/4/ Rescue
CHAPTER FOUR:
Rescue
SIMON
Sa sobrang kalutangan ko, lumabas ako sa banyo nang hindi ko pa masyadong nalilinis yung damit ko. Pumasok lang ako para umihi tapos ayun, hindi ko manlang nagawan ng paraan na punasan ito.
Nang bumalik ako sa loob ay agad kong kinuha ang panyo ko at binasa. Ito nalang yung gagamitin ko para kahit papaano ay hindi mahalatang nadumihan yung damit ko.
Nakakainis naman kasi si Michelle, wala naman kaming ginagawa sa kanila, napaka-ligalig eh!
Ilang sandali pa nang matapos kong bahagyang ayusin ang damit ko ay hinugasan ko na ang aking kamay. Lalabas na sana ako nang bigla kong naaninag ang isang pulang bracelet sa tabi ng lababo.
Kinuha ko ito at tiningnan kung may nakalagay na palatandaan galing sa may ari. Itinapat ko ito sa ilaw at nakita ko ang nakalagay dito na salita.
'Alexsys'
Hindi na ako magdadalawang isip kung kanino ito. Paniguradong kay Lex ang bracelet na naiwan dito sa lababo, sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na ang buong pangalan niya ay Alexsys. Nakakapanibago pero cute naman. Medyo feminine nga lang pakinggan pero okay na.
Naglakad na ako papunta sa labas at nakita kong nakasandal si Shane sa pader. Pinapagpag niya ang medyo basa pa niyang damit at hinihipan. Kitang kita kahit sa malayo ang tiyan niya kaya naman agad akong lumapit sa kaniya at ipinatigil ang ginagawa niya.
"Shane, ikalma mo nga iyang ginagawa mo, ipinapakita mo na sa mga dumadaan yung MAKINIS mong tiyan," Saad ko at humarang ako sa tapat niya upang harangan ang mga sumisilip dito.
"Eh ano naman? Bigyan ko ng tig-iisang sampiga 'yang mga 'yan," Tugon niya at patuloy padin sa pagpagpag.
Ipinakita ko sa kaniya ang nakuha kong bracelet at nanlaki na naman ang mga mata niya at nagtataka.
"Nakita ko sa CR, kay Lex siguro ito," Saad ko at tumitig siya sa akin.
"Nakita mo lang o ibinigay sa'yo?"
"Nakita ko nga lang, aanhin ko naman yung bracelet na 'to?" Tugon ko at napangisi siya sa akin na tila ba nag-iimbestiga.
"Aba malay ko..."
Naglakad-lakad na kami at mabuti na lamang ay wala na sa radar namin ang hinayupak na si Michelle. Sana naman ay hindi na namin sila makasalubong dahil iinit talaga ang dugo naming dalawa kapag nagkataon.
"Bakit kaya maiiwan ni Lex yung bracelet niya sa CR?" Tanong niya.
"Hinugasan niya siguro yung kamay niya kaya hinubad niya ito, tapos naiwan," paliwanag ko at inilibot ang tingin sa paligid.
Nang makapasok kami sa isang section ng building ay nakita namin na may mga tables at parang mga stations. Tinignan ko ang bawat isa at naaninag ko na para ito sa promotions ng club, pagkatapos kasi ng sports fest, club opening na ang kasunod.
"Kailan mo nga pala balak isauli iyan?" Napalingon ako kay Shane at dumiretso na muli kami ng lakad. Hindi pa kasi mabubuksan itong mga club stations na'to.
"Kapag nakasalubong ko na si Lex ulit," tugon ko at napahinto siya.
"Alam mo ang tamad mo," Reklamo niya, "Kung ako sa'yo, ako na mismo ang magsasauli sa kaniya, ang hina mo talagang dumiskarte."
Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi at napakagat labi nalang ako. May point siya pero sa side ko, nakakahiya. Baka kasi isipin ng ibang tao na napaka-desperado ko naman para laging iapproach si Lex, baka mapansin pa nilang may gusto ako sa kaniya.
"What if nakita ng ibang tao na nasa iyo iyan, edi mas lalong magtataka yung iba kung bakit may bracelet kang dala na may nakalagay na 'Alexsys'."
Sa totoo lang, may point siya. Pero nakakahiya pa din.
"Kapag naman nakita ng iba na lumapit ako sa kaniya, for sure naman, huhusgahan nila ako kaagad."
"Kasalanan na nila iyon kung gagawan nila kayo ng issue, pero para sa akin, hangga't wala pang nakakaalam na nasa iyo iyan, ako na mismo ang magbabalik sa kaniya," Tugon niya at sumang-ayon nalang ako sa kaniyang sinabi.
Nang makalagpas kami sa building na ito ay minabuti na naming maghiwalay dahil tinawag siya ng mga kakilala niya. Ako naman na mag-isa nalang ay naglakas loob na puntahan ang building kung saan madalas namamalagi si Lex at ang mga kaibigan niya.
Tinignan ko muna ang damit ko kung medyo okay na at saka ako naglakad muli.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong picturan muna ang bracelet na aking hawak dahil alam kong picture lang ang magiging remembrance ko. Kahit mapicturan ko lang yung gamit na pagmamay-ari ni Lex, masaya na ako.
*****
Lumiko ako sa isang hallway ng building kung saan nandito sila palagi. Maglalakad na sana ako papunta sa direksyon nila nang bigla kong maaninag dito sa malayo na kausap ni Lex si Michelle. Umatras muna ako at nagtago, mahirap na baka mahuli ulit ako.
"Sasang-ayon ka o hindi?" Narinig ko dito sa malayo ang sinabi ni Michelle at nagsalubong ang kilay ko.
Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Bakit may pagsang-ayon pang nagaganap? Tungkol kaya sa nangyari kaninang umaga?
Habang hawak ko ang bracelet ay nakita kong umalis na si Michelle. Naiwan na lang siyang nakatayo at nagcecellphone. Lalapit na sana ako ngunit may biglang humawak sa braso ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
"Seryoso ka? Isasauli mo pa iyan?" Mahinang sinabi ng lalaking pumigil sa akin. Aba parang sira 'to ah, inaano ko ba yung lalaking 'to? Bigla bigla nalang sumusulpot sa tabi ko.
Medyo kilala ko ang boses ng lalaking ito at nararamdaman kong kakulitan lang ang dalang enerhiya nito.
Lumingon ako at tumambad sa aking paningin ang pagmumukha nitong si Francis. Akala mo naman cute eh puro pagmamayabang lang ang nasa utak. Hambog nga daw kung tawagin.
"Ano ba? Hindi sa akin 'to kaya wala kang pakielam kung ibabalik ko na ito," Sarkastiko kong saad at hindi padin niya ako binibitiwan, "Isa pa, tanggalin mo 'yang kamay mo sa braso ko, kahiya-hiya naman."
Pumiglas ako ng madalian sanhi para kumalas ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Medyo mahigpit din iyon ah, medyo masakit.
"Bakit ka ba nandito? Akala ko lumipat ka na ng school?" Tanong ko ng mahina at napabuntong-hininga nalang siya. Nakahalukipkip siya ngayon at nakatingin sa akin na para bang siya ang boss ko. Manigas ka.
"Wala ka na ding pakielam kung lumipat ako o hindi," tugon niya at napatawa naman ako ng bahagya, sarcastic pa yung tawa kong iyon ha.
"Ang engot mo talaga, hindi ka talaga nakakaramdam sa paligid mo 'no? Hindi mo alam na pinaguusapan ka na tapos lalapit-lapit ka pa diyan sa lalaking iyan."
"Aba sandali, bakit ka nagagalit? Inaano kita? Ibibigay ko lang naman yung bracelet na ito sa kaniya ah."
"Kung ako sa'yo, susunugin ko nalang iyan," saad niya sabay tingin sa hawak kong bracelet.
"Ikaw kaya ang sunugin ko, Francis?" Pabiro kong sinabi.
Hindi na lamang siya nakaimik dahil sa sinabi ko. Feeling ko tuloy, maling sinabi ko pa iyon. Nakakainis kasi eh, kumokontra pa kasi sa balak ng ibang tao.
"Sige na, ibibigay ko na ito kay Lex..." Sinabi ko at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya, "Huwag kang susunod, ako na ang bahala," dagdag ko at naglakad na ako ng marahan dito sa hallway.
Lakas loob kong nilakad ang daanan at sa hindi kalayuan, napansin na kaagad ako ni Lex na papunta sa lugar kung saan siya nakatayo. Bagay na bagay sa kaniya ang postura at ayos ng damit niya ngayon.
"Uhmmm, Lex, naiwan mo siguro ito sa banyo," saad ko at ipinakita sa kaniya ang bracelet na may nakalagay na 'Alexsys'.
"Ahhh, oo nga, nakalimutan ko nung nagusap tayo sa loob," Tugon niya at napangiti siya sa akin. Gosh, killer smile!
Nang naiabot ko na sa kaniya ang hawak ko ay nagpasalamat naman siya kaagad.
Itatanong ko na din sa kaniya kung 'Alexsys' nga ba yung full name niya para medyo tumagal naman yung usapan namin. Baka kasi pahirapan na naman bago siya makausap muli.
"Lex," Tawag ko sa pangalan niya bago siya pumasok sa loob ng room nila, "Alexsys ba yung buo mong pangalan?" Buong tapang kong itinanong.
"Honestly, Isaac Alexsys talaga yung buong pangalan ko," Paliwanag niya at parang nahihiya pa siya na sinabi niya iyon sa akin, "Pero Lex nalang yung preferred nickname ko para hindi mahaba ang pagtawag nila sa akin."
"Isaac Alexsys Villanueva?"
"Isaac Alexsys P. Villanueva."
Matapos niyang sabihin iyon ay lumawak ang ngiti niya sa kaniyang mga labi at halos matunaw na ako dito. Kahit ako yung mas matangkad at kahit siya yung medyo nakatingala sa akin, hindi ko pa din maiwasang hindi mapangiti. Ang lakas lakas kasi ng appeal niya!
"Siya nga pala Simon," Saad niya at napatingin ako, "Join us later, wala ka naman sigurong pupuntahan mamaya pag-awas diba?"
"Uhmmm, saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Snacks lang, kasama naman natin yung mga kaibigan ko, pwede mo din isama yung girlfriend mo if you want."
Shemay, napagkamalan pa ngang girlfriend ko si Shane. Girl pa ba 'yun?
Napatawa nalang ako sa kaniyang sinabi at narinig kong natawa din siya. For sure, hindi niya malaman kung bakit ako bahagyang napahalakhak nang marinig ko iyon.
"Why? May mali ba sa sinabi ko?"
"Wala naman, kaso, hindi ko siya girlfriend."
"Ahhhh, sorry, hindi ko kasi alam..." Nakangiti niyang sinabi at napakamot siya sa kaniyang ulo.
"Hindi, okay lang... Sasama ako sa inyo mamaya, ask ko nalang si Shane if available din siya," Paliwanag ko at lumaki ang lawak ng ngiti niya nang sabihin ko iyon.
"Ayun, mabuti naman... See you nalang mamaya sa grounds, don't worry, hindi tayo gagabihin," Sinabi niya at pumasok na siya sa loob ng room nila.
Nakatayo lamang ako dito at halos mapa-ihi na dahil sa sobrang kilig. Gusto ko sanang sundan siya sa loob ngunit parang may mahalaga silang gagawin kaya aalis nalang din ako. For sure, hinahanap na ako ni Shane dahil may practice pa nga pala kami. Hoping din na available siya mamaya para naman may kasama ako't hindi ma-out of place sa grupo nila Lex.
"Tingnan mo nga naman, talagang naghahanap ng kahihiyan itong baklitang ito," Nawala ako sa pagiisip nang marinig ko na naman ang tono ng pananalita ni Michelle sa likuran ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita, ramdam ko na ang napakasama niyang aura.
Lumingon ako sa kaniya at sa pagkakataong ito, siya lang ang mag-isa at hindi niya kasama ang mga kaibigan niya.
"Bakit ka nandito? Ako ba yung hinahanap mo?" Tumaas ang isa iyang kilay at medyo kinabahan naman ako. Medyo lang.
Hindi na lamang ako nakapagsalita dahil baka mamaya, mas lumala pa.
"Bakit ba?"
Narinig ko ang boses ni Francis sa likod ko at ramdam kong papalapit siya sa akin. I thought na nakaalis na siya, he is observing my actions talaga. Hindi ko siya mapaalis dahil kailangan ko din ng back-up.
"Ako ang nagpapunta sa kaniya dito, may problema ba?"
Nakita kong humarang siya sa harap ko at kaharap si Michelle. Wala akong nagawa kundi panoorin ang ginagawa nilang paguusap.
"Nothing, I am just asking Simon," Narinig ko ang medyo mahina at kinikilabutang pagsasalita ni Michelle. Si Francis lang pala ang katapat mo ha, mabuti nga sa'yo.
"Francis!" Saad ko at medyo nagaalala na din ako sa nangyayari. Baka kasi humantong na naman ito sa gulo kaya iiinterrupt ko na ang paguusap nila, "Tama na, baba na tayo."
Ilang segundo pa ay nakita kong tumakbo papalayo si Michelle. Naiwan kaming nakatayo dito ni Francis at ramdam kong nanggigigil din siya.
"Bakit mo ako pinigilan?"
"Kapag hindi, anong gagawin mo?"
"Tinatakot ko lang naman siya."
"Oo na, tara na at baka magiba mo pa yung building dahil sa init ng ulo mo," Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya. Sa totoo lang, magkasing-height lang pala kami.
Maglalakad at hihigitin ko na sana siya ngunit parang ako pa yung napahinto. Hindi ko siya mahila kainis.
Napalingon ako sa kaniya at napatitig ng masama. Ayaw pa talagang magpatianod itong mokong na 'to.
"Sasama ka ba talaga sa kanila mamayang hapon?" Seryosong tanong niya.
"Oo, at bakit? Concern ka?"
"Hindi kita papayagang sumama sa kanila, isusumbong kita kay Tita," Banta niya at sumimangot ako. Isusumbong pa talaga niya ako kay Mama ha!
"Hoy, magkalapit lang tayo ng bahay, hindi kita boyfriend para sumunod sa gusto mo!"
"Pero ipinagkatiwala ka sa 'kin ng Mama mo," Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy alam yung sasabihin ko dahil napalunok ako nang marinig ko siya.
"What if malaman nila yung sikreto mo? Isusugal mo talaga 'yan para kay Lex?"
END OF CHAPTER FOUR
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro