Chapter 11
Avigail POV.
Maaga kaming nagsipasok kaming lima maliban sa kay Alexa na wala pa at nakapagtataka ang palaging late niya. Siya rin yong isa sa mga kaibigan ko na tahimik at hindi masyadong pala salita maging ang mala mmk niyang pamumuhay ay hindi siya nag open topic na nirerespito naman namin iyon dahil baka malay niyo masyado palang komplikado ang buhay niya like hirap siyang makahinga heheh joke!
"malapit na ang first exam natin pero mukhang wala parin akong natutunan" Sabay kaming napatingin kay Astrid na problemadong nakapangalumbaba sa mesa dito sa Cafeteria.
Ang totoo ay namomoblema rin ako dahil may deal kami ni papa na kapag mataas ang makuhang kung marka ay bibilhan niya ako nang isang set na Manga book at anime collection. Na ikintuwa ko pero kapag naman maliit lang ang makuha kung marka ay tatanggalan ako nang allowance at a alisin na ang Netflix sa TV namin.
"Uy teh any are ba sa tomboy natin at panay na ang late? Hindi paba naka move on sa eksina natin last week?" heto na naman ang baklang hinayupak na si Justine isang linggo na kase ang nakalipas simula nung s
Eksina naming nauwi sa nakakatawa.
"Hindi narin siya masyadong sumasama satin at kung kasama man ay palagi siyang lutang." Nag alala na kami sa kanya hindi naman ganyan ang pagkakilala namin sa kanya. Ang Alexa na kilala namin ay laging jolly at higit sa lahat hindi naiiwan sa kalokohan.
~kringggg
Tunog nang bell kaya naman nagsipagtayuan kaming lima para bumalik sa room. Alangan namang gugulong duh?
"Hahay naku review na naman" Napabuntong rin ako dahil totoo iyon wala na kaming oras para mag ingay dahil minus five points kaagad eksina nang mga Professor namin. Lalo na si Ms Dilague naku naku tinalo pa kaming may mga menstruation sa pagiging masungit niya unlimited ang pagiging masungit. "Kailangan kung makakuha ngayun nang highest score kase kapag hindi Goodbye Anime na this"
Ngumiwi sila sakin kaya naman nagpatuloy kami paakyat sa taas nasa heaven kase ang Classroom namin. Kailangan mupang dumaan sa pagkataas taas na Stairway to reach your goal charot!
"Sana makapasa tayong lahat nuh. Para maka alis narin tayu sa School, natu." agap naman nang Shaina habang nakanguso. Hindi parin namin alam kung saan galing si Shaina dahil bukod sa palagi siyang lutang ay hindi rin siya nag open topic about her life masyadong naka lock ang privacy niya at sa sobrang private naging lutang ang lola niyo joke!
"Ay teh hindi raw tayo makapasa kase lutang ka daw sabi nag Dilague" ngumuso pa lalo si Shaina dahil sa bwelta nang bakla. Napailing na lamang ako at sinulyapan ang dalawa na tahimik lang habang naglalakad paakyat.
"Anong eksina nang dalawa bakla ba't tahimik sila?" Tanong ko at ininguso si Astri at Maya na seryosong seryoso sa paglalakad. Huminga nang malalim si bakla at tumingin sa dalawa. "ewan kuba feeling ko tuloy habang tumatagal nagging wirdo na ang mga grupo natin teh" ngumiwi ako at Napipilitang tumango.
matagal nang wirdo ang Grupo natin bakla!
Pinaglapat ko ang aking mga labi at kunot noong pinagmasdan ang mga kasama ko wala si Alexa at hindi kurin alam kung bakit biglang nag iba ang ihip nang hangin.
Sa sobrang pag iisip ni hindi kumain lang naisip na nakarating na pala kami sa aming distinasiyon charot lang ha pinapagaan kulang ang loob niyo dahil masyadong seryoso ang mga kasama ko ngayon kahit subukan pang magbiro nang bakla ay hindi nun mabago ang kakaibang atmosphere.
"Goodmorning Class" agad na bungad ni Mr. Wilson na dala dala ang sangkatutak na mga test paper pang review. Yes test paper dahil hindi kami dito mismo sa room namin mag tetake nang exam kundi sa Building A and D kami kukuha. Yun ang sab ni Mr. Wilson samin.
Lahat kami ay nagsipag tayuan at Yumuko palihim akong sumulyapa kay Alexa na mukhang wala na naman sa sarili dahil nakikisabay lang ito samin.
"Good morning Mr. Wilson" bati namin na ikinatango nito at isinenyas na maupo na kami kaya naman tumungo muna kami bago nagsipag upuan. Gusto kung kamustahin si Alexa pero nagdadalawang isip akong kausapin siya.
"Ehem" napabalik ako sa tikhim ni Mr. Wilson kaya naman tumingin na lamang ako kay Mr. Wilson na inilapag ang mga papel papel bago tumingin samin. "Class as of now we're busy for this coming examination right?" Tanong niya at umupo sa taas nang mesa na lagi niyang ginagawa. Syempre hindi pwedeng mawala ang pilot pen na hawak niya para sa white board.
Alangan namang gamitin sa blackboard eh mukha kang tanga nun joke!
Huminga pa siya nang malalim at tumango tango pa. "I would like you to know that I am worried about this coming exam. Student I am concern about your grade so her is my condition. Kailangan niyong makapasok sa Top fifty at kapag mangyari yun ay ililibre ko kayo papuntang Japan."
Nagsipaghiwayan ang mga kaklase ko at syempre isa na ako ron. Sino ba namang hindi matutuwa eh libre yon ni Mr. Wilson "Sir seryoso ililibre mo kami legit na legit ba Sir?" ungot ni Maica na tanging tango lang ang Isinagot nito. " Yes its Legit but you need to do my condition Mm. Kailangan makapasok kayo sa Top fifty are we unders--" Napahinto si Mr. Wilson sa pagsasalita dahil sa kumatok galing sa pinto kaya naman lahat kami ay Napalingon rin doon Si Mr. Torres iyon na nakangiting lumingon samin habang may isa pang alien siyang kasama.
Tumikhim si Mr. Wilson kaya naman nagsipagtayuan ulit kami para bati in ang si Mr. Torres "Good morning Mr. Torres" Tumango siya at Ngumiti samin nang May halong pang iinsulto kaya naman bumuga ako nang hininga at sinulyapan ang mga kaklase kung nakayuko marahil ay napansin rin ang nakakainsultong tingin nito samin.
Lumapit si Mr. Wilson rito habang nakalagay ang dalawang kamay at taas noong Hinarap si Mr. Torres. Kaya naman sinulyapan ko si bakla maging sina Maya para maki chismis saglit.
"Guys kayanin kaya natin ang deal ni Mr. Wilson?" Lumingon sina Astrid at maya maging sina bakla at Shaina maliban sa Isa. Tinaasan ako nang kilay ni Astrid as usual hindi na siya naka make up ngayon kase bawal iyon sa mga rules ni Mr. Wilson kaya ayan ang na pala sa mga mahihilig mag makeup.
" sus kayanin yan kapag ginusto ikaw pa. Isipin mo nalang mo nalang na ginawa mo ito para sa Anime mo yan ganun" sabat naman ni Maya na always positive lang lagi. Kinindatan ko siya na tanging ngiwi lang ang sinagot sakin.
"naks thanks my dear hulog ka talaga nang panget hahaha joke!" biglang umasim ang mukha nito kaya naman palihim ko siyang sinundo sa gilid at nilingon si bakla na seryoso nang nakatingin sa harap. Kaya naman tumingin rin ako doon para tingnan ang nasa harap.
Tumikhim pa muna si Mr. Wilson bago nag salita mukhang ipa kilala samin ang bagong salta na Student dito sa classroom namin. " Ehem student we have a new transfer student from Elite School. Please take good care for her and treat her as a new family member of this classroom. And Ms kindly introduce yourself to them"
Ang ganda niya maputi at higit sa lahat bet ko ang highlight color nang buhok niya. May pagkachinita siya at higit sa lahat matangkad ang lola niyo mukhang may mas maganda pa sa bakla haha joke!
" Uhm hi Everyone nice to meet you all please take good care of me. My name is Stacey--" inosente kaming nakatitig sa kanya dahil sa biglaang paghinto niya. Habang nakatingin sa isang tao na maging ito ay hindi rin inaasahan na makarating ito. Ngumisi nang tipid ang nagngangalang Stacey sa kay Alexa at nag iwas nang tingin para ngitian kaming mga bago niyang kaklase. "Stacey Borja Seventeen years old"
Nagsipagsipolan ang iba naming kaklase habang ang iba namang babae ay nakabusangot ang mukha. Sinong hindi eh bukod sa maganda at maputi si Stacey ay galing din ito sa Elite School.
"okay Ms. Borja you can sit besides Ms. Garvagh seat" isineyas pa ni Mr. Wilson ang bakanteng upuan sa tabi ni Alexa.
Pansin ko rin ang biglang pagbitaw ni Alexa sa kanyang hawak na ballpen habang nakatulala sa harap. Nangunot ang noo ko at pinagmasdan si Stacey na ang ganda nang ngiti.
May hindi maganda sa nakita ko.
Alexa POV.
Napapalunok akong tumitig sa harap habang pinagmasdan si Stacey na sobrang ganda nang kanyang ngiti. Panigurado akong nalaman na nila na dito ako nag aaral at dito na naman nila sisirain ang pag aaral ko.
Palihim akong sumulyap sa mga kaibigan ko na libang na libang sa bago naming kaklase. Ano na naman ba ang plano mo Stacey?
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili panibagong problema na naman ba? Hindi pa nga ako tapos sa kay Mama. Pero may panibago na namang problema.
Ang reason kung bakit hindi muna ako sumasama ay dahil kay Mama na laging nakabantay sakin ngayon.
>>>>>>Flashback<<<<<<<<<
Nilalagnat akong nag inat matapos akong nakatulog nang twelve hour dahil nabasa ako nang ulan kahapon galing sa galaan kasama ang mga barkada ko. Nag celebrate lang kami dahil lahat kami ay nakakuha nang mataas na points tungkol sa Romeo and Juliet Story na nauwi sa kalokohan pero nag enjoy naman ang mga kasama ko doon.
Shit ang sakit nang ulo ko!
"oh your awake? How's your feeling after you got sick?" nilingon ko ang pagiging sarkastika ni Mama habang naka Cross ang braso. Nag I was ako nang tingin at tinignan ang giilid nang kama ko na may maliit pang banyera habang nakapatong doon ang maliit na bimpo.
Gusto kung matuwa dahil sa wakas inalagaan ako ni Mama pero agad ko rin iyong binura sa isipan dahil alam naman natin naman na hindi niya ako inalagaan dahil nag alala siya. Inalagaan niya lang ako dahil nilagnat ako ofcourse at labag pa sa kanyang kalooban yon.
"thanks for taking good care of me" Sagot ko at bumangon sa higaan kahit nahhihirapan man ay pinilit ko parin. Hindi pwedeng lilibn ako sa kase dahil lamang sa sakit ko. Kailangan kung ma aral nang mag aral para masuklian ang paghihirap nang magulang ko no i mean nang ina ko.
"Don't thank me just think that you owe me something, how about your friend?" kumunot ang noo ko at Kumuyom ang kamao ko para hindi siya masigawan. "hindi mo magustuhan kapag ako ang kumilos Alex. Tandaan mo yan." Yumuko ako at bumuntong hininga para pig Ilang maging emosiyonal sa harap niya.
Alam ko rin sa sarili ko kapag galit na siya ay nawawala na ang pag E-english niya. Ano na naman ba ang pinaplano mo Mama? "Kung gusto mong magkaroon sila nang magandang KINABUKASAN ang mga kaibigan mo layuan mo sila for your mother's sake Mmm" a niya na kunwari ay concern sa kaibigan ko pagkatapos ay ngumisi nang nakakaloko sakin.
Yumuko ako at Napipilitan tumango sa kanya. " very good my dear Alex you always obey me as your mother very well" hinaplos niya ang buhok ko at Ngumiti nang nakakaatakot sakin bago niya kinuha ang bimpo at maliit na banyera palabas nang kwarto ko.
Naiwan akong tulala at umiyak nang palihim habang nakatanaw sa kawalan.
>>>>End of flashback<<<<<<
Napabalik ako sa realidad dahil sa boses ni Mr. Wilson sa harap na nagsasalita nag rereview kami para sa examination sa susunod na linggo na.
Palihim akong sumulyap sa mga kaibigan ko na seryosong seryoso sa pakikinig sa Professor sa harap.
Hindi na ako nag pa apektado pa sa nararamdaman ko at nakinig na lamang kay Mr. Wilson. Ngunit agad ring nawala ang attensiyon ko dahil sa katabi ko. Nag iba na kase ang arrangement namin sa mga upuan at hindi na kami magka tabi nang kaibigan ko.
" it's nice to see you again Alexa" bulong ni Stacey sakin kaya naman mariin akong pinikit ang aking mata para hindi siya lingunin. Pero sadyang makulit si Stacey dahil hindi lang sa oras nang pagrereview ay kinukulit niya ako nang kinulit.
Hanggang sa dumating ang araw nang pinakhihintay naming lahat ang Exam! Hindi kami magkasama nang mga kaibigan ko dahil nasa ibang section sila nakalagay at ako lang ang naiba sa grupo. Kasama ko si Stacey na hindi ko alam kung coincidence lang ba ang ganap or sinadya niya talaga iyon. Ipinagdasal ko na sana ay wag niya akong kulit in sa araw din na iyon pero mali ako dahil hanggang sa matapos ang first subject ay kinulit ang kinulit parin ako ni Stacey na hindi ko na mapigilan at Sigaw an siya sa harap nang iba pang student. " pwede ba tantanan mo ako kung ayaw mong masakitan kita please nakikiusap ako sayo kahit ngayon lang pakiusap" naiinis at nanggil kung pakiusap na nginisihan niya lamang.
Lumapit siya sakin at bumulong. " isang Sigaw pa Alexa sisirain ko ang mga kaibigan mo laban sayo" ngumisi pa siya bago niya ako tinalikuran para bumalik sa kanyang upuan.
Napalunok akong namomoblemang bumagsak sa upuan ko. At masama ang loob na nagtetake nang exam. Lutang akong nag sagot nang exam namin sa kakaisip kung paano ko maiwasan si Stacey.
To be continued...,
Sorry for the low Low Update everyone busy na kase ako kaya muntik kunang makalimutan si Wattpad heheheh kaya peace tayo diyan❣️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro