Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

File #3

I just had the longest sleep in my life so far.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa isang kama na sa sobrang lambot ay parang akong nakaupo sa isang malaking marshmallow. Nilibot ko ang aking tingin at nakita ang kabuuan ng kwarto. The room was twice bigger than our current house.

There was a gigantic cabinet on the side, a huge flat screen tv hanging on the ceiling, a mini living room on one side and I could just go on and on about how luxurious this whole room was and still, I wouldn't believe it. I screamed inside my head.

"Hindi 'to panaginip?" I asked myself, touching my head.

Doon ko na-realized na may nakabalot sa may kaliwang pulso ko. It was the same watch, which Kyle and Seth were wearing.

Sighing, I grabbed the diary and map from the bedside table and studied it again. Ilang beses ko nang tinitigan ang mapa at diary na ito. But, still I couldn't understand why I ended up here, when in fact the places with red markings on the map were real cities in the country like Puerto Lisba, Valenfuego, Iligaro, Bartaz, among others. There was no single clue as to why dad would lead me to this place and time.

Nang mapagod ako kakatitig sa mapa, tumayo na rin ako mula sa aking kama. Just then, biglang tumunog ang watch sa kamay ko na parang may alarm.

BEEP. BEEP. BEEP.

I wanted to stop it so badly because it was getting annoying by the minute, but, I didn't know how to.

"Good morning, Maxine! You may proceed to the dining hall for breakfast." A monotonous voice spoke from the watch.

Holy frick! Nagsasalita ang relong 'to?

Bago ako lumabas ng kwarto, naghilamos muna ako saka nagbihis ng damit. May nakita akong uniform sa loob ng wardrobe kaya ito nalang ang ginamit ko.

It was a black coat with white ruffled blouse underneath, a dark navy blue ribbon accentuating it and a black pleated skirt, stopping just above my knees. A logo of LocHelm Academy was neatly knitted on the left side of the coat as well.

Then, I stepped out of the room. And damn, I didn't know which way to go.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa mahabang hallway hanggang sa marating ko ang dulo. May metal na pintuan na mukhang elevator. It looked like a capsule na hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin.

When the capsule door opened, I saw the innocent-looking guy from the group yesterday, standing and staring back at me. Humakbang ako paatras para hintayin nalang ang susunod na biyahe nito. Ayaw kong pumasok kasama ang lalaking ito.

"Hindi ka ba papasok?" The guy asked me, his bright doe eyes luring me in.

I blinked at him. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at bigla akong naglakad papasok sa loob ng capsule. I just hope he wouldn't do anything to me. Somehow, I felt scared of him, despite his innocent face.

I stood on the other side of the elevator, trying to distance myself from him.

"I'm Luther, by the way. And you are?" He spoke, turning to me.

I didn't turn to face him. I just fixed my eyes at my own reflection in front of me. Sabihin ko ba pangalan ko? Hindi. Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.

"Alam kong hindi naging maganda ang first impression mo sa akin dahil sa nangyari kahapon. But, I hope you'll change your mind," Luther stated, smiling. "Pwede kitang i-tour dito sa academy. Only if you want to, of course."

"Thanks, but no thanks," I muttered. Kahit na mukha siyang inosente, hindi ka magpapatinag, Maxine.

Luther suddenly let out a chuckle.

I turned to him. Problema nito?

Biglang nagbukas ang pintuan ng capsule, kaya napatigil na rin sa pagtawa ang lalaki. "Welcome to LocHelm Academy, Maxine!"

****

Few days later, kasama ko na sa iisang table si Luther pati na ang mga kaibigan niya sa dining hall. Alam kong hindi dapat ako masyadong nagtitiwala sa mga tao dito dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin.

But, somehow Luther convinced me to meet his friends. Doon ko nalaman na may iba't ibang levels pala dito sa academy. Si Luther ay kabilang sa Level Magna o "Level M," kung saan lahat ng estudyante dito ay may exceptional skills na tinatawag nilang "spectra."

May sarili din silang monikers gaya ng sabi ni Kyle dati. Kung si Kyle ay 'Traveller' at si Seth naman ay 'Windbreaker,' si Luther ay 'Mind Mystic' dahil sa spectra niyang magbasa at mag-kontrol ng isip ng tao.

Ang mga kaibigan ni Luther na Level Magna students ay...

Si Kristoff na pinakamatangkad sa kanila ay tinatawag nilang 'Undertaker.'

Si Toby na kulay silver ang buhok ay 'Lethal Slayer.'

Si Lance na siyang tahimik sa grupo ay 'Healing Sage.'

Si Calyx na green ang mga mata ay 'Lightning Bolt.'

And lastly, si Xenon na may cute at bilog na mukha ay 'Immobilizer.'

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito at kung ano ang taglay nilang kakayahan. Ang corny rin ng mga monikers nila, pero parang normal naman ito dito.

Mukha mababait rin ang kagrupo ni Luther. Kahit na ilang araw ko palang silang nakakasalamuha, naging komportable na ako sa kanila. Ang weird lang na parang may galit sila sa grupo nina Seth. Ayaw ko naman silang tanungin kung bakit dahil baka ako pa ang pag-initan nila.

Speaking of Seth, hindi ko pa siya nakikita simula noong nakarating ako dito. Nakita ko si Kyle kanina sa kabilang table kasama ang ibang kagrupo niya na galing raw sa Level Krypton o Level K. Ayon kay Luther, amateurs raw ang grupo nina Seth kumpara sa kanila na kabilang sa Level M na siyang pinakamataas na level sa buong academy.

Ibig sabihin sila ang may pinakamalakas na powers?

"So, Maxine, ano ba ang spectra mo?" Calyx asked, his green eyes startling me.

I looked at them with a blank face. I honestly didn't know. Wala akong spectra. Wala akong powers.

"Ano, Maxine?" Toby asked, messing his silver hair.

"Uh... hindi ko alam," I answered, shrugging.

They paused, looking at each other. Then, Lance spoke for the first time. "Posible nga na hindi niya alam ang spectra niya. It was the same for me."

The others nodded.

"Malalaman mo rin yan pag nagsimula ka na sa klase," usal ni Xenon.

"Ako? May powers? Imposible!" Napatawa ako sa sinabi nila.

"Maxine, hindi ka makakarating dito kung wala kang spectra," sagot naman ni Luther sa tabi ko.

"Hindi ba nakarating ka dito dahil kina Seth at Kyle?" Kristoff asked.

I nodded.

"Paano mo nakausap si Seth? Hindi nga namin siya nakikita dito," natatawang sabi ni Calyx.

"Bakit hindi?"

"Lagi 'yong MIA. Walang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Lahat ng nasa grupo niya, actually," Toby commented.

"Mabait naman siya. Pati si Kyle," saad ko.

"Pero mas mabait kami, hindi ba?" Luther butted in, smiling.

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko pa naman nakikilala ang mga nasa grupo nina Seth at Kyle kaya hindi ko alam kung mabait ba sila o hindi. Basta, sa ngayon, dito muna ako sa grupo ni Luther. At least, may kasama na ako dito.

****

I took a few deep breaths, before entering my first class. Tapos na rin ang summer break nila. Akala ko puro aral lang sila dito. Parehas rin pala sa amin.

Ang weird lang na pumasok sa klase na walang dalang bag. Sabi ni Luther sa akin, "Hindi mo kailangan ang bag. Basta suot mo 'yang relo mo, okay na."

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, napatingin ang lahat ng estudyante sa akin. Gusto na ba nila akong patayin? Nakakatakot tumingin sa mga mata nila. Parang any time ay may kikitil ng buhay ko.

Umupo nalang ako sa may pinakahuling row. May humigit kumulang benteng estudyante sa loob ng kwarto. May bago rin kayang estudyante dito? O ako lang?

I shook my head, trying to gain my senses back.

Just then, the door swished open, revealing a bald man in tuxedo in front of us. "Good morning, class!" He greeted us with a deep voice.

"Good morning, sir!" They all said in sync.

"Ready for today's class?"

Not really.

"Yes, sir!" They answered again.

"Good!" And right on cue, he clicked something from his hand and the room was now transformed into a larger open space. No more walls. Just a huge open field. "Let's get to introductions, shall we?"

Ito talaga ang pinakaayaw ko sa first day of classes. The thought of just speaking in front of everyone sent shivers up my spine.

Lahat ng estudyante na nagpakilala sa harap ay nagpakita ng kani-kanilang special ability – invisibility, shape-shifting, fire power, you name it.

Ano naman ang ipapakita ko?

Nang ako na ang tinawag ni Professor A na siyang guro namin, wala akong ibang nasabi kung hindi ang pangalan ko.

"Show us your ability, Maxine Drew," Professor A ordered.

"Hindi ko po alam kung ano ang ability ko," I mumbled.

I heard murmurs around me. Some of them eyed me strangely, while others probably felt pity on me.

"Okay, fair enough. Pero, ano sa tingin mo ang kaya mong gawin?" professor asked again.

I didn't answer him. Hindi ko nga alam.

"Archery?" professor asked, clicking something from his remote and in an instant, I was already holding a bow and arrow in my hands. "Try hitting that target," utos pa niya sabay turo sa dulo ng field kung nasaan may malaking dart board.

Holy freaking... Tingin ba niya kaya kong mag-archery? First time ko ngang makahawak nito eh.

But there was no time for complaints.

I positioned myself and tried to aim the target, which was about twenty meters away from where I was standing. Hinigpitan ko ang hawak sa bow at arrow. Ang bigat pala nito?

When I released the arrow, it didn't even reach halfway. Narinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko. Alam ko namang hindi ko matatamaan ang target.

Professor A shook his head. "Hmm... Shooting then?" He asked again, and after clicking his remote, the bow and arrow disappeared from my hands, replacing it with a gun.

Muntik ko pang mahulog ang hawak kong baril dahil mas mabigat pa ito, kahit na mas maliit siya sa bow at arrow.

"Now, aim and shoot!"

I gulped down, clicking the trigger. Napapikit ako sa lakas ng impact nito sa kamay ko. Bigla rin akong nabingi sa tunog ng putok.

May nangyari ba? Natamaan ko ba? Bakit hindi ko marinig ang pagtawa ng mga kaklase ko?

Unti-unti kong binuksan muli ang mga mata ko. Hindi ko natamaan ang target.

Nakita ko nalang na nakataas ang kamay ni Professor A habang may hawak siyang maliit na bagay. "Maxine Drew, kung gusto mong manatili dito sa klase ko, kailangan mong alamin ang kakayahan mo. Maliwanag ba?"

Napalunok ako nang mapagtanto kong hawak ng guro namin ang bullet galing sa baril na pinutok ko.

Mukhang kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro