Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/31/ No Idea

CHAPTER THIRTY-ONE:
No Idea

SIMON

Kahit nandito ako sa rooftop, unti unti kong narinig ang pagalingangaw ng bell nitong school. Matapos ang pagtunog nito, kitang kita ko naman ang mga estudyanteng naglalabasan sa mga building nila.

Habang nakapikit ako at nakaupo lamang dito sa taas, dinadama ko na lamang ang hangin na dumadampi sa balat ko dahil mas narerelax at kumakalma ako sa tuwing mag-isa lamang ako. Unti unti na ding nagiging kulay kahel ang kaulapan ngunit wala pa din akong balak umuwi. Hahayaan ko na munang maunang makauwi ang mga nagaaral dito dahil baka pagtinginan lang nila ako kapag sumabay ako sa kanila.

Naimulat ko ang pagod kong mga mata nang marinig kong tumunog at nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at nang buksan ko ang cellphone ko, nakita ko kaagad ang pangalan ni Axel.

"Hi Mon," panimula niya at nasundan pa ulit ang message, "Just wanna ask if you're okay right now? I'm worried lang kasi hindi na ulit kita nakita matapos nung contest."

Mabilisan naman akong nagtype habang nakaupo pa din ako sa mga kahoy na nakapatong patong dito sa rooftop.

"Yes, okay lang ako Axel," tugon ko, "I just need to isolate myself."

Napabuntong hininga na lamang ako nang maisend ko sa kaniya iyon dahil kahit siya, hindi ko masabihan ng totoong nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka katulad din siya ni Denise o kaya naman ni Alexsys. Kailangan ko lang mag-ingat.

"Are you sure?" nauna kong nabasa, "Tell me your location, I'll talk to you..."

"I'm okay, don't worry..."

"Sure?"

"Oo, thank you sa concern," huli kong sinabi at hindi na muli siya nagchat.

Ilang sandali pa nang makalipas ang ilang minuto. Unti unti kong napansin na nagiging maunti na ang mga lumalabas sa campus kaya naman naghintay muli ako para siguraduhing wala ng tao talaga sa baba.

May bigla namang tumawag sa aking cellphone kaya naman nang kuhanin ko ito, bumungad sa akin ang pangalan ni Francis. Sasagutin ko na sana ito ngunit bigla kong naalala yung ginawa niyang hindi pamamansin sa akin kaya iniwan ko na lamang itong magriring.

Nang matigil ang pagtawag ay agaran na namang nagring ito ngunit hindi ko ulit sinagot. Pumikit muna ulit ako at humingahinga nang malalim.

Sa pangatlong pagkakataon na muling umugong ang cellphone kong nakapatong malapit sa kinauupuan ko, mabilisan kong sinagot ang tawag dahil nagsisimula na akong mairita. Paniguradong sesermonan ako nito at hindi man lang ako icocomfort.

"Naiwan mo yung spoken poetry mo."

Malagong na boses kong narinig. Wala na nga akong pakielam sa spoken poetry ko na 'yon 'di ba? Kaya ko nga iniwan na eh.

"Iwan mo nalang Francis," tugon ko at naramdaman ko ang pagbaba ng balikat ko.

"Bakit nga pala ang tagal mong sumagot?" matapang ngunit hindi siya galit na nagsalita.

"May ginagawa ako, hindi ko agad nakita na tumatawag ka..." palusot ko.

"Hindi mo alam o hindi mo lang talaga gustong sagutin ang tawag ko?"

Halos mag-360 degrees yung mata ko dahil sa aking narinig na tanong. Wawarningan ko na ang sarili kong susunod nitong tanong na ito ay sermon. Sanay na naman ako.

"Nasaan ka? Ibibigay ko sa'yo 'tong tula mo," ani niya at napabuntong hininga na lamang ako.

"Iwan mo na nga lang, wala na ako dito sa campus, nasa biyahe na 'ko..."

"Bakit nakikita kita ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong sinabi niya 'yon. Dumungaw muna ako sa baba kung nakatingin siya sa akin ngunit hindi ko siya makita. Nang ipaling ko ang ulo ko sa magkabilang gilid ko ay hindi ko siya makita kaya naman nang lumingon ako sa likod, nakita ko siyang nakatayo. Nakajacket, may hawak na papel, at hawak ang kaniyang cellphone. May hawak din siyang plastic ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay dahil nagtataka ako kung bakit siya napapunta dito.

"Ikaw dapat ang tanungin ko," tugon niya at naglakad papunta sa direksyon kung saan ako nakaupo, "Bakit ka nandito?"

Napangiwi na lamang ako dahil alam ko na naman ang patutunguhan ng paguusap naming ito. Tungkol na naman kay Alexsys at sigurado akong pagagalitan niya ako.

"Gusto ko lang mapag-isa," sagot ko, "Bakit ba?"

"Hindi lang ikaw ang pumupunta dito sa rooftop," seryoso niyang sinabi at naghubad ng jacket, "Ako rin."

Napalunok ako sa sinabi niya dahil may halong lungkot sa bawat salitang lalabas sa kaniyang bibig. Ilang segundo din ang nakalipas dahil naging tahimik ang paligid nang umupo siya sa aking tabi.

"Pumupunta ako dito kapag nalulungkot ako, kapag nadidisappoint ako sa mga nangyayari sa akin," mahinahon niyang sinabi at siya ngayon ay nakatingin nang malayo sa kalangitan.

Hindi ako makapagsalita dahil feeling ko, may masasabi akong hindi maganda or kaya naman ikakaoofend niya.

"Ano nga palang nangyari sa contest?" tanong ko at napabuntong hininga na lamang siya at inayos niya ang kaniyang pagkakaupo.

"Wala akong nakuhang award," mahina niyang sinabi at tumingin muli sa malayo.

Bigla kong nakita ang kamay niya na para bang namamaga. Naikunot ko tuloy ang aking noo dahil sa nakita ko.

"Anong nangyari d'yan sa kamay mo? Wala naman 'yan nung nagkasabay tayo sa jeep ah?" pagaalala ko

"Alam mo na 'yon," napapangiti niyang sinabi.

Ano 'to hulaan? Hindi ko nga alam kung anong mayroon d'yan sa kamay mo.

"Ano nga?" Angal at pagpupumilit kong malaman ang sagot.

"...Nakasalubong ko lang naman yung taong inilalayo ko sa'yo..."

Napaatras ako nang bahagya nang marinig ko iyon. Talaga namang anak ng kaguluhan 'tong si Francis eh. Nawala tuloy yung pageemote ko dito sa rooftop.

"Anong ginawa niyo? Sinuntok mo?" agaran kong itinanong dahil nagugulat talaga ako sa sinasabi niya.

"Nagbato-bato-pick lang," biro niya.

Jusme, kahit na hindi niya sabihin yung tunay na nangyari, alam ko na kaagad kung anong ginawa niya. Grabe. Hindi nalang ako makapagsalita at parang naghahalo ang pagaalala at pagdiriwang sa kaloob-looban ko.

"Gusto mo?"

Nakita kong may iniabot siyang styro na lalagyanan sa akin kaya naman tinanggap ko na kahit hindi ko alam ang laman na pagkain sa loob. Nang buksan ko ito ay agad kong naamoy ang pagkain, mainit pa ito at talagang abot sa tenga ang ngiti ko. Carbonara kasi ang nakalagay kaya naman natakam akong bigla.

"Salamat," tugon ko at nilantakan ko kaagad ang pagkain.

Nang makita kong matapos siya sa pagkain habang ako naman ay patuloy pa din. Bigla siyang napatingin sa akin at tila ba may gustong sabihin. Itinaas ko ang dalawa kong kilay senyales na makikinig ako sa kaniyang sasabihin.

Bigla siyang sumenyas at itinuro ang kaniyang labi. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang kaniyang sinasabi.

"Yung labi mo, may sauce ng carbo," bigkas niya kaya naman agad kong pinunasan ang labi ko, "Nope, hindi diyan..." dagdag niya kaya naman inulit ko ulit ang pagpupunas.

"Ayos na ba?"

"Wait," biglang siyang gumalaw at agad na kinuha ang kaniyang panyo. Nakita kong ipinunas niya ito sa malapit sa labi ko kaya naman hindi muna ako gumalaw sandali, "Wala na..."

May kung ano sa dibdib ko na tila kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung anong mayroon pero hahayaan ko nalang. Ibinigay niya muna sa akin ang panyo upang magamit ko raw kapag nagkaamos muli ako.

Ilang sandali pa ay bigla niyang kinuha ang papel kung saan may mga nakaprint. Nang kuhanin niya ito ay agad naman akong nagtaka, ayun yung spoken poetry ko.

"Hindi mo nga pala naituloy 'to kaya, ako nalang amg magbabasa nang malakas," wika niya at ako naman ay biglang nahiya.

"Huwag na, hindi nga mukhang panlaban 'yan eh," angal ko ngunit pinigilan lang niya ako.

" 'Li', Tama bang limutin na lamang ang lahat ng alaala? Lahat lahat na nabuo niyo'y hahayaan na nga lang bang mabura? Teka lang, huminto ka muna... Subukan mo munang magpahinga... Lilimutin mo na lamang ba ang lahat ng basta-basta?"

Nadinig kong binasa niya nang malakas kaya naman tinatakpan ko nalang ang tenga ko para hindi ko marinig ang sarili kong ginawa.

"Maganda naman ah, kulang nga lang sa delivery," papuri niya at bigla naman akong nabigla. Kailan pa may lumabas na maganda diyan sa bibig mo Francis?

"Paano ko naman madedeliver ng maayos yung tula kung kinakabahan ako?" tanong ko.

"Kaya ka lang naman kasi kinakabahan, dahil alam mong wala yung taong inaasahan mong susuporta sa'yo noong mga oras na 'yon," mahinahon niyang paliwanag at napatitig na lamang ako sa kaniya.

Ibang iba siya ngayon at para bang may kung ano sa kaniya na hindi ko maintindihan.

"You're expecting na manonood si Alexsys 'di ba?" tanong niya at tumingin siya sa akin.

Napakagat labi nalang ako dahil alam kong tama naman yung sinabi niya. "Oo, nagexpect ako... Akala ko kasi okay na kami eh," ani ko, "Nagpunta kalang dito para sermonan ako 'di ba?"

"Kung sermon ang idinayo ko dito, e 'di sana, hindi ka busog ngayon..." nakangiti niyang tugon at kitang kita ko sa mukha niya ang magandang aura at mood, "Kung sermon lang din ang gagawin ko dito, e 'di sana parehas nang nakakunot ang noo natin ngayon..." biro niya at napangisi naman kami pareho.

Unti unti nang dumidilim ang kalangitan at nagiging malamig na din ang simoy ng hangin.

"Alam mo Francis, tama ka din eh," panimula ko matapos ang napakahabang katahimikan, "Hindi ako nakinig sa'yo... At aaminin ko na, naging selfish ako."

Nakatingin lamang sa akin si Francis at pinapanood lamang ako habang ako'y nagsasalita.

"Nakafocus lang ako sa taong hindi ko pa ganoong kakilala," ani ko, "Then ngayon, nagsisisi ako dahil nasabi ko pa yung sikretong kinikeep ko sa sarili ko..."

"Binigyan naman kita ng babala pero sa tingin ko naman, nakatakdang mangyari 'yon para malaman mong hindi lahat ng tao sa mundo, mapagkakatiwalaan," ani ni Francis.

Wala akong masabi dahil sa kaniyang ipinaliwanag at parang tinamaan talaga ako ng sobra dahil do'n. Hindi ko alam kung bakit nangingilid yung luha ko pero isa lang ang masasabi ko, katabi ko yung taong binigyan ako ng sobra sobrang pagpapahalaga. At aaminin kong nabaliwala ko 'yon dahil sa pagiging makasarili ko.

Biglang umilaw ang cellphone ko at kaagad ko naman itong kinuha. Nakita ng dalawang mga mata ko ang pangalan ni Shane at siya ay nagmessage.

"Guys, tara na, gagabihin na tayo," ani niya at iniwan ko nalamang ang cellphone.

Ilang minuto pa ang nakalipas at biglang nagsalita muli ang katabi kong si Francis. "Simon."

Agad akong napatingin sa kaniya at unti unti nang magsi-ilaw ang mga building na nakapaligid sa amin. Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko, masasabi kong ilangnoras na lang ay maggagabi na.

"I have something to tell you," ani niya.

Bigla naman bumilis ang tibok ng dibdib ko at bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero may nararamdaman lang akong kakaiba.

"Ano 'yon?" mahinahon kong tugon.

Agad niyang hinawakan ang kaniyang cellphone at ako naman ay napapatingin sa kaniyang ginagawa. Napapalunok at napapaisip na lamang ako dahil wala akong ideya sa mga nangyayari, "I already sent you a message."

Biglang umilaw ang cellphone ko at tumunog na para bang nakarecieve ng message. Marahan at walang ideya ko itong kinuha at binuksan.

'Axel Del Rosario sent a message'

Napatingin ako kay Francis dahil wala naman ang pangalan niya dito sa notification ko.

"Si Axel lang yung nasa notif ko," nangangarag at kinakabahan kong sinabi.

"Exactly."

Naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko sanhi para tumayo lahat mg balahibo ko. Mas lalong kumabog ng mabilis ang dibdib ko at hindi ko alam ang gagawin.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to..." Habang lumalabas sa kaniyang mga labi ang mga salitang 'yon ay hindi ko maiwasang magtaka, malito, at mapaisip sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan.

"Ako si Axel, Simon."

END OF CHAPTER THIRTY-ONE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro