Chapter 8
Yvane Salmedo's Point of View
Bwisit na lalaki na yan. Kung kailan talaga ako naghahanap ng work that time ngayon pa siya magsasabi na kukunin niya ako tapos hindi pala.
Naasar na ako. Edi sana may trabaho sana ako ngayon kung tinuloy ko ang paghahanap.
Binabantayan ko ngayon ang aking ina sa Hospital dahil hindi pa siya gising ngayon. Pero malaking pasasalamat ko dahil sa awa ng diyos ay may tumulong saamin aa gastusin dito sa hospital na ito, pero kahig na ganun ay meron rin naman kaming pangangailangan dahil hindi sakop ng bayad sa paaralan ng mga kapatid ko ang bayad dito sa hospital. Kaya kailangan ko agad ng trabaho.
Napabuntong hininga na lang ako.
Nakapasok na ang dalawa kong kapatid sa School nila wala naman akong gagawin today kaya ako na muna ang nagbantay sa aking ina. Tutal wala rin naman muna akong time maghanap ng work ngayon.
Katatapos ko lang na pinunasan ang mukha ng aking ina. At dahil hindi pa ako kumakain ay agad na akong kumain dahil kape lang ang ginawa ko kanina.
Umupo ako sa upuan at kumain na ako, pagkatapos kunv kumain ay agad akong pumasok sa banyo para na rin magtoothbrush ako.
Pagkalabas ko sa banyo ay nakita ko ang cellphone ko na may tumatawag.
Aba ang kapal din tumawang ng kumag na ito.
Talagang literal na "Kumag na Manloloko"ang pinangalan ko sa kanya. Yun naman talaga siya eh.
Kahit na medyo naasar ako sa kanya sinagot ko parin ang tawag niya.
" Bakit na patawag ka? " Saad ko sa kanya na may pagkanaasar voice. " At anong sasabihin mo nanaman ha! Ano! Ano! Sumagot ka! Bilis! " Dugtong ko sa sinabi ko.
" Paano ako magsasalita kung parang babae ka umasta diyan " sabi niya saakin nagulat naman ako sa sinabi niya saakin para daw akong babae magsalita.tsss... mas hamak naman na masgwapo ako sa kanya lamang lang siya sa katawan, aba kung libre lang ang gym edi araw - araw na akong pumupunta doon para pareho kami mg katawan. At aanhin ko ang katawang ganun kung masmasarap pang kumain kaysa sa mag-gym.
" Ano ba kasing sasabihin mo? Bilisan mo at kapag hindi importante sasabihin papatayin ko na ang tawag mo, madami pa akong ginagawa " sabi ko sa kanya at napabuntong hininga ako dahil pinapakalma ko ang sarili ko dahil sa inis baka sasabog na ako sa inis ko sa lalaking ito...ihhhh.
" Well I'm talking back what I've told you, ikaw na ulit ang magiging secretary ko. " Sabi niya saakin kahit hindi ko man makita ang pagmumukha nito alam ko pa lang sa boses nito ang kanyang walang ka emo-emosyon na awra. Nagulat ako sa sinabi niya, aba baka mamaya nanaman lolokohin ako ng kumag na ito.
" Tsk. Alam mo kung lolokohin mo lanv ako wag na wag ako. Sir!! " Sabi ko sa kanya. Kahit kailan talaga hindi na ako maloloko ng lalaking ito kahit maging isa lang niya akong lokohin. Alam ko ugali ng mayayamang tao, imposible naman kasing ang aibrang yaman na katulad niya ay tutulungan pabalik ang tatay ko. Isang malaking himala iyon. " Hoy! Sir! Hindi mo na ako maloloko, hindi na ako pupunta diyan sa inyo. Isaksak mo na lang sa baga mo yang secretary mo , at isa pa magaling ka naman diba, aba gamitin mo diyan. Pasecretary ka pa diyan " diretsahang sinabi ko sa kanya.
" Tsk. " Tinig kung sabi niya. " Well its your last change baka kainin mo pa ang sinabi mo, im telling tomorrow will be your last chance " sabi niya saakin binaba ko na ang aking cellphone.
Akala niya siguro mauuto niya ako. Never akong pupunta doon. Pwes! maghahanap na lang ako ng trabaho na iba kaysa mapunta sa kanya.
Kakainin ang aking salita. Never ko pang kinain ang sinabi ko lahat ng sinabi ko pinanindigan ko iyon.
Akala niya siguro niya na mauuto niya ulit ako. Ngek! Ngek mo kang Kumag ka.
Itinuon ko na lang ang sarili ko paglilinis sa kwarto namin dito sa hospital hinugasan ko na rin ang nga plato na kinainan ko kanina.
Pagkatapos lahat ng gawain ay naligo muna ako saglit.
Pagkatapos ko naligo ay nagbasa muna ako ng mga libro na kinuha sa bahay. Ilang araw na rin kaming hindi nakakapunta sa bahay namin dahil parang bahay na lang namin ang hospital na ito dahil dito na rin na kami natutulog at dito na rin naliligo ang mga kapatid ko papunta sa kanilang school.
Ilang oras na rin akong nagbasa ng libro dito sa loob ng silid namin sa hospital.
Kaya napag isip-isip ko na lumabas muna sa loob ng kwarto.
Hindi ko na rin namalayan na hapon na pala napahaba ata ang aking pagbabasa.
" Nikoooooo " rinig kung sigaw ng isang lalaki napalingon ako sa tinatawag niya. Nakita ko yung Nikko na tinawag ng lalaki kanina. Mag kaibagan ata sila ng tumawag sa kanya.
Naalala ko nanaman yang lalaking yan. Sa dinami dami ng tao dito sa mundo siya pa yung nakilala ko.
Napasimangot nanaman ako. Bumili na lang ako ng aming pagkain mamaya na lang ay dadating na ang aking dalawang kapatid alam pagod na sila pagdating nila dito aa hospital.
Paalis na ako sa kainan na pinagbilhan ko ng pagkain ay sakto namang nakita kobang dalawa kung kapatid.
" Joey, Joan " tawag ko sa kanila.
" Kuya " sabi naman nilang dalawa.
Lumapit ako sa kanila at naglakad na kaming tatlo papunta sa kwarto ng nanay namin. Nagtatawanan kami dahil sa mga pabiro ni Joey. Talaga ang batang ito palabiro at ganun ay gwapo parin siya. Talagang hindi nawawala sa lahi namin amg gwapo at maganda na rin dahil magansa naman ang kapatid kung babae.
Pumasok na kami sa room ng aming ina.
Nauna munang nagpalit si Joan sa Banyo at umupo muna si Joey sa upuan.
" Kuya, meron pala kaming educational trip. Ayaw ko pi sanang pumunta ta kaso kailangan daw yun. Limang araw namin doon kuya. Mahigit limang libo po iyon " sabi ni Joey saakin habang ako naman ay hinihahanda ang kakainan namin. Hindi ko kaagad nasagot ang kanyang sinabi dahil wala pa naman akong trabaho tapos yung perang iniwan saamin ni Papa ay nagastos na namin noong pambili ang pagkain at mga binayad na rin namin ang iba.
" Ok, naman po kuya kung hindi na ako pupunta, gastos na rin naman iyon " dugtong ni Joey.
" Kailangan mong pumunta hayaan mo makakakuha rin ako ng pera saiyo " sabi ko sa kanya at ngumiti ako.
Saan naman ako kukuha ng pera para doon.
Wag! Hindi! Ayoko nang tanggapin ang alok ni Kumag.
Hindi na ako pupunta doon dahil na sabi ko na na hindi ko na siya kailangan pa never na ako pipunta doon.
Lumabas na rin si Joan.
" Ah, Kuya meron rin po akong babayaran sa school " sabi naman ni Joan. Napalunok naman ako. Talaga bang ganito ang mangyayari talagang sabay sabay.
" Ah. Ilan naman babayaran niyo Joan " sabi ko sa kanya.
" Pareho lang po kami ni Joey pero iba naman po purpose ng pupuntahan namin " sabi ni Joan.
" Kailan ba magaganap ito " tanong ko
" Pareho po kami ni Joey na sa next week ang byahe. Sinabi lang po namin kuya maari naman daw po magbayad kapag pupunta na " sabi ni Joan saakin.
" Ah sige hihiram muna ako ng pera kay Kisha " sabi ko sa kanila at sinabihan ko na rin silang kumain na sila.
Lumabas muna ako at inilabas ang aking cellphone.
Tinawagan ko si Kisha siya yung kaibigan ko. Medyo hindi ko na siya nakakausap ng masyado. Nagtratrabaho siya sa isang bar. Buti pa nga siya eh nakahanap ng permanenteng trabaho tapos malaki pa kinikita nito dahil yunv bar kasi kung saan siya nagwowork ay isang sikat na Bar.
" Hello Kish " sabi ko sa kanya dahil sinagot niya ang tawag ko.
" Yvannne Pogiiii..... missss naaa kitaaaa " kahit kailan talaga ang babaeng ito kaya hindi ko nilapit ng masyado ang aking tainga sa cellphone kasi alam kung ganun siya bumati.
" Miss na rin kita. Kumusta na? " Sabi ko sa kanya.
" Okay naman ako, alam ko kung bakit ka napatawag..may kailangan ka noh. Yvane pogi " sabi niya. Sabi ko na nga ba eh!. Alam talaga ng babaeng ito ang kailangan ko dahil siya rin kasi ang takbuhan ko kapag may kailanga ako. Palagi na lang niya sinasabi saakin ang salitang pogi alam ko naman iyon na ganun ang itsura ko.
" Sorry talaga pwede bang magmeet tayo ngayon " sabi ko sa kanya. " Saan ka ba ngayon?? " Tanong ko ulit sa kanya.
Sinabi niya saakin na nasa bar siya ngayon kung saan siya nagwowork. Nagpaalam ako sa kaing dalawamg kapatid na may pupuntahan lang ako.
Agad na akong umalis at pumunta sa bar kung saan nagtratrabaho si Kisha.
" Yvanneee Pogi " sigaw nito at lahat ng mga tao nagtitinginan saamin nasa labas palang kasi kami ng bar at papasok pa kami doon. Kahit kailan talaga ito hindi nagbabago.
Pagpasok palang namin sa bar ang ingay ingay pero kahit ganoon ay malakas parin ang boses nito. Kaya rinig ko lahag ng sinabi niya.
Tapos na daw duty nito kaya pwede na siyang hindi magwork. Pwede na rin daw mag inuman dito. Humanap kami ng pwesto namin at sa wakas nakahanap na kami.
" Dito kalang. Mamaya mo na sasabihin yung sasabihin mo kuluha lang ako ng maiinom natin " sabi niya saakin at umupo na lang ako at hinintay siya.
Bakit ba kami dito oumubta hindi nalamg kaya sa karinderiya o kaya naman sa mga mall. Mangungutang lang naman ako ng pera sa kanya.
May kaya naman sina Kisha eh. Pero ewan ko ba sa kanya at ganito ang pinasok niyang trabaho.
Inikot ko ang mga mata ko sa baba at nakikita ko ang mga babaw at lalaki ang nagsasayawan sa malakas na tunog ng music dito sa loob. Itinaas ko ang tingin ko sa taas at laking gulat ko nang nakita ko si Nikko dito.
Ano kaya gingawa ng kumag na ito dito. Ang layo naman nito doon sa building niya eh. Ay sabagay ako nga na mangungutang napunda rin ako dito kahit malayo. Siguro pumunta ito para sa babae alam ko na ugali ng mga katulad niya.
Pinapanood ko siya dahil alam ko namang hindi niya ako makita sa pwesto namin. May lumapit na isang babae sa kanya napakasexy nito malaki din ang dibdib nito at pwetan nito ang ganda pa niya tiyak magugustuhan ng kumag ang nga ganyang pangangatawan ng mga babae dahil lalaki rin naman ako dahil bisexual ako alam ko rin ang mga tipo ng mga lalaki. Nagkaroon rin naman akong ng girlfriends.
Umupo ang babae sa couch na inuupuan niya pero para bang wala lang sa kanya ang babae. Tinignan lang ito at uminom sa basong hinahawakan niya. Inaakit rin ng babae siya pero hindi niya ito pinapansin. Demonyo talaga ang lalaking ito. Patuloy na inaakit ng babae si Nikkp pero hindi siya pinapansin nito.
Kaya naman umalis nalang ang babae.
Dumating na rin si Kisha saan may hawak itong alak.
" Eto uminom ka muna " sabi niya at inabot niya saakin ang alak at hinawakan ko naman ito. " Alam kung ngayon ka lang ulit ganito. Sorry friend kung hindi ako nakapunta sa libing ng tatay mo " aabi niya saakin at nginitian niya ako.
" Okay lang iyon Kisha " sabi ko at nginitian ko naman siya pabalik. At uminom ko na ang binigay niyang alak gayun din ang ginawa niya.
" Ano pa lang kailangan mo Yvane Pogi " sabi niya saakin. Kakapalan ko na mukha total kaibigan ko naman siya eh.
" Meron ka bang datung diyan na mahihiram, Kisha " sabi ko sa kanya.
" Meron pero kunti lang ang pera ko ngayon okay lang ba 3K " sabi niya saakin. Okay na yun hahanapan ko na lang ng paraan yung iba pang kulang.
" Okay lang yun Kisha salamat talaga ng marami " sabi ko kanya at ibinigay nuya yung 3k saakin.
" Wag ka munang maestress ngayon kung ano pa yan kalimutan mo muna dahil ngayon mag eenjoy muna tayo " sabi niya saakin at inabot niya saakin ang baso na nilagyan niya ng alak.
Hindi ako agad tinatamaan ng alak kahit medyo madami na ito. Pero para narin akong nahihilo ng kunti pero Naparami ata ng ng inom si Kisha kaya nalasing na ito agad.
Lumabas na kami sa Bar para iuwi na siya sa kanilang bahay.
Madami na akong pinahinto na mga sasakyan pero ayaw din nila maghatid ng mga lasing.
Pero buti nalang at may pumayag na ihatid ito sa kanyang tinutuluyan.
Akp naman ang may problema para wala na atang sasakyan pabalik sa hospital.
Sa paghihintay ko ng masakyan wala na talaga akong masakyan pauwi. Paano na ito.
Bigla nalang may humintomg maiitim na sasakyan sa harap ko. Nagulat ako baka mamaya ito yung nga kumukuha ng bata. Kaya medyo lumayo ako. Mamahalin ang sasakya na iyon at mukhang alagang alaga dahil sa itsura at kinis nito.
Maglalakad na sana ako ng bumukas ang window ng sasakyan.
Nakita ko ang pagmukmukha ng lalaking nakita ko kanina hindi ko na kasi ito nilingon kanina dahil busy narin kami sa aming inuman ni Kisha.
" Get in the car " sabi niya ng walang ka emo emosyon at kareareaksyon na mukha.
Para bang hindi alam niting ngumiti eh.
" Wag na po SER!! " sabi ko sa kanya.
" Bahala ka. Meron daw pinatay at pinagnakawan dito " sabi niya saakin at lumingon ako sa kanya at tinignan ito ng masama. Katulad kanina napakacold ng mukha niya hindi niya ako tinitignan tangin sa kalsada lang itonnakatingin. Sasakay ba ako mukha naman ata itong nagsasabi ng totoo eh.
" Are you going to hop in or not?? " Sabi nito. Tsk. Apaka cold talaga nito para bang galit lahat dahil sa pinapakita niyang walang emosyon na mukha. Sumakay na lang ako sa sasakyan niya. Ang ganda ng loob ng sasakyan niya at naamoy ko ang kanyang mabangong perfume.
Pagkasakay ko ay agad na itong pinaandar ang sasakyan.
Wala ni isang nag uusap saaming dalawa.
Pasulyap silyap ko siyang tinititigan habang busy ito sa pagdridrive nasa front seat ako. Ang tangos ng ilong niya, ang ganda ng mahaba nitong pilikmata. Ang tulis rin ng kanyang adam's apple. Hindi ko na rin namalayan na tinititigan ko siya
" Why areyou staring at me?? " sabi niya saakin. Habang tinignan niya ako sa mata.
" Are you gay? " dugtong niya pa.
Aba! Sobra na ito ah. Pero bakit ko ba kasi siya tinititigan.
" Excuse me Im not Gay " sabi ko sa kanya.
Napangiti naman ito. Aba ngumiti rin ang lalaking ito.
" Ngumingiti ka pala " sabi ko sa kanya. Bigla na lang niya binawi ang kanyang ngiti nang tinanong ko sa kanya.
Muli nanamn kaming napatahimik.
Sinabi ko sakanya kung saan ako niya ako ihihinto. Kaya doon niya ako hininto inilayo ko ng kunti kung saan ako pupunta. Baka mamaya sundan pa ako neto. Ang kapal ko din ano.
Nagpasalamat ako sa kanya pero hindi lang niya ako niya ako pinansin.
Kahit ihatid pa ako ng lalaking ito hindi ako pupunta sa kanyang building at ayaw ko siyang makatrabaho.
Pumunta na ako sa hospital at pumasok sobrang gabi na kaya agad na akong namahinga.
Salamat sa ito Krisha khit kunti lang binigay mo.
______________________________________
Huy, ikaw. Oo ikaw na nagbabasa nito. I click mo naman ito.
Vote!
Comment na rin!
And Follow ka diyan.
Bahala ka sige mamalasin ng pepti years niyan.😁😁🤭🤭🤭
Anyway, salamat sa mga patuloy na nagviview ng aking story paabutin niyo naman ito ng 100 reads. Thanks❤️❤️💕💕💕
- WRITTENBRAINS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro