Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

File #12

"So, you can see the future?" Inulit ni Seth nang makaupo na kami sa tapat ng isang puno sa tabi ng Lake Crystal. Mamaya pa naman magsisimula ang klase namin para sa special level. Pero, sa ngayon, hindi maalis sa isip ko ang mga nakita ko sa hinaharap.

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa lupa. "Parang... hindi ko lang ito nakita. Parang nandoon din ako sa hinaharap."

"Kaya mo bang i-manipulate ang mangyayari pa lamang?"

Umiling ako. "Hindi ko alam. Medyo nahihilo pa rin ako," I stated, rubbing my temples.

Seth leaned his head on the trunk as I looked at him. Napaisip ako kung totoo ba 'yong mga nakita ko sa hinaharap. Paano kami naging sobrang close ni Seth? Eh halos ipagtabuyan nga ako ng lalaking ito.

"May hindi ka sinasabi," biglang usal ng lalaki habang nakatingin sa akin. Napansin pala niya na nakatitig rin ako sa kanya habang nag-iisip.

"Paano ka napunta sa taong 2018? I mean... ano'ng ginagawa mo doon noong nakita kita sa bus?" Nakatitig pa rin ako sa kanya. Nanatiling blanko ang mukha ni Seth. Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"May binigay na mission sa akin si Professor O. May pinapahanap siya sa taong 2018," sagot nito.

"Sino?"

Before he could even answer, our watches started beeping like crazy.

"CODE X! CODE X! Our Academy is under attack!"

Nagtinginan kami ni Seth bago kami tumayo sa kinauupuan namin. Agad naman niya akong inalalayan para makaakyat ako sa likuran niya saka siya tumakbo nang matulin para marating namin ang academy. Kahit na malayo kami ay rinig ko ang malakas na pagbomba mula rito.

When I looked up, missiles hovered in the air. The transparent layer protecting the Academy seemed to be forcefully destroyed by an unknown force.

"Seth, nangyari na ba ito dati?" nag-aalalang tanong ko.

"Ilang beses na kaming pinasok ng mga Governals dati," he answered as we reached the training grounds.

May mga naka-linya nang estudyante sa malawak na field kasama ang mga professors ng bawat levels. Nang makarinig kami ng ingay mula sa gate ng academy, doon lamang namin napansin na pilit rin nilang sinisira ang gate para makapasok sila.

Hindi inalis ni Seth ang paghawak sa aking kamay habang naglalakad kami patungo sa mga grupo ng estudyante.

"Huwag kang aalis sa tabi ko para hindi ka mapahamak," Seth whispered to me, so I just nodded.

Maya't maya pa ay nakita namin ang mga miyembro ng Secret Society na magkakasama sa isang sulok. Mukhang nagpa-plano na rin sila kung ano ang gagawin para malabanan ang mga Governals.

"Seth, Maxine!" Kumaway si Kyle sa amin nang makita niya kaming paparating. "Buti at nandito na kayo."

"What's the plan?" tanong ni Seth sa kaibigan.

"Hindi ba pwedeng umatake nalang tayo? Kaya naman natin sila," rinig ko ang sabi ni Luther mula sa grupo.

"Hindi tayo pwede umatake ng basta-basta. We need a plan," Jedrick, being the smartest, answered.

"Tama si Jedrick. We can't just risk our lives fighting. Ni hindi natin alam kung sino ang totoong kalaban," Channing remarked.

"Ang sabihin niyo, naduduwag kayo. Alam naman natin kung sino ang kalaban. Lahat ng mga nasa gobyerno ay kalaban natin. Ano, sino ang sasama sa akin?" Tumingin si Luther sa kanyang mga ka-grupo. Walang umimik sa kanila. "Sige. Maiwan kayo dito. Kaya ko namang lumaban mag-isa."

"Sasama kami, Luther," Jodielyn suddenly announced, together with the other girls, Veronicka and Sharilee.

"Hindi kami papayag na umalis kayo at magpakamatay sa labas!" Kristoff exclaimed, yelling at them. "As much as I don't want to agree, tama nga si Jedrick. If we want to save everyone here, we need to save ourselves first and act with a plan!"

No one spoke among us, not until the massive steel gate suddenly crumbled down to pieces. "Mag-isip na kayo ng plano. Tutulong muna ako dito," Kenzo volunteered, proceeding to the front line where the professors were standing.

Pumasok kaming lahat sa Oasis para Sundan si Jedrick. May nilabas siyang notebook mula sa kanyang coat pocket sabay basa sa mga nakasulat dito. Apparently, he had been preparing for this all this time. "Ang iba sa atin ay kailangang pumunta sa Cosmos para iligtas ang mga tao doon. Ang iba naman ay maiiwan dito," Jedrick explained.

"Alam ba natin kung saan at sino ang nagsimula ng lahat ng ito?" Toby asked.

"Basta ang alam ko, ang mga Governals ay nakatira sa Palacio. Doon natin makikita kung sino ang puno't dulo nito," sagot naman ni Jedrick.

"Ako na ang pupunta sa Palacio," Luther said with balled fists.

After the short debate, everyone finally agreed. Binigyan kami ni Jedrick ng singsing kung saan may naka-install na tracker, just in case na matamaan nila ang microchips sa aming batok.

Ang mga pupunta sa Cosmos ay sina Luther, Kristoff, Kenzo, Toby, Channing, Calyx, Bryce at Seth. Ayaw kong bitawan ang kamay ni Seth. Alam ko namang malakas siya. Ngunit, hindi maalis ang pag-alala ko na baka hindi na siya makabalik dito sa academy... na baka hindi ko na siya makita pang muli.

"Wala na tayong oras. Kailangan niyo nang umalis," utos ni Jedrick sa kanila.

"Seth," hinila ko ang kamay niya kaya napatigil siya at tinignan ako sa huling pagkakataon.

"Kahit na anong mangyari, huwag kang aalis dito, Max. You're safest here."

My lips trembled as a tear escaped from my eye. Hindi ko napipigilan ang sarili ko at niyakap ko siya nang mahigpit. "Ipangako mong babalik ka dito, Seth."

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Basta, dito ka lang, Max."

Matapos niyang sabihin nito, tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at umalis na rin siya kasama ang iba papunta sa Cosmos.

Naiwan akong nakatayo doon habang pinipigil ang pag-iyak ko. Ngayon nalang ulit ako umiyak nang ganito. Huling beses ay noong mawala si dad. Sampung taon na ang nakalipas. Hindi ko inakalang may makikila ako dito na magbibigay ng saya, lungkot at galit sa akin. At si Seth 'yon.

"Maxine! Ano pa ang ginagawa mo diyan? Kailangan na nating magtago!" Rinig ko ang mataray na boses ni Jodielyn. Hanggang dito pa naman ay galit pa rin siya sa akin?

"Tutulong ako!" Veronicka announced, causing everyone to look at her.

"Hindi ka aalis, Veronicka!" mariing sagot ni Jedrick.

"Hindi ako katulad ng iba na walang gagawin!" Veronicka exclaimed.

"Sino ba ang nagsabi na wala tayong gagawin? May naisip akong plano kung paano nating mapapahinto ang mga armas at bomba nila. At kakailanganin ka namin, Sharilee." Jedrick looked at the short girl.

"Ako?" Gulat na tanong ni Sharilee.

"Tara na!"

"Teka! Ano ang gagawin ko dito?" Kyle asked.

Jedrick turned to us. "Huwag mo lang iwan si Maxine! Hindi pa niya kayang kontrolin ang specialty niya."

Tumango naman si Kyle sa tabi ko. "Oh, dito ka lang, Maxine."

Umalis na rin sina Jedrick, Jodielyn, Veronicka, Sharilee and Xenon. Naiwan ako kasama sina Kyle at Lance sa Oasis.

"Huwag kang mag-alala, Maxine. Babalik si Seth," nanunuksong sambit ni Kyle sa akin.

"Dapat lang," sagot ko sabay tingin sa naiwang notebook ni Jedrick sa gilid. Kinuha ko ito at naisipan buklatin at basahin ang laman nito.

Sa mga unang pahina, makikita ang mga planong sinulat ni Jedrick. Hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat. Halos puro numero na parang katulad sa mga sinusulat ni dad noon.

"Maxine, ano 'yan?" Kyle suddenly asked, making his way towards me.

"Notebook ni Jedrick," I answered as Lance moved towards my side as well, looking at the notebook.

As I turned to the next page, I saw some letters being spelled out into a name. May isang pahina kung saan may mga nakasulat na pangalan at combination ng mga letra. "Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito?" I mumbled.

"Ah, 'yan. Matagal nang dine-decode ni Jedrick ang pangalan ng President sa Cosmos. Walang nakakaalam nito. Ang hinala namin ay siya ang may pakana ng lahat ng ito," sagot ni Kyle.

Tinignan ko ulit ang mga pangalang sinulat ni Jedrick sa pahina. Puro random na mga letra ang nakasulat na hindi ko naman maintindihan. Pangalan ba talaga ito?

When I turned to the next page again, I saw a list of their names.

Jedrick-Decoder, Kyle-Traveller, Kenzo-Exterminator, Bryce-Illuminator, Kristoff-Undertaker, Luther-Mind Mystic, Toby-Lethal Slayer, Calyx-Lightning Bolt, Lance-Healing Sage, Xenon-Immobilizer, Jodielyn-Illusionist, Veronicka-Nature Spiritualist, Sharilee-Neutralizer.

"Teka, hindi ba ito 'yong mga..." Napatigil ako.

"Moniker?" Biglang nagsalit si Lance sa tabi namin.

Sa ibaba ng pahina, nakasulat ang pangalan ni Seth. Seth-Windbreaker.

Nakasulat rin ang pangalan ko sa tabi nito pero walang nakalagay na moniker. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Siguro dahil hindi mo pa alam ang specialty mo, wala ring nakalagay na moniker," ani Kyle.

From the names he had written on that page, there was one who stood out. The name which was spelled out from the first letters of Windbreaker, Illuminator, Lethal Slayer, Healing Sage, Exterminator, Lighting Bolt and Mind Mystic.

"Wil...helm?" I mumbled, trying to remember a memory from the past.

"Maxine, okay ka lang?" Lance asked me.

I nodded at him, but I felt dizzy again.

It was probably from reading Jedrick's baffling codes.

Lance offered me a chair, so I sat down.

I stopped reading the notebook and handed it to Kyle. I rested my head on the table, hoping to ease my mind.

****

Pagkagising ko, nasa loob na ako ng isang kotse. Teka, bakit at paano ako napunta dito?

I looked outside the window. Everything was back to normal. I could see people outside walking at the pavement. Cars were honking and beeping in front of us. Panaginip lang ba lahat ng nangyari?

Just then, I heard someone speak from the passenger's seat. It was a little girl. "Daddy, malapit na ba tayo?"

"Anak, kaunting tiis nalang, malapit na tayo... hmm?" Si dad ang sumagot mula sa driver's seat.

The conversation went on, just like what happened years ago. Ano ang nangyayari?

Nakaramdam ako ng malamig na pawis sa aking buong katawan. Sinubukan kong hawakan ang kamay ni dad pero hindi ko magawa. Parang akong multo.

It seemed like I didn't exist. There was only him and my ten-year old self inside that car. I was like in a chimera. Pero, bakit ako nandito?

"Anak, lumabas ka na muna saglit at tumakbo ka palayo dito. Susunod ako. Hahanapin kita. Kung hindi ako dumating, pindutin mo lang ito," utos ni dad sa batang babae.

This can't be happening again.

"Daddy!" I yelled, holding onto his arm and closing my eyes.

I was expecting an explosion, but that never happened.

Pagdilat ko ng aking mga mata, nakatayo na ako sa isang kwarto kasama si dad. Teka, buhay ba siya?

"It worked!" my dad exclaimed, holding a little piece of some kind of remote in his hand.

"Dad!" I attempted to hug him, but he suddenly moved away. Hindi pa rin niya ako nakikita. Marami akong gustong tanungin at sabihin sa kanya.

Kung buhay pa siya, bakit hindi siya bumalik sa amin? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita?

"Daniel, ano ba ang ipapakita mo sa akin?" A bearded guy with an elongated face suddenly appeared from the door.

"Wilhelm! Nandito ka na pala! Gumana ang imbensiyon ko!" Dad announced triumphantly, showing the remote to the other guy.

Ang imbensiyon ba ni dad ang dahilan kung bakit ako napunta sa Modern World?

Habang nakatingin ako sa lalaking kasama ni dad, parang naaalala ko kung sino siya. Nakikita ko siya dati na bumibisita sa bahay. Kaibigan siya ni dad.

"Sinasabi mo bang muntik ka nang mamatay sa loob ng kotse at nailigtas ka dahil diyan?" Wilhelm asked, eyeing the remote from my dad's hand.

"Oo, Wilhelm. Hindi ba nakakamangha?"

Tumango ang kanyang kaibigan. "Bakit hindi mo ito ibenta? Sigurado akong magiging bilyonaryo ka niyan pag nagkataon."

"Ano? Hindi ko ito ibebenta, Wilhelm. Kapag napunta ito sa maling kamay, tiyak ay magkakagulo ang mundo."

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata. I didn't even know why I was crying. All I knew was that I was glad to see my dad again, even if it was just an illusion or a dream. Just the mere fact that I was seeing him now felt like I already found what he'd always wanted me to find. My spectra...

And then, it hit me.

Nananaginip na naman ako. Kailangan ko nang gumising.

I slapped and pinched myself over and over, but still, I was there standing inside the room with dad and Wilhelm now both sitting and studying the remote.

Just then, a little boy, who was about my age that time appeared from the stairs. "Daddy!" he exclaimed, running towards Wilhelm, his dad.

"Seth, anak, bakit ka nandito? Doon ka muna sa labas. Maglalaro tayo mamaya, pangako ko 'yan."

Namilog ang aking mga mata dahil sa narinig ko. Totoo ba ang narinig ko? Si Seth ba talaga 'yon? At may koneksiyon pala kami sa isa't isa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro