Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/25/ Sana Maintindihan Mo

CHAPTER TWENTY-FIVE:
Sana Maintindihan Mo

SIMON

Pumasok ako sa bahay nang tahimik at may bumabagabag sa isipan. Nakita na lamang ako ni Mama na tila ba wala sa sarili at sa mood ngunit hindi na ako nagabala pang sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari. She will not listen to me even if I tell her.

Nandito lamang ako sa aking kwarto habang inaayos ko ang ginamit kong bag. Inilabas ko ang aking notebook at nagsulat-sulat muna. Baka kasi may biglang lumabas sa isip ko na pwede kong mailagay sa spoken poetry, sayang naman kung palalampasin ko pa.

Magpapalit na sana ako ng damit ngunit nang buksan ko ang aking cabinet. Bumungad sa akin ang naiwang tshirt ni Francis dito sa bahay. Itatago ko nalang muna ito at ibabalik ko nalang kapag hinanap na niya. Mas mabuti na din yung nalaman namin pareho yung naiisip at nararamdaman namin para sa isa't isa. Ang hirap din namamg kumilos kapag alam mong may tinatago ka sa loob mo 'di ba?"

Sinimulan ko nang gawin ang aking spoken poetry at nilagyan ko ito ng title na 'Mananatili'. Ilang oras din ang itinagal ng paggagawa ko at mabuti naman at nakaabot na ako sa ika-limang stanza. Walo kasi ang target stanzas nito kaya dapat maayos ko na ito.

Sumandal muna ako sa upuan ko at nanonood ng video sa internet. Habang nagsoscroll ako, bigla kong nakitang nagoffline si Francis at nagonline naman ang tatlo ko pang friends dito sa account kong ito. Isusuksok ko na sana ang earphones ko ngunit may biglang tumawag sa akin.

Agad ko itong sinagot at bumungad naman sa akin ang pangalan ni Shane.

"Mon?" mahinang sinabi niya sa kabilang linya at para bang may sakit siya dahil sa kaniyang boses.

"Shane, napatawag ka?"

"Mon, 'di ko alam gagawin ko," nangangarag niyang sinabi at ako naman ay bigla nag-alala. Mukhang seryoso 'to ah.

"Bakit, anong nangyari?" tanong ko at inadjust ko ang volume ng earphones ko.

"Natatakot ako Mon, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko..."

"Sha, ano bang nangyari? May problema ba?" tanong ko.

"Baka kasi ipakalat nila 'yon eh," tugon niya at mas lalo naman akong nag-alala dahil sa pananalita niya, "Ayaw kong malaman nina nanay 'to, Mon, tulungan mo'ko..."

"Shane, ikwento mo muna sa akin, makikinig ako," anyaya ko at narinig ko ang pagsinghot niya ng sipon sa kabilang linya.

"Ano kasi... May ginawa kami ni Denise... Hindi ko alam, hindi ko alam kung magiging okay ba o hindi..." pabulong niyang sinabi ngunit narinig ko naman, "Sandali lang, pumasok si nanay."

Ilang sandali pa ay para bang natahimik ang kabilang linya at narinig kong tila itinago niya ang cellphone sa ilalim ng unan. Kahit nakaearphones ako, nadidinig ko pa din ang nangyayari sa kabila at yung mga naguusap dito.

"Ipaliwanag mo'to Shane!" nadidinig ko, "Tumayo ka diyan!"

Bigla akong kinabahan dahil nadidinig ko ang boses ng nanay niya sa cellphone ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nakikinig pa din ako.

"Shane!" sigaw muli ng nanay niya at agad kong narinig ang pag-iyak ni Shane.

"Nay, sorry po..." humahagulgol siya at dinig na dinig ko ang kaniyang pag-iyak, "Nay, hindi ko na po gagawin ulit."

Bigla akong nakarinig ng pagsigaw at isang malakas na tunog kaya naman nagulat ako. Kahit hindi ko alam ang mismong nangyayari, damang dama ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam ko ay pinapalo siya dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Nay!" iyak ni Shane.

Patuloy pa din ang pagtunog ng animo'y latay at sunud-sunod ito.

"Hindi kita pinag-aral para gawin 'to!" Sigaw ng nanay niya na para bang napapaluha na din, "Bakit mo ginawa 'to? Ha!? Shane?"

"Nay, sorry po, tama na po..."

"Bakit may kahalikan ka dito!? Gusto mo bang ipahiya yung sarili mo ha!?"

"Sorry po..."

Naiiyak na din ako sa mga naririnig ko kaya naman pinipigilan ko na lamang.

"Hindi ka na nahiya! Talagang nakikipaghalikan ka pa sa babae! Ano? Magpaliwanag ka!" Umaalingangaw sa kabilang linya ang boses ng kaniyang nanay at ako naman ay lubos na nag-aalala sa nagiging sitwasyon niya.

"Nasaan ang telepono mo?" agaran niyang sinabi.

"Nay, huwag po 'yan, Nay, sorry na po..."

Todo na ang pag-iyak ni Shane at kinakabahan na din ako sa nangyayari.

"Hinding hindi mo makukuha sa akin ito hangga't hindi mo napapatunayang hindi ikaw ang nasa video na 'yan!"

"Nay, pakiu-"

Biglang tumigil ang tawag at ako naman ay napatulala dahil sa nangyari. Biglang pumasok sa aking isip si Denise at si Michelle. Nararamdaman kong sila ang may kagagawan nito.

Gusto ko sanang i-message si Francis pero nagdadalawang isip pa din ako. If he wants distance, ibibigay ko naman sa kaniya pero ibang usapan na yung tungkol kay Shane eh. He needs to be involved dahil siya naman yung dakilang imbestigador dito.

Napagdesisyunan kong ichat si Francis kahit labag sa kalooban at sa kagustuhan ko. Kaagaran kong hinanap ang kaniyang pangalan at nang mahanap ko na ay pinindot ko agad at nagsimulang mag-type.

"Tumawag sa'kin si Shane, mukhang kailangan niya ng tulong," matapang kong pinindot ang 'send' at naghihintay naman ako kung sasagot siya o hindi.

Napapakagat labi nalang ako dahil amg tagal niyang makita ang message ko.

Napapikit ako nang maisipan kong tawagan siya pero wala na akong nagawa kun'di ang pindutin ang nasa screen para matawagan ko siya. Biglang nag-ring ang tawag ngunit ilang segundo pa ang nakalipas, hindi niya ito sinagot at bagkus ay dinecline pa niya ito.

Sunod ko sanang tatawagan si Axel pero sa tingin ko, hindi naman niya alam ang nangyayari sa aming magkakaibigan.

Gusto ko ding tawagan si Alexsys pero naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Francia na huwag ko daw ipagsabi sa iba kahit nagtitiwala daw ako.

Hindi ko na din talaga alam ang aking gagawin kaya naman tumayo muna ako at nag-isip isip. Hindi ko naman pwedeng hayaan basta-basta na magkaganoon si Shane, hindi ko kakayanin kapag nakita ko siyang malungkot at may iniisip. Hindi ako sanay lalo na't palagi ko siyang nakikitang masaya at puno ng energy.

Sinubukan ko na din munang tawagan siya ngunit sa kasamaang palad, hindi ito sinasagot.

Anong gagawin ko?

*

Hindk ko namalayan kahapon na nakatulog ako sa tapat mismo ng study table ko. Sa sobrang lala ng tulog ko, nakita ko na lamang na basa na ang notebook na pinagpatungan ng aking ulo.

Ginambala ako ng pagvibrate ng cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha at bumungad sa akin ang pangalan ni Lex.

'Daanan kita mamayang 10:30.'

Itinuon ko ang aking paa sa sahig at agaran naman akong napatayo. Shit, I forgot na kailangan pa naming ipolish yung pinapakisuyo niyang irerehearse namin.

Agad kong sinulyapan ang malaking wallclock dito sa bahay at agad kong nakitang 9:15 na ng umaga. Nilinis ko na ang aking table at inihanda ko na din ang aking susuutin.

Kagaya ng ginawa ko kahapon, kumain muna ako para sa almusal, inayos ko ang dapat kong ayusin, at saka ako naligo at naglinis.

Nang makarating ako muli sa aking kwarto ay agad kong isinuot ang dapat kong suutin pati na din ang hindi ko makalimutang bracelet. Ilang minuto na lamang at makikita ko na ulit si Lex na nagaabang sa labas ng bahay namin.

Nang kunin ko ang cellphone ko habang nakacharge. Binuksan ko ito para tignan kung may latest update ba kay Shane pero nakita ko na lamamg na hindi siya nagoonline kagabi pa. Bigla din namang lumabas ang pangalan dito si Axel kaya naman chineck ko muna habang hinihintay ko si Lex.

'I wish] this would be ove;r Now
but i know that i Still Need you here
you say i'M crazy
'cause you d[on't think i know what yo_u've dOne'

Hindi ko na muna initindi ang post niya dahil ilang minuto nalang ang natitira at nararamdaman kong nandito na siya. Inayos ko na ang bag ko at humarap muna ako sa salamin bago ako tuluyang makababa.

Nang magpaalam na ako kay Mama ay nakarinig ako ng sunud-sunod na busina galing sa labas at feeling ko ay si Alexsya na iyon. Nang buksan ko ang pinto, hindi ako nagkamali. Si Alexsys nga.

"Tara na?" saad niya at ngumiti.

Agad kong kinuha ang helmet at umangkas na ako sa likod ng motor niya.

"Goodmorning nga pala," aking sinabi at ngumiti na din ako sa kaniya.

Nang umandar ang motor ay bigla kong naamoy ang napakabangong pabango niya. Kung ako ang tatanungin, talagang bumagay sa kaniya ang amoy na ito at talagang nanaising mong singhutin na lamang ito hanggang sa makababa kayo.

"Nagawa mo na yung spoken poetry mo?" tanong niya.

"Nasimulan ko na."

"Good, matatapos mo din 'yan," kaniyang sinabi nang makaliko kami dito sa isang daanan, "I memorized my lines na din para hindi na tayo mahirapan mamaya sa pagpapractice na'tin."

Ilang oras pa ang nakalipas at mabilis kaming nakarating dito sa subdivision nila at ilang minuto pa ang nakalipas, nandito na kami sa tapat ng bahay nila.

"Ipasok mo na ulit yung sapatos mo... Don't worry, hindi daw makakauwi ng maaga si Mommy dahil may tinatapos silang project sa company nila," agaram niyang sinabi nang ipasok niya ang motor niya sa kanilang bahay.

"Tara na sa taas," kaniyang sinabi at sa hindi inaasahang pangyayari. Bigla namang umulan sa labas. Biglaan nga eh, maaraw naman kanina pero ngayon, halos mawala na yung sinag ng araw sa paligid.

Sinundan ko si Lex papunta sa taas at sabay kaming pumasok sa kaniyang kwarto. Kagaya ng nakita ko kahapon, ganito pa din ang ayos ng kwarto at mas naging maayos pa ito kaysa kahapon.

"Gusto mo ng juice? Kape or what?" alok niya ngunit tumanggi naman ako.

"No, hindi na, mabilis lang naman tayong makakapagrehearse 'di ba?"

"Okay, may kukunin lang ako sa baba... If you need the script, check my desk," inutos niya at agad ko naman itong ginawa.

Habang hinahanap ko ang papel na kailangan na script ay bigla akong kinabahan at pinagpawisan. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ninenerbyos ako. Feeling ko may masamang mangyayari or what.

Nang makabalik si Lex dito sa kaniyang kwarto ay agad ko din namang nakuha ang script at bumalik ako sa kinuupuan kong kama.

"Are you okay? Bakit pinagpapawisan ka?" tanong niya.

"Oo ayos lang ako," nauutal kong sinabi.

"Sure ka? Baka you need something, tell me nalang," anyaya niya ngunit hindi ko na siya inistorbo pa.

"Okay na ako, gusto mo nang magsimula tayo?"

"Sure, maginternalize muna tayo."

May kung ano talaga sa loob ko dahilan para pagpawisan ang mga palad ko. May mangyayaring hindi ko alam at nasesense kong hindi okay iyon.

Habang nakaupo ako, pinapanood ko si Lex na nagiinternalize at iniisip ang susunod niyang gagawin. Pinagmamasdan ko lamang siya at kahit papaano ay nalilibang ako at nawawala ang kaba ko nang bahagya.

Nang sabihin niyang okay na siya at ready na siya para sa practice. Agad akong tumayo at humarap sa kaniya.

"Just do what's on the script, okay?" mahina niyang sinabi at tumango na lamang ako.

Nagiging fluid ang palitan namin ng linya sa umpisa hanggang sa makarating kami sa kalahati. Punung-puno ng emosyon ang mga mata niya kaya naman ibinibigay ko na din ang aking best para mas mabigyan ng power at justice ang role naming dalawa.

Nang makarating kami malapit sa hindi niya maalalang linya, hinintay ko muna ng ilang segundo ang sasabihin niya. "Alam ko Andrea ang nagawa kong kasalanan, sana naman ay iyong maunawaan."

Napangiti ako nang bahagya dahil sa wakas ay naalala na niya nang hindi ko sinasabi.

"Maunawaan? Papaano?" bigkas ko at ginawa ko naman ang dapat gawin gaya ng nasa script.

"Nangako ka Andrea, minahal mo ako 'di ba? Bigyan mo lamang ako ng isa pang pagkakataon," kaniyang sinabi at nagsimula na siyang mapaiyak, "Mahal kita Andrea, mahal na mahal kita."

Napahinga ako nang malalim nang mabasa ko sa script na kailangan ko nang gawin ang paghuling act namin. Gaya ng naging scenario kahapon, siya ay pumikit at pumapatak ang kaniyang mga luha.

Para naman hindi maging awkward ang nangyayari, dahan dahan kong hinawakan ang kaniyang pisngi. Unti unti kong inilapit ang aking mukha at talagang kinakabahan padin talaga ako.

Unti unti kong naramdaman ang labi niya sa akin. Nararamdaman ko namang nilalabanan niya ang aking paghalik at mas dumidiin ang paglapit niya sa akin.

Hinawakan niya ang aking bewang at mas lalo niya itong idinikit at inilapit sa kaniyang katawan.

Kahit gustuhin ko mang makawala, gindi ko magawa dahil tila ayaw niya akong bitawan.

Dumulas sa aking kamay ang script at tila nagkalat ito sa sahig. Kahit na anong gawin ko, hindi pa din siya kumakawala at mas lalong naglalaban ang aming labi pati na din ang nasa loob nito. Kahit sa ganitong pagkakataon, unti unti kong nararamdaman na may pagtingin na din siya sa akin kahit hindi niya man aminin.

Unti unting naglayo ang aming mga mukha nang siya na mismo ang nagdesisyong itigil ang ginagawa namin. Napalunok ako at sobra akong nabigla sa ginawa niya dahil mas matagal itong nangyari kaysa sa unang beses namin itong ginawa.

"I'm sorry, I forgot na may sasabihin ka pa palang last line," kaniyang sinabi at hindi siya makatingin sa akin. "Sorry."

"Uhhh, ano, okay lang, line na naman 'yun ni Andrea eh," nauutal kong sinabi, "I think wala ka namang nakalimutan..."

Nagiging malikot ang paggalaw ng kniyang mata at tila yata nahihiya siya sa kaniyang ginawa.

"Sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon," pagpapaumanhin niya. "I'm sorry..."

"Sorry din..."

Nabalot ng katahimikan ang paligid at umupo muna siya sa aking tabi. Inayos ko muna ang mga naglaglagang script at nang maipagsunud-sunod ko ang mga ito. Saka ko ito iniabot sa kaniya kahit napakatahimik niya ngayon.

What if this is the right time para sabihin ko yung nararamdaman ko para sa kaniya? Should I give it a try?

May nangyayaring labanan ngayon sa aking isip kung gagawin ko nga ba o hindi. Kinakabahan ako, baka kasi hindi maging maganda ang kalabasan. Pero sayang din naman kung sasayangin ko yung pagkakataong kami lang dalawa ni Lex ang magkasama. What if same kami? Sayang naman kung hindi ko gagawin.

"Uhmmm, Mon, gusto mo ng maiinom?" nauutal na tanong niya at hindi siya makatingin sa akin.

"Hindi, okay lang, huwag mo nalang alalahanin," saad ko at ngumiti ako sa kaniya kahit sobra sobra ang kaba ko.

Napalunok muli ako dahil feeling ko natutuyo na yung lalamunan ko. Gusto ko nang sabihin pero parang may nakabara sa bibig ko.

I need to say it kahit paputol-putol.

"Lex," tawag ko sa kaniya at napatingin naman siya kaagad sa akin. "I have something to tell you," mas lalong kumakabog ang dibdib ko dahil sa ginagawa ko.

Napatitig ako sa kaniyang mga mata at talagang naglalaban ang isip ko kung sasabihin ko ba o hindi. Nahihirapan ako.

"Lex, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to pero hindi ko nagawa dahil natatakot ako..." panimula ko at nakikita ko naman siyang nakikinig.

Napahinga ako ng malalim at naikuyom ko ang aking kamay dahil hindi ko sure kung anong mangyayari.

"Lex, may gusto ako sa'yo..."

Napakagat labi ako nang masabi ko iyon at kapansin-pansin ang paninibago ng reaksyon niya. Dinig dito sa loob ng kaniyang kwarto ang ingay ng pagpatak ng ulan kaya naman mas lalong nakadagdag ito sa aking pagaalala.

Hindi ko alam ang gagawin ko matapos kong sabihin at aminin sa kaniya ang tunay na nasa loob ko. I am hoping and wishing na ang pag-amin kong ito ay maging ayos.

Ilang segundo din ang nalipas bago ko masabi sa kaniya ito. Talagang iniipon ko lamang ang lakas ng loob ko para masabi sa kaniya ang lahat.

"I'm sorry..."

May kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan. Hindi din siya makatingin sa akin at siya ay nakatungo lamang.

"I'm sorry Simon pero..."


Mas bumibilis ang pagtakbo ng puso ko dahil sa mga naririnig ko ngayon.

"...I think we should stay and maintain yung kung anong mayroon tayo ngayon..."

Gusto kong mapaiyak nang marinig kong sabihin niya ito. Kahit sobrang pinipigil kong hindi pumatak ang luha ko, nakatakas pa din ang isang luha sa aking mata.

"I know it's hard for you to tell the truth pero sa tingin ko, mas maganda kung maging magkaibigan nalang tayo."

Napapangiti ako kahit para bang sinasaksak ang kalooban ko. I thought we're more than that.

"Sana maintindihan mo," nangingilid ang aking mga luha at napapangiti na lamang ako para ipakita sa kaniya na okay lang ako, "Walang magbabago, promise..."

Tuluyang bumuhos ang luha ko at napapatawa na lamang ako. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nananaig sa akin, kung saya ba o lungkot, hindi ko maintindihan.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Mas lalong bumuhos ang luha ko at niyakap ko na lamang siya ng sobrang higpit.

END OF CHAPTER TWENTY-FIVE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro