Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Year 2008

"DADDY, malapit na ba tayo?" Tumingin ang batang babae sa kanyang kanan para humingi ng sagot sa kanyang ama. Kanina pa kasi sila nasa kotse at gustong-gusto na niyang makarating sa paroroonan nila.

"Anak, malapit na tayo, konting tiis nalang... hmm?" Hinawakan ng matandang lalaki ang kamay ng kanyang anak at tumango naman ito.

"Daddy, gusto ko nang sumakay sa carousel," tampong sagot ng bata sabay halukipkip ng kanyang mga braso.

Lumingon ulit ang matandang lalaki sa bata at nakita ang pagnguso ng mga labi nito. Napatawa tuloy siya ng kaunti sa ekspresyon ng kanyang anak. Sampung taong gulang palang si Maxine at unica hija kaya naman lahat ng gusto ay ibinibigay sa kanya. Hindi magawang magalit ni Daniel sa anak kahit na minsan ay matigas ang ulo nito.

"Saan mo pa gustong sumakay, anak?"

Parang nabuhayan ulit ang batang si Maxine sa tanong ng ama. "Lahat daddy! Gusto kong sumakay sa lahat!"

"O siya sige. Sasakyan natin lahat." Binalik ni Daniel ang atensiyon nito sa daan matapos makita ang pagbalik ng ngiti ng anak. Palagi siyang subsob sa trabaho kaya naman minsan lang niya ito makasama. Ngayon nalang ulit sila lalabas para mag-bonding kaya ipinangako niyang papasayahin niya ang kanyang anak ngayong araw na ito.

Tumunog ang cellphone ni Daniel galing sa bulsa nito kaya napatigil siya sa kanyang pag-iisip. Hininto nito ang sasakyan sa may gilid ng kalsada at sinagot ang pangalawang tawag galing sa isang unregistered number. "Hello? Sino ito?"

"Daniel, kailangan mo nang magpaalam sa anak mo. Bibigyan lang kita ng isang minuto." Nanlamig ang buong katawan ni Daniel pagkarinig ng boses sa telepono. Hindi niya alam kung sino ito dahil sa mala-robot na tono ng boses pero alam niyang may taong matagal nang nagbabanta sa buhay niya.

"Teka, sino-" Naputol ang pananalita niya kasabay nang pagbaba ng tawag ng estranghero. Nanginig ang kamay ni Daniel sa takot at galit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nito. Tumingin siya sa magkabilang direksiyon para hanapin kung sino man ang nagtatangka ng buhay niya. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para lang mabuhay ito.

"Daddy, okay ka lang?"

Naudlot ang poot na bumabalot kay Daniel sa tanong ng anak. Huminga ito nang malalim bago sinalubong ng ngiti ang anak. "Anak, makinig ka nang mabuti sa akin..."

Ilang segundo na ang nakalipas. Kung totoo man ang banta ng tumawag sa kanya, may ilang segundo nalang siyang natitira para iligtas ang kanyang anak.

"Daddy, bakit ka pinagpapawisan?"

Tick. Tick. Tick.

Mahina ang tunog ng alarm galing sa kung saan. Ayaw isipin ni Daniel na may bomba sa loob ng kotse. Kung mayroon man, hindi siya papayag na mawala ang anak sa kamay ng isang estranghero.

Tick. Tick. Tick.

Patuloy ang pagtunog ng bagay kasabay ng malakas na kabog ng puso ni Daniel. Hinawakan niya ulit ang kamay ng kanyang anak at nakita ang litong ekspresyon ng bata. "Anak, mahal na mahal ko kayo ng mommy mo. Promise mo sa akin na magpapakabait ka ha?"

"Opo, daddy. Pero... bakit kayo umiiyak? Aalis ka ba ulit?"

Hinayaan ni Daniel ang pagtulo ng luha nito habang tinatanggal ang relo sa kanyang kamay. Inilagay niya agad ito sa kamay ng anak.

"Daddy, ano 'to?"

"Anak, lumabas ka na muna saglit at tumakbo ka palayo dito. Susunod ako. Hahanapin kita. Kung hindi ako dumating, pindutin mo lang ito," utos ni Daniel sa anak sabay bukas ng pinto ng kotse at itinulak palayo ang walang malay na si Maxine.

"Daddy!" Sigaw ni Maxine na nakahalandusay sa gilid ng daan.

Iyon ang huling narinig ni Daniel mula sa kanyang anak bago nito pinaandar ang kotse para makalayo sa lokasyon at hindi matamaan ng bomba ang anak.

Tick. Tick. Tick.

Narinig ni Maxine ang mahinang tunog galing sa may upuan niya kanina pero hindi niya alam kung ano ito. Tinitigan niya ulit ang relo na binigay ng kanyang ama sa kanya. Lagi itong suot ng kanyang ama kaya alam niyang mahalaga ito sa kanya. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit bigla nalang siyang iniwan sa daan na para bang ayaw niya itong makasama sa amusement park.

Tatayo na dapat si Maxine mula sa kinauupuan niya nang biglang gumuho ang daan. Sumakit rin ang tenga niya dahil sa malakas na pagsabog sa may di kalayuan. Hindi man niya ito nakita pero alam niya kung saan ito galing.

"Daddy!"

ooOOoo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro