Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/12/ Thick And Thin

CHAPTER TWELVE:
Thick And Thin

SIMON

Ilang oras din ang tumagal ng practice namin. Noong umalis kasi ako sa library, wala na ulit akong update kay Axel. Wala na din ako sa mood dahil halos nakakadismaya yung nangyari.

Pinapaasikaso nalang ng leader namin ang mga susuutin naming costumes. Ilang araw na lang kasi at Sports Festival na.

"Bakit parang bad mood ka ngayon?" Tanong ni Shane habang tinutuyo niya ang kaniyang pawis, "Nakasalubong mo ba sina Michelle?"

"Hindi Shane, nawalan lang ako ng gana," tugon ko.

"Bakit naman?" ani niya.

"Alam mo na 'yun," sagot ko at nakita kong napangiti siya. Hawak niya ang cellphone niya at ngumingiti sa harap nito.

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala din naman akong magagawa na. Kahit gustong gusto kong makita si Axel at kausapin siya nang personal, hindi ko na muna magagawa.

Isa pa naman din 'tong si Shane na nawawala din sa sarili kapag kausap si Denise. Tibo talaga 'to.

"Sino 'yan?" Tanong ko at patuloy pa din siya sa pagtatype sa cellphone niya.

"Hindi ko alam, sabihin mo," Saad niya at nagsalubong naman ang kilay ko.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko at akmang kukunin ang cellphone niya.

"Ano ba?" Reklamo niya.

Bumungad naman sa akin ang nangyayaring conversation ni Shane at Denise sa cellphone niya. Sinasabi ko na nga ba.

"Akin na nga 'yan!" Saad niya at kinuha ulit ang cellphone niya sa akin.

"Meet me later pala ha," Pabiro kong sinabi, "Sana lahat mini-meet," Dagdag ko at sumama ang tingin niya sa akin.

Umupo muna siya sa aking tabi habang abala sa cellphone habang ako naman ay nanonood sa mga naglalaro. Kitang kita ko dito sa malayo ang ginagawa ni Lex na paglalaro.

Yung buhok niya, yung mga galaw niya, nakakadala.  Kung alam nga lang niya sana kung gaano siya kagwapo.

Ilang sandali pa ay may biglang tumunog na naman sa cellphone ko kaya naman kinuha ko ito ulit. Nakita ko na naman ang pangalan ni Axel dito at may pinost na naman siya.

Hindi ko na sana bubuksan pero bigla kong nakita ang daliri ni Shane na pinindot ang notification. Biglaan 'yun ah.

'how'd you fOrg‹et?
I w+aS your best fri~eNd, yeah
R/emeMber when]you said'

Ito na naman si Axel. May typographical error na naman. Para kanino kaya ito? Para saan yung mga posts niya?  Sa sobrang curious ko, gusto ko na din ulit siyang ichat ero hindi ko magawa. Para kasing nadisappoint ako sa nagyari.

"Si Axel na naman ba 'yan?" Tanong ni Shane sa tabi ko, "Parang ang jejemon naman ng mga posts niya," saad niya pero sinuway ko naman. Kahit na hindi kami nagmeet ngayong araw, hindi pa din dapat iyon ang maging dahilan para iback-stab ko siya at husgahan.

"Huwag kang ganyan Shane, baka mas gwapo pa 'to kaysa sa inaakala natin," Saad ko at sinarado ko na muli ang cellphone ko.

"Hindi gwapo ang habol ko 'di ba?" Saad niya at inikot niya ang kaniyang mga mata.

"Oo na, magpakasasa ka diyan kay Denise," Pabiro kong sinabi at umismid nalang siya.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung nangyaring nakasalubong namin ni Lex ang grupo nina Michelle. Bakit parang ilag siya sa akin ngayon? At saka, bakit iba yung tingin niya kay Lex? Nakakabaliw na talaga mag-isip.

What if totoo nga yung mga sinasabi ni Francis? Baka ako lang ang magsuffer. What if mangyari nga yung mga sinasabi niya? Kaya ko kayang ihandle 'to?

Hindi ko na talaga alam. Everytime na  magkakalapit kami ni Lex, yung mga sinasabing babala ni Francis yung naaalala ko. Mali ba 'yon?

"Siya nga pala Mon, hindi kita masasamahan mamaya sa paguwi, makikipagkita lang ako kayna Denise," paliwanag niya at bigla naman akong nawala sa aking iniisip.

"Pwedeng sumama?" Tanong ko kahit alam ko namang 'hindi' ang sagot niya.

"Huwag na Mon, baka mainip kalang do'n," Saad niya at uminom ng tubig.

"Okay, fine, I know you will decline it," Saad ko at tumalikod sa kaniya.

"Mon, huwag ka nang mag-inarte diyan, gala nalang tayo kapag parehas na tayong available," tugon niya at ako naman ay humarap na sa kaniya, "Sayang naman kasi yung pagkakataon na mapalapit ako kay Denise."

"Support naman kita diyan, pero beware pa din dahil baka alagad iyan ni Michelle, save your heart and guard it," sinabi ko at ngumiti siya sa akin.

"I know, Simon, oobserbahan ko pa naman kung may pagasang maging kami, nabalitaan ko din kasi sa mga kaibigan niya na nagkaroon siya ng ex-girlfriend, kaya nagbabaka-sakali lang ako," sagot niya, "Babalitaan naman din kita sa mga naganap kaya huwag ka nang mag-alala. Ipromise mo din sa akin na, bibigyan mo din ako ng update about sa inyo ni Lex."

Pagkatapos ng usapan naming ito ay sabay na kaming bumalik sa room namin at nagpahinga muna sandali.

*

"Bye Mon, ingat kayo ni Francis sa pag-uwi," Pamamaalam ni Shane sa amin habang pinapanood namin siyang pumasok sa bus kasama ang mga kaibigan niyang sina Denise.

Nakatayo naman sa tabi ko ang masigasig na tahimik na si Francis. Nakasalpak na naman sa magkabilang pandinig niya ang mga earphones niya. Kakausapin ko sana kaso huwag nalang.

"Alam kong may sasabihin ka, ano 'yon?" malagong at seryoso niyang sinabi.

Aba, paano naman niya nalaman na may sasabihin ako? May power kaya 'to?

"Wala akong sasabihin," Saad ko kahit hindi totoo.

"Pabebe pa eh, ayaw nalang baga sabihin," angal niya at tumingin siya sa akin.

"Magpapahatid ako kay Alexsys," matapang kong sinabi.

Nabalot ng ilang segundo ang paligid at humangin ng malakas. Nagulat nalang ako nang walang kinibo itong si Francis.

"Okay, bahala ka, maaksidente sana kayo," Seryoso at sadista niyang tugon.

May pagkasira-ulo talaga 'tong taong ito. Gusto pa talaga niya akong mapahamak. No doubt, makasarili nga pala siya.

"Ahhh gano'n?" tanong ko, "Tatawagan ko talaga si Lex," banta ko.

"Tawagan mo, sino bang tinakot mo?" natatawa niyang sinabi.

Sa totoo lang, nakakairita! Parang wala siyang pakielam sa mga mangyayari sa paligid niya.

"Aba, para yatang nagbago ka na, hindi na umiinit ang ulo mo kapag pinaguusapan natin si Alexsys?" malakas kong tinanong habang naglalakad kami.

"Mahal mo siya diba? Bakit kokontra ako? May karapatan ba ako? 'Di ba wala?" kalmado ngunit straightforward niyang sinabi.

"Pauwiin na kaya kita sa inyo, baka kasi ayaw mo na sa amin eh," pabiro kong sinabi at tumawa lang siya.

"Kunin ko nalang din yung reaction paper na ginawa ko kagabi, baka kasi ayaw mo nung gawa ko," seryoso niyang sinabi sa akin at humarap siya mismo sa tapat ko.

Halos ilang segundo ko siyang tinignan sa mata at parang nawawala yung mga sasabihin ko sa isip ko sa tuwing tititig siya nang ganito.

"Bakit ko isasauli? Eh naipasa ko na?" tanong kong mahinahon para lamang hindi ako totally malock sa tingin niya.

"Sasabihin ko nalang na kinopya mo yung sa akin," tugon niya at agad naman akong kinabahan.

"Huwag," Nauutal kong sinabi at wala akong nagawa kundi tumahimik na lamang. I hate this! Alam kong talo ako sa argumento naming ito pero bakit? Bakit hindi ko magawang barahin yung mga sinasabi niya?

Nabalot ng katahimikan ang paligid habang nasa biyahe kami. Dumaan nga pala muna kami sa isang tindahan at may binili si Francis, panghapunan niya ata. Bigla naman akong naawa sa kalagayan niya ngayon lalo na't hindi pa din nagfefade ang kulay ng pasa niya sa may labi.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko alam kung bakit nakaidlip si Francis. Pagod siguro siya sa ginawa namin buong araw, o kaya naman, dahil na din sa puyat.

Bigla tuloy akong nanghina at naawa sa kalagayan niya. Hindi niya deserved ang mga nasasabi ko sa kaniya pero bakit? Nababagabag ako sa nararamdaman ko.

Ilang sandali pa ay nandito na kami sa tapat ng subdivision kung nasaan ang bahay namin. Ginalaw ko nang marahan ang balikat niya at agad naman siyang napamulat at nagising. Sabay kaming bumaba at ako nalang ang nagbayad ng pamasahe naming pareho.

"Uy, Mon, hindi pa ako nakakapagbayad ng pamasahe, sandali lang," Saad niya ngunit pinigilan ko nalang siya.

"No, ako na ang nagbayad, don't worry, okay?" saad ko at nakita ko ang bagong gising niyang mga mata.

"Bayaran nalang kita kapag nabarya na yung pera ko," tugon niya ngunit umiling nalang ako.

"Magtatalo pa ba tayo?" tanong ko sa kaniya at wala siyang nagawa kundi ang manahimik at mapabuntong hininga.

Ilang minuto din kaming naglakad ni Francis at sa wakas ay nakarating na kami sa bahay. Nakita ko si Mama na nanonood ng TV at natatawa. Lumapit ako sa kaniya at nagmano, ganoon na din si Francis.

"Kumusta nga pala yung ginagawa mong pang-contest?" tanong ko sa kaniya nang umupo siya sa kama ko.

"Hindi ko pa natatapos yung concept, nandun kasi kayo eh," pabiro niyang sinabi.

Wow ha? As if naman na hindi mo kami niyaya na doon kami maupo. Tsk.

"O 'di ba doon mo kami pinaupo?" Tanong ko habang inaalis ang polo ko.

"I am just being kind that moment, ayaw ko namang magmukhang bad guy sa harap ng crush mong si 'Aleksis'" Saad niya habang inaalis din niya ang polo niya.

"Ang plastic mo din 'no?" biro ko sa kaniya at napatawa nalang siya.

"Pero hindi sa'yo, never akong nagpakaplastic sa'yo," saad niya at nahinto naman ako sa pagbibihis. Tumingin ako sa kaniya na para bang nalilito, "And I will never be."

"Anong kadramahan 'yan Francis?" ani ko.

"Nevermind," tugon niya at isinalpak na naman niya ang earphones niya s kaniyang tenga. Walang kupas.

Lumapit ako sa kaniya at inalis ang earphone niya. Hinugot ko din ito sa mismong cellphone niya dahilan para magplay ng malakas ang kanta dito sa aking kwarto.


'Out the door
Just one mistake
You say you're not in love no more
But was it really love...'

Parehas kaming nagkatitigan ni Francis at parang gulat na gulat din siya.

"Fan ka ng LANY?" tanong ko at nabalot muli ng ingay ang paligid dahil sa tugtog. Hindi makapagsalita ng diresto si Francis sa itinanong ko at halos ako din ay kabahan.

"Paano mo naman nasabi?" tanong niya.

"Nakikinig ka sa mga songs nila 'di ba?" tugon ko at nagtanong muli ako.

"Nasa playlist ko yung song na iyan, pero hindi ako totally fan ng LANY," paliwanag niya at natahimik nalang ako, "Bakit mo naman naitanong?"


"Uhmmm, no, hindi, sumagi lang kasi sa isip ko," sagot ko at napaisip naman ako kaagad.

Sana hindi nga siya yung nasa isip ko ngayon, and sana hindi sila iisa. This can't be. Ayaw kong bumuo ng conclusion sa isip ko and scenarios kaya please stop, Simon.

Pinatay ni Francis ang tugtog sa cellphone niya at ako naman ay kunwaring may inaayos sa table ko.

"Kayong dalawa diyan? Kain na tayo!"

Sigaw ni Mama at nagkatinginan ulit kami ni Francis. Time to eat na siguro.

END OF CHAPTER TWELVE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro