/33/ I'm Always At Your Back
CHAPTER THIRTY-THREE:
I'm Always At Your Back
SIMON
Nagtindigan lahat ng balahibo ko nang makita ng dalawang mata ko ang ipinakita ni Mama. Napalunok na lamang ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"NAGREREBELDE KA!?"
Halos marinig na ng kapitbahay ang kaniyang napakalakas na pagsigaw. Wala akong nagawa kung 'di ang manahimik na lamanh dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"PINAPATUNAYAN MO NA BANG BAKLA KA!? HA!?"
Mangiyak-ngiyak na sinasabi ni Mama habang hinahampas niya ako ng kaniyang hawak.
"ANO 'TO SIMON!?" halos mamula ang mukha niya dahil sa galit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak na din ako dahil sa mga naririnig ko at dahil na din sa takot ko sa kaniya.
"Ma, tama na po..." pagmamakaawa ko at patuloy pa din siya sa paghataw sa akin ng kaniyang hawak. Halos mapaupo na ako sa sahig dahil sa ginagawa niyang pagsipa at pagpalo sa akin.
"Ano!? Gumaganti ka sa'kin!? Kaya mo na ang sarili mo!? Ha!" Hindi ako makakibo at hindi ko na mabilang ang ginagawang pananakita sa akin ni Mama. Halos mapunit ang suot kong polo at halos matanggal ang strap nitong bag ko dahil sa kaniyang ginagawa.
"Pinagbigyan kita! Malaya kang gawin ang gusto mo Simon! Tapos ganito!? Aabusuhin mo! At gagawa ka pa ng katarantaduhan!?"
"Ma na-frame up lang po ako Ma, sorry po..." Pagmamakaawang iyak ako.
"Anong frame up! Punyeta ka!" Ibinato niya sa akin ang matigas na hawak niya at agad naman akong nakaramdam na kirot sa may gilid ng ulo ko.
Tinatakpan ko na lamang ang aking mukha dahil hindi pa din siya tumitigil.
"Wala kang kwenta! Naghihirap ang ama mo para magtrabaho at alagaan kita tapos ito ang isusukli mo sa amin!?"
"Sorry po Ma, hindi ko naman po ginusto..."
"P'tang-na! Simon! Hindi mo ginustong halikan 'tong lalaking 'to!?" sigaw niya at tumama nang malakas sa likuran ko ang kaniyang paa, "Sinasabi mo pang may gusto ka dito tapos hindi mo ginusto ha!? Tanga!"
"Ma, tama na!"
Sumasakit ang buong katawan ko nang ilang segundo din siyang natigil sa paninipa at pananakit sa akin. Nakabaluktot na lamang ako dito sa sulok at kitang kita ko siyang hinahabol ang kaniyang paghinga.
"Ang tanga tanga mo para gawin ang bagay na 'yon! Wala kang utak! Hindi ka nagiisip!"
Umaalingawngaw ang kaniyang boses dito sa sala at unti unti akong gumalaw upang ayusin nang bahagya ang sarili ko.
"Bukas na bukas, kakausapin ko ang mga teachers mo at pati na din ang admin patungkol dito!" Mas lalo akong kinabahan habang binibigkas niya ang mga iyon, "Huling araw mo na sa lugar na 'yon bukas na bukas..."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang mga sinabi. Bumuhos ang mga luha ko at hindi ko maipalwanag yung inis, galit, lungkot, at pagkadismaya sa sarili ko. Gusto kong isisi lahat kay Lex at Michelle dahil sa nangyari sa akin ngayon ngunit hindi ko din naman maiwasang sisihin din ang sarili ko dahil sa nangyari.
"Magsimula ka nang mag-impake, kung ayaw mong makarating sa ama mo yung nangyari sa'tin ngayon."
Hindi ako makatayo dahil sumasakit ang parte ng paa ko at pati na din ang aking tuhod.
"BILIS!"
Agaran akong tumayo at talaga namang kumikirot ang lahat ng natamaang parte ng katawan ko. Bigla kong kinuha ang aking bag at nagmadali akong maglakad papunta sa kwarto ko.
Marahan kong isinarado amg pinto at napasandal na lamang ako dito. Gustong gusto kong sumigaw, magwala, at umiyak nang sobrang lakas! Hindi ko alam kung anong nangyayari na sa akin pero kalungkutan lamang ang tanging bumabalot sa akin ngayon.
Nang kapain ko ang kumikirot sa parte ng ulo ko. Agad kong nakita ang pagdurugo nito. Hinihingal ako nang makita ko ito dahil takot akong makakita ng dugo. Napaluha na lamang ako dahil naaawa na din ako sa aking sarili.
Nang itaas ko ang aking pantalon ay nakita ko din ang namumulang tuhod ko at pati na din ang malaking gasgas sa aking paa. Hindi ko ito mahawakan dahil mas nananaig ang hapdi dito.
Halos lumobo ang aking braso dahil sa bawat hampas na sinalo nito galing sa mabigat na kamay ng aking ina. Gusto ko siyang sagutin at labanan ngunit hindi ko magawa. Ano pa nga ba ang silbi ko sa kaniya? Kahit anong gawin kong pagpapaliwanag, hindi na naman niya ako maiintindihan at paniniwalaan.
Agad kong pinuntahan ang aking cabinet dahil baka mamaya ay pumasok si Mama at mapuruhan na naman ako. Tinitiis ko na lamang na tumayo kahit sumasakit ang aking likuran.
Marahan kong binuksan ang cabinet ko kahit labag ang gagawin ko sa aking kalooban. Ano pa bang rason ng pananatili ko dito kung yung taong minahal ko ang kusang lumayo at tumalikod sa akin?
Napansin ko ang mabilisang pagkahulog ng isang damit dito kaya naman agad ko itong kinuha at tinignan. Ito ang naiwang damit ni Francis.
Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko, napaupo na lamang ako sa tapat ng kama ko at niyakap ko nang sobrang higpit ang damit na hawak ko. Walang humpay ang pagluha ko nang tahimik at tanging tunog ng paligid lamang ang maririnig.
Nasasaktan ako nang sobra, ang mga pamali-mali kong desisyon ang nagdala sa akin pagluha ngayon. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang lahat nang ito noong umpisa pa lamang, baka mas nakapag-isip ako nang maayos at nang tama.
Nakita ko naman sa aking bulsa ang panyong iniwan sa akin ni Francis noong kami ay nasa rooftop. Hindi ko na maintindihan ang uunahin kong isipin dahil sa nararamdaman ko. Hindi ako makaalis sa aking sitwasyon at gustong gusto kong isigaw sa mundo ang hirap na nararanasan ko ngayon.
*
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na namalayan ang oras. Nailagay ko na sa malaking maleta ang kinakailangan kong dalhin at sa bawat paglalagay ko ng mga damit, hindi ko maiwasang mapaiyak.
Bigla ko namang naalala yung bracelet na inihagis ko sa tapat ni Francis. Sobrang sakit para sa akin na gawin 'yon pero nadala lang ako ng aking emosyon. Sumasakit na din ang aking mga mata dahil sa tuluyan kong pagiyak.
Kinuha ko muna ang aking cellphone nang makita ko itong umilaw. Nakikita ko ang ilang messages ng ibang tao ngunit iisa lamang ang napansin ko. Ang kay Francis.
Pinunasan ko muna ang mata ko at pinindot ang notification.
'Francis Ian Castillo sent you a voice mail'
Agad ko ding binasa ang nauna niyang message sa akin.
"Simon, sana mapakinggan mo ito." Nang mabasa ko ito ay kaagaran kong isinuot ang earphones ko at pinindot ang button para magplay ang kaniyang sinend.
"Mon," panimula niyang sinabi at naririnig ko ang malalim niyang paghinga, "I know, nasaktan ka dahil sa ginawa ko." Tahimik lamang ako sa pakikinig at talagang inuunawa ko ang gusto niyang sabihin.
"I admit na nagkamali ako at pinagsisisihan ko 'yon ngayon, Simon... Naging insensitive ako sa kung anong pwede mong maramdaman kapag nalaman mo na na ako si Axel... Inaamin ko din na hindi tama ang ginawa ko at aaminin kong hindi ako karapat-dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon," aniya.
"Pero please Simon, there's only one thing na gusto kong mangyari and that is for you to accept my apology... Alam kong mahirap para sa'yo Simon na mapatawad ako pero I am still hoping that you will forgive me..." napapaluha ako dahil sa aking naririnig.
"Hindi ko man maibalik ang lahat sa dati at kahit magbago ang tingin mo sa akin, okay lang... Gusto ko lang malaman mo na hindi ko intensyong saktan ka or pahirapan ka..." saad ni Francis.
"Nalungkot lang din ako nung binalik mo sa akin yung bracelet na ginawa ko para sa'yo," nangingiyak niyang simasabi, "Sobrang saya ko nung nakita ko yung pagngiti mo sa tuwing matitingnan mo yung bracelet na ibinigay ko... Ginamit ko lang si Axel para tanggapin mo 'to dahil 'pag nalaman mong sa akin galing 'to, hindi mo ito susuutin or maaappreciate man lang..."
"Sorry kung nasaktan kita nang sobra-sobra. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, I'm always at your back..."
Napapikit na lang ako at hinayan kong umagos ang luha sa mga mata ko. Bakit sobrang tanga ko para hindi makita yung effort niya!? Sobrang selfish ko talaga!
"Shane messaged me and nalaman ko yung naramdaman mo that's why I recorded this voice mail at para makapag-sorry ako sa'yo..." patuloy pa din ang pakikinig ko sa voice mail na ito habang nakapikit.
"Alam kong nagagalit ka sa akin ngayon pero gagawin ko ang lahat para alisin sa isip mo 'yon... I will prove na karapat-dapat akong mabigyan ng isa pang pagkakataon..."
Natigil na ang voice mail at nakita kong hindi na muling nagonline si Francis. Bigla namang nagnotify sa akin ang pangalan ni Axel at nang pindutin ko ito, nakita ko ang pinakahuli niyang ipinost.
'i am sorry SIMON'
Naputol ang aking pagcecellphone nang makita ko si Mama na biglaang pumasok sa aking kwarto. Naitago ko kaagad ito upang maiwasan niyang makuha.
"Isa-isahin mo nang sabihan ang mga kaibigan mo," seryoso niyang sinabi, "Kapag naayos na ang mga kailangan sa school mo bukas, iaayos ko na din mga kakailanganin sa pag-alis na'tin." naglakad siya papalayo nang matapos niyang inspeksyunin ang mga gamit ko, "Kung hindi ka pa tinakot, hindi ka susunod."
Nang maiayos ko na ang lahat ay hindi ko maiwasang magalala para sa mga maiiwan ko dito. Hindi ako sanay, lalo na't nasanay akong makausap sila nang sobrang tagal.
Kinuha ko na din ang maliit na medkit ko at nilagyan ko na ng panlunas ang mga sugat ko. Kumikirot pa din ang naging sugat ko sa may ulo at nalinis ko na din kahit papaano ang aking nasa paanan.
END OF CHAPTER THIRTY-THREE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro