Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Avigail POV.

Panay ang pabuntong hininga ko habang nakatitig sa Test Paper ko, ito na kase ang pang huling subject na sagutan namin. At babye exam na kami and hello score after. Ganon. Gusto kong mag wala nang hard dahil kanina pa ako rito pero ni isang sagot ay hindi ko pa na lagyan ang answer sheet ko. Gusto kong ipagtatapon ang bawat mahawakan ko kaso hindi pwede kase bawal kang gumawa nang ano mang ingay na ikadisturbo nang iba pang student na nag tetake nang exam rito sa loob.

Sumulyap ako sa, mga kaibigan ko na busy sa exam at seryosong seryoso sa paghahanap marahil nang sagot. Huminga ako nang malalim at palihim na pinandilatan si Mr. Ethan. Isa sa naka assign dito samin para magbantay kong meron bang na cheat or you know guessing guessing answer lang. "are you okay?" nilingon ko ang katabi ko na si Ms. President Jera-Myne Miller Roylan. Matalino rin to at na Kakainggit dahil silang dalawa ni Yoichio ang laging naghahabulan at palaging bida pagdating sa academics.

Ngumiti ako sa kanya at umiling ayoko kaseng ma involve ang president sakin dahil paniguradong puro panonuyang tingin nang mga student dito sa School. And ofcourse ayokong bumalik sa disciplinarian ano. "Okay student thirty minutes left" anunsiyo ni Mr. Ethan samin kaya naman ngumuso ako at Pinakatitigan ang answer sheet.

Ang pag tetake nang exam ay para ring labanan nang mga student na handang harap in ang lahat nang balakid para lang makapasok sa Top Fifty at syempre isa na kami roon. Handang ibuwis ang buhay makuha lang ang tamang sagot. Estudyante laban sa Estudyante pa Bilisan at nag uunahang makakuha nang tamang sagot.

Ang pagsagot sa bawat tanong ay para kana ring nasa labanan. Labanan na utak ang sandata, at kung wala ka nito ay matatalo ka. Sa exam kase ay para kang nakatayo sa kaka-ibang mundo na tanging kayo lamang ang makakita at ang husgado ay mga bantay sa oras nang examination.

"five minutes left" agad na paalala ni Mr. Ethan gusto ko ulit mag rant kaso takot akong mabawasan ang puntos ko sa exam.

Tumingin ako sa kaibigan ko naghihingi nang tulong at nagmamakaawa pero hindi man lang ako binigyan nang kahit na tipid lang na tingin. Seryosong seryoso ang mga ito sa sariling papel, kaya naman ngumuso ako at huminga nang malalim At nakangusong Pinakatitigan ang papel na kahit isa ay wala paring sagot ni isa.

Kinagat ko ang iba bang labi ko at basta nalang sinagutan ang mga tanong nang walang basa basa. Bahala na si Batman sa sagot. Dapat pala nagpturo nalang talaga ako sa pinsan kong tanga eh, siguro ay kanina pa ako nakatapos dito. And yeah speaking of tanga, nilingon ko si Shaina na sobrang seryoso habang nakatutok sa kanyang sariling papel habang naka Tap ang kanyang index finger.

Ngunit pagkatapos niyang tinitigan ang papel niya ay tumayo siya para ipasa na ang papel niya. Sumunod rin ang bakla maging si Astrid rito kaya naman mariin kong Kinagat ang iba bang labi at bumuga nang mabango kong hininga ofcourse.

Sumeryoso rin ako at Mabilis pa kay flash na sinagutan ang tanong. Umangat ang gilid nang labi ko at palihim na ngumisi. Heheheh ganito lang pala ang technique nang isang Avigail.
Tumingin ako kay maya na seryosong seryoso sa kanyang papel. Kunot na Kunot ang noo habang hawak ang kanyang pagkahaba-habang solution niya sa Mathematics.

Tumayo ako at taas noong dumaan talaga sa pwesto ni Maya para mas lalong ma-pressure ang lola niyo. "Tapos kana Avi?" nagugulat niyang bulong sakin. Nag fierce look ako at maarteng inilagay sa likod ang buhok ko at nagpapacute sa kanya bago tumango.

"Ofcourse tapos na ako, ikaw ba?" sinadya ko talagang Ngumiti at tanungin siya kahit alam ko namang na pressure na siya sa mga tanong. Ngumiwi siya at sumulyap sa tatlo na kausap si Mr. Ampalaya no i mean si Sir Ethan. He's ultimate Ampalaya kase you know bukod sa walang jowa si Sir ay o.a din yan.

"Pa kopya naman Avi kahit sa Number sixty five lang oh" bulong ulit ni Maya kase kapag nag ingay ka paniguradong minus agad ang eksina ni Sir. Ngumisi ako at sinulyapan ang letter C na nakalagay ang drawing graphing nang Triangle. "sure ka ha?" bulong niya na tanging kindat kulang ang Isinagot bago binigay kay Mr. Ethan ang apat na pages na test paper.

Ang exam namin ay one hundred item tapos ang passing score ay eighty pataas. Nasa ibang building nag take nang exam ang mga exchange student galing sa Elite School. And guess what mas matindi ang exam nang mga taga doon kase five minutes nang five minutes lang every subject ang limit nang mga Student. Sabi kase nang tanga kong pinsan iyon kay Mama kagabi na three hundred item ang sagutan with in five minutes.

Grabe hindi ko yata kaya yon mga beh

Buti nalang pala talaga nasa public school ako kundi naku naku depress to death ang lola niyo.

Pumunta na ako sa harap kasabay ni Ms President na hawak rin ang apat na pages nang Test Paper niya. Ngumiti siya sakin bago nilingon si Liza Camille Ondaro. Ang Vice President Counsel namin sa School. "Are you done Ms. Ondaro?" Bulong niya, malapit kase siya sa pwesto ko kaya narinig ko duh. Hindi ako chismosa ha!

Tumango si Ms Vice at Ngumiti bago rin sumunod, syempre close silang mga member sa Council dito sa Pioneer. Pumalakpak si Mr. Ethan sa harap para makuha ang iba pang atensiyon nang mga na-pressure na student dahil sa subject. "Finish or not Finish past your Test Paper" nagsipag ungolan ang ibang student habang ako ay confident na nilagay ang Test Paper sa harap mismo ni Sir bago bumalik sa upuan.

Wew haggard na ang lola niyo mga bes!

Walang magawa ang ibang student kundi ang sumunod. Ikaw ba naman ang mag take nang exam tapos 100 item sinong hindi ma stress to death duhh.

Nakangusong pinasa ni Maya ang papel niya sa harap. At paniguradong hindi pa siya tapos sagutan ang papel niya. "Teh ano ang sagot mo sa last number?" Tanong kaagad nang bakla pagka dismiss samin ni Mr. Ethan.

Nanahimik ako dahil paniguradong tatanungin nila ako kung ano ang sagot ko eh hindi ko naman binasa ang bawat tanong dahil basta basta nalang akong sumagot nang walang basa basa.

Ngumiwi si Astrid at nag inat inat sa kanyang braso bago sumagot. "Wag niyo akong tanungin hindi ko binasa ang question kase nataranta ako" nakahinga ako nang maluwang at nakinig sa usapan nila. "Ay ganun ba? pareha tayo haha aper hindi lang pala ako ang zero sa Math"

Ngumiwi ako kase hindi lang talaga siya ang Zero kundi pati ako. "Ay ang tomboy na papansin kong hindi na siya palaging sumasama satin. Ano hanggang ngayon parin ba hindi pa naka move on ang lola niyo sa kay Romeo and Juliet ganun?" Umismid kaming apat at Tumawa sa bakla.

"Ehem" Lahat kami Napalingon sa Tumikhim at ganun nalang ang pag arko nang kilay ko dahil sa pinsan kong hangal na prenteng nakapangimulsa sa gitna nang hallway.

"What?" mataray pa kay Julia montes akong tuminggin siya kanya. Pero wala man lang nag bago sa ekspresiyon niya, naka pokerface itong tumingin sakin habang naka ang at ang gilid nang labi. "How's your exam?" tanong niya dahilan nang pagsinghalan nang mga nakapaligid na student samin.

Umirap ako sa hangin at nginitian nang pagka Ganda ganda ang pinsan ko. Oh I forgot hindi pa pala alam nila na pinsan ko ang kumag na ito. Naramdaman ko tuloy ang kakaibang uri na tingin nang mga student.

"Gosh inaagaw niya sakin si Yushiro-Senpai"

"Omg I kennat akseyp this"

"Eww hindi siya bagay kay Yushiro omg tigilan niyo ako susugurin ko yang mang aagaw nayan"

"gora teh walang nagpigil sayo" nilingon ko ang nagbubulungan sa likod ko bago binigyan nang pamatay look ang pinsan ko.

"Ay teh anong ganap? Hindi ata kami Updated about that?" Nginiwian ko si bakla na mataray pa sakin bago malandeng sinulyapan si Yushiro na nasa akin parin ang paningin. Napapikit ako sa Inis pero hindi ko pinapahalata instead ay Hinarap kurin ito nang nakataas ang kilay.

Pasinghal siyang Tumawa sakin bago humakbang papalapit sa gawi ko. Napalunok akong tumitig sa kanya at pinandilatan siya nang tingin pero isang malamang tingin lang ang binaling nito. Anong gagawin niya? anak nang masapak talaga kita Yushiro!

Kinuyom ko ang aking kamao para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong sumabog sa harap nang mga kaibigan ko lalo na sa mga Schoolmate ko never dapat kalmado lang ako para hindi nila malaman kong ano ako sa bahay.

Panay ang lunok ko habang nilakihan pa nang bongang bongga ang mata para malaman niya na hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya. Nahugot ko ang aking hininga dahil inilapit ni Yushiro ang mukha niya sa mukha ko. Kumibot ang labi ko nawawalan nang salita na dapat sabihin. Ni hindi ko na mabigyan nang sulyap ang mga kaibigan ko dahil kinakabahan ako sa susunod na gagawin nito sakin.

Tumitig si Yushiro sakin habang pababa sa Ilong ko dahilan nang pgsunod sunod kong paglunok, pigil ang hininga NG pinagmasdan ang bawat kilos niya. Gumuhit ang maliit na ngisi nito sa labi kasunod ay bumaba ang paningin nito sa aking labi. Nakag at ko ang aking labi dahil naba to ako sa kinakatayuan dahil sa kanya, malakas ang tibok nang puso ko s hindi malamang dahilan.

Mas dumiin pa ang pakagat ko sa iba bang labi dahil unti-unting kumilos ang ulo niya habang ang paningin ay nasa labi ko. Hahalikan ba niya ako? seryoso ba siya piste help! Hindi ko alam kong ano ang gagawin parang bilis naman yata nang pangyayari kanina ay nag eexam pa kami pero ngayon ito na eksina namin nang pinsan ko.

Halos puro Ungol at tili nang mga Student ang maririnig mo sa paligid. Pero wala man lang nag lakas loob na pinigilan itong tukmol na ito, mukhang Hahalikan pa yata ako. Unti unting palapit ang labi niya sa labi ko dahilan para mas idiin ko nang idiin ang pagkagat nang labi. Palapit na siya nang palapit at walang magawa kundi ang pumikit sa Inis. Kahihiyan at iba pa.

Hinintay kong maglapat ang aming labi habang mariin kong kagat kagat ang iba bang labi. "Are you really that desperate Mr Hiragi? seriously in front of this Students?" Mabilis pa kay flash akong nagmulat at Mabilis ring tinulak ang pinsan ko.

My goodness my Yoichio baby I'm sorry let me explain!

Tangina gusto kong magbigti patayin ako ngayon na! Napagtaksilan ko ang Asawa ko. Please let me explain Yoichio hindi ko siya kaano ano. Ay mali pala pinsan kulang siya.

Jera-Myne POV.

I was about to invite my childhood close friend Ms. Lisa Camille Ondaro but I stop because of what I saw. I mean Ms Castro hehehe matagal kuna silang palaging na papansin sa Cafeteria and ofcourse napaka ingay nang grupo nila. And I guess that's what friends are! Bonding. Shopping. Or etc.

I envy them because they can do whatever they want, while me oh yeah I'm stock with my parents will. Ang makapagtapos para maging susunod na mamahala sa Politika, this school is my second home. And by the way My Name is Jera-Myne Miller Roylan. I'm Seventeen years old one of the President Student of this whole Pioneer School.

"Ms. Roylan anong meron sa dalawang yan?" Napalingon ako sa kay Armalyn isa sa mga officer nang School. She's the Secretary while Ms Ondaro are my Vice President.

Sinulyapan ko ang tinutukoy niya na Lovebirds sa labas nang classroom. "Couple I guess" si Camille ang sumagot kaya naman tinignan kurin ito. Bagay naman sila at ang problema lang ay maraming fans si Mr Hiragi kaya hindi kurin masisi kong ganoon sila.

Mr Hiragi is a perfect boyfriend I guess since he was cold to everyone. I dont think so he is but. He's a perfect guy a son of a billioner sinabi sa akin ni Daddy iyon dahil minsan kong narinig na naguusap si Mama at Papa about sa mga Hiragi. He's handsome and yeah I can't deny the fact that he really is. Maarte well nasa lahi na yata nang mga hapon iyon.

He's really Good at Academic and Talented. Ang wala lang talaga sa kanya ay ang pakikisma. Yes kaklase ko siya sa Section A minsan hindi na ako,.. Kami makasingit dahil silang Anim ang nagtatagisan nang Galing sa bawat tanong. Hindi gaya noon na si Yoichio lang ang pinto problema ko.

Napabalik ako sa katinuan dahil sa mga hiyaw nang mga Student. "Is he going to kiss her here really that's PDA" parang bitter na bitter na ungot ni Camille.

"well I guess but in fairness bagay sila heheh kinilig ako" sabat naman ni Armalyn kay Camille.

Ngumiti rin ako at tinitigan ang dalawa. Nakakatawa lng isipin na matagal kong sinusundan ang Grupo nila pero nata takot parin akong lumapit sa kanila lalo na't isa akong myembro nang Student Council sa School. Are you that really desperate Mr. Hiragi? seriously in front of this Students?" Lahat kami Napalingon sa nag salita sa hallway.

Walang iba kundi ang pinagka-matalino sa PIONEER si Mr. Kayato Yoichio isa sa hirap na hirap kong mapantayan sa talino. Dahil bukod sa matalino at anak nang maya mang KAYATO clan ay hindi rin ito maarte, tulad nito mas pinilit niya pang mag aral sa mumurahing eskwelahan kesa sa mag enroll sa mamahaling School na Elite.

"Ows The Super Hero is here already" sarkasmong ani ni Mr. Hiragi rito kaya naman nagtatakha tuloy kaming mga walang kaalam alam sa mga nangyari sa paligid. "Nothing change at all huh? Still the same" hindi ko alam pero feeling ko talaga may malalim pang reason ang pagiging sarkasmong ni Mr. Hiragi.

Nagsisimula nang nagsipag alisan ang mga student habang iniwanan nila nang masamang tingin si Ms. Castro na hindi man lang binigyan nang pansina dahil nakatoun ang paningin nito sa dalawang nila lang na sina samba nang kababaihan dito sa Pioneer. "tss you too still the same as well" kong gaano kasarkasmo si Yushiro ay mas malala ang kay Yoichio

Ngumisi si Yushiro bago binigyan nang tipid na sulyap si Ms Castro bago ito ngumisi at walang sali salitang umalis sa dalawa. Umiling ako at umiling bago umalis para sa break nang Recess hihintayin nalang namin ang results nang First Periodical Exam namin.

I wish i could be the one of them!

Umalis ako at sumama sa mga students na nagsipagpunta sa Cafeteria.

Dumaan na ako sa U shape Building kung saan naroon ang Music hall, kumunot ang noo ko sa isang bulto nang tao na may hawak hawak na Cellphone habang nakatago sa likod nang bintana. Umiling ako nang umiling at hinayaan nalang siya besides hindi ko siya kilala so why bother.

To be continued.....,

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro