File #13
I was sweating like a pig when I woke up from that dream. Kyle and Lance both looked at me in worry as soon as I got up.
"Maxine, okay ka lang?" tanong ni Kyle sa akin.
I just nodded my head.
"Halos isang oras kang walang malay nang biglang may dumating na mga sundalo sa Oasis. Kinailangan ka naming dalhin dito," saad ni Kyle.
Wala na pala kami sa Oasis. Nasa isang kwarto na kami sa dorm. Pero, hindi ko ito kwarto.
"Si Seth..." I mumbled. I still couldn't believe what I just dreamt. Anak siya ni Wilhelm?
"Seth?" Lance asked back.
"Hindi ba taga-Modern World si Seth?" I asked, looking at them.
Kyle's face was a bit stunned, but he suddenly shook his head. "Galing siya sa year 2018 gaya mo. Kaya medyo bago lang rin siya dito sa academy."
I creased my brows at him. "Galing ba kayong lahat sa iba't ibang taon?"
Kyle chuckled. "May ilang galing sa ibang taon. Pero, karamihan sa mga estudyante dito ay galing sa Modern World o year 3000."
"Bakit naman?"
"Si Professor O ang namimili kung sino ang napupunta dito sa academy. Hindi ka basta-basta makakapunta dito," sagot naman ni Lance.
I gulped down. "Alam niyo ba ang pangalan ng tatay ni Seth?"
Umiling si Kyle. "Alam mo naman siya, hindi masyadong nagsasalita."
"Bakit mo natanong? May nakita ka ba sa panaginip mo?" Lance asked me this time.
I nodded. "Nakita ko si dad kasama ang dad ni Seth. Magkaibigan pala sila."
"Ano?" The two almost exclaimed in sync.
I tried to compose myself, processing everything that I just dreamt.
Just then, someone came knocking on the front door. "Diyan lang kayo," Kyle volunteered, peeking at the hole. "Si Jedrick."
Jedrick came in, panting hard. "Na-neutralized na ang mga tanks. Naging yelo na rin ang mga sundalo sa labas. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ito kakayanin nina Sharilee at Xenon."
No one spoke among us, not until Jedrick saw me holding his notebook. "Bakit hawak mo ang notebook ko?" he asked me with an infuriated look.
"Naiwan mo kanina kaya..." I tried to explain, but he already grabbed it from my hand.
"May inaalam pa ako-" biglang tumaas ang tono ni Jedrick.
"Si Wilhelm..." I mumbled, causing Jedrick to look at me.
"Wilhelm?" pag-uulit niya.
"Siya ang tatay ni Seth."
"Siya kaya ang may pakana nito? Pero, bakit?" Jedrick asked with creased brows.
"May isang tao lang na makakasagot sa atin," Kyle butted in.
We all turned to him. "Sino?"
"Si Professor O."
Kyle transported us to Professor O's office in a blink of an eye. Tahimik ang buong kwarto. Parang walang tao. Tinawag namin ang pangalan ni professor pero walang sumasagot.
"Baka wala na siya dito," saad ni Lance.
Aalis na dapat kami nang biglang lumitaw ang propesor sa harap namin. His whole body was covered in a silver, shining armor like a cyborg. Even his face was covered with the same thing, so we still couldn't see him.
"Professor!" we exclaimed.
"Bakit kayo nandito? You should be helping outside! The neutralizing effect will soon subside," he reminded us in his robotic voice.
"Pero Professor, may nakita si Maxine sa panaginip niya. Si Wilhelm... na tatay ni Seth," Jedrick explained. "Siya ba ang President sa Cosmos? Siya ba ang kalaban natin?"
Professor O didn't speak at once. May alam ba siya sa mga nangyayari? Kilala rin ba niya si Wilhelm?
Just then, he finally spoke again. "Pwede bang iwan niyo kami ni Maxine dito? Gusto ko siyang makausap."
Napalunok ako. Ano ang pag-uusapan namin?
Nagtinginan ang mga kasama ko bago sila tuluyang lumabas ng kwarto.
"Professor, ano ang pag-uusapan natin?" diretsong tanong ko kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan pa rin ako.
Suddenly, the silver, shining armor covering his entire body slowly disappeared, until I could finally see a very familiar face of a man standing in front of me. "Maxine, anak!"
Natulala ako sa aking nakita. Si dad ba talaga ang nasa harap ko? I had to blink my eyes a few times, before finally realizing that it was really him. "D-Dad?"
"Ako nga ito, anak." Lumapit siya sa akin, pero humakbang ako paatras. It's not that I was afraid of him, I just couldn't believe that he was there, alive and more importantly, he was Professor O all along. "I am so sorry, anak, kung iniwan ko kayo ng mommy ko. I had to be here."
"Pero... bakit, dad? Gusto niyo rin bang pagharian ang mundo? Gaya ni Wilhelm?" I was mad. Alam kong dapat ay masaya ako ngayon, pero hindi ko mapigilan ang aking emosiyon.
"Si Wilhelm? Hindi, anak! Gusto ko siyang pigilan kaya nga ako nandito ngayon. Ninakaw niya ang patent ng imbensiyon ko para mamuno at gawing alipin ang mga tao sa mundong ito. Noong una ay kinumbinsi niya akong magpatayo kami ng eskwelehan kaya nabuo itong LocHelm Academy, hanggang sa nag-iba ang kanyang pananaw. Ngayon ay gusto na niyang sirain lahat ng pinaghirapan namin dito at hindi ko 'yon papayagang mangyari."
Nanatiling tikom ang aking bibig habang pinapakinggan si dad. Hindi ko inasahang makikita ko siya ulit at dito pa sa mundong ito.
"Anak, hindi mo alam kung gaano ko kagustong mayakap ka noong una kitang nakita dito. Pero, walang dapat makaalam na ako ang tatay mo." Lumapit na ulit si dad sa akin at hinayaan ko na siyang yakapin ako.
It had been really a long time since I last felt his embrace. It was comforting. We stayed like that for about a minute, until I remembered something. "Si Seth... anak po siya ni Wilhelm?"
Dad released me from his arms and answered, "Oo. Pero, hindi alam ni Seth na nandito ang kanyang ama at siyang namumuno sa Cosmos. Naisipan kong kunin si Seth galing sa taong 2018 pagsapit ng kanyang ika-labing-walong kaarawan dahil sa taong ito magsisimulang magpakita ang spectra ninyo."
"Kagaya ko?"
He nodded. "Oo, anak."
"Kailangan nating sabihin kay Seth ang tungkol sa tatay niya," sabi ko.
"Anak, hindi ganoon kadaling kausap si Wilhelm. Sinubukan ko na ito ng ilang beses."
"Susubukan po namin. Sasamahan namin si Maxine, Professor," someone suddenly appeared behind us. It was Kyle, Lance and Jedrick, who were eavesdropping to our conversation from the door.
Tinignan ako ni dad sabay tingin sa kanila. "Kapag may nangyari sa inyo-"
"Wala pong mangyayaring masama sa amin, Professor," the three said.
"Dad, please?" I begged him, though deep inside, I was really scared of what might happen when we get there.
****
Nakarating kami agad sa Cosmos dahil sa teleportation ni Kyle. Nauna na sina Jedrick kasama sina Jodielyn, Veronicka habang kasama ko naman sina Kyle at Lance.
Nasa isang malaking hallway kami ngayon sa loob ng Palacio. Dito pala nakatira ang mga Governals. Walang katao-tao dito ngayon. Tahimik at mukhang tulog ang lahat. O baka naman may patibong sila para dakipin kami?
"Saan kaya ang office ni Wilhelm dito?" bulong ko sa dalawa.
"Sinusubukan kong pasukin ang mga kwarto pero mukhang may nilagay silang nullifying effect sa mga pintuan kaya hindi ako makapasok," Kyle answered in frustration.
"Hindi tayo makakapasok kapag nasa isang nullifying room sila," saad pa ni Lance.
"Wala bang ibang paraan?" I was really desperate to see Seth and make sure he was safe.
Umiling si Kyle. "Wala na akong ibang maisip pa."
I took a deep breath, shaking my head. "Hindi pwede! Kailangan nating maghanap ng paraan."
I walked forward, and as soon as I did, a group of armed soldiers already appeared before us. Taking a step back, I glanced at Kyle and Lance. "Ano'ng gagawin natin?"
"Hindi ko magamit ang specialty ko!" Kyle said in panic.
Bago pa kami makatakbo, isa-isa kaming kinaladkad ng mga sundalo patungo sa isang pintuan.
"Bitawan niyo ako! Tulong!" sigaw ko habang nilalagay ng sundalo ang posas sa aking mga kamay.
"Titigil ka ba o ipuputok ko 'tong baril sa ulo mo?" sabi ng isa pang sundalo sa akin sabay tutok ng baril sa noo ko.
Natahimik ako nang itulak ako ng sundalo gamit ng baril papasok sa isang madilim na selda. Tumama ang tuhod ko sa semento kaya napangiwi ako sa sakit.
"Ibaba mo 'yang baril kung ayaw mong mamatay," isang pamilyar na boses ang nakapukaw ng aking atensiyon.
Napatingin ako sa selda na katapat ng sa amin. Medyo madilim sa buong paligid pero kita ko ang pagkislap ng gintong mga mata ni Seth mula sa kinatatayuan ko.
"Ah, kasama niyo pala sila? Tiyak na magugustuhan ito ni President," sabi ng isang sundalo sabay halakhak bago kami iwan sa loob.
"Seth!" I exclaimed, running towards the edge. Ilang metro ang layo ng katapat naming selda. Hindi ko siya makita masyado dahil sa kulang ang ilaw dito sa loob ng kwarto. Pero sapat na sa akin na malaman na nandito siya at buhay.
"Ngayon, paano tayo makakaalis dito kung lahat tayo nakakulong na?" Rinig ko ang pagreklamo ni Luther sa selda nina Seth.
"Nasa labas pa sina Jedrick," sumbat ni Kyle.
"Sana lang mahanap nila tayo. Hindi pa naman gumagana ang mga specialty natin dito," usal ni Kristoff mula sa kabilang selda.
"Seth, si Wilhelm..." marahang sambit ko.
"Alam ko, Max."
Napaawang ang labi ko sa gulat. "Alam mo?"
"Nakita ko siya dati noong isang araw na tumakas ako para maglibot sa Cosmos. Pinilit ko siyang kausapin pero pinagtabuyan lang niya ako na parang hindi niya ako kilala... na parang hindi niya ako anak," ramdam ko ang galit at lungkot sa boses ni Seth pero wala akong magawa kung hindi ang makinig lamang.
"Seth..." pabulong kong sabi.
"Siguro nga kinalimutan na niya ako," Seth muttered.
"Paano kung ikaw lang ang makakapigil sa kanya, Seth?" saad ni Channing na katabi pala ni Seth sa loob ng selda.
Everyone fell silent after that. I could see it in their faces that they were as tired, hungry and hopeless as I was.
Sinandal ko ang aking ulo sa metal bar habang ramdam ko ang lamig na umaakyat sa aking katawan. Makakaalis pa kaya kami dito?
"Max, okay ka lang?" Tanong ni Seth sa akin.
Umiling ako. "Paano kung hindi tayo makalabas dito?"
"Max, makakalabas tayo dito," Seth reassured me.
Just then, a sound wave knocked the front door open. Akala ko guni-guni ko lang 'yon, pero napatingin rin ang ibang kasama ko sa pintuan. Tumayo ako mula sa sahig habang nakatingin sa malaking pintuan sa may gilid.
"Nandito ba kayo?" Tawag ng isang babae mula sa pintuan. "It's me. Jodielyn!"
Maya't maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang taong nakasuot ng armor. Nagulat nalang kami nang bigla nilang buksan ang lock ng aming selda pati na rin ang mga posas namin.
"Sino kayo?" tanong ni Luther sa kanila.
Tinanggal nila ang suot nilang armor mula sa kanilang ulo at doon namin nakita ang mukha nina Jodielyn at Veronicka.
"Paano niyo kami nahanap?" tanong naman ni Kristoff.
"May singsing tayo, hindi ba?" Tinaas ni Jodielyn ang kanyang kamay.
"Bilisan na natin at baka mahuli pa tayo!" utos ni Veronicka sa amin.
Pagkasabi niya nito, biglang gumalaw ang sahig na parang ilang sandali nalang ay guguho at babagsak ito. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Nang may humawak sa aking kamay, akala ko si Seth na ito. "Max, halika na!" Si Luther pala.
Hinanap ko si Seth at nakita tumatakbo na siya patungo sa pintuan. "Seth!" tawag ko sa kanya sabay alis ng pagkakahawak ni Luther sa aking kamay.
Lahat ng mga kasama namin ay tumatakbo patungo sa kabilang direksiyon, samantalang si Seth ay pumunta sa kabila. "Seth, saan ka pupunta?" pasigaw kong tanong habang pilit na hinahabol ang lalaki.
Ngunit, hindi siya tumigil sa pagtakbo. Kahit na umuuga na ang buong sahig, tuloy lang siya. May mga nahuhulog na ring debris mula sa tuktok namin pero sinundan ko pa rin siya. Napaubo ako dahil sa nagkalat na usok at alikabok hanggang sa hindi ko namalayang nawala na si Seth.
Nakarating ako sa dulo ng hallway at wala ng ibang mapupuntahan.
"Seth?" tawag ko at baka sakaling marinig niya ako.
Wala na talaga siya. Seth, nasaan ka na ba?
Sa kalagitnaan ng aking pag-aalala, napansin kong parang mabibiyak na ang sahig na inaapakan ko. Kahit pa tumakbo ako, tiyak na mahihigop ako pababa sa lupa.
Maya't maya pa ay naramdaman ko nalang na may bumubuhat na sa aking katawan. Sa bilis ng paggalaw nito ay hindi ko makita kung saan kami papunta.
"Seth," bigkas ko sa kanyang pangalan dahil alam kong siya ulit itong nagligtas sa akin. Siya naman parati ang nagliligtas sa akin. Kulang pa ang buhay ko para suklian ang mga ginawa niya para sa akin simula noong mapunta ako sa lugar na ito.
"Max, bakit mo ba ako sinundan?" galit na sambit ng lalaki nang maibaba na niya ako sa isang lugar na malayo sa gumuguhong Palacio.
"Sasamahan kita," I pleaded.
"Hindi pwede! Masyadong delikado. Ayaw kong mapahamak ka," sumbat pa nito.
Kinuha ko ang kanyang kamay at pinisil ito nang marahan. "Hindi kita iiwan, Seth."
Umiling naman siya sabay buga ng hangin. "Bakit ba ang kulit mo, Max? Hindi ba maliwanag na ayaw kitang mamatay? Hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin ni dad."
"Paano kung ikaw ang mawala? Sa tingin mo ba gusto kong mamatay ka? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka, Seth! Naiintindihan mo ba?" sigaw ko sa kanyang mukha at baka sakaling pumasok ito sa kukote niya.
Natahimik na rin siya. Siguro naman ay hindi na siya aangal ngayon.
Maya't maya pa ay bigla nalang may lumitaw na pigura sa aming harapan. Napasinghap ako nang makita ang isang matandang lalaking nakasuot ng itim na full body armor suit. Nang ipakita na niya ang kanyang mukha ay doon ko napagtanto kung sino siya.
"Dad," mahinang sambit ni Seth habang nakatingin sa kanyang ama.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi na parang natutuwa sa pagkakita sa amin. "Hindi ba hinahanap niyo ako?"
"Dad, itigil niyo na ito," Seth begged. "Kung ano man ang pinaplano ninyo, huwag niyo nang ituloy. Maraming namamatay na inosenteng tao dahil sa ginagawa niyo."
"Ano ba ang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawa," ani Wilhelm sabay hakbang palapit sa amin.
"I don't even know you anymore, dad. Ano'ng nangyari sa inyo?" sabi ulit ni Seth.
Humalakhak si Wilhelm. "Wala na ang dating ako..." Papalapit na siya sa amin. "Hindi na ako ang iyong ama..." Isang hakbang nalang. "...dahil ako na ang nagmamay-ari ng mundong ito."
Biglang hinawakan ni Wilhelm ang leeg ni Seth sabay buhat sa kanya pataas gamit lamang ang kanyang kamay. "Dad..." rinig ko ang pagtawag ni Seth sa kanyang ama.
"Ibaba niyo siya! Please, nagmamakaawa ako sa inyo," pakiusap ko sa matanda sabay hawak ng kanyang isang kamay. "Anak niyo po si Seth!"
The old man stifled a laugh again. "Wala akong anak na inutil!" Matapos niyang sabihin ito ay bigla niyang hinagis ang katawan ni Seth sa malayo hanggang sa bumagsak ito sa lupa.
"Seth!" Agad akong tumakbo patungo sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko nang marating ko si Seth na nakahalandusay sa lupa. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa dugong bumabalot dito.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya? Wala kang puso! Halimaw ka, Wilhelm!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw habang ramdam ko ang pagtagas ng luha mula sa aking mga mata.
"Max..." biglang nagsalita si Seth kaya napatingin ako sa kanya.
"Seth, hihingi ako ng tulong. Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Pinilit kong haplusin ang mukha niya sa kabila ng panginginig ng aking kamay.
"Na...aalala mo ba... yung spectra mo... Max..." Umubo nang malakas si Seth kaya napatigil ito saglit sa pananalita.
"Sshh, huwag ka nang magsalita, Seth. Tatawag ako ng tulong-"
"Max, concentrate..." utos niya sa akin.
Concentrate? "Seth, ano'ng sinasabi mo?" Napatanong ako sa kanya pati na rin sa aking sarili. Ang spectra ko? Tignan ang hinaharap?
Concentrate!
And so I did.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro