/7/ First Impressions Last?
CHAPTER SEVEN:
First Impressions Last?
SIMON
Tumigil sa paglalakad si Francis at nilapitan ko siya kaagad. Nakita kong tinanggal niya ang isang parte ng earphones niya at nagaabang sa sasabihin ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Hindi ba pwedeng dumaan?" Tugon niya.
Napaatras ako ng bahagya dahil sa tanong niya. Oo na, sige na, ako na yung may mali.
"I mean, bakit ka napadaan dito?" Ani ko.
"Taga dito din ako ah, nakalimutan mo na?" Malamig niyang sinabi at napalunok ako.
Sa sobrang katangahan ko, nakalimutan kong parehas lang kami ng subdivision na tinutuluyan. Bigla ko tuloy naalala yung mga panahong sabay-sabay kami nina Shane at Francis sa pagpasok at pag-uwi.
"Una na ako," Saad niya at naglakad paabante.
"Sandali lang," Hinarangan ko siya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad, "Okay ka lang?"
"Oo, uuwi na ako," Isa pang malamig niyang sinabi.
Agad ko naman siyang hinarangan muli at nakita kong napapikit nalang siya at napabuntong hininga.
"Galit ka ba sa akin?" Matapang kong tanong.
"Bakit mo naman naitanong?" Tugon niya.
"Uhhh, wala lan-"
"Wala naman pala eh..." Saad niya, "May gagawin pa ako, una na'ko."
Sa huling pagkakataon ay hinarangan ko muli siya upang hindi siya makapaglakad papalayo. Kahit feeling ko na may tinatagong galit itong taong 'to sa akin, alam kong hindi niya kayang magalit sa mga taong mahalaga sa kaniya.
Itinaas ko ang dalawang plastic na may laman na pagkain at ipinakita ito sa kaniya nang nakangiti.
"You want?" Maligaya kong saad.
"Anong pakulo mo naman 'to? Ano 'yan?" tanong niya.
"Kain muna tayo, pwede?" Nakangiti kong sinabi.
Napangiwi nalang siya nang sabihin ko ito at tinanggal na din niya sa kaniyang tenga ang earphones. Naaamoy ko dito ang laman nung plastic at talagang nakakatakam. Alam kong gusto din ni Francis na kumain kaya ito na yung pagkakataon para makausap ko din siya.
Inabot ko sa kaniya ang isang plastic at bigla siyang naglakad.
"Salamat," Matipid niyang sinabi.
Agad ko namang hinawakan ang braso niya dahilan para mapaharap siya sa akin at mapahinto sa paglalakad.
"Ooops! Hindi mo pwedeng iuwi iyan, dapat sabay nating makain 'to," Sinasabi ko habang hinahila ang tela ng damit niya upang bumalik sa pwesto niya kanina, "Dito ka lang, kukuha ako ng mauupuan natin."
Nakita kong hawak niya ang plastic at ako naman ay naglakad papunta sa loob ng bahay. Kukuha lang ako ng dalawang bangko para naman hindi kami mahirapan sa pagkain dito sa labas.
"Hindi pa tayo nakakapagpalit ng damit, uuwi muna ako," Saad niya nang mailagay ko sa gilid ng daan ang dalawang bangko. Wala naman masyadong nadaang sasakyan dito kaya naman okay lang.
"Hindi, mamaya ka na umuwi, baka mamaya hindi ka na bumalik," saad ko at nagsalubong ang kilay niya. Wala siyang nagawa kundi umupo at galawin ang pagkain na binigay ko.
Ilang sandali pa ay parehas na naming binuksan ang lalagyanan at ako na ang naunang kumain.
"Galing ba 'to kay Lex? Kung libre lang 'to sa inyo, hindi ko na 'to kakainin," Ani niya at isinara ang lalagyanan.
"Ano ka ba? Kami ni Shane ang bumili niyan, hindi lang namin nakain kasi umalis na siya," Pagsisinungaling ko para naman hindi umalis 'tong maselan na lalaking ito. Napakasensitive!
"Siguraduhin mo lang," tugon niya.
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Lex?" Matapang kong tanong.
"It's none of your business, I don't think he's worthy to be trusted," he replied.
Hindi ko alam kung tama ba yung grammar niya sa sinabi niya pero nabigla ako. Straight english 'yun ah.
Ano kayang problema nito kay Lex?
"Bakit naman?" tanong ko habang nilalantakan ang pagkain.
"Nevermind, kung ayun lang yung magiging sentro ng paguusap na'tin, uuwi na ako," seryoso niyang sinabi at pinigilan ko ulit siya. Ang ikli talaga ng pasensya ni Francis.
"Okay, sige, hindi na," Saad ko.
Ilang sandali pa habang iniisa-isa kong kainin ang fries ay nakikita kong nilalagyan niya ng ketchup ang fries na nasa lalagyan niya. Nawala ang concentration ko nang bigla siyang nagtanong.
"Paano ka nakauwi? Bakit hindi mo kasabay si Shane?" ani ni Francis.
"Ano kasi, si Shane, may ibang pinuntahan, sa Lola niya daw... Ayun yung sabi niya," nauutal kong paliwanag.
"Nakauwi ka nang walang kasama?" Dagdag niya at ako naman ay napapalunok. Ayaw kong magsinungaling pero kapag sinabi kong kasama ko si Lex, magagalit at maiinis na naman siya.
"Oo naman, kaya ko namang bumiyahe pauwi," Alibi ko.
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at kitang kita ko ang mabagal niyang pagnguya at ang tila nagiimbestiga niyang mga mata. Gosh, mali yata yung alibi ko.
"Sinungaling," matipid niyang sinabi, "Nakita kitang nakaangkas sa motor kanina, sino iyon?" Seryoso niyang tanong.
Ang awkward lang dahil parang may nagawa akong krimen. Ang seryoso niya talaga pagdating kay Lex, ano kaya ang meron sa kanila?
"Si Lex," Bumuka ang bibig ko at nasabi ko ang pangalan ni Lex. Napa-lipbite nalang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at parang nadismaya siya dahil sa kaniyang narinig.
"Bakit ka sumama sa kaniya? Simon?" nagrereklamo siya ngayon at seryoso.
"Wala namang problema do'n ah," Mahina kong sinabi.
"Anong wala?" Ito na nga ba yung sinasabi ko, kumukulo na ang dugo ni Francis, "What if bigla kang nalaglag? What if naaksidente kayo? Student license palang yung meron si Lex, baka hindi ka niya kayang masagot kung sakaling may mangyari sa inyong dalawa."
I'm speechless. Mas mataas pa yung level ng concern niya kaysa sa height ko. Nanliliit tuloy ako dahil sa kaniyang sinabi, feeling ko tuloy, dapat filtered lahat ng kilos ko.
"Wala namang nangyaring masama sa akin ngayon ah," Mahina kong sagot. Hindi din ako makatingin sa mga mata niya, "Nagmagandang loob lang naman si Lex sa'kin."
"Ngayon lang nag-mamagandang loob sa'yo si Lex, pero kapag hindi ka na niya kailangan, iiwanan ka nalang niya," Ani niya.
Sa totoo lang, medyo nalungkot ako nang sabihin niya 'yon. Bakit ba parang hindi sila magkakasundo? Ano bang pumasok sa isip niya para sabihin ang ganito laban kay Lex? Dapat pala hindi ko nalang siya inimbita para samahan akong kumain.
"Akala ko ba, hindi na natin siya pag-uusapan?" Malungkot kong tanong habang inaayos ko ang lalagyanan ng pagkain ko, "Sa tuwing mababanggit ko yung pangalan niya, nagagalit ka."
"Hindi nga kasi siya mapagkakatiwalaan, okay? Ayaw ko lang na isa sa mga malalapit sa akin ang mabiktima niya, even Shane, pati ikaw," tugon niya at napatulala nalang ako.
Ayaw kong makipagtalo dahil baka may masabi lang akong hindi maganda.
"Suspended na sana ako ngayon kung hindi ako tinulungan ni Lex," Saad ko at nakita kong nanibago ang mood ng mukha niya, "Magkakagulo na sana kami nina Michelle kung hindi namagitan si Lex sa amin," dagdag ko.
Nabalot ng katahimikan ang paligid at hangin lamang ang nagalaw sa amin ngayon.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" tanong niya.
"Paano ko naman maipapaalam sa iyo yung nangyari kung bihira lang kitang mahagilap sa campus?" Balik kong tanong sa kaniya nang mahina, "At saka wala ka naman noong nangyari 'yon sa amin."
"Maraming paraan Simon," mahinahon niyang sinabi.
"Hindi kasi lahat ng inaakala na'tin, totoo... at hindi sa lahat ng oras, ikaw tama," paliwanag ko at nakaramdam ako ng lungkot.
Nabalot muli ng katahimikan ang paligid at inayos ko na kaagad ang mga kalat namin dito. Kahit tahimik kami parehas, ramdam kong may nasabi ako dahilan para mapatahimik ko siya.
Nasabi ko naman ang point ko nang maayos at hindi pagalit kaya sana marealized niya yung sinabi ko. Bakit ba naman kasi kailangan niyang magalit kay Lex?
"Baka hanapin ka na sa inyo Francis, pwede ka nang makauwi," Sinabi ko habang pinapatas ang gamit ko. Tumayo na siya at inilagay niya ulit sa tenga niya ang earphones na ginamit niya kanina.
"Salamat sa pagkain," Matipid niyang sinabi at hinayaan ko na lamang siyang maglakad papalayo. Ramdam ko ang hinahon sa pagsasalita niya at parang wala din namang nagbago sa kung paano siya mag-isip.
Binitbit ko na ang dalawang bangko at ipinasok sa loob ng bahay. Dapat pala, ibinigay ko nalang sa kaniya yung pagkain para hindi kami humantong sa ganito. My fault, again.
"Mon, bakit bitbit mo yung mga bangkong 'yan?"
Narinig ko si Mama na nagsasalita habang nakadungaw sa pinto. Nakakagulantang naman eh! May kung ano pang nakalagay sa mukha niya!
"Ano ba naman 'yan Ma!? Ano po yung nasa mukha niyo?" Hinihingal kong tanong.
"Nabili ko online, pang-pawala daw ng wrinkles," Nakuha pa talagang sabihin kung saan galing.
"Eh bakit naman po kulay dark red?" ani ko.
"Fave color ko eh, bakit ba?" tigon niya at ibinaba ko na sa sulok ang upuan, "Eh teka lang, para saan yung bangko at bakit mo bitbit?"
"May kinausap po ako kanina sa labas Ma," sagot ko.
"Sino? Girlfriend mo?" saad ni Mama.
For Pete's sake, Ma kung alam mo lang kung gaano kalambot ang puso ng kaisa-isa mong anak, baka boyfriend ang mabigkas mo at hindi girlfriend.
"Wala ho akong girlfriend," Medyo naiirita kong sagot. Pigil muna sa inis, baka masabihang disrespectful.
"Ay siya, pumasok ka na dito sa loob at ako'y nagluluto pa, asikasuhin mo yung titikluping damit diyan," Utos niya.
Diba? Hindi pa ako nakakapasok sa loob, may nakaabang na gawain na kaagad.
Nang makapasok ako sa loob ay dumiretso na kaagad ako sa aking kwarto. Gusto ko munang isipin lahat ng nangyari ngayong araw.
Nang mabuksan ko ang pinto nito ay inilagay ko ang bag ko sa upuan at humiga kaagad sa kama. Nakakapagod na araw! Ang daming nangyari ngayon at parang gusto ko na munang magpahinga.
Simula noong practice, naglaro kami ng volleyball, natamaan si Michelle, napapunta ako sa guidance office kasama si Lex, natapunan yung damit ko, nakita ko si Francis, kumain ng meryenda, at inangkas ako ni Lex. Nakakapagod din pala.
Feeling ko hindi na ako estudyante dahil sa nararanasan ko pero ito talaga ang thrill ng pagiging estudyante. May mga siraulo talagang susubok sa pasensya mo at tututol sa lahat ng gusto mo.
Ilang sandali pa habang nakahiga ako ay may biglang tumunog sa cellphone ko dahilan para makuha nito ang aking atensyon.
Bumungad sa akin ang isang notification galing doon sa Axel Del Rosario kaya naman tinignan ko ito at nagscroll.
'I got way> too Much time to be this hurt, SOm:ebod*y help, it's gettiNg wo~rse'
Ayan ang nakalagay sa latest post niya mga three minutes ago. Sa totoo lang, parang may problema yung taong ito sa pagtataype para laging magkaroon ng typo sa lahat ng posts niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya o ganyan na talaga?
Sino kaya si Axel Del Rosario?
END OF CHAPTER SEVEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro