Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/34/ I Promise

CHAPTER THIRTY-FOUR:
I Promise

SIMON

Nakahilata ang aking katawan dito sa malambot kong kama at unti unti kong naririnig ang pag-alarm ng aking cellphone. Nararamdaman ko pa din ang mahapding likuran ko at ang paa kong masakit at bahagya ko lang na maigalaw.

Inangat ko ang aking katawan at umupo muna ako dito. Hindi ko maituwid nang maayos ang aking likuran dahil nananakit pa din 'to. Nang kunin ko naman ang aking cellphone, agad kong binuksan ito at tumambad sa akin ang pangalan ni Shane.

"Mon, may magandang balita."

Nakita ko ang isang icon na nakangiti sa gilid ng kaniyang sinend. Agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

"Kanina ko lang nabasa yung tungkol sa usap-usapan sa mga group chats ngayon," dagdag niya at nagsend siya ngayon ng screenshot. Agad ko namang nabasa ang nakalagay dito.

"Balita ko masususpend daw sina Alexsys, Denise, at Michelle."

Saad ng isang estudyante.

"Maniwala? Si Michelle masususpend? Malabong mangyari 'yon!"

"Ayun daw ang sabi, labag daw sa rules at student's handbook yung gano'n..."

"Ano daw bang ginawa nila?"

"Gumawa daw sila ng fake script na hindi naman daw authorized ng mga superiors natin, at saka, ginamit daw nila yung mga gamit sa auditorium nang walang paalam..."

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng awa sa kanilang tatlo pero at the same time, nakakahinga ako nang maluwag. I mean, deserving silang mapatawan ng suspension dahil sa ginawa nila pero there's something talaga sa loob ko na may awa at panghihinayang. Well, sila din naman ang may gawa ng lahat eh, wala na akonh magagawa kung bumabalik ang karma sa kanila.

"Paano si De Vera? 'Di ba kasama din siya do'n?"

"Narinig ko lang na pinaguusapan ng student committee pati council na hindi daw sila kailangang masuspend dahil malinaw naman na labas sila sa sitwasyon," paliwanag ng isa, "Kung hindi man daw sila mapatawan ng suspension, pwede daw matanggal si Alexsys sa ranking at madeny ang application ni Denise sa varsity."

"Paano yung Michelle?"

Naputol ang paguusap dito at nakita kong nagtatype si Shane. Nakaramdam naman ako ng pagaalala para sa kanila pero parang deservong naman silang mabigyan ng ma-alinman sa ipapataw sa kanila.

"Wait lang Mon, may isesend pa ako," saad niya at hinintay ko namang lumabas sa screen ang mga pictures.

"Dinemanda ni Michelle na hanggang walang proof na maipapakita yung mga estudyante na siya ang mastermind, wala daw magaganap na suspension or parusa," Huling message at ito na ang huling part.

Biglang sumama ang pakiramdam ko dahil sa nabasa ko. Imagine? Siya naman talaga ang mastermind tapos napakademanding pa!? Kapag nga naman ang dugo ng kaaway mo ay ginto, untouchable 'yan! Sa sobrang init ng ulo ko gustong gusto kong ibato ang cellphone ko pero huwag nalang, baka masira.

"Shane, anong gagawin na'tin?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko din alam yung gagawin ko kasi wala naman tayong proof para mapaniwala na'tin sila..."

Napabuntong hininga na lamang ako dahil dapat silang managot kahit mababaw na parusa lamang. Hindi naman pwedeng hayaan lang namin ni Shane na gawin naman nila sa iba yung ginawa nilang pagpapahiya sa amin.

"I know Simon, mahirap yung hihingin kong favor pero..." panimula niya, "What if lapitan mo si Francis. kahit ngayon lang. Baka p'wede siyang makatulong sa atin."

Napalunok ako at napabuntong hininga. Agad kong naingiwi ang aking mukha dahil ayaw ko pa siyang kausapin talaga. Hindi ko lang feel.

"Alam mo naman siguro yung ginawa ni Francis 'di ba?" sagot ko.

"Oo alam ko, pero kinausap ka na naman niya kahapon 'di ba?"

"Shane, alam kong makakatulong siya pero ayaw ko."

"Bakit? Kahit ngayon lang Mon, para maayos na ang lahat," aniya at naramdaman kong bumaba ang balikat ko nang mabasa ko ito.

"Hindi pa ba sapat yung script na narecover nila?" tanong ko habang inaayos ko ang susuutin kong damit ngayon.

"That's not enough Simon. Dapat malaman ng committee yung naging plano nila para mas maging makatotohanan yung nangyari..." saad niya, "Hindi naman sila aamin 'di ba?"

Napatingin ako sa malaking orasan sa loob ng aking kwarto at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang first period ng klase namin.

"Papasok ka?" tanong ko dahil tinatamad ako.

"Oo naman, ikaw?"

"Bahala na," tinatamad kong itinaype.

"Anong bahala na? Pumasok ka..." tugon ni Shane, "Ipakita natin sa kanila na we can stand strong at iparamdam natin sa kanila na kahit napahiya tayo, kaya nating maging confident pa din."

Napangisi na lamang ako at ibinaba ko muna ang cellphone. Magaayos na muna ako ng sarili para maligo at maging presko naman kahit papaano. Ito na siguro ang huling pagkakataon na isusuot ko ang uniform ko.

*

Sabay kami ni Mama na naglalakad sa mahabang kalye na ito para makalabas kami sa subdivision at makahanap ng masasakyan. Tahimik lamang ako dahil ayaw kong magpakita nang galaw na pwede niyang mapansin at mapuna.

"Nakausap ko ang ama mo kahapon, tuwang-tuwa siyang napapayag kita na agarang makapunta sa Canada," ani niya at napaismid nalang ako nang patago.

Pinilit niyo po ako Ma. Kung hindi niyo po ako sinaktan o tinakot, hindi pa din naman po ako sasama.

"Siguraduhin mo lang na nakapag-impake ka na," saad niya at wala nalang akong ginawa kung hindi ang manahimik at makinig lamang sa kaniya.

Nang makarating kami sa malaking entrance nitong subdivision. Hindi ko maiwasang kabahan at tila panghinaan ng loob. Sobrang dami kong alaala dito kaya mahirap para sa akin na mamaalam nang basta-basta. Sabay kaming umupo ni Mama dito sa may waiting shed at nagaabang lamang kami ng masasakyan.

"Oh Francis!"

Narinig ko ang tinig ni Mama dahilan para mawala ang iniisip ko. Agad kong inilingon ang aking paningin at nakita ko nga siya. Si Francis. Nakaupo at nakasuot muli ng jacket.

Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit para bang wala lang nangyari. Magkatabi kami ni Mama at katabi naman niya sa kabilang side si Francis.

"Ay hello po Tita," mahinahon at maaliwalas na kaniyang bati, "Ang aga niyo naman po yatang pumasok?"

Napasandal na lamang ako dahil ma-o-out of place ako dahil sila lamang ang naguusap. Hayaan na, nandito na eh.

"Ahhh, hindi ako papasok," tugon ni Mama at bahagyang napahilhil, "Sasamahan ko 'tong kaibigan mo sa school niyo."

Nagkatinginan kami ni Francis ngunit wala siyang kareareaksyon sa ginawa ko. Ako din, hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya.

"Ahhh gano'n po ba?" tugon ni Francis at napatango na lamang si Mama.

Sa totoo lang, ngayon ko lang 'to sasabihin. Noong naging close kami ni Francis noon, sinabi sa akin ni Mama na mas magaling pa daw siya kaysa sa akin. Medyo naoffend ako dahil sino ba naman ang matutuwa kapag ipinagkumpara ka sa ibang tao?  Dahil do'n, ginawa ko ang lahat para umangat. Hindi ko naisip na yung pagangat kong 'yon ang dahilan nang pagkakaroon ng distansya namin sa isa't isa. As in, close kami dati hindi tulad noong nagkasama ulit kami dito noong gumagawa ako ng reaction paper.

"Siya nga pala Francis," napalingon ako at siya nang marinig ko ang binanggit ni Mama, "Nasabi na ba sa'yo ni Simon?"

Napalunok ako nang todo dahil sa narinig ko. Hindi ko gustong sabihin pa sa kaniya pero sana naman po Mama, huwag niyo po akong pangunahan. Nakakadisappoint po eh.

"Wala pong nababanggit si Mon sa akin," saad niya at nakita kong tumingin siya sa akin. Ang awkward! Hindi ko alam kung anong proper kong ikikilos.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama sa akin at tumingin na para bang nadismaya.

"Bukas kasi, mapapaaga ang alis namin papuntang Canada..."

Tuluyan nang nasabi ni Mama ang inililihim ko kay Francis. Ayaw ko kasing ibinubulgar sa ibang tao yung mga nangyayari sa akin lalo na't hindi ko naman kagustuhan na umalis. Hindi ko na alam kung sino ang kontrabida sa buhay ko eh! Lagi nalang may kokontra sa mga gusto kong mangyari.

Hindi ko na lamang sila pinapakinggan at tanging tinititigan ko na lamang ay ang aking kamay. Hindi ko maitunghay ang aking ulo at nakatungo lamang ako.

Naputol ang kanilang paguusap nang may biglang humintong jeep sa harapan namin. Hindi na ako nagatubiling hintayin sila kaya naman ako na mismo ang sumakay magisa at hinayaan kong sila ang magdesisyon kung sasakya ba sila o hindi.

Nng makapasok kaming tatlo sa loob ay magkatapat kami ni Francis sa pagupo. Katabi ko naman si Mama na nakatitig lamang sa paligid. Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakakailang na magkatapatan kami. Parang gusto niya akong kausapin pero hindi niya magawa.

Habang nasa biyahe kami, napansin kong parang may sinesenyas si Francis sa'kin kaya tinignan ko siya. Palihim niyang itinuturo ang paa kong may band-aid at nakikita kong tila nagtatanong niya kung anong nangyari.

Marahan kong itinuro si Mama at mukhang nakuha naman ni Francis ang gusto kong sabihin.

Ilang oras din ang inilagi namin dito sa loob at nang magbabayad na si Francis, pinigilan siya ni Mama at sinagot na ang kaniyang pamasahe. Pagkatapos no'n, wala na ulit na paguusap na naganap at hinintay na lamang namin na makarating kaming tatlo sa campus.

Ako na ang naunang bumaba dahil ilang minuto na lamang at malelate na kami. Nilapitan ko ang gate namin at naglakad nang mabilis. Nakita ko na lamang silang dalawa na nakasunod sa aking likuran.

Nang baybayin ko ang kahabaan nitong pathway ay may ilang estudyanteng tumitingin at tila ba iniinspeksyon ako. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil nasa kanila naman kung huhusgahan nila ako o hindi.

Iniwan kami ni Mama at naglakad siya papunta sa building ng admin at pati na din ang faculty. Naglalakad ako nang payapa dito sa hallway ngunit nakikita ko sa peripheral vision ko na sumusunod si Francis sa akin.

"Mon," tawag niya at napalingon naman ako sa kaniya at dahan dahang humarap, "Uhmmm... Totoo ba?" nahihiya niyang tanong.

"Mmm.." ani ko, "Malapit na akong umalis..."

Nabalot ng katahimikan ang paligid at nakikita kong hindi niya tuluyang masabi ang gusto niyang sabihin.

"Gaano ka katagal do'n?" aniya.

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ko siyang tila ba nababaluktot at nahihiya.

"Wala akong idea kung hanggang kailan ako do'n," saad ko, "Doon na din kasi ako mag-aaral."

"Gano'n ba?" mahina niyang sinabi, "So, hindi na tayo magkikita?"

"Hindi ko din alam, baka... siguro."

"Kung gano'n... magiingat ka," kaniyang sinabi at gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti na may halong lungkot at panghihinayang.

"Sige, salamat," Nang wala na siyang sasabihin pa ay agad na akong umakyat sa hagdan sa unang level nitong building. Hahakbang pa lamang ako nang marinig ko ang boses ni Francis sa aking likuran.

"Mon!"

Tinawag niya ako at napahinto naman ako sa paglalakad.

"Mon, narinig mo ba yung sinend kong voice mail?" nangangarag niyang sinabi at nasa harap ko siya ngayon. Ramdam ko ang kaba s kaniyang mga mata at kitang kita kong naguumapaw ang mga salitang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya nagawa.

"Oo naman," saad ko at bahagyang ngumiti.

Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nakatitig lamang siya sa aking mga mata. Malamig ang kaniyang kamay at halatang kinakabahan siya.

"Mon," naluluha niyang sinabi, "Mon, alam ko nagalit ka sa'kin..." aniya at pinunasan niya ang luhang bahagyang tumutulo sa kaniyang mata.

"Alam ko din na hindi sapat yung mga sinabi ko sa voice mail na ginawa ko dahil gusto kong sabihin sa'yo 'yon nang harapan," paliwanag niya.

"Simon, mapapatawad mo ba ako?"

Nilakas niya ang kaniyang loob para masabi sa akin ang mga salitang ito at talaga namang may kung ano sa sinabi niya dahilan para malungkot ako at maawa.

"Hindi ko alam Francis," tumulo ang luha ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, "Pero sinusubukan ko."

Naramdaman ko ang kaniyang paglapit at unti unti kong nadama ang kaniyang mahigpit na pagkakayakap sa akin. May kung ano sa dibdib ko at naramdaman kong may napalaya ako sa aking sarili.


"Mon, sorry..."

'Yan lamang ang mga salitang naririnig ko habang niyayakap niya ako.

"Alam kong hindi na ulit kita mayayakap pagkatapos nito kaya, sorry Simon..."

Marahan kong hinihimas ang kaniyang likuran at mas lalo akong nadadala dahil sa kaniyang pag-iyak.

"Babalik ka ha..." bumubuhos ang luha niya at hindi ko din mapigil ang aking sariling umiyak.

"Babalik ako, pangako..."

Umaligawngaw sa paligid ang tunog ng bell at ito rin ang dahilan upang makakalas kami sa pagkakayakap namin sa isa't isa.

"Huwag ka nang umiyak Francis," saad ko at tumawa nang mahina, "Masyado nang madrama," ani ko.

"Siya nga pala..." bigkas niya habang may kinukuha sa kaniyang bulsa, "Mon, gusto ko sanang ibigay ulit sa'yo 'to..."

Naaninag ko sa kaniyang kamay ay bracelet na ginawa niya para sa akin. Nang iabot niya ito sa akin ay kaagad kong isinuot ito at ngumiti.

"Huwag mo na ulit isasauli 'yan," biro niya at ipinakita naman niya sa akin ang kaniya ding bracelet na kagaya ng sa akin. May nakalagay itong 'Francis', "Para parehas na din tayong mayroon," aniya at pinunasan ang kaniyang mga mata.

"Salamat," tugon ko.

"Babalik ka ha..." saad niya at hinawakan ang aking buhok, "Ayaw kong matulad kay Dani."

Parehas naman kaming napatawa at hindi na lamang namin pinapansin ang mga nangyayari sa aming paligid.

END OF CHAPTER THIRTY-FOUR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro