/35/ I'll Wait
CHAPTER THIRTY-FIVE:
I'll Wait
SIMON
Naaprubahan ang application ni Mama para maaga akong makaalis sa school. Naipaalam ko na din kay Shane ang tungkol sa pag-alis ko at sinabi niya sa akin na mahihirapan na naman daw siyang mag-adjust sa paligid lalo na't mawawala daw nang panandalian ang kaniyang bestfriend; ako 'yon.
Bumungad sa aking harapan ang damit ni Francis nang maghahanap ako ng susuutin kong damit. Ngayon na kasi ang araw ng flight at hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat habang inaayos ko ang iba ko pang dadalhin na gamit.
Nakita kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang papalapit na si Mama. May hawak siyang cellphone at tila ba may kausap.
"Mon, Papa mo," aniya at inabot sa akin ang cellphone.
Nakita ko sa screen ang mukha ni Papa at ito ay nakangiti at tila ba excited.
"Simon!" bati niya at agad naman akong ngumiti kahit pilit, "Ilang oras nalang, nandito na din kayo sa Toronto!"
Sa totoo lang po Papa, kung alam niyo lang po yung nangyari, hindi pa naman po dapat ako papayag na sumama pero wala na din po eh. Wala na din po akong magagawa. Okay lang din po sa akin na umalis dahil gusto ko naman pong makalayo layo sa mga tao sa school, lalo na yung mga humusga sa akin noong nasa stage ako. Hindi naman din po okay dahil maiiwan ko po yung mga malalapit kong kaibigan dito nang matagal.
"Oo nga po Pa, pero mahaba pa din po ang biyahe," ani ko.
"Okay lang 'yon Anak, 'pag nakadating na kayo dito, itotour ko kayo dito ng Mama mo," tugon niya at ngumiti na lamang ako.
Ilang sandali pa ay kinuha na ni Mama ang cellphone at pinagaayos na ako ng gamit. Nakaharap ako ngayon sa salamin nang makalabas si Mama sa kwarto. Nakarating naman ang aking paningin sa study table ko at bigla naman akong napaisip. "Pwede ko bang dalhin 'to?"
Napatawa na lamang ako dahil magmumukhang ewan lang ako sa airport kapag binibtbit ko pa yung mga gamit kong ito.
Sunud-sunod naman akong nakarinig ng tunog ng notification sa cellphone ko kaya naman nakuha nito ang aking atensyon. Kinuha ko ito at nakita ko ang sunud-sunod na series of posts ni Axel. Ano kayang plano ni Francis?
Agad kong pinindot ang kaniyang account at nakita ko ang mga pictures na kaniyang pinost. Ang unang nakita ko ay ang spy camera photo ni Francis at nakuhanan niya sina Michelle at alexsys na naguusap. Natatandaan ko din na ito ang pagkakataong ibabalik ko ang bracelet ni Lex sa kaniya.
Kasunod nitong picture ay ang voice record na nakuha niya sa paguusap nila. Napaupo muna ako at pinakinggan ang usapan.
"Alam mo naman siguro ang nangyari 'di ba?" Ani ni Michelle na para bang naiinis.
"Bakit ka kasi nanonood sa laro namin kanina?" Tugon at tanong naman ni Alexsys, "Natamaan ka tuloy ng bola..."
"I have a plan na pahiyain si Simon pero ako yung napahiya!" Sigaw niya at napabuntong hininga, "Hindi ka man lang gumawa ng way para tulungan ako kanina... Ipinagtanggol mo pa yung baklang 'yon sa guidance councilor!"
Napangisi na lamang ako dahil ang lakas na ebidensya 'to para mapanagot ang tatlong hinayupak. Goodjob Axel! Este, Francis!
"Do me a favor," Bigkas ni Michelle, "Tulungan mo akong makakuha ng info tungkol kay Simon," aniya.
"Ano namang makukuha ko sa'yo?" tugon ni Alexsys.
"Gagawin ko ang gusto mo," Nasa seductive na tonong sinambit niya, "Papayag akong maging girlfriend mo 'ko..."
Natahimik na lamang si Lex dahil sa kaniyang narinig na sagot.
"Sasang-ayon ka o hindi?"
Naputol ang voice record dito kaya naman pinuntahan ko na kaagad ang next post ni Axel. Nakakuha ng samut-saring reacts at comments ang mga pinost niya at nakita kong karamihan dito ay nadismaya at nagulat.
Nakita ko ang kasunod at kaagad ko namang nakita ang picture sa loob ng library. Medyo malabo ang kuha ngunit naaaninag ko sa litrato ang naguusap na si Michelle at Lex sa gilid ng isang bookshelf. Pinindot ko ang play para mapakinggan ang voice record.
"May nakapagsabi sa akin na pupunta yung dalawang bruha sa library, abangan mo at gawin mo na yung pinapagawa ko," utos ni Michelle.
"Paano ko magagawa?"
"Just pretend..."
Dito natapos ang recorded audio at sinimulan ko na ulit na baybayin ang pangatlong post. Nakita ko ang picture ng madilim na annex hall at nang iplay ko ito, napakinggan ko ang naging paguusap ni Michelle at Denise. Sa pang-apat na clip naman ay ang naging paguusap muli ni Michelle at Denise noong papunta ako sa hallway kung saan sila naguusap.
Napangiti naman ako dahil dito sa mga napakinggan at aking narinig. Sa totoo lang, nakahinga hinga ako nang maluwag dahil malakas ang mga proof na 'to para mabigyan ng sanctions ang tatlong sina Denise, Michelle, at si Axel. Malinaw naman na silang tatlo naman ang pasimuno kaya game na game ako dito. Ayaw ko namang umalis ng bansang 'to na hindi ko sila nakikita at naririnig na naexposed sa public. Quits lang.
Habang nagsoscroll ako ng mga posts ni Francis sa account ni Axel. Unti unti kong narealized na ang lahat ng status niya dati na may typogtaphical error ay kaniyang sinadya.
Nakita ng dalawang mata ko ang mga naka-capitalized na letter at ito ay bumubuo ng mga salitang, 'SIMON'.
Napakatalino ni Francis para maisip na maisingit ang pangalan ko sa bawat posts niya. Akala ko may problema yung Axel sa pagta-type, ako lang pala yung hindi observant.
Ilang sandali pa ay biglang nagring ang cellphone ko kahit nagsoscroll pa ako sa account ni Axel. Bumungad sa aking screen ang mukha ni Shane at hinihintay nitong sagutin ko ang tawag.
"Mon!" Bati niya at nailayo ko naman sa aking tenga ang cellphone dahil bigla siyang tumili nang pagkalakas-lakas, "Masususpend daw si Michelle!" maligayang sigaw niya.
Napatawa naman ako dahil tuwang-tuwa pa siya sa nangyari. Well, deserve naman niyang masuspend ng ilang weeks.
"Hanggang kailan daw?" tanong ko.
"Two weeks tapos madedelay pa ang pagkuha niya ng examination," malugod niyang tugon, "Sureball, bababa ang ranking niya!"
"Masaya ka pa talaga do'n?" biro ko.
"Aba siyempre naman, para lang tayong naglaro ng volleyball," paliwanag niya at naririnig ko ang malalim niyang paghinga, "Akala nila napalo na nila yung bola, pero hindi nila alam na may blocker tayo..." dagdag niya.
"Sino? Ako?"
"Si Francis!" sigaw niya, "Pinusuan ko kaya lahat ng naging posts niya kani-kanina lang..."
Napangisi naman ako dahil bumalik na naman ang sigla niya. Yung dating Shane na nakilala ko, nakabalik na at mukhang palaban pa.
"So aagawan mo na ako kay Francis?" biro ko.
"Anong aagawin? Sa'yo na 'yon 'di ba?" buwelta niya.
"Paano ka? Sawi na lang ba?"
"Hindi naaa..." masayang tugon niya at napangiti naman ako. Wow ha! Ang bilis maka-move-on! "May mas mapagkakatiwalaan na ako ngayon..."
Napabuntong hininga nalang ako at sinusubukang hulaan kung sino ang kinababaliwan na naman nitong babaeng ito, este, babaeng boyish.
"Sino naman? Huwag mong sabihing s..."
"Yung naging leader natin sa dance practice..." mahinang bulong niya ngunit narinig ko naman, "Naging close na kami lately lang gawa nung nakagrupo ko siya sa Practical Research..."
Talaga nga naman! Hindi ko alam kung boyish ba 'tong babaeng 'to o mas maharot pa sa babae. Napakabilis mag-move-on eh! Pero, masaya naman ako para sa kaniya. Wala namang susuporta sa akin o sa kaniya kung hindi ako lang at siya eh. Kaya intindi ko yung sitwasyon niya ngayon and alam kong inuunawa din niya ang kalagayan ko.
Narinig ko ang malakas na tunog sa kabilang linya kaya naman medyo natahimik ang pagsasalita niya.
"Mon," tawag niya, "Nandito na yung teacher namin, ingat ka sa pagalis niyo!"
Napangiti naman ako dahil narinig ko ang sinabi niya. She's my trusted friend talaga. No one will replace her kahit na magkaroon man ako ng bagong kaibigan sa Canada.
"Dalhan mo ako ng pasalubong Mon ha! Mamimiss kita!" aniya, "Magmemessage pa din ako at ipangako mong hindi niyo kami kakalimutan ni Francis," dagdag niya.
"Ito naman... Syempre hindi ko kayo makakalimutan," tugon ko.
"Promise?" aniya.
"Promise..."
"Bye Simon! Ingat!" huling sinabi ni Shane at ibinaba na niya ang tawag.
Matapos nito ay agad ko nang inilagay sa backpack ko ang lahat ng may sentimental value na gamit sa akin. Isinilid ko na sa bag ang damit at panyo ni Francis. Dinala ko na din ang notebook ko para incase na kailanganin ko 'to, magagamit ko anytime I want.
Hinila ko na ang aking maleta at marahang naglakad papunta sa pinto. Nang buksan ko ito ay unti unti kong nilingon ang aking ulo para titigan sa huling sandali ang buong kwarto kong iiwanan ko nang ilang araw, buwan, at taon. Napangiti na lamang ako nang bigla kong maalala lahat ng naganap dito lalo na yung pagkakataong nakitulog si Francis dito.
Mamimiss ko 'tong bahay na 'to. Iiwanan ko lang kayo saglit, ngunit babalik din ako. Pangako.
"Simon!"
Narinig ko ang pagtawag ni Mama kaya naman agad na akong bumaba sa hagdan. Nakita ko sa sala ang maletang dala din niya at nakita kong may ilan na lamang siyang inaayos sa lamesa.
"Kumpleto na ang gamit mo?"
Tanong niya at tumango na lamang ako, "Tara na," nakangiti niyang sinabi at sabay kaming lumabas sa bahay. Nakita ko ang pagpihit niya ng susi sa pinto ng bahay at ang pagsasara niya ng mga gamit na nakatambak sa labas ng terrace.
"Umarkila ako ng sasakyan, abangan nalang natin sa labas ng subdivision," aniya at lumabas na ako sa gate.
Kinuha ko ang aking cellphone at humanap ako ng magandang anggulo para makuhanan ng litrato ang bahay. Napangiti na lamang ako nang makita ko ang napakagandang paligid at ang magandang sinag ng araw.
Sabay kaming naglakad ni Mama sa kahabaan nitong kalsada at nakikita ko ang excitement sa kaniyang mukha. Inu-unti unti ko na ding sanayin ang sarili kong tanggapin ang lahat ng nangyari at unawain ang naging desisyon nina Mama at Papa.
Kung para sa akin naman ang ginagawa nila... Hahayaan ko na lamang dahil alam ko namang ikabubuti ko naman ito.
"Simon!"
Napahinto kami ni Mama nang makarinig kami ng isang taong tumawag sa pangalan ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay may nakita akong paparating at tila ba may hawak hawak.
Si Francis.
"Mon, sandali lang!" sigaw niya at iniwan ko na muna sa tabi ni Mama ang maletang hilahila ko kanina.
Nang magtapat kaming dalawa ay nakita kong bigla siyang hiningal. Kawawa ka naman, hinabol mo pa talaga ako ha? Ang effort!
"May ibibigay nga pala ulit ako sa'yo..." saad niya at nakita kong iniangat niya ang kaniyang hawak.
"Ano 'to?" curious kong tanong.
"Scarf," tugon niya at bigla namang nagdiwang ang loob ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko pero napaka-effort nitong si Francis. Pinipigilan ko nalang na ngumiti dahil baka maweirduhan sa akin yung tao.
"Malamig kasi sa Canada," aniya, "Kaya ginawan kita ng scarf," saad niya at gumuhit sa kaniyang mukha ang ngiti at galak.
"Ikaw ang gumawa nito?" namamanghang tanong ko, "Ang ganda ah!"
"Salamat... Sana magustuhan mo."
"Grabe Francis, ang ganda lang! Nakuha mo pa yung favorite color ko, red!" tugon ko at pinipisil ang napakalambot na scarf.
Nakita kong nagiging masaya siya habang hinahawakan ko ang kaniyang ginawa. As in, ang ganda lang!
"Thank you... Susuutin ko 'to!" nakangiti kong sinabi habang nakatayo lamang siya sa harap ko.
Parang ayaw kong matapos 'tong paguusap namin dahil gusto ko pa siyang kausapin nang matagal pa.
"Uhmmm, Mon..." mahina niyang sinabi, "Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko pero..."
Halata ang kaba sa loob at mga mata niya kaya naman hinihintay kong banggitin niya ang kaniyang sasabihin.
"Kailan kita p'wedeng... ligawan?"
Napataas ang dalawa kong kilay at napangiti. Hindi ko alam ang irerespond ko! Isang maling salita ko lang, sira ang lahat.
"Mahihintay mo ba ako nang ilang buwan?" balik kong tanong at tila napaisip siya.
"Oo naman..."
"Ilang taon?" dagdag ko.
"Kaya ko..." Nakangiti niyang sinabi.
"Kung ganoon," panimula ko, "Makukuha mo ang sagot kapag nakabalik na ako," nakangisi kong sagot.
Hindi siya makaimik sa aking sinabi at nakita at naramdaman kong nabigyan ko siya ng pag-asa at excitement. Tunay naman 'yung sinabi ko... Kung gusto niya akong ligawan kahit na strict yung ina ko, dapat hintayin niya akong makabalik dito para maayos ang lahat.
"I'll wait," saad niya.
Nilapitan ko na lamang siya at niyakap ko siya nang sobrang higpit. Nararamdaman ko sa aking dibdib ang mabilis na pagtibok ng puso niya kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap.
"Salamat sa lahat," bulong ko, "Maraming maraming salamat sa lahat ng mga efforts mo..."
Nang kumalas ako sa pagkakayakap ay ibinalot ko sa aking balikat ang scarf na kaniyang binigay. Nang tumalikod ako ay agad akong naglakad papunta sa kinatatayuan ni Mama. Napapalingon ako sa aking likuran at nakita kong kumakaway siya sa akin habang humahaba at lumalayo ang distansya namin sa isa't isa.
Babalik ako Francis...
END OF CHAPTER THIRTY-FIVE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro