File #11
Ilang araw pa ang lumipas at hindi ko pa rin alam ang spectra ko. I thought of skipping classes most of the time. I might as well just slack off, walk around the academy or bang my head on a tree. Maybe that would help me figure out what I could actually do to save mankind.
Habang naglalakad pabalik sa dorm namin, nakita ko ang grupo ng mga nasa Level Krypton na busy sa training nila. Hindi ko na sila dapat papansinin pa nang biglang may lumitaw na tao sa harap ko.
"Maxine!" Kyle greeted me, waving his hand.
"Oh, Kyle, ikaw pala," I greeted back, looking at his friends behind him. "Dito pala kayo nag-te-training?"
He nodded. "Hindi natin alam kung kailan aatake ang Governals kaya dapat laging handa."
"Oo nga naman," usal ko.
"Ikaw? Hindi mo pa rin alam ang specialty mo?"
Bumuntong-hininga ako. Kailan ko ba malalaman ang sagot sa tanong nilang ito?
"Halika, ipakilala kita sa mga kaibigan ko." Kinuha niya ang kamay ko at pag-irap ko ay nasa harap na ako ng mga taga-Level Krypton na kaibigan niya.
"Ano'ng ginagawa niya dito?" The tall guy, whom I remembered to be Channing remarked with a rather pissed tone.
"Si Channing nga pala, laging may apoy na dala," Kyle introduced his friend. And when he said that, a tiny ball of fire suddenly appeared in front of us.
"Oh, chill lang!" Kyle tried to calm Channing, who just glared at him.
When the ball of fire finally disappeared, Kyle turned to me again and pointed at a guy who was sitting on the corner and reading an ancient book in his hand. "Si Jedrick naman ang Decoder. Siya ang pinakamatalino dito sa academy."
I looked at him. His eyes were focused on the book. He really looked smart. Just then, he lifted his chin, looking at me, so I flashed him a thin smile.
And then, Kyle pointed at his other friend, who was already approaching us. He grinned at me, waving his hand, as if we knew each other for a long time.
"Ako naman si Bryce, ang light in shining armor mo, at your service." Nag-bow pa si Bryce sa harap ko. His face was glowing because of his bright smile. I instantly felt that this guy could actually be my friend.
"Nice to meet you, Bryce!" I replied, trying to catch on what he said. I didn't fail to notice how he emphasized the word 'light' when he introduced himself to me. I wondered what that meant.
Kyle chuckled next to me. "Siya ang Illuminator," he explained, motioning Bryce to demonstrate something.
Bryce suddenly held his palms out and a bright light came blinding my eyes. Ayos ah. May flashlight sa kamay niya.
"Salamat sa demo, Bryce!" Tinapik ni Kyle ang balikat ng kaibigan. The next was a short guy who was standing quietly beside Bryce. "Si Kenzo naman ang pinakamalakas dito. Kahit na maliit 'yan, kayang-kaya niyang patumbahin mag-isa ang isang grupo ng sundalo."
Hindi nga mukhang malakas si Kenzo. Pero naniniwala ako sa sinabi Kyle. You can never judge a book by its cover. Lalo na sa lugar na ito.
Kenzo flashed me a tiny smile, then went back to practicing or rather, sparring with Bryce.
When the introductions were over, I realized that someone was missing.
"Nasan si... Seth?" I asked, looking around.
"Ah, 'yon. Baka nandiyan lang sa sulok. Masanay ka na. Hindi talaga 'yon nagpapakita sa kung sinu-sino lang," sambit ni Kyle.
Tumango ako. Bakit ko ba kasi hinahanap ang lalaking 'yon matapos niya akong paalisin kahapon? "Ah, sige. Balik na ako sa dorm. Nice meeting you all," sabi ko sabay tingin sa kanila.
Nakita ko pa ang pag-irap ulit ni Channing sa akin. Parehas sila ni Jodielyn na mukhang may galit pa rin sa akin.
"Ingat Maxine!" Kyle waved his hand as I turned my back at them.
Habang naglalakad, napadaan ulit ako sa park. Akala ko namamalikmata lang ako nang makita ko ang pamilyar na lalaki na nakatambay ulit sa ilalim ng puno.
Wala naman akong balak lapitan ang lalaki, pero habang naglalakad ako palapit sa park, narinig ko ang boses ni Seth. "Bakit ka nandito?"
Tumingin ako sa paligid. Walang ibang tao. "Ako ba ang kausap mo?"
"May iba bang tao dito?"
Bumuga ako ng hangin sabay lapit sa kinaroroonan ng lalaki. "Seth, tama ka. Siguro nga mas mabuti pang umalis nalang ako dito."
Hindi siya umimik.
"Hindi ba mas gusto mong umalis nalang ako?"
Wala pa rin siyang sagot.
Tumango ako sa kanya. "Pupuntahan ko na si Professor O para sabihin na gusto ko nang umalis dito."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya kung mayroon man. Tumalikod na ako para puntahan ang office ng propesor.
Hindi pa man ako nakakalayo nang biglang maramdaman ko ang hawak sa aking kamay. Paglingon ko, nakita ko si Seth na nakatayo na sa likod ko. "Ano na naman ang gusto mo?"
"Ganun nalang 'yon? Susuko ka nalang? Aalis ka nalang?"
Kumunot ang noo ko. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Akala ko ba gusto mong umalis nalang ako?"
Huminga nang malalim ang lalaki bago nagsalitang muli, "Gusto kong tulungan mo ang sarili mo, Max. Gusto kong maniwala ka sa sarili mo na may rason kung bakit ka nandito dahil naniniwala ako sa'yo... sa kakayahan mo."
His words suddenly pierced through me. Naniniwala siya sa akin? Parang hindi naman.
"Tutulungan kita, pero pangako mong tutulungan mo rin ang sarili mo," dagdag pa ng lalaki.
Napalunok ako sa pagtitig niya sa akin. Kitang-kita ko na naman ang pagkislap ng mga mata niya. Hindi ako mapakali. Hindi na rin ako makatanggi. "Promise."
Seth nodded. "Good. Let's go!"
After that, he pulled me by the arm, carrying me on his back as he ran away from the park. Napapikit ulit ako ng aking mga mata habang nakakapit sa balikat niya. Ang lapad pala ng balikat niya tsaka ramdam ko ang malaking muscles sa magkabilang braso nito. Ano ba itong naiisip ko ngayon? Umayos ka nga, Max.
Few minutes later, huminto na rin siya sa pagtakbo. Bumaba na rin ako mula sa likuran niya. Sa harap namin ay ang maaliwalas na lawa na nababalot ng yelo.
"Bakit tayo nandito sa Lake Crystal?" tanong ko sabay tingin sa lalaki. Nakatingin rin siya sa malayo na tila malalim ang iniisip. "Seth?"
"Para malaman mo ang spectra mo," he stated matter-of-factly.
"Hindi ko nga alam kung paano magsisimula-"
"Dito ka magsisimula," he cut me off, turning to me. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Luther?"
I cocked a brow at him in confusion. "Ang alin?"
"This is not just a lake, Max." Kinuha niya ulit ang kamay ko sabay lakad patungo sa gitna ng lawa. "Ipikit mo ang mga mata mo." I was hesitant a bit, but I did as what he told anyway. "Ngayon, mag-concentrate ka..."
With my eyes closed, I tried to concentrate on whatever it was that was on my mind. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kanina pa ako nakapikit. Parang nahihilo na ulit ako. Maya't maya pa, naramdaman ko nalang ang katawan kong nahuhulog na sa isang bangin.
****
Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko si Seth na nakaupo na sa tabi ko. Nakatulog pala ako sa balikat niya. Inangat ko nang bahagya ang aking ulo kaya napatingin siya sa akin.
"Seth?" tawag ko sa kanya.
"Max, gising ka na pala..." his voice trailed off, stroking my hair, which surprised me. He touched me like it was the most natural thing to do. His face was not mad or irritated. In fact, he looked calm and happy that I was there with him.
"Ano'ng nangyari? Nakatayo tayo sa gitna kanina tapos nahulog ako..." Umiling ako habang inaalala ang nangyari.
"Max, ano'ng sinasabi mo diyan? Kakarating lang natin dito," kaswal na sabi ni Seth sabay hawi ng buhok sa gilid ng mukha ko.
Napalunok ako sa ginawa niya. "A-Ano?"
"Sabi mo gusto mong mag-relax kaya dinala kita dito. Tapos nakatulog ka nalang bigla sa tabi ko," malumanay na sagot ni Seth habang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. Teka, parang ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.
"S-Seth, ano'ng nangyayari? Hindi ko maintindihan..." Ramdam ko ang hangin na pilit kumawala sa baga ko. I was panting hard, as if I ran a mile. I suddenly felt like the world was spinning before me.
Just then, someone yelled out my name from somewhere. Malayo ang boses pero at the same time, malapit rin ito. Lumalakas ang pagtawag nito sa akin... tapos bigla hihina.
"Max!"
Sweat came dripping down the side of my face, which I couldn't even explain why. My vision was slowly getting blurry. I wanted to speak, but my head was aching so much.
"Max!"
That was the last thing I heard before I opened my eyes again, regaining every bits of memory I just saw. It felt like I just came back to the real world.
"Max, ano'ng nangyari?" Nakatayo si Seth sa harap ko habang nakalagay ang magkabilang kamay niya sa balikat ko.
I looked around me. I was still standing in the middle of Lake Crystal. "Ano'ng nangyari?" Inulit ko lang ang tanong niya sa akin.
"Wala ka bang naaalala?"
I swallowed the lump in my throat. "Seth... parang... alam ko na kung ano." Nakahawak na ako sa aking ulo at pilit na inaalala ang nangyari. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi at ginawa ni Seth sa akin. Kung totoo man 'yon o hindi, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"What?" he asked earnestly.
"Nakita ko ang... mangyayari sa hinaharap."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro