/26/ Hindi Ko Na Alam
CHAPTER TWENTY-SIX:
Hindi Ko Na Alam
SIMON
Pinunasan ko ang bawat luhang dumaloy sa aking mukha at bakas pa din sa akin ang naghahalong dismaya at lungkot. Kung wala na naman akong gagawin dito sa bahay ni Lex, bakit kailangan ko pang magstay?
Kinuha ko sa aking bag ang cellphone ko at nagkunwari akong may paparating na tawag.
"Hello po," nangangarag kong boses. Nakatingin lamang sa akin si Lex at tila yata nagaalala, "Ma, napatawag po kayo?"
Kahit labag sa kalooban ko ang aking ginagawa, napipilitan na lamang akong magsinungaling para makaalis na ako dito. Hindi ko kakayaning hayaan ang sarili kong makihalubilo sa taong inakala kong may pagtingin din sa akin. I need to go somewhere, huwag lang akong manatili dito.
"Puntahan po kita d'yan? Nasaan po kayo?" aking sinasabi habang pinupunasan ang aking luha, "Sige po, dadaan po ako diyan..."
Nagpretend lang ako na nagaayos ng sarili dahil hindi ko alam ang susunod kong gagawin.
"Lex, mauuna na ako, dadaanan ko pa si Mama," nauutal kong sinasabi habang bumababa kami sa hagdan.
"Hatid na kita, malakas pa yung ulan, baka wala kang masakyan," anyaya niya.
"Hindi na Lex, I can travel alone," hinihingal kong sinabi nang makarating kami sa tapat ng kanilang pinto.
"I don't think na safe kang magtravel ngayong naulan, please, Simon..."
"No, okay lang ako, I can handle myself," tugon ko at ikinurba ko ang aking labi upang ngumiti... kahit hindi ko namam talaga feel na gawin ito.
"Are you sure?" pagaalala niya.
Tumango na lamang ako at marahang binuksan ang kanilang pinto.
"Kahit sa main gate lang ng subdivision, sakay na kita..."
"Kaya ko 'to, don't worry... Kaya kong takbuhin ng mabilisan 'yun," sinabi ko at nang makalabas ako, bumungad sa akin ang napakalakas na ulan pati na din ang pagkulog at pagkidlat.
"Are you sure?"
"Lex, okay lang ako... May payong naman akong dala..."
Ako na mismo ang nagdesisyong lumabas ng gate at buksan ang aking dalang payong.
Alam kong bumubuhos pa din ng malakas ang ulan at kahit naman hintayin kong tumila ito, wala na namang magbabago. Nasabi ko na eh, nasaktan ako, umasa na ako... Wala na akong magagawa. Habang tinatahak ko ang daanan ay tumatakbo pa din sa isip ko ang nangyari. Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin dahil hindi ko alam kung anong mangyayari.
Nang makarating ako dito sa main entrance ng subdivision, minabuti ko nang maghintay dito sa waiting shed habang unti unti akong nababasa.
May ilang sasakyan na dumadaan dito at kakaunti lamang ang nakikita kong dumadaang namamasahe. Umaampiyas na ang tubig dito sa katawan ko at tanging payong ko na lamang ang pinanghaharang ko sa aking katawan.
Ilang sandali pa ay may humintong jeep sa tapat nito at nakita kong may ilang taong nakasakay dito. Kahit hindi ko alam kung saan patungo ang jeep na'to, napilitan na lamang akong sumakay dahil feeling ko, iisang direksyon lamang ang tatahakin nito.
Kinalkal ko ang aking bag upang maghanap ng pamasahe at nang makakuha ako ay agad ko itong ibinayad sa driver.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon... Hindi ko din alam kung anong tumatakbo sa isip ni Lex ngayon at kung tama ba na ginawa ko yung pagamin ko sa kaniya. Hindi ko na talaga maintindihan.
Ipinangako ko sa sarili ko na if ever man na masabi ko yung nasa loob ko at mareject niya, I will accept pero bakit hindi ko magawa? Parang hindi ko alam kung paano ko matatanggap lalo na't ipinaramdam niya sa akin na parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa.
Para saan pa yung halik na 'yun? Alam kong sa script lang naman lahat 'yun pero bakit parang totoo? Bakit parang gusto din niya?
Hindi ko na talaga alam...
Yung mga pagkakataong ipinadama niya sa akin na mahalaga ako, wala lang ba iyon? Yung mga ginagawa niya sa akin? Wala lang ba? Yung mga pagkakataong naniwala ako na mayroon na? Wala lang?
Wala akong karapatan para kwestyunin yung naging desisyon niya kaya wala na din akong magagawa kung hanggang dito na lang din yung pagsasama naming dalawa.
Hanggang magkaibigan na lang.
*
Nakarating ako dito sa aming bahay nang basa ang aking katawan dahil sa pagkakaampiyas ng tubig sa tuwing hahangin ng malakas. Nang buksan ko ang gate namin ay kaagad kong pinagpag ang sapatos ko at saka ako pumasok sa loob.
"Simon, bakit basang basa ka?" nagaalalang tanong ni mama habang tinatahak ko ang hagdanan, "Bakit lumusong ka sa ulan? Magkakasakit ka niyan!"
Hindi ko na lamang siya pinansin dahil nilalamig ako. Kahit naman magpaliwanag ako, wala na din namang mangyayari. Magmumukha lang akong tanga at walang alam kapag nagpaliwanag pa ako ng point ko.
Hinila ko ang tuwalya ko sa hanger at kaagad akong nagtanggal ng pantalon, damit at pati na din ang bracelet ko. Agad akong pumasok sa banyo para makapagbanlaw kahit papaano.
Kahit binabasa ko ang katawan ko, pumapasok pa din sa aking isip lahat ng nangyari at lahat ng mga nasabi ko kay Lex. Mas nananaig ang inis ko sa sarili ko dahil sana pala'y hindi ko na lang inamin. Sana din pala na noong una palang, hindi ko na pinilit yung sarili kong makihalubilo sa kaniya dahil ito lang ang kakahantungan noon. Masasaktan at aasa lang ako.
Ngayon ko lang narealized yung naging pagtatalo namin ni Francis na yung mga taong tunay na concern sa akin ay hindi ko pinapahalagahan. Ako dapat yung sabihan na selfish at hindi si Francis... Ako dapat ang sabihan na sumosobra dahil ako din naman ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat.
Dahil 'to sa kagustuhan kong mahalin din ako ng taong mamahalin ko. Yung mga taong nandiyan para sa akin, nababaliwala ko...
Tinuyo ko na ang katawan ko at saka ako nagbihis. Hindi ko na naayos ang mga pinaggamitan ko dahil napagdesisyunan ko nang humiga na lamang sa aking kama. Wala na naman akong gagawin, wala na din namang rason para magpakasaya ako lalo na't alam na ng taong mahal ko ang sikreto ko.
Nakatitig lamang ako sa kisamr ng kwarto ko at hindi ko maiwasang mapaluha.
Ang sakit sakit lang kasi... Hindi ko malaman sa sarili ko kung matatanggap ko ba o ipipilit ko pa din ang sarili ko sa kaniya? Magmumukhang tanga lamang ako kapag ipinagpatuloy ko pa 'di ba?
"Hello Mon," nakita ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Axel.
Isa pa'tong Axel na'to... Hindi ko na maunawaan kung bakit sa tuwing magkikita na sana kami, may biglang mangyayaring hindi okay.
"May ginagawa ka ba?" dagdag niyang sinend sa akin at ako naman napabuntong hininga na lamang.
Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil nawawalan ako ng gana na makipagusap sa ibang tao sa ngayon.
"Wala naman," matipid kong tugon.
"Tapos ka na sa spoken poetry mo?"
"Hindi pa."
"Do you need help?"
"No need... Thanks."
"Okay ka lang ba? Parang wala ka sa mood... Pwede ko bang malaman? I'll listen," Hindi ko alam pero pumatak na naman ang luha ko. Inassume ko kasi na si Axel at Lex ay iisa but I think, hindi na sa ngayon. They're different from each other s pagkakataong ito.
"I have headache, I need to rest lang siguro."
Ilang segundo din ako bago makasagot dahil nagiisip ako ng maidadahilan ko.
"Are you sure?"
Napapikit na lamang ako dahil tinatamad talaga akong makipagusap sa ibang tao ngayon. Wala akong enough energy to interact with them.
"Oo, itutulog ko lang muna 'to," aking sinabi at hinintay ko muna kung sasagot siya or hindi.
"Okay... Goodluck sa competition, and magpahinga ka na muna," aking nabasa at ibinaba ko na ang aking cellphone.
Nakahilata lamang ako dito sa kama at pinapakinggan ang walang tigil na pag-ulan. Ilang oras ding bumubuhos ito hanggang sa umabot na sa kadiliman ang paligid. Wala ng araw ang maaaninag sa labas at tanging tunog ng pumapatak na tubig na lamang ang maririnig.
END OF CHAPTER TWENTY-SIX
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro