng kamao ko. Sila sila ang dahilan kung bakit mas lalo akong nahirapan ngayon dahil sa kanila mas lalong naging komplikado ang relasyon namin ni mommy.
"And you think you guys deserve that?" Naiinis kong sagot na mas lalong ikinatawa ng dalawa.
"Oh come on Alex hindi namin kasalanan yun. That was your fault anyway dahil ang tanga tanga mo" kinagat ko ang ibabang labi ko pinipigilan na mahampas sila dahil ayokong maulit na naman ang kalokohan ng mga to "and besides were friend after all diba stacey"
Ngumisi rin si Stacey at maarteng tumango kay Celeste "umalis na kayo dito ngayon din bago pa ako magpatawag ng guard at ipakaladkad kayong dalawa" galit kung tugon sa kanila ngunit isang malakas na tawa lamang ang isinagot ng dalawa sa akin.
"Alex have you forgotten that we still have your video" napatigil ako at mas lalong kumuyom ang kamao yeah right habang binubully ko ang nerd sa Elite school they're secretly filming me huh!
"Anong gagawin nyo ipagkalat niyo just like what you did last time? Baka nakalimutan niyo that was part of your scheme kase nagagalit kayo kay Shaira dahil outcast siya? She was my first friend Stacey, Celeste but what you guys did?" Sigaw ko sa kanila pero parang wala lang sa kanilang dalawa. "You two lied about everything you guys lied na si Shaira ang naglagay ng pintura sa upuan ko, gusto niyo isa--"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa ingay ni Justine papalapit sa gawi ko nakalimutan ko na dito din pala sila minsan dumadaan sa U shape building. "Ay teh anyare ba sa tomboy at hirap mahanap"
"Teka wait diba si Alexa yun?" Pumihit ako dahil sa boses ni Maya na patakbong papalapit sa gawi namin.
Nilingon ko ang dalawa at ganun nalang ngisi ng mga labi nila."Oh a new circle of friends huh" pinandilatan ko silang dalawa at mas lalong lumawak ang ngisi. "You know what this is what i want alexa to ruin your friendship what do you think? Sa timgin mo hahayaan ka namin na maging masaya hell no right stacey?"
Kinakabaham akong tinulak silang dalawa at lumapit sa papalapit na si Maya at kasama pa ang iba kong kaibigan."Maya anong ginagawa niyo rito?" Agad kong tanong at hindi na pinansin ang dalawa.
"Hindi ka kase nagparamdam sa amin ng ilang araw kaya nag alala na kami sayo" agad akong nakaramdam ng guilt dahil totoong iniiwasan ko sila dahil ilang araw na si mommy nakabantay sakin ng palihim hindi nya kase alam na may mga kaibigan ako dito.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ng iba ko pang kaibigan dahil siguro sa bagong unfamiliar na mukha. Lumapit si Justine at bumulong sakin "Teh sino yang mga impakta na yan mukhang chaka eh" tipid ko naman na nilingunan sina Stacey na papalapit habang nakaguhit padin ang ngisi ng labi.
"Wag mo nang pansinin yan bakla dahil hindi ko din sila kilala" pagdadahilan ko
"Ginugulo ka ba ng mga to Lex? Gusto mo upakan ko na dahil stress ako ngayon" si Avi na mukhang may masamang nangyari sa kanyang araw ngayon.
"Excuse me" Si Celeste iyon na tinarayan nila Astrid at Avi.
That's my real friend bitch
"At sino ka naman?" Si Avi
"I'm Celeste and this is Staceyy my bff" si Celeste na animoy may balak na naman.
"So anong pake ko" si Avi iyon na ikinatuwa ko dahil kahit papano ay ipinagtanggol ako sa mga impaktang to.
Pansin ko rin na nangunot ang noo ni Astrid simula pagkarating niya "Wait lang you guys don't belong here right?" Agad na sabat ni Astrid ngunit ngiti lang ang isinagot mg mga ito." Base on your uniform you guys are not from this School am i right?"
Pumalakpak ang bakla na nakatingin kay Astrid mukhang proud na proud pa kaya naman tipid akong ngumiti "Taray ng Astrid may pa English teh ferfect"
"Shungak Perfect yun hindi Ferfect" batok sa kanya ni Maya.
"So! your right girl were not from this school were from Elite School" Umikot pa si Celeste at pina expose ang uniform nila na kulay Red ang coat na ang loob ay white long sleev na may nect tie na black " and kaibigan kami ni Alexa right Alexa?" Pumikit ako sa inis at masama ang tingin na nilingon sina Stacey na sobrang nakaka asar ang ngiti.
"Hindi ko kayo kilala" tipid kong sagot at lumapit sa kanila "please leave me alone don't you dare to lay your filty hands on my friend or else--"
"Or else what Alexa gagawin mo rin yong ginawa mo kay Shaira sa amin?" Matapang na tanong ni Stacey habang nandon padin ang ngisi sa kanyang mga labi.
"Huy Anabelle or kung sino kamang chucky ka wag na wag mong pinapainit ulo ko sayo dahil baka masapak kita" Sigaw ni Avi at hinila ako pagawi sa kanila "at isa pa hindi ka namin kilala bumalik kana sa school niyong bulok give us alone"
"Huy teh kahiya ka okay na sana mali pa pagkasabe mo eh" Si justine na binatukan si Avi " Ako nanga mag Ingles" humarap si justine at nag flip ng imaginary hair niya. "Huy mga chacka you don't belong here everywhere whatever get out of my house" sigaw ni Justine na ikinangiwi ko
"Ouh nga mga anak kayo ni Ursula mga witch" si Shaina iyon kaya naman ngumiti ako rito God you know how much I cheris this kind of friendship i have.
Pero ka pansin pansin din ang pananahimik ni Astrid habang kunot ang noo na nakatingin kina Stacey at Celeste.
"Tara lezgo guys natatapunan na ako ng bacteria dito" awat ni Avi habang nakatingin sa dalawa. Ramdam ko din ang paghila ni Justine sakin kaya naman nagpatianod na lamang ako. Napansin kong nagpaiwan si Astrid kaya naman kinabaham ako ngunit hindi ako makalingon dahil malakas ang pagkahila ni Justine sakin.
Wag naman sanang sabihin nina Celeste na galing akong Elite School
Astrid POV.
I have a bad feeling na may ginawa na naman itong dalawang impakta na ito kay Alexa And yes i know from the beginning na galing si Alexa sa Elite School and yeah kalat doon ang pambubully ni Alexa sa Pinsan ko na Si shaira ang hindi ko lang maintindihan kung bakit dahil according to my observation Alexa is not that kind of person na mambubully yes matagal ko nang minamanmanan si Alexa gusto ko din itanong sa kanya kong bakit niya binubully si Shaira pero wala pa akong lakas ng loob na tanungin siya.
Kaibigan ang turing namin sa isa't isa kaya naman malakas ang loob ko na may kinalaman talaga tong dalawa na ito. "So you guys keep bothering her am i right?" Tukoy ko kay Alexa dahil nararamdaman ko iyon.
Mataray na hinarap ako ng dalawa akala nila matitimbag nila ako no hindi." Come on girl She's our friend she's one of us" kunot na kunot ang noo ko dahil naririndi ako sa mga pinagsasabi nito
" No plan for leaving huh? Come on I know what kind of person are you bitch but hell I'm more capable to be called bitch here" ngisi ko saka lumapit sa kanila
Sinubukan ko pang lumapit para bulungan sila " Leave my friend alone girl ir else" kinuha ko ang selpon ko sa bulsa ng uniform ko at ipinakita ang isang litrato sa kanya na ikinalaki ng mata niya ngumisi ako at inayos ang buhok nito na sumampay sa kanyang balikat "leave her alone or I'll post it on your school bulletin you don't want that kind of scandal are you?"
Nakaguhit sa mukha niya ang pagka irita at walang pasabe sabe na hinila kaibigan niya paalis. I know them already i got their record dahil pina imbestiga ko sila sa secretary ni Mommy this is my only purpose enrolling Pioneer is one of my plan to get close to Alexa but tadhana got me dahil naging close pa kami at yan ang hindi ko maintindihan although napamahal narin ako sa kanila.
I only need an answer Alexa why did you bully my cousin
Aparently dinala nina tita si Shaira sa States dahil hindi na ito lumalabas ng Kwarto niya laging bukang bibig niya si Alexa.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko diko man lang napansin na nakarating na ako sa cafeteria huminga ako ng malalim at iginuhit ang ngiti sa labi papalapit sa gawi ng mga kaibigan ko.
"Huy Astrid asan ka ba naglilipad ha bilisan mo mag order na tayo gutom na aketch" reklamo ni bakla sa akin and anyways libre ang mga pagkain sa cafeteria dahil si mommy na ang nagprovide ng mga food na kakainin dito sa School although wala naman silang ka alam alam.
"So"I exclaim at lahat naman sila nakatingin sa akin at naghihintay sila ng sunod kong sasabihin. Tumingin pa muna ako kay Alexa na malayo ang tingin sa kung saan.
Huminga muna ako ng malalim at tinitigan silang lahat ng maigi "Yong mga Student na iyon ay kilala sila sa Elite as mean girl binubully nila ang isang inosenteng student doon" pagpanimula ko at lahat naman sila nakatingin sa akin except kay Alexa na hindi nakatingin sa akin tulala padin sya sa kung saan man ay hindi ko alam.
"Talaga? Apaka bad naman pala nila" Si Shaina na sobrang cute dahil sobrang lutang.
"Pero bakit daw nila binubully yong student teh?" Agad akong nilingon si Justine na naka tapal ang dalawang kamay sa kanyan pisnge nagpapa cute kadiri.
Huminga muna ulit ako at saka sumagot "Hindi ko nga din alam bakla basta mukhang trip ata nila yong ganun don sa School na iyon" sagot ko sa kanila
*Blagg*
Agad kaming napaiktad dahil sa hampas ni Avi sa mesa mukhang hindi pa ata to naka move on sa eksina kanina kay Yoichio at Yushiro "Dapat talaga inupakan ko kanina yun eh" pfft. Pigil ko ang pagtawa dahil sa mukha ni Avi na mukhang natatae pag nagalit hindi lang ako pati ang iba kong kasama. "Hindi porket Mayaman at maganda School nila may right na silang mambully" inis na sabe ni Avi, kaya naman pinakalma siya ni Maya.
"Ay teh ikaw nabully andun ka sa eksina nila kase grabe reaction mo wagas" irap ni Justine sa kay Avi " at isa pa baka may iba pang rason kung bakit na bully ka diba" pagpatuloy ni Justine.
"Nah hindi ko rin masabe na may iba pang reason bakla kase pati Pinsan ko isa sa mga victim nila" Sagot ko sa bakla at agad naman akong tinaasan ng kilay nila.
"Paano mo nasabe teh? Andun ka ba nong na bully siya?" Napalunok ako sa tanong ng bakla nakalimutan kong wala din pala tong preno bunganga ni Justine.
Umirap ako sa kanya para di mahalata na he got me that kind of question " Kase nga pinsan ko diba nag aaral siya don sa School ng Elite syempre mommy niya nag sheshare ng problem kay mommy ko" pagsisinungaling ko " so ayun alam ko talaga nangyayari" tumingin pa ako kay Alexa na tulala na wala talaga siya dito promise absent ang utak niya.
"So kumusta na yong pinsan mo?" Si Maya na seryosong nakatingin rin sa akin.
"Shaira pangalan niya" Tipid kong sagot na nakaagaw ng pansin kay Alexa. Familiar ka ba Alexa? Tumingin ito sa akin na kunot ang noo na may halong gulat sa mukha na nakaguhit.
"A-anong sinabe mo? Shaira pangalan ng pinsan mo?" Si Alexa na seryosong nakatitig sa akin . Kaya naman tumango ako at inayos ko sarili ko
Okay lang naman siguro na i share ko sa kanila diba? Total andito naman si Alexa
"Isa siya sa mga victim ng bully sa school" pagsimula ko at lahat naman sila ay nakinig seryosong seryoso "Nong una akala ng Mommy niya nagpapansin si Shaira sa kanya pero yong totoo nahihirapan na pala siya na pumasok kase nabubully siya"
"Pero bakit hindi nagreport pinsan mo sa guidance teh? Diba meron naman dung deciplinarian" Umiling ako sa tanong ni Justine at tumingin kay Alexa na hirap ng basahin ang nasa isip niya.
"No dahil wala namang naniniwala sa kanya. Pero a couple of week nagkaroon ng Friend pinsan ko so ayun natigil yong pambubully sa kanya"
Agad naman napa "ahh" silang lahat
"So yong friend niya yong saviour niya kase wala ng bully sa kanya?" Natutuwang sabi ni Shaina na ikinatango ko naman
"Pero teh ano na nga bakit nag transfer ang eksina ng pinsan mo?" Si justine na sobrang atat talaga.
"Ayun okay sila but then ilang araw binubully na naman siya" napasinghap na naman sila except kay Alexa.
"Dalawa na silang na bully ganun?" Si Avi na mukhang hindi nagustuhan talaga topic namin.
Umiling ako sa kanya at huminga ulit ng malalim "Yong tinuring niyang friend sa School" tumingin ako kay Alexa at pinagpatuloy ang pag kwento "She's one of the bully." Naiisip ko palang yong iyak ni Shaira umiinit na naman dugo ko.
"What?" Silang tatlo ang sumagot dahil tahimik lang na nakayukom ang kamao ni Alexa. "Grabe sino ba yan at makatikim sa kamao ko shuta talaga" inis na tanong ni Avi.
Napaka hyper talaga ng babaeng to kahit kailan. "Relax teh patapusin muna ang Astrid wag kang singit ng singit ha!" Si Justine.
"Eh kase naman bakla friend niya yun bakit siya pa mismo ang nambully" galit na sagot ni Avi.
"Guys kalma lang pakinggan muna natin si Astrid ayokong mabitin" awat ni Maya. "Sige tuloy mo ayokong bitin" senyas ni Maya.
"Everyday siyang nabubully sa school hanggang sa nalaman namin na umiwi pinsan kong puno ng bubble gum ang buhok at sobrang dumi ng uniform umiiyak" kinuyom ko ang aking kamao sa namoung galit sa puso.
Nakayuko si Alexa habang naka kuyom padin ang kanyang kamao "Dumating sa point na hindi na siya lumalabas ng kwarto. She even tried to commit suicide while holding her phone. Kaya ayun naka banned ang phone sa kanila dahil mukhang malaki ang impact ng pinsan ko dun"
"H-how is she?" Biglang tanong ni Alexa kaya naman napatingin din yong kasama namin sa kanya.
"She suffer a lot at hindi ko mapapatawad ang gumawa nun sa kanya lalo na kaibigan niya" deretsong sagot ko sa kanya.
Nag iwas siya ng tingin sa akin.
"Pero teh paano kong isa din sa biktima friend niya like gaya nong sa mga k-drama diba" Si Justine na mukhang di talaga gets point ko.
"Kong isa siya sa biktima bakit pa niya idadamay ang pinsan ko na walang ibang ginawa kundi ang ituring na kaibigan right Alexa" rinig ko naman ang pag singhap ng kaibigan ko.
Blankong lumingon sa akin si Alexa "well never know about real reason thou". Tipid nitong tanong at tumayo saka kami iniwan.
"Huy teh bat mo naman dinamay ang tomboy alam mo bang hirap niyang ma reach ngayon" Sita sa akin ni Justine.
"Ouh nga Astrid pero pansin niyo mukhang iniiwasan tayo ni Alex galit kaya siya?" Si maya iyon na isang buntong hininga lang ang isinagot ko.
"Hay naku kumain na nga lang tayo dahil gutom ako pag naiinis" pag singit ni Avi
Nagsipagtanguan naman ang iba. Tahimik kong tinitigan ang iniwang upuan ni Alexa at mariin na napapikit.
Maybe I'm too harsh on her! But all i want is the truth lang naman para naman malinawan ang lahat
Nawalan ako ng gana kaya naman kinakalikot ko nalang ang phone ko para maibsan naman yong inis na namou sa puso ko.
To be continued....
Hello everyone sorry sa long vacation ko muntikan ko nang nakalimutan na may mga pending pa pala ako dito☺️
And last but not the least magiging mommy na po ang Author niyo☺️ looking for unique name para sa upcoming baby ko any suggestion po☺️❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro