Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/15/ Ineffable

CHAPTER FIFTEEN:
Ineffable

(A/N: 'Ineffable' means incapable of being expressed in words.)

SIMON

"Alam mo Mon, parehas kayong mali," saad ni Shane sa akin habang nilalantakan kong maigi ang kinakain naming pagkain. Nakaupo kami sa isang available na table na nasa ilalim ng puno at dito muna naming napagdesisyunang manatili.

"Bakit kailangan niya akong sigawan?" tanong ko sa kaniya habang nilalamutak ko pa din ang pagkaing hawak ko. Halos maluno ng amos ang aking bibig dahil sa dressing nitong shawarma na 'to.

"Nagexceed na kasi sa limit yung nararamdaman niya kaya ayun, sumabog na siya," paliwanag niya, "Ipaliwanag mo nga sa akin kung paano nagsimula yung ganoong mood ni Francis?" napahingang malalim na lamang ako dahil nang marinig ko iyon sa kaniya.

"Nagpakita ulit siya noong isasauli ko kay Lex yung bracelet niya, tapos ayun, tuluy-tuloy na. Laging umiinit ang dugo niya kay Lex sa tuwing kakausapin o kasama ko siya," ipinaliwanag ko at bigla siyang ngumisi.

"Alam kong may dahilan kung bakit siya ganoon, pero based on my observation and collected data, concern lang din siya dahil ngayon lang naman kayo naging close ni Lex 'di ba?" panimula niya, "Kaya bilang kaibigan, gusto lang niya na hindi ka magpadalos-dalos when it comes to love."

"Love and concern pa din bang matatawag yung harap harapan niya akong pagbawalan sa kung anong tatanggapin kong alok galing sa ibang tao?"

"Sino ba yung madalas mag-alok sa'yo?" tanong niya at napahinto ako sa pagnguya.

"Si Lex," saad ko at napabuntong hininga.

"What if, hindi talaga siya galit or may sama ng loob sa'yo?" bigkas ni Shane nang mahina, "What if kaya lang nagagalit si Francis ay dahil nagseselos siya?"

Anong selos? What? Siya magseselos? Si Francis pa talaga na mahangin? Ano naman ang ikakaselos niya?

"Give me reasons kung bakit siya nagseselos," seryoso kong sinabi habang nakatingin sa kaniya.

"Simple lang, he's happy when you're not thinking about Lex, and he's angry and jealous when you're with Alexsys," sinabi niya at napaisip naman ako.

"Bakit?" halos mayupi na ang itsura ko dahil sa curiousity.

"Isipin mo Simon, you're just unaware sa mga nangyayari sa paligid mo because you're focused kay Lex," mahina niyang sinabi at napakagat labi nalang ako, "You didn't realized na yung taong lumapit sa'yo at naging malapit sa'yo dati, ay may feelings na towards you."

"Si Francis? Magkakagusto sa akin?" tanong kong mahina habang inaalis ang sibuyas sa shawarma ko, "No way, napaka-imposible Shane."

"Sinasabi mo lang iyan kasi ayaw mong paniwalaan at i-admit sa sarili mo na may nagkakagusto sa'yo, and yung taong gusto ka, hindi mo binibigyan ng halaga because you're in love with someone else," tugon ni Shane, "Don't be offended, ayun lang yung nakikita ko based sa observation ko."

Hindi naman ako naoffend Shane, I'm just, ugh! Hindi ako makapaniwala! Si Francis pa talaga ang magkakagusto sa katulad ko?

"Dagdag ko lang din... 'Di ba sabi mo, ginawan ka niya ng reaction paper, tapos pinagpuyatan niya pa 'yon," napaisip naman ako sa sinabi niya, "Imagine, kaya ba ni Lex na gawin 'yun sa'yo?"

"Basta, Francis and Alexsys are different from each other," tugon ko, "Mas pipiliin ko pa din si Lex dahil hindi siya hotheaded, hindi katulad ni Francis na kada kibo't galaw ko'y pansin at mapupuna niya," ganti kong mahinahon.

"Nasa'yo ang desisyon, I'm just showing my insights about Francis," sinabi niya at ipinagpatuloy ko na ang pagkain.

I am starting to doubt myself and my feelings more and more everyday.

"General Practice na natin mamaya kaya dapat maging maayos na yung takbo ng performance natin," saad niya at sabay na kaming nagtungo sa room namin para magayos.

Habang binabaybay namin ang kahabaan ng tunnel ng building na ito ay may nakita kaming papalapit sa aming dalawa ni Shane. Akala namin, mga barkada ni Denise, hindi pala. Kampon pala ni Michelle.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon," mala-kontrabida talaga ang dating nitong retokadang 'to, "Hindi talaga matinag yung friendship niyo 'no?"

"Eh ikaw? Hindi din talaga matinag iyang bunganga mo 'no?" banat ni Shane ngunit pinigilan ko nalang ulit.

"Tandaan, ang magkaibigang sabay na umaangat, sabay din na bumabagsak," malditang bigkas ng mabaho niyang bunganga.

"Hindi kami gano'n, at hindi mangyayari 'yon sa amin," matapang na sinabi ni Shane habang nakikipagtitigan sa mukha nitong si Michelle.

"Let's see, babalik nalang ako kapag nakita ko na kayong pinag-uusapan ng mga tao," sinabi niya at umalis na din kasama ang mga nauto niya.

Nakakunot ang noo ni Shane at ako naman ay para bang kinilabutan sa kaniyang sinabi. Pero hindi, dapat hindi namin siya katakutan, kahit na malakas ang kapit niya sa school, hindi dapat kami matakot.

*

"Good job guys!" Sigaw ng leader namin sa sayaw. Sa halos fifteen plus naming pinractice ang sayaw in just one day, nagawa naming makumpleto at mapolish, "Don't forget to bring your costumes tomorrow, ang walang dala, hindi na makakasama sa sayaw, okay?" Saad niya at sumang-ayon naman kaming lahat.

Matapos naming magpractice ay agad kong kinuha ang tubigan ko para uminom. Ilang sandali pa ay nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya naman kaagad ko itong kinuha.

Lumabas sa screen ang pangalan ni Axel kaya naman inilibot ko muna ang aking paningin upang siguraduhing walang nakatingin sa gagawin ko.

"It's on your desk, check mo nalang mamaya," sinabi niya na may kasamang emoji.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. May kung ano naman sa tiyan ko, at naeexcite ako ng sobra. Never pang may nagbigay ng gift or surprise sa akin kaya naman kahit hindi ko pa nakikita ang ibibigay niya, appreciated ko na kaagad.

"Mon, hindi ulit ako makakasabay sa'yo paguwi, sasama ako kayna Denise," sinabi ni Shane sa akin habang nagtutuyo siya ng pawis. Sumangayon nalang ako sa kaniya at sinabing magingat sila sa pupuntahan nila.

Matapos kong makapagayos dito sa field, agad naman akong nagpunta sa building namin. May kung ano sa tiyan ko talaga na nakakaexcite.

Habang binabaybay ko ang hallway at hagdanan dito, binilisan ko na kaagad ang aking lakad papunta sa aming room. Nagbabaka sakaling hindi pa nakakalayo si Axel, at nagbabaka sakaling makita ko din siya.

Ilang hakbang na lamang ang layo ko sa pinto ng classroom nang makita kong nakabukas ang pinto nito. Humakbang na ako papasok sa loob at naaninag ko dito sa aking kinatatayuan ang isang lalaking nasa tapat ng table ko.

Binagalan ko lang ang lakad ko at lumapit ako sa kaniya. Nakatalikod lamang siya at tila may ginagawa sa bag ko.

"Axel?"

Humarap sa akin ang lalaki at bumungad sa akin ang mukha ni Alexsys. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko siya dito sa loob ng classroom.

"Simon, nandito ka na pala," saad niya nang makita niya akong nakatayo na dito, "Tara na?"

Bago ako makasagot ay napatingin ako sa table ko. Walang ibang nakalagay sa desk ko kundi ang aking bag lamang na bahagyang nakabukas ang zipper.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko habang inaayos ang pagsara nitong bag ko.

"Nakalimutan mo na kaagad?" nauutal niyang sinabi at para bang pinagpapawisan, "I told you na dadaanan kita dito sa room niyo, remember?" nakangiti niyang sinabi.

Kahit ako'y lutang at nasa state of shock, napa-tango na lamang ako sa mga sinasabi niya. Nakalimutan kong dadaanan nga pala niya ako dito sa room.

"Mon, may problema ba?" tanong niya at ako'y nakabalik sa aking sarili pagkatapos kong makapagisip.

"Wala naman," saad ko, "May nakita ka bang lalaki na galing din dito sa room kanina?"

Agad akong lumingon at tumingin sa kaniya.

"Uhmmm, ano... Wala naman, wala akong napansing lalaki," nagpuputol putol niyang sinabi.

Hindi ko na lamang pinansin ang nangyari at hindi ko na natignan ang bag ko. Wala din naman akong nakita sa table ko kaya naman mamaya ko nalang aasikasuhin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at ngumiti siya sa akin.

"Sa auditorium," tugon niya at napaisip naman ako.

"Anong gagawin na'tin do'n?" natatawa kong tanong habang hawak niya ang kamay ko. Nagpapatianod na lamang ako sa kaniya habang naglalakad.

"Kailangan ko ng kabuddy para makapag-practice ako ng script," sagot niya at medyo natawa naman ako.

"Huh? Para naman saan? Bakit din ako?" natatawa kong sinasabi.

"Fit ka sa role nung kadialogue ko sa theater play kaya ikaw na yung napili kong makakatulong sa rehearsal ko," paliwanag niya.

"Seryoso ka? Wala akong talent sa ganiyan, sa acting at drama," humble at natatawa kong tugon.

Tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. Nakakatunaw talaga yung titig niya pero pinipigilan ko lang na kiligin.

"Walang ibang tutulong sa akin kundi ikaw, and besides, naniniwala naman ako na kaya mo akong tulungan dito," sinabi niya at nandito na kami sa tapat ng building kung nasaan ang auditorium, "Don't worry, hindi naman tayo magpapagabi."


Pumasok na kaming dalawa sa loob ng auditorium at tanging dilim lang ang bumabalot dito. May mga ilaw naman sa malapit sa stage ngunit nangingibabaw pa din ang dilim ng paligid.

"Tayo lang ba ang tao dito?" tanong ko sa kaniya habang tinitignan ko ang paligid. Nakakaamaze na nakakakaba na hindi ko maintindihan.

"Oo, para mas makapagfocus tayo sa gagawin natin," ani niya.

"Hindi ba bawal basta-bastang pumasok dito ng walang permit galing sa faculty?" pagaalala ko dahil ayaw kong magkaroon ulit ng record sa guidance office.

"Faculty? Permit? Ano 'yon?" pabiro niyang tanong at napangisi naman ako. Sutil din naman pala itong si Lex.

Mayamaya pa ay may binigay siyang papel sa akin na medyo makapal. Ito siguro yung script na gagamitin nila sa play.

"Anong role ko dito?" tanong ko sa kaniya habang binabasa ko ang pangunahing page.

Nang hindi agad sumagot si Lex ay agad akong lumingon sa kaniya. Baka kasi hindi niya narinig yung sinabi ko.

Bumungad sa akin ang nagpapalit ng damit na si Lex kaya naman iniwas ko na kaagad ang aking tingin upang hindi niya ako mahalata. My gosh naman eh, dito pa talaga napiling magpalit ng damit.

"Lex, anong role ko dito?" sinabi ko at narinig na niya ito.

"Yung pagkatapos ng may mga highlights," ani niya at agad ko namang nakita ang mga linya, "Sorry kung pangbabae yung mga lines, wala lang talagang tutulong sa akin na magrehearse kaya, pasensya na," pagpapaumanhin niya.

"Okay lang, practice lang naman 'to 'di ba? Hindi pa naman actual performance," tugon ko at napangisi naman siya.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko sa gitna ng stage at ngayon ay nakatapat kami sa audience view. May kaunting ilaw na nakatapat sa amin kaya mababasa ko nang maigi ang mga lines.

"Ready ka na?" tanong niya at ngumiti siya sa akin.

"Umm, ready na," sagot ko at tinignan ko na ang script na hawak ko.

END OF CHAPTER FIFTEEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro