Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/6/ Call Me 'Mon'

CHAPTER SIX:
Call Me 'Mon'

SIMON

Pinaupo na kami ni Lex dito at katabi ko si Shane ngayon. Hindi ng ako nagkamali sa iniisip kong pupuntahan namin, dito nga talaga sa malapit lang sa school.

Nang papunta nga pala kami dito, nakita ko si Francis na naglalakad mag-isa at may nakalagay na earphones sa kaniyang tainga. Lalapitan ko na sana siya upang icheck kung okay lang ba siya pero mabilis ang paglalakad namin nina Lex kaya ayun, hindi ko na siya nakausap.

"Simon, what do you want? Ikaw, Shane? Don't worry, libre ko," ani ni Lex habang nakatayo at iniintay ang sagot namin.

"Sige Lex, anything nala-"

"Uhmmm, itong burger and fries combo nalang yung sa amin," Naputol ang pagsasalita ko nang bigla siyang umimik. Naramdaman ko ding inapakan niya ng marahan ang sapatos ko sa ilalim upang sumenyas.

"Sure? Pili nalang kayo ng drinks," Nakangiti niyang sinabi.

"Water nala-"

"Smoothie nalang yung sa aming dalawa ni Simon," For the second time, hindi na naman ako nakapagsalita dahil kay Shane.

Nang makumpleto ang order naming lahat ay si Lex na mismo ang lumapit sa counter upang sabihin ang mga bibilhin namin. Napangiwi nalang ako dahil sa ginawa ni Shane.

"Sha, ang mamahal naman ng inorder mo," Pabulong kong sinabi.

"Habang may pagkakataon, samantalahin," Saad niya habang binubuklat ang isang magazine na kinuha niya pagpasok pa lamang.

"Nakakahiya kaya."

"Bakit ka naman mahihiya? Diba sabi niya, libre niya?"

"I know, pero sana naman hindi ka masyadong demanding, daig mo pa yung unang niyaya eh." tugon ko.

"Ay, ganun ba? Okay, alis na ako," Sinabi niya at binitbit ang bag niya. Bigla siyang tumayo kaya naman pinigilan ko siya. Ang lakas talaga ng topak nito.

"Para kang sira, umupo ka nga, pagkatapos mong umorder ng pagkain, aalis ka?" Pabiro kong sinabi.

"Okay, sit na ako," Napakakulit talaga.

Ilang sandali pa ay naaninag ko dito sa aming kinauupuan ang ginagawa ng mga kaibigan ni Lex. Nakatutok lang sila sa cellphone at abalang abala sa paglalaro.

Hinahayaan ko din muna na basahin ni Shane ang magazine na tinitignan niya kanina pa at medyo nakakahiya din pala kapag ganito yung scenario.

Bigla ko tuloy naisip si Francis, para kasing may masama akong nasabi sa kaniya dahilan para maguilty ako nang ganito. Alam kong naging harsh ako kaya sorry talaga. Promise, babawi ako kapag may chance na magkita ulit tayo sa campus.

Habang naghihintay ako ay kinuha ko muna ang aking cellphone at pinuntahan kaagad ang profile nung Axel na nagfriend request sa akin kanina lang.

Nakita ko kaagad ang latest na post niya at nakita kong nasa loob siya ng campus. Wala din siyang ibang picture kundi ang paligid ng school pati na rin ang nakatalikod niyang profile picture. Paano ko naman malalaman kung sino talaga ito kung dito palang ay parang poser or dummy account na 'to? Parang hindi mapagkakatiwalaan.

'In the -end i'm gOnna be alright, but it Might (take a:hundred Sleepless Nights.'

Nakita ko ang latest post niya at parang narerecall ko sa isip ko na gaking ito sa isang kanta. LANY song ito panigurado, Thru These Tears kung hindi ako nagkakamali.

Pero sandali? Bakit kailangan niyang ipost ang ganitong bagay? Well, wala naman ako sa lugar para manghusga pero curious lang ako.

At saka, parang may typographical sa pinost niya. Kahit ganoon na may mali, may mga nagreact at naglike padin dito.

"Here's your order!" Maligayang salubong ni Lex at inilagay sa table ang pagkain. Kami lang yata ni Shane ang may lalamunin, mantalang sina Lex at mga kaibigan niya, milktea lang ang binili.

Sinugod ng mga kaibigan ni Lex ang tray na puno ng milktea at nagtatalo pa kung kanino mapapunta ang may maraming laman.

"Pasensya na sa mga kaibigan ko ha, habaan niyo nalang pasensya niyo," ani ni Lex.

Napangisi nalang ako at nakikita kong lumalamon na kaagad si Shane sa tapat ko. Nahihiya pa akong gumalaw dahil nga hindi ako sanay na nililibre sa totoo lang, ayoko kasing may pinagkakautangan ako para iwas na din sa gulo.

"Simon, bakit ayaw mo pang kumain?" Sabi ni Lex.

"Uhmmm, medyo busog pa ako, papa-takeout ko nalang siguro 'to mamaya," Tugon ko.

"Are you sure? It's okay lang naman na kumain ka dito, walang problema sa'min, huwag ka nang mahiya," Kahit abala ang ilang kasama namin dito ay patuloy padin ang paguusap namin ni Lex. Kahit naman sabihin niya na huwag mahiya, nararanasan ko pa din.

"Uhmmm, Lex," Napalingon siya sa akin, "Okay lang ba sa'yo na sinagot mo yung pagkain namin? I mean, hindi ba kami nakakaabala?"

"Oo, okay lang naman sa akin, at saka, I want to make a simple thing to make you and your friend here to be happy," paliwanag niya.

Hindi ko alam kung kikiligin ako sa mga nagaganap o hindi, ang cute lang kasi ng dating niya. Cool pero may pagkaseryoso na jolly.

Habang hinihigop niya ang milktea ay inoobserbahan ko naman ang aking paligid. Tinitignan ko ang mga nakasabit dito at yung design at structure ng snack house.

"Simon, pwedeng magtanong?" sinabi ni Lex.

"Sure." tugon ko.

"Ano bang meron sa inyo ni Michelle? Bakit parang ang init ng dugo niya lagi sa'yo?" Nakita kong rumolyo ang mata ni Shane upang panoorin ang paguusap namin dito.

"Ahhh, si Mich ba? Ano kasi eh... Mahilig lang siyang manghila pababa ng mga matripan niyang biwisitin or pahiyain," Medyo nahihiya kong sinabi.

"Since when?" tanong niya muli.

"I don't remember exactly pero I think simula noong unang year of highschool," saad ko. Napatango siya at para bang nakakuha siya ng impormasyon sa akin.

"Ikaw? Paano mo naman siya nakilala?" Tanong ko.

"Nung lumipat ako dito, she caught my attention dahil naging magkaklase kami that year," ani ni Lex.

Okay, caught my attention pala, sus, kung alam mo lang yung tunay na ugali ng bruhildang iyan.

"Kanina nga when we are in our building, nilapitan niya ako and may ipinakiusap siya sa akin, but I refused. I also mentioned din sa kaniya yung about sa nangyaring aksidente sa field noong nagvovolleyball tayo, I explained sa kaniya na it was all unexpected and walang may gustong mangyari 'yon," paliwanag niya habang nakatingin ako sa pagsasalita niya.

Yung mga labi niya, napakaseductive! Pati yung mga mata niya, Extraordinary!

Ilang sandali pa ay naputol ang pagtitig ko sa kaniya nang may biglang tumunog. Parang isang tawag sa cellphone. Nakita kong tumayo si Shane at bitbit ang kinukutingting niyang cellphone kanina pa.

"Sagutin ko lang yung tawag," Seryoso niyang sinabi at lumabas muna sandali. Nagpatuloy sa pagsasalita si Lex at nandito naman ako at nakikinig sa mga sinasabi niya.

*****

"Mon, Lex, sorry, kailangan ko nang umalis," Saad ni Shane na para bang nagmamadali. Napatingin tuloy ako sa aking relo at nakita kong ten minutes nalang at magfi-five thirty na.

"Uhmmm, paano yung natira mong pagkain?" tanong ni Lex.

"Ibibigay ko nalang kay Simon," tugon niya.

Nalilito at nagtataka tuloy ako kung bakit halos mawala siya sa sarili niya dahil sa pagmamadali. Nagsasalubong ang kilay ko sa tuwing makikita kong dali-dali niyang kinuha ang mga gamit niya sa table.

"Sabay na tayo Shane, same lang din naman tayo ng dadaanan," Mungkahi ko.

"Hindi na Mon, hindi ako sa bahay uuwi ngayon, baka hindi din tayo magkasabay pag-uwi," paliwanag niya at napaupo nalang ako muli, "Salamat sa meryenda, Lex." Malugod niyang saad.

Lumabas na siya at nakita namin na pumara na siya ng masasakyan. Naiwan kami ni Lex dito dahil nakauwi na din ang mga kaibigan niya kanina pa.

"Mukhang marami kang maiuuwi sa inyo," Natatawang sinabi ni Lex habang inaayos ang mga natirang pagkain sa lamesa.

"Oo nga eh, nakakahiya kasi ang dami naming inorder tapos hindi naman namin mauubos."

"That's okay, basta, iuwi mo nalang yung food para hindi masayang," Tugon niya at ngumiti.

Ilang sandali pa ay kinuha na namin parehas ang mga gamit namin at inayos ang mga nasa lamesa. Napansin kong malapit nang mag-six o'clock, kaya naman ang paligid ay nagsisimula nang magdilim.

"Simon, pwede mo ba akong samahan pabalik sa school?" Tanong niya nang makalabas kami.

"Sige, may naiwan ka ba?"

"Doon ko ipinarada yung motor ko," Sinabi niya at ako naman ay nabigla. May motor ka? And nagmomotor siya? "Saan yung bahay niyo? Hatid na kita sa inyo."

Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto ko sanang tumanggi dahil nakakahiya, pero sige, seize the opportunity!

"Sure ka? Baka kasi maabala ka pa, at saka, baka gabihin ka," Saad ko at napalingon siya sa akin.

"No problem, okay lang sa akin."

Ilang sandali pa nang matapos kami sa paglalakad ay nakita ko ang pula niyang motor. Napanganga nalang ako nang ibigay niya sa akin ang helmet upang suutin ko.

"Saan yung bahay niyo?" Tanong niya nang makaangkas ako sa motor.

"Ituturo ko nalang sa'yo habang nabiyahe tayo," mungkahi ko at narinig kong sinimulan niyang paandarin ang motor.

Medyo kinakabahan ako dahil ngayon lang ako makakaangkas sa motor sa buong buhay ko. At talagang sa crush ko pa ha? Lupit!

"Hawak ka nalang sa'kin para hindi ka maout of balance sa likod," Sinabi niya at agad kong isinuot ang helmet.

Nang umarangkada ang sinasakyan namin ay agad naman akong napahawak sa bewang niya. Kahit nakakaawkward, wala akong nagawa dahil masakit naman kapag nahulog ako, nahulog dito sa motor.

Nararamdaman ko ang hangin na humahampas sa amin at ang sarap pala sa pakiramdam dahil hindi nama siya gaanong mabilis magpatakbo. Kung pwede nga lang sana, ibaback-hug ko si Lex.

Mas lalong dumidilim ang paligid at sa bawat pagliko namin ay sinasabi ko sa kaniyang direksyon na dapat naming daanan, hindi pa din ako makapaniwala na angkas ako sa motor niya at siya pa mismo ang nagyayang ihatid ako sa amin.

Kahit maliit na bagay lang ito para sa ilan at para sa tingin ng karamihan, para naman sa akin, napakalaking bagay na nito! Isa lang din siguro ako sa maswerteng kasama ang crush ngayon.

Itinuro ko na ang tapat ng bahay namin at medyo bumagal na ang pagapaandar niya sa motor. Nang makatayo ako at makababa sa sinakyan ko ay dali dali kong hinubad ang helmet at ibinigay ito sa kaniya. Kapansin-pansin ang nagulo niyang buhok dahil sa hangin.

"Ito na yung mga tinake-out natin," Saad niya at inabot sa akin ang plastic na pinaglalagyan ng mga natira namin kanina.

"Salamat," malugod kong sinabi.

"Hindi naman pala masyadong malayo yung bahay niyo sa amin," ani ni Lex, "Pwede kitang ihatid lagi dito sa inyo," nakangiti niyang sinabi at pinipigilan ko naman ang ngiti at kilig ko.

"Naku Lex, nakakahiya naman kung lagi, at saka, makakaabala lang ako kapag nagpahatid ako palagi." Sabi ko.

"No need to worry Simon, you're not a burden," Tugon niya at ngumiti, "I want to show sa mga nakakita sa atin na hindi ka nila pwedeng basta-bastang asarin or what, I want to prove them na mali ang iniisip nila towards you."

May kung ano sa dibdib at tiyan ko dahilan para manlambot at matouch ako sa sinabi niya.

He's one of a kind. Kahit ngayong araw lang kami nagkakilala, ipinaramdam niya sa akin na may halaga ako.

"I guess, kailangan ko nang umuwi," saad niya nang maiabot niya sa akin ang huling plastic, "Pwede ba kitang tawaging Mon, kagaya nung tawag sa'yo ni Shane?"

Gosh. Nakakatuwa! Hindi ko alam yung mararamdaman ko pero masasabi kong boyfriend material siya! Para yatang kailangan kong sampalin yung sarili ko para magising kung nasa panaginip man ako.

"Sure, you can call me Mon," Tugon ko at ngumiti sa kaniya.

"Bukas, ihahatid din kita, mark my word," Huli niyang sinabi at pinaandar na niya muli ang motor.

Ilang segundo pa nang bubuksan ko na sana ang gate ng bahay namin para pumasok ay bigla kong naaninag sa malayo ang isang lalaking naglalakad. Nakauniporme ito kagaya ng sa amin at may suot na earphones.

"Francis?"

END OF CHAPTER SIX

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro