/21/ Fix Yourself
CHAPTER TWENTY-ONE:
Fix Yourself
SIMON
Hindi ako mapakali. Halos magulo na yung latag ng kama ko kakaikot dito. Kating-kati na akong sabihin ang mga narinig ko kay Shane pero may pumipigil sa akin, yung sinabi ni Francis na akin na HUWAG!
Gulung-gulo na din talaga ako. Ano bang problema ni Michelle sa amin? At saka, bakit kailangan pa niyang irecruit si Denise para iset-up or lokohin si Shane? Napakawalang puso talaga nila. Ano bang goal nitong si Mich at gustong gusto niyang mapahiya ang isa sa amin? Dahil ba doon sa nangyaring aksidente noong magvovolleyball kami? Napakababaw naman kung ayun lamang ang dahilan!
Para naman malibang ako kahit kaunti at mawala sa iniisip ko ang lahat. Inilabas ko muna ang notebook ko at inayos ayos ang outline ko para sa spoken poetry. Mawawalan ako ng ideas kapag hindi ko pa ipinagpatuloy ang mga ito.
Habang inaayos ko pa lamang ang gagamitin ko. Bigla namang umilaw at may nagnotify sa cellphone ko. Bigla naman akong nagtaka at kinabahan dahil baka nilalapitan at inuutusan na ako ng konsensya ko na sabihin kay Shane ang lahat.
Nang lapitan ko ito at kunin. Nakita kong tumatawag si Lex kaya agad ko naman itong sinagot.
"Hello Mon?" panimula niya.
"Hello."
"Ayun, Mon, may ginagawa ka?" tanong niya at sumandal muna ako sa upuan ko.
"Ummm, yung spoken poetry lang."
"Ahhh, okay, pwedeng humingi ng favor?" tanong niya at sumangayon naman ako. "Hindi ba, may three days tayong walang pasok, pwedeng magmeet tayo?"
May kung ano sa tiyan ko na para bang naeexcite na ewan. Kaso, iniisip ko yung para sa spoken poetry ko. Paano ko magagawa iyon eh pagkatapos nung three days na wala kaming pasok, competition na kaagad.
"If hindi ka available, okay lang," sinabi niya.
"No, sige, sasama na ako sa'yo, saan ba tayo pupunta?" habol ko at narinig kong parang natuwa siya sa sinabi ko. Hindi ko na alam kung ano yung mga nasasabi ko pero sige, sasama na ako aa kaniya.
"Ayun, thank you Mon!" saad niya, "Wala kasi yung kapartner ko sa play eh, kaya ikaw nalang siguro ulit. Okay lang ba?" medyo napuputol niyang sinabi.
"Uhmmm, sige."
"Yey! Ite-treat nalang kita ng pagkaing gusto mo," pambawi niya at napangisi naman ako.
"Ito naman, nagabala pa," pabiro kong saad.
"Salamat ulit," maligaya niyang sinabi at napangiti naman ako. Pinipigilan ko lang talaga yung pagsabog ng kilig ko sa loob ko, "Tulungan na lang kita sa spoken poetry mo kapag natapos tayo sa rehearsals."
"Saan nga pala?" tanong ko.
"Susunduin nalang kita sa inyo, don't worry, hindi ka na gagastos ng pamasahe," ani niya at nagpasalamat muli ako. Napakamaaalalahanin nitong taong 'to. Nakakahanga talaga, "Sige na, maraming salamat ulit, imemessage nalang kita about sa time, bye!"
Ibinaba na niya ang tawag at ako naman ay naiwang kinikilig at parang nasa langit. Mauulit ulit kaya yung ending scene na nakalagay doon sa script? Sana maulit muli.
Nakarinig ako ng isang pagkalampag sa may pintuan ng kwarto ko dahilan para mapatingin ako kaagad dito. Hindi ko alam kung bakit pero bumungad sa akin ang galit na galit na si Mama. Inilagay ko sa table ko ang aking cellphone at ngayo ay kinakabahan na din ako sa nangyari.
"UMAMIN KA NGA SA'KIN!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa takot. Hindi ko alam pero bakit siya nagagalit? At bakit kailangan niya akong sigawa. at paaminin? Anong ginawa ko?
"Ano po 'yon Ma?" kinikilabutan at pinagpapawisan kong itinanong sa kaniya.
"Hindi mo alam!? Naku! Sinasabi ko sa'yo, kapag nalaman kong may ginawa kang katarantaduhan ulit sa school niyo, sinasabi ko sa'yo, mapapaaga ang pagpunta na'tin sa Ama mo!" Umalingawngaw sa loob ng kwarto ko ang pagsigaw niya.
Ano bang ginawa ko? Bakit galit na galit siya sa akin?
"May nakapagsabi sa akin na may sinaktan ka daw na estudyante at nakasira ka pa daw ng gamit!" panimula niya at biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kay Michelle, "Hindi kita pinapasok sa eskwelahan na 'yan para magpakabasagulero at magpaka-gago ha!"
"Ma, hindi ko naman po 'yon sinasad-"
"Kahit na! Nakasakit at nakasira ka din ng gamit! Tapos hindi mo sasabihin sa akin!?" bulyaw niya at nakaramdam ako ng mabigat na kamay sa aking balikat. Halos mapaluha ako sa galit at sa pananakit niya pero hindi ko magawa.
"Isa pa, sino ang gumawa ng pinapagawa sa inyo noong isang araw!? Kaya ba nandito yung Francis na sinasabi mo dahil nagpagawa ka!? SAGOT!"
"Hindi po, siya po yung magpresinta na gawin yung reac-"
"Ano ka bobo? Tanga!? Hindi mo kayang gawin yung pinapagawa sa inyo!?"
Natahimik nalang ako at pinipigilan ko na lamang ang pagtulo ng luha ko. Ayaw ko na sanang magsalita pero gusto ko din namang idepensa yung sarili ko. Palagi nalang nababaliwala yung mga opinion ko, yung mga mungkahi ko, yung mga gusto kong gawin sa sarili ko.
"Tapos may nakapagbalita pa sa akin na nawalan ka daw ng malay sa school dahil hindi ka kumain ng umagahan!? Anong sabi ko sa'yo? 'Di ba sabi ko kumain kana dito sa bahay bago ka umalis!?" sigaw niya at napapabaluktot nalang ako dito sa aking kinauupuan, "Ano? Pasikat lang? Anong iisipin nalang ng ibang tao sa atin? Na hindi kita pinapakain? na ginugutom kita, gano'n ba?"
Bigla kong naramdamang itinulak niya ang sandalan ng upuan ko sanhi para maout of balance ako at mahulog sa kinauupuan ko.
Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa. Bakit parang kasalanan ko lahat? Ano bang nagawa kong mali?
"Hindi kita pinanganak para lang maging tanga ha!" sigaw niya at ako naman ay nagpipigil pa din ng luha.
Ayaw ko nang sumagot pero gustong gusto kong ipaliwanag yung side ko kahit sandali lang.
"Isa pa, pag nalaman kong may ginawa kang katangahan, ako na ang kakausap sa mga teacher at sa school admin niyo," seryoso at galit pa din niyang isinigaw sa akin, "Ayusin mo 'yang sarili mo!"
Agad siyang lumabas sa kwarto ko at kinalampag ng sobrang lakas ang pinto.
Bumuhos ng sobrasobra ang luha ko at pinipigilan ko na lamang ang sarili ko na hindi mapahagulgol dahil baka marinig niya. Hindi ko alam yung gagawin ko, ibinibigay ko naman lahat ng kaya ko para mapasaya ko sila pero bakit parang nakikita lang nila yung mali sa lahat ng gagawin ko?
Hindi ba nasabi kay Mama na aksidente lang yung nangyari doon habang naglalaro kami ng volleyball?
Wala bang nakapagsabi kay Mama na kusang ginawa ni Francis yung reaction paper ko dahil nakatulog ako?
Alam ba niya na hindi lang dahil sa gutom yung dahilan kung bakit ako nagcollapse?
Wala naman sigurong makakapagsabi noon dahil hindi naman ako kasing importante ng ibang tao. Ako lang naman yung inaakala nilang tanga palagi. Yung taong hindi deserving na sumaya, ako 'yon.
Namamaga na ang mga mata ko dahil humahagulgol ako nang todo. Pinipigilan ko lang na walang lumabas na tunog sa paghikbi ko dahil baka sabihin ni Mama na nakakaistorbo ako o attention seeker.
Baka nga kailangan ko lang talagang ayusin yung sarili ko.
Ilang sandali pa habang inaayos ko ang matumbang mga gamit ko. Biglang umilaw ang cellphone ko at nakita kong may nagnotify na naman dito.
'I ca)n take S[O Much
until i'(ve had eN]ough'
Nagupdate na naman ng status si Axel kaya naman agad ko itong tinignan.
May kung ano na naman sa isip ko dahilan para pumatak na naman ang mga luha ko. Dapat pa din ba akong tanggapin dito kahit kakaiba ako sa karamihan at sa inaakala ng iba? May tatanggap ba sa akin?
Ilalapag ko na sana muli ang cellphone ko ngunit nakita ko sa screen muli ang pangalan ni Axel at nagsent siya ng message.
"Kumusta?" saad niya at pinunasan ko muna ang mga mata ko bago ako magtype.
"Ayos lang," tugon ko lahit hindi naman.
"Speak the truth, Simon. I know you're not okay," saad niya kaya naman umupo muna ako sa kama ko.
"Okay lang naman ako, no need to worry," pagsisinungaling ko.
"Sabi mo 'yan ha," Sabay may emoji na nakangiti na pilit. "Siya nga pala Mon, I'm sorry dahil hindi na muna ako nagpakita ulit."
Bigla kong naalala yung napagusapan namin kanina.
"Nakita kasi kita na may kasamang lalaki habang papalabas kayo sa Annex hall, kaya hindi ko na kayo inapproach," saad niya at nabuntong hininga ako. I have a feeling na si Lex talaga 'to eh. Nagpepretend lang.
"Sino yung nakita mong kasama ko?" tanong ko.
"Yung lagi kang hinahatid-sundo sa bahay niyo," tugon niya at nanlaki naman ang mata ko at medyo nagulat. Sandali lang, bakit alam niya? "Paano mo nalaman?"
Habang hinihintay ko ang sagot niya ay pinupunasan ko muli ang mga mata ko at pati na din ang aking ilong. Nakakabigla lang talaga yung mga nangyayari.
"Lagi ko lang kayong nakikita kapag palabas na kayo ng campus." tugon niya at napahinga ulit ako nang malalim.
"Bakit ka nga pala nagmessage kanina? Para saan?"
"Makikipagkita na sana ako sa'yo tapos gusto ko lang malaman yung opinion mo patungkol du'n sa dinesign kong booth ng club," panimula niya at nakita kong nagtatype siyang muli, "Kaya gusto kong makipagkita sa'yo sa Annex hall para makita mo yung booth. Sadly, nakita kitang may kasama nang umalis."
"Uhmmm, sorry kung pinaghintay kita, pero don't worry, makikita na din kita kapag nagkaroon ulit ng pagkakataon," saad ko at nagsend siya ng smiling face na icon.
"Sana nga magkita na tayo."
Napatulala naman ako nang mabasa ko ang message niyang ito.
"Ano nga palang ginagawa mo?" usisa niya habang inaayos ko na ang gamit ko pati na din ang hihigaan ko.
"Nagaayos ng gamit at saka nagpeprepare para sa competition," tugon ko.
"Saan ka sasali? Para ba 'yan sa literary activities ng campus?"
"Oo, sa spoken poetry ako sasali," sagot ko at umupo ulit ako sa kama matapos kong maayos ito, "Ginawa akong representative ng section namin."
"Good! Kontesero ka din pala," saad niya at ako naman ay napangiti ng bahagya. Kahit papaano, nawala yung lungkot kong naranasan ko kanina, "By the way, goodluck sa laban mo! Kahit hindi pa tayo nagkikita, support na din kita."
"Salamat sa motivation," sinabi ko at nagsend naman siya ng emoji na nakangiti at isang heart. Kahit sa simpleng gesture na ganito, masaya na ako. Mas nararamdaman ko sa sarili ko na may mga tao pa ding masaya at susuporta sa akin.
"Goodnight, Axel."
END OF CHAPTER TWENTY-ONE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro