Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/8/ Axel

CHAPTER EIGHT:
Axel

SIMON

Hindi ko na nagawang gawin ang mga assignments ko dahil sa pagtitiklop ko ng mga damit. Sa totoo lang, hindi ko na naasikaso yung pinapagawa sa akin ng teacher namin na reaction paper para sa movie na pinanood namin noong isang araw.

"Simon! Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo, mag-hain ka na sa lamesa," Saad ni Mama habang inaayos ang kuko niya sa paa.

Sanay na naman ako sa senaryo naming ganito. Kapag uuwi ako, may nakaabang na gawain, kapag naman natapos ko na, panibagong gawain na naman. Binata na daw kasi ako kaya dapat maging responsable na ako.

Ilang sandali pa ay nasulyapan ko na kaagad ang ulam na naluto na kanina. Nasa lamesa na ito pero hindi pa nagagalaw.

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina sa amin ni Francis. Ayaw ko sanang umabot kami sa ganoon pero siya naman mismo yung magentertain nung topic. I was ready to not mention Lex's name pero siya na mismo yung gustong makaalam na siya 'yun.

Gusto ko sanang magsorry pero I think, I don't have to. I want him to realize na there's something wrong about his actions and insights about Lex. Masyado siyang judgmental to the point na halos pati ako, nadadamay sa mga naiisip niya.

"Ano na Mon? Sabi ko maghain ka na, gusto mo pa talagang sisigawan kita bago ka kumilos?" Bulyaw niya dahilan para mawala ako sa pagkakatulala.

Dali dali akong tumayo at nagtungo sa kusina para gawin ang gusto ni Mama. Hindi pa kasi ako gutom kaya naman hindi ko pa feel na kumain.

Nang mailagay ko sa lamesa ang mga kailangan ay tinawag ko na si Mama para kumain. Bitbit niya ngayon ang cellphone niya at parang may kausap through video call. Nang makita ko ang taong nasa kabilang linya, naaninag ko si Papa na nakahiga sa kama.

Habang naguusap sila at si Mama ay hindi pa nagsisimulang kumain, ako na mismo ang unang sumandok ng pagkain sa lalagayan at naunang lumamon. Dinig na dinig ko dito ang maligaya nilang paguusap at ang excitement ni Mama dahil nakausap niya si Papa.

"Kumusta diyan? Nakakain ka na? O kakabreak niyo lang?" Saad ni Mama.

Honestly speaking, hindi ako malapit kay Papa dahil sa hindi ko malamang dahilan. Everytime na nandito siya tuwing babalik sa Pilipinas, sobrang minimal ng paguusap namin, same as sa calls and video calls. Hindi ko alam pero dahil na din siguro sa distance namin as father and son, may gap na nabuo dahilan para minimal lang yung conversations.

But still, I love my Papa dahil kung hindi siya nagtrabaho abroad, baka wala kaming natutuluyang bahay ngayon.

"Ay siya nga pala, Pa, kausapin mo yung anak mo tungkol doon sa pagpunta diyan sa Canada, kain lang ako saglit," Saad ni Mama at itinapat ang cellphone sa akin.

"Simon, anak..." Ani ni Papa. Tumugon nalang ako sa pamamagitan ng pagsasabi ng 'Po?'

"Kumusta ang school experience mo diyan? Doing good?" Excited niyang sinabi.

"Okay naman po, Papa," matipid kong tugon.

"I heard na nabanggit na sa'yo ng Mama mo na malapit nang maayos yung papel niyo para makapunta na kayo dito sa Canada, okay lang ba sa'yo or medyo nabigla ka?"

Itinigil ko ang pagkain ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Kailan po kami makakaalis ni Mama po dito?" Tanong ko.

"Ang target date sana ay pagkatapos ng first semester mo, para pwede kitang maienroll dito para sa natitirang sem mo," Napalunok ako nang madinig ang sinabi niya. Almost two months nalang! "Pa, paano po yung-"

"Ayun naman pala Simon, pwede mong ituloy yung studies mo sa Canada," Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita si Mama, "For sure naman na may mga Pilipinong students din na nagaaral anywhere sa Canada," Dagdag niya.

Gusto kong sabihin yung side ko pero hindi ko na nagawa, ayaw ko kasing makipagtalo at humantong sa pagtatalo kapag nagsimula kong tumanggi at umimik. Gaya nga ng sabi ko kanina, kapag umayaw ka sa opportunity na ibibigay ng magulang mo sa'yo, it's either sasabihan ka nila na disrespectful or walang konsiderasyon. I will message Papa, privately nalang.

"Ay siya, message nalang kita kapag ayos na yung mga gamit at mga kakailanganin namin dito, papayag naman si Simon, sigurado 'yun," Paliwanag ni Mama at natapos ang tawag.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na kami sa pagkain at ako na din ang naghimpil nito papunta sa lababo. As usual, ako ang nakaassign sa paghuhugas ng pinggan palagi.

*

Pumunta ako sa kwarto ko upang alisin ang mga kalat dito at para makapagsimula na din ako sa movie review. Sa totoo lang, ang hirap gumawa lalo na't hindi ko naman lubusang naintidihan yung napanood namin. At saka, kailangan ko ding gumawa ng sarili kong story tapos irerecite sa buong klase. Hindi na ako magtataka kung bakit tinamad din si Shane dahil dito.

Kinuha ko muna ang cellphone ko upang tawagan si Shane. Ang sabi ko kasi imessage niya ako kapag nakauwi na siya or what para naman malaman ko kung kailan siya available na kausapin.

Nang buksan ko ang messages ko, nakita kong lumitaw ang pangalan ni Denise dito. Noong una, I thought na baka chain message ito pero hindi pala.

'Hello Simon, nakauwi na ba si Shane?'

Aba! At bakit naman niya itinanong ito? Bakit parang alam ni Denise na may pinuntahan si Shane? Hmmmp, feeling ko nakipagkita si Shane kay Denise kaya ito, nagtatanong.

Agad akong nagtype at napasalubong ang kilay nang makita ko ito.

"Ay hello Denise, sorry hindi kasi kami sabay umuwi, bakit?" tanong ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ay sumagot na din siya.

"Nakipagkita kasi siya sa amin ng friends ko tapos she forgot her notebook, naiwan niya tuloy," Saad niya at nagtaka naman ako.

Si Shane talaga, kahit kailan! Pupunta daw sa niya Lola ha, yare ka sa akin bukas 'pag nag-krus ang landas natin sa campus.

"Ahhh okay, sorry hindi ko din alam kung nasaan siya, i'll message you if nakausap ko na siya," tugon ko at natigil ang usap naming dalawa.

I had a feeling na late na siyang dadaan dito sa tapat ng bahay namin dahil late na din siya sa pag-uwi.

Ilang oras pa ang nakalipas at nakita kong nagonline si Shane dahilan para ganahan akong kausapin 'tong taong ito. Subukan mo lang magsinungaling, hindi kita papakopyahin ng assignment.

Pinindot ko ang dial button at narinig kong nagriring ang telepono niya. Agad naman itong sinagot at napahinga ako nng malalim.

"Shane, nakauwi ka na?" kunwaring kalmado kong sinabi.

"Nandito ako kayna Lola, hindi muna ako makakauwi," Sagot niya at napapakunot naman ang noo ko.

"Ahhh, okay, para kasing nakita kita kanina na may mga kasama, I thought ikaw 'yun, sorry," Pagkukunwari ko.

"Luh, sino-sino naman?" She asked.

"Hindi ko kita eh, pero kanina lang, nagmessage si Denise sa akin," This is it. Once na nagsinungaling siya at this point, huli ka na.

"Ano daw sabi?"

"Kung pwede mo daw siyang matulungan sa assignment," Alibi ko.

"Anong assignment? Teka, nangpaprank ka na naman 'no?" Defensive niyang sinabi.

"Tange, hindi... magpapatulong nga din sana ako," agaran kong sinabi. Bigla akong nakarinig ng ingay sa kabilang linya na para bang busina ng sasakyan. Nasa biyahe 'to for sure.

"Anla, mamaya na kapag nakauwi na'ko."

"Ano 'yon?" Natatawa kong sinabi.

"I mean, kapag nakauwi na ako sa amin talaga," Palusot pa niya.

"Picturan mo nalang yung notebook mo para makita ko yung assignment, binura kasi kaagad sa board yung assignment nung isang araw kaya hindi ko nakopya kaagad," Palusot ko ulit. Medyo natatawa na ako pero pigil lang dapat.

"Mamaya na, inaasikaso ko pa si Lola, at saka may humiram sa akin nung notebook ko," Naiirita niyang bigkas.

"Sino?"

"Basta kaklase na'tin," Reklamo niya.

"Diba nasa kabilang section si Denise?" Kaunti nalang, huli ka na.

"Baka hiniram din niya doon sa humiram sa akin!" Tugon niya.

"Naiwan mo daw kayna Denise yung notebook eh," Natatawa kong sinabi.

"Paano ko naman maiiwan sa kanila eh nandito nga ako kayna Lola?"

"Edi nagsisinungaling pala si Denise na magkakasama daw kayo sa kanila kanina tapos pauwi ka palang daw," Mabilisan kong sinabi at narinig kong napamura siya nang mahina sa kabilang linya. Pinipigilan ko lang yung tawa ko pero tawang tawa na talaga ako.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka diyan," sagot niya.

"Sabihin mo sa driver, dahan dahan sa pagmamaneho," Pabiro kong sinabi at ibinaba niyang bigla ang tawag.

Nakakainis kasi kanina, kailangan pang magsinungaling para umalis sa table namin. Pwede namang sabihing mauuna na ako dahil may kikitain akong tao, hindi yung sasabihin pang pupunta sa lola.

Kahit ganoon ang paguusap namin ni Shane, okay lang kami no'n at mamaya, bati na ulit kami. Hindi tulad nung dalawa diyang bawat kibo ko'y may napapansin. Hmmmmp.

'Neve\r knew loving could hurt thi:S good, Oh
and It drives Me[ wild'

Nagpost muli yung Axel Del Rosario at agad ko naman nakita ito. Sa totoo lang, dahil sa pagkagulat ko noong lumapit si Shane sa akin, naaccept ko tuloy yung friend request. Ako lang tuloy yung nagiisang friend niya.

Kinakabahan tuloy ako dito sa Axel na 'to, baka mamaya matinding stalker pala ito tapos minamanmanan na pala ako nang hindi ko alam.

Yung info ng account niya ay may nakalagay na school namin, feeling ko nagaaral yung Axel na 'to sa campus at kakaunti lang ang kaibigan. Kagaya nung mga napapanood ko sa mga movies. Same lang kasi sila ng vibes.

Isa din sa napansin ko ay yung mga posts niya. May mga typo errors din talaga, may mga punctuation marks na out of place.

Ilang segundo pa ang nakalipas ay napagdesisyunan kong kausapin si Axel habang nakaonline pa siya. Dahil ako lang naman yung friend niya dito sa account niya, I'll try to get some info pa para mas malaman ko yung intensyon niya kung bakit inadd niya ako.

"Hello, Axel," buong tapang kong sinabi kahit nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba ito o hindi.

Habang hinihintay ko ang sagot niya, minabuti ko munang tignan ang mga pictures na meron siya para naman kahit papaano ay hindi ko mapagkamalang poser ito.

"Hello."

Matipid din siguro yung taong ito, imagine, isang bati, isang sagot. Hayaan na, baka introvert siya or nahihiya lang.

Napaisip tuloy ako ng isasagot dito kay Axel.

"I saw your posts, I know we're not that close pero may I ask kung okay ka lang?" Matapang kong tinaype.

"I'm okay, nevermind my posts," Agaran niyang sagot na may kasamang smiley face emoji.

"Okie, btw, fan ka ba ng LANY?" Tanong ko muli.

"Not a die hard fan but I like their songs, mas nararamdaman ko na malaya ako dito sa mundo by just listening to them," tugon niya. Napangiti naman ako dahil nakakarelate ako sa kaniya.

Listening to music is my way to escape reality.

"May I ask something?" Tanong niya.

"Sure, ano 'yon?" Ani ko.

"Why did you accept my friend request? You're the only one who accepted it, :) ."

END OF CHAPTER EIGHT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro