Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/29/ Exposed Secret

CHAPTER TWENTY-NINE:
Exposed Secret

SIMON

Parang nagvivibrate yung tuhod at kamay ko nang makaupo kaming participants sa unahan dito sa loob ng auditorium. Unti unting napupuno ng mga tao ang paligid at hindi na ako mapakali. Habang hawak hawak ko ang papel kung nasaan nakaprint ang spoken poetry na ginawa ko, napapatingin naman ako kay Francis na chill lang. Katabi ko lamang siya kaya kahit anong galaw niya, pansin na pansin ko.

"Uhmm Franc-"

Napahinto ako nang bigla niyang isalpak sa kaniyang tenga ang kaniyang earphones. Sa sobrang lakas ng inilalabas na tunog nito ay dinig na dinig ko kahit ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa. Saksakan talaga ng pagka-snobber.

"Francis..."

Inulit ko ang pagkakatawag ko sa kaniya pero gumawa na naman siya para hindi ako pansinin. Bigla niyang isinuot sa kaniyang ulo ang hood at sumandal na para bang nasa bahay. Alam kong naririnig niya ako, ayaw lang talaga niya akong pansinin.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay tuluyan nang napuno ang loob nitong building kung nasaan kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong mali, hindi ko na dapat iniisip si Lex pero hinahanap ko siya dito sa loob. Hindi ko na kasi maintindihan yung sarili ko, lagi nalang nawawala sa sarili at hindi alam ang nangyayari.

Nakailang paling din ang ulo ko ngunit hindi ko pa din siya matagpuan. Nangako kasi si Alexsys na panonoorin niya yung performance ko. Sana naman ay dumating siya.

Nagaabang kami ng magoopening remarks sa stage at sa wakas ay may nagpakita din. Habang nakikinig naman ako sa nagsasalita sa taas ng stage, kinukuskos ko naman ang palad ko sa pantalon ko dahil nagiging basa na ito at mukha na itong gripo.

Hindi ko din maiwasang mapatingin kay Francis dahil napakaseryoso niya at parang hindi kinakabahan. Balak ko sana ulit siyang tawagin pero hindi nalang. Baka hindi na naman niya ako pansinin.

"Goodmorning students and teachers, and of course to our beloved judges..."

Bati at panimula ng nagsasalita at nagpalakpakan naman ang lahat. Hindi ko na nagawang makijoin sa pagpalakpak dahil kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Gusto ko nang matapos 'to para naman magawa ko na yung mga gusto ko at makahinga-hinga na din ako ng maluwag.

Ipinakilala na ng speaker ang mga judges ngayong araw at ang seperation ng categories. Nasa spoken poetry category ako at si Francis naman ay nasa short story tellling. Gusto ko din sanang makita ang nagawa niyang pyesa kaso may kung ano sa loob ko na nagsasabing huwag.

Ilang sandali pa ay nagannounce na ang speaker na magsisimula na ang patimpalak kaya naman nagsigawan ang mga audience sa likod namin at isinisigaw ang bawat pangalan ng mga contestant.

Nang maunang mabunot ang sa spoken poetry, kaagad naman akong kinabahan dahil anytime, pwede akong tawagin at mauna. Mabuti na lamang at ang naunang magpeperform ay taga ibang section. Ligtas muna ako sa ngayon.

Habang pinapanood namin ang nauunang magperform, hindi ko padin talaga maiwasang kabahan at sa tuwing mabubunot ang category ng spoken poetry, mas lalong kumakabog ang dibdib ko.

Ilang oras pa ang nakalipas at nagulat na lamang ako na si Francis na pala ang susunod kaya naman kinabahan muli ako. Feeling ko kasi ako na yung tutungtong sa stage kaya ayun, kabado na naman ako.

"Ang maikling kwento na ibabahagi ko po sa inyo ay tungkol sa isang batang patuloy na nagmamahal ngunit hindi masuklian ang kaya niyang ibigay sa taong nilalaman ng kaniyang puso..." paliwanag niya at taimtim naman akong nakikinig sa kaniya, "Ang pyesa pong ito ay pinamagatang, 'Sa Siso'."

May ilang naghiyawan sa loob ngunit nanaig pa din ang katahimikan ng paligid.

"Sa t'wing malulungkot ang batang si Dani, lagi niyang pinupuntahan ang paborito niyang palaruan," bigkas niya at tila nakuha na niya ang atensyon ng bawat isang nandito, "Lalo na ang siso na gustong gusto niyang puntahan..."

Sa hindi kalayuan, agad kong nakita ang naglalakad na si Michelle at pumasok sa loob ng room kung saan inaayos ang lights, yung mga lalabas sa malaking screen, at iba pa. Hindi ko nalang pinansin iyon pero may nararamdaman akong kakaiba.

"Isang araw, nang siya lang ang nagtungo sa palaruan, ninanais niyang makihalubilo sa iba pang mga batang naglalaro dito. Ngunit kahit anong gawin ni Dani, hindi niya magawang makipaglaro dahil siya'y kakaiba sa ibang mga bata." ani niya.

"Malungkot at dismayado, umupo siya sa isang sulok at pinagmamasdan ang siso na gustong gusto niyang paglaruan. Sa hindi inaasahang pangyayari, may isang batang lumapit sa kaniya at tila niyaya siyang makipaglaro, "Bata, tara, doon tayo sa siso!"  maligayang bati ng bata. Lumawak ang ngiti sa labi ni Dani at sabay silang nagtungo doon upang subukan ang napili nilang puntahan."

Inilipat niya ang pahina at ngayon ay nagpatuloy muli siya sa pagbabasa.

"Sumakay ang isa sa kabila at agad din namang inakyat ni Dani at ngayon ay parehas na silang nagtataas baba sa sisong sinasakyan nila..."

May background music din ang pagpeperform niya kaya damang dama ng makikinig ang kwento niya. Sa malaking screen naman, makikita ang background na animo'y nasa playground talaga.

"Ilang araw ang lumipas at si Dani ay pilit na bumabalik sa palaruan para makipagkita sa bata, hindi niya alam na ang batang nakikipaglaro sa kaniya ay naging kaibigan niya sa sobrang tagal na panahon. Hindi nila inasahan na ang pagkakaibigang ito ay lalago dahilan para araw-araw silang magkita dito."

Bigla akong napalingon sa upuan ni Francis sa tabi ko dahil nakita ko ang kaniyang cellphone na umilaw at nagbukas. Hindi ko maaninag ang nakalagay pero may nababasa akong salita na parang nagsisimula sa letter 'A'. Gusto ko sanang kunin pero baka makita ako ni Francis at makaapekto pa ako sa performance niya kaya hindi nalang.

"Ilang buwan ang nakalipas at si Dani ay naghihintay pa din sa pagdating ng bata ngunit hindi na niya ito nakita. Umaasa siya na kada pupunta siya sa palaruan ay makikita niya ang bata sa mismong oras at lugar kung saan madalas silang magkita. Gusto niyang gamitin ang siso ngunit hindi niya magawa dahil wala naman siyang kasama o kalaro."

Muling umilaw ang cellphone ngunit hindi ko na lamang pinansin. Nakakadistract siya sa totoo lang pero hindi ko na lamang papansinin.

"Dahil sa pagnanais na gamitin ni Dani ang siso, matapang niyang sinuong ito at pilit siyang sumakay. Lagi siyang nananatili sa kaniyang posisyon sa baba dahil walang magbabalanse ng bigat na dinadala niya. Pinilit din niyang tumalon talon upang gumalaw ito ngunit nabibigo lamang siya. Hindi niya magawa ang nagagawa niya dahil wala nga ang kaniyang kalaro."

Habang nakikinig ako kay Francis ay bigla kong nakita si Lex na pumasok din sa loob ng room gaya nung binanggit ko kanina. Agad naman akong nagtaka kaya naman naudlot ang pakikinig ko.

Marahan akong tumayo at balak ko sanang sundan si Lex pero hindi ko nagawa. May biglang bumanggit sa pangalan ko kaya naman napahinto ako.

"Mr. De Vera, you're next na po pagkatapos ni Mr. Castillo."

Saad ng babaeng nasa likod ko kaya naman napaupo na lamang ako ulit. Kinakabahan ako lalo at hindi mapakali kaya naman nilibang libang ko muna ang sarili ko. Hindi kona tuloy napakinggan nang matino yung sinasabi ni Francis.

Ilang sandali pa ay biglang nagpalakpakan ang mga tao at umalis na si Francis sa stage. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Thank you Mr. Castillo for presenting your short story..." ani ng babaeng nasa stage, "Now, let's call the next contestant for the spoken poetry category, Mr. Simon De Vera..."

Muling nagpalakpakan ang mga tao kaya naman nangangatog na ang binti ko. I hate this! Pinagsisisihan ko tuloy yung pagsali ko dito. Nang makaakyat ako sa stage at nang makapunta ako sa gitna at sa tapat nitong stand ng mikropono, kitang kita ko ang mga taong nanonood pati na din ang mga judges na nakaupo sa tapat ng kahabaan ng table.

Nagsimulang magpatugtog ng background music ang speaker at nakita ko din ang background ko na para bang nasa isang park. Hindi ko nalang ito masyadong papansinin dahil hindi naman ako ang magkukumpuni nito.

Nakikita ko sa hindi kalayuan ang kinaroroonan ni Francis at para bang wala siyang balak makinig sa akin. Bahala na.

"Magandang araw po sa inyong lahat," saad ko at napapahawak ako nang mahigpit sa hita ko, "Ang tulang ibabahagi ko sa inyo, ay..."

Sheet! Namemental block ako kahit may hawak naman akong kopya.

"Ay tungkol sa isang gaya ko na hindi marunong pagdating sa pag-ibig..."

Nagsimulang maghiyawan ang lahat dahilan para makadagdag sila sa aking kaba. Sinimulan kong buklatin ang papel na nasa harap ko at agad akong napabuntong hininga.

"Ang title po nito ay 'Mananatili'," Saad ko at mas lumapit ako sa mikropono, "Marahil iniisip niyo kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa iisang tao lang tayo nahuhumaling ng todo."

Nakikita ko ang bawat mata ng manonood na nakafocus lamang sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba at parang may masamang mangyayari. Hindi ko alam pero kinukutuban ako.

Patuloy lamang ang background music kaya naman magpapatuloy lang din ako sa pagsasalita.

"Simulan natin sa 'Ma', Marahil nga tama ako, o tama ka. Hindi ko alam kung saan nga ba patungo ang bawat nilalabas kong mga salita, ngunit isa lang ang aking sigurado, nagmamahal ako sa taong sa tingin ko'y magiging kami na.

'Na', Nasubukan mo na bang umibig?
Yung bawat oras na lamang ay gustong gusto mong malapitan ang ang iyong iniibig at tumitig na tila ba wala ng bukas ang natitirang araw sa daigdig? Hindi ka nagiisa kapatid, dahil puso ko'y lumiligaya din tulad ng puso mong pumipintig.

'Na', Naranasan mo na bang masaktan? Yung tipong gusto mo nang lumisan ngunit hindi mo magawa dahil parehas kayong may pinang-hahawakan. Yung mga panahong kayo'y nagtatawanan at tila ba mga puso'y may iisa lamang na nararamdaman, naranasan mo na ba?

'Ti', Tingin mo ba'y matatapos na ang lahat? Yung sakripisyo, pagod, pangarap, ay iiwanan mo nalang ba na nakakalat? Yung sinasabi niyong mahal kita'y hahayaan niyo na lamang ba na mawasak? Sa tingin mo ba? Kakaya-"

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang magbago ang paligid. Namatay din ang mga ilaw ngunit nananatiling bukas lahat ng mga appliances na nandito. Naalingon lingon ako sa aking paligid at tila iba na din ang nakalagay sa malaking screen.

Natigil din ang background music at tila ba may nagpapalit nito.


"Lex, I have something to tell you."


Narinig ko ang lumabas sa speakers at ako naman ay biglang kinilabutan. Nakikinig ang lahat sa sound at ako naman ay nananatiling nakatayo dito sa stage. Napapalunok na lamamg ako at namumuo na ang aking pawis kahit nakaaircon kami dito.

Napahawak ako sa aking collar habang pinagmamasdan ko ang lahat na tinitignan ako at pati nakikinig sa audio.


"Lex, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to pero hindi ko nagawa dahil natatakot ako..."

Mas lalo akong nanginig dahil sa mga naririnig ko. Sobra akong nahihiya at parang gusto ko nang umalis dito.

Nakikita ko ang pagtataka ng mga tao sa akin at nakita ko din si Francis na para bang natataranta at nagaalala sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"Lex, may gusto ako sa'yo..."


Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang mga salitang iyon na lumabas sa speakers. Aaminin ko, sa akin nanggaling lahat ng iyon. Pero bakit? Bakit kailangang iparinig sa sobrang daming tao ang recorded audio na 'yon?

Hinahanap ko si Lex pero hindi ko siya makita. Namumuo na din ang luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko lang na hindi lumuha.

"Lex, may gusto ako sa'yo..." Pauulit ulit na lumalabas sa speaker at kitang kita ko sa mga nanonood ang pagtataka at ang panghuhusga nila sa akin.

Napalingon naman ako sa malaking screen na nasa likuran ko at may nakalagay ditong video.

Parang guguho ang mundo ko nang makita ko ang video kung saan nandito kami sa auditorium ni Lex at nagrerehearse. Kitang kita ng mga tao ang ginawa kong paghalik sa kaniya kaya naman nabalot ng pagkagulat ang lahat ng nandito.

Gusto kong sumabog pero hindi ko magawa. Bumubuhos na pala ang luha ko nang hindi ko namamalayan...
Mas lalong umalingawngaw sa auditorium ang mga lumalabas sa speaker kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo dito sa harapan ng mga tao at panoorin ang mga reaksyon nila sa video na ipinakita sa malaking screen.

"Bakit hinalikan niya?"

"Grabe, nakakahiya naman!"

"Simon?"

"Totoo ba 'yan? Grabe!"

"Ang lakas ng loob niyang halikan si Alexsys ng ganoon?"


Naririnig ko ang kanilang mga sinasabi kaya naman mas lalo akong pinanghinaan ng loob at mas lalo akong nasaktan sa mga narinig ko.

Lex, bakit mo ginawa 'to? Anong ginawa kong mali sa'yo?

END OF CHAPTER TWENTY-NINE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro