/10/ Suspicious Account
CHAPTER TEN:
Suspicious Account
SIMON
Nang matapos kami sa pagaayos para sa school, agad kaming sabay na lumabas ng gate namin.
Hindi pa kami nakakalayo ay biglang tumawag si Lex sa akin dahilan para magvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
Agad naman akong napalingon kay Francis dahil parang unti unti na namang nawawala ang mood niya. Ang tapang talaga eh, kaya ka nasusuntok ng kuya mo eh. Biro lang.
"Don't answer it, decline the call," Agaran niyang sinabi nang pipindutin ko na sana ang kulay berdeng bilog dito.
"Bakit naman? Baka urgent yung tawag, emergency?" I replied.
"Eh ano naman? He can handle himself naman ah, he don't need other's help," Seryoso at sarkastiko niyang tugon. Ang laki talaga ng problema niya ha!
"Alam mo Francis, napaka-selfish mo, paano kung nanganganib yung buhay ni Lex?" saad ko at pinindot ko na ang green button.
"Nanganganib..." Ismid niya.
Ilang sandali pa ay unti unti kong naririnig ang boses niya sa kabilang linya. Maingay ang paligid at parang hinihingal at gumagalaw siya.
"Simon, nasaan ka? Sunduin na kita?" malambing niyang sinabi at ako naman ay pigil-kilig.
Nakita ko ang hindi maipintang pagmumukha nitong si Francis na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Humindi ka," Matapang na sinabi ni Francis sa akin habang inilalapit ko sa tenga ko ang cellphone.
"Shhh, huwag kang maingay," saad ko.
"Ano 'yon?" Tanong ni Lex dahil mahina lang ang pagkakasabi ko noon.
Napapatingin ako kay Francis dahil parang manununtok na yung mukha niya. Nakakatakot yung mata niya ngayong parang inaapoy ang loob. Ano kayang problema nito sa akin at kay Lex?
"Ibaba mo yung tawag," utos niya at agad ko namang ginawa. Literal na ginawa. Dahan dahan kong binaba ang cellphone ko para ipakita sa kaniya kung gaano ako kapilosopo.
"Daanan na kita diyan sa inyo?" tanong ni Lex.
Bubuka na sana ang bibig ko ngunit biglang lumapit sa akin si Francis at sapilitang kinuha at hinablot ang cellphone ko sa aking kamay. Abusado ha! Naku, kung wala ka lang pasa sa may labi, baka nasipa na kita kanina pa.
Wala akong nagawa kundi panoorin ang mga ginagawa niya.
"Alexsys, ikaw nalang ang mauna sa school, kasabay ko si Simon ngayon," saad ni Francis at agad na pinutol ang tawag.
Nagsalubong ang kilay ko at agarang kinuha sa kaniya ng cellphone ko. Dali dali akong naglakad paabante dahilan para makita ko siyang naglalakad din at hinahabol ako.
Kung pwede nga lang sana na makatusok ang tingin, baka butas na ang buong katawan nitong lalaking 'to.
"Happy? Masaya ka na sa ginawa mo?" naiirita kong sinabi.
"Bakit? Mahinahon ko namang sinabi 'yun diba?" Tanong niya habang naglalakad kami ng sabay.
"O, eh ano ngayon? Masaya ka na?" tanong ko ulit.
"May mali ba sa ginawa ko?" ani niya.
"Sa tingin mo?" Ganti ko.
"Wala, wala naman akong ginawang masama o mali diba?" Saad niya.
"Wow, Francis!" Huminto ako at humarap sa kaniya, "As if naman na hindi mo kinuha nang bigla sa akin yung cellphone ko, may kausap ako then you will aggresively interrupt?"
"He's taking advantage Simon, hindi mo alam, ginagamit at niloloko ka na pala niya," Mahinahon niyang sinabi pero may conviction.
"Anong advantage? Ito na naman tayo eh! Umiiral na naman iyang pride mo, inaano ka ba ni Lex ha?" naiinis kong banta.
"I am just concern, Simon," Tugon niya.
"No, you're not!" matapang kong sinagot.
Naramdaman kong kinuha niya ang braso ko dahilan para hindi ako makapaglakad paabante. Napalingon kaagad ako sa kaniya at sinamaan ang aking tingin.
"You're inlove with Lex, right?" mahinang sinabi ni Francis.
Halos manlambot ako sa sinabi niya at napatitig ako sa kaniyang mga mata. Sobrang lalim.
Agad naman akong nakawala sa pagkakahawak niya at tumitig sa kaniya. Malelate kami sa padali nitong taong 'to eh.
"Oo, may gusto ako sa kaniya, ano namang pakielam mo?" nagagalit kong sinabi at unti unting nawala ang inis ko nang masabi ko iyon sa kaniya. Bakit parang ako yung nasaktan?
"Nababaliw ka na ba?" Tanong niya at ngumisi, "Do you think na magugustuhan ka ng isang Isaac Alexsys Villanueva?"
Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina sa mga sinasabi niya. Nakikita ko kasi na parang sincere at may impact yung mga sinasabi niya.
Tumaas naman ang dalawa kong kilay nang sabihin niya iyon at nainis ako.
"Bakit? May magkakagusto din ba sa isang Francis Ian Castillo?" Mabilis kong nasabi at walang preno.
I hate my words, bakit kapag nakakapagsalita ako ng hindi maganda, ako yung nasasaktan? I hate my mouth.
Ilang sandali pa ay nabalot ang paligid ng katahimikan. Bigla ko tuloy narealize yung mga nasabi ko. Bakit parang naluluha ako? I hate it! Naguiguilty ako at ako mismo yung naooffend.
"Let's go, baka malate pa tayo," Mahinahon kong sinabi at nakita ko ang mabagal na paglalakad niya.
*
Agad kaming nakarating dito sa school ng ligtas at tahimik. Oo, tahimik. Sa paglalakad at biyahe namin, ni isang salita, walang bumuka sa mga bibig namin.
Sa totoo lang, may mali din naman talaga siya diba? Kung hindi niya kinuha yung cellphone ko, e 'di sana, maayos pa kami ngayon. Nangielam din siya eh, kaya it's his fault.
May mali din naman ako pero mas mali siya.
"Don't forget to pass your reaction paper," ani ni Francis.
Nagulat na lamang ako ng bigla siyang magsalita. Kalmado at mahinahon naman siya ngayon ngunit nakasalpak sa tenga niya ang earphones niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit naglakad na siya at hindi kami parehas ng dadaanan na building.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang motor ni Lex at nakaparada ito. Nagulat naman ako dahil ang bilis niya, sa bagay, nagtalo pa nga kami ni Francis.
Habang naglalakad ako ay biglang may kumulbit sa akin. Napalingon ako dahil bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa pagkakabigla ko.
"Simon, bakit binaba mo yung tawag kanina?" tanong ni Lex na nakangiti ngayon.
"Ahhh, ayun ba, naku sorry talaga, si Francis kasi yung gumalaw nung cellphone ko kaya ayun, naibaba ko yung tawag. Sorry," paliwanag ko kahit hindi naman iyon ang eksaktong nangyari.
"Don't worry, naiintindihan ko naman, mahirap talaga kapag may obsessive na boyfriend," Saad niya at nasamid naman ako.
Napakalaking pagkakamali na napagkamalan mo kaming magboyfriend ni Francis.
"Naku, Lex, hindi ko siya boyfriend," saad ko. At napangisi siya bigla.
"Ah hindi ba? Naku, sorry, I thought you and Francis are together," Nahihiya niyang sinabi.
Agad naman kaming naglakad sandali dahil pupunta din siya sa building kung saan nandun ang room ko. Ilang sandali pa ay nakasalubong namin ang apat na hinayupak, yung grupo ni Michelle.
Sa dinami-dami ng pwedeng makasalubong, ito pa talagang mga taong ito. Napakacoincidential naman yata.
Nabalot muna ng katahimikan ang paligid bago umimik si Michelle, "Let's go girls, ayaw kong masira ang araw ko," Saad niya at isa isa silang lumagpas sa amin.
Wow, so ako pa pala ang dahilan para masira ang araw mo. Napakataas talaga ng tingin niya sa sarili niya.
"Simon, mauna ka na sa classroom niyo, dito nalang ako," saad niya at nagtaka naman ako.
"Akala ko ba may kailangan ka dito sa building namin?" tanong ko.
"Sinabi ko lang 'yun para magsabay tayo ng pagpunta dito, by the way, hindi kasi kita nasundo kanina kaya this is my way para ihatid ka dito sa building niyo," Paliwanag niya at napangisi naman ako.
"Thank you," Nakangiti kong sinabi at pumasok na ako sa classroom.
Bumungad sa akin ang ilang mga estudyanteng abala sa pagaayos ng assignments nila. Yung iba halos magtalo na dahil mas maganda daw ang ginawa niyang reaction paper.
Nakita ko si Shane sa upuan niya at para bang ang ganda ng aura ngayon. At sa totoo lang, ngayon ko lang siyang nakitang magponytail at magayos ng mukha. Grabehan ha! Ito ba ang epekto ng nagbabantay sa lola?
Umupo muna ako sandali sa seat ko at inimbestigahang maigi ang itsura nitong si Shane. Nagbabasa siya sa notebook niya at halos maihi na dahil sa kilig at pagkakangiti niya.
"Baka naman sumabog ang ihi mo diyan Shane," Pabiro kong sinabi at lumingon siya sa akin.
"Ano ba? Nagbabasa ako dito, may quiz daw mamaya," Saad niya. Quiz daw ha, tignan natin.
"Ahhh, hindi ba iyan yung naiwang notebook mo kayna Shane?" Tanong ko at ngumiti sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo, kinikilig yung tao tapos iniistorbo mo," Pabalang niyang sinabi at nag-asal bata.
"May sinabi nga pala sa akin si Denise," Imbento ko at nakuha ko kaagad ang atensyon niya. Pangita na na si Denise ang dahilan kung bakit natalon na ang puso nito.
"Ano daw sabi?" Nakatitig siya ngayon sa akin. Pigil-kilig din.
"Secret," Pabiro kong saad at lumapat ang palad niya sa braso ko. "Aray!"
"Kung wala kang sasabihing maganda ngayong araw, huwag mo akong guluhin, nawawala ang energy ko," Kaartehan mo Shane!
"May practice daw ba mamaya ng sayaw?" Tanong ko at ipinatong niya muna ang binabasa niya sa table niya.
"Hindi ko nga alam eh, pero parang mayroon," Tugon niya at napatingin sa bintana.
Habang abala ang lahat pati na rin si Shane ay may biglang tumunog sa cellphone ko dahilan para matigil ang paguusap namin ni Shane. Akala ko naman nagmessage si Mommy, Lex, or si Francis pero hindi pala. Nagupdate ng status si Axel.
Agad ko namang kinuha ang cellphone at binuksan ang account ko.
Tumambad sa akin ang pangalan niya at ang latest post niya, two minutes ago.
'M<here did we ]go wrong? I *kNow w:e Started/ Out alright'
May problema na naman sa pagtataype si Axel. Normal lang ba 'to sa kaniya o may sakit siya? Ewan, ang sama ko namang tao kung huhusgaha. ko siya kaagad without seeing him face to face, personally.
"Sino naman iyan?" Tanong ni Shane sa aking likuran. Hindi naman ako nagulat dahil sanay na naman ako sa panggugulat effect niya, "Bagong nilalandi mo?"
"Sira ka, ito yung aksidente kong naadd dahil sa panggugulat mo," Paliwanag ko.
"Kasalanan kong gumalaw yung kamay mo?" Pabiro niyang tanong.
"Hindi na nga, ako na yung may gawa, okay? My fault na, patawad madam," Bigkas ko habang kunwaring nagmamakaawa sa harap niya.
"Sino nga 'yan? Seryoso na," tanong niya at mukha namang seryoso na talaga siya.
"Axel Del Rosario, shhhh, huwag kang maingay, ako lang yung friend niya sa account kong 'yan," Tugon ko at mukhang hindi siya naniniwala.
"Poser ba 'yan? Bakit parang hindi legit yung account?" Shane.
"Hindi ah, nakausap ko na siya kagabi, mukha namang introverted and nahihiya lang makipagsocialize," depensa ko at ipinakita sa kaniya ang account ni Axel.
Napapakunot ang noo niya habang tinitignan ang mga posts niya.
"May problema ba siya sa pagtatype? Bakit parang puro typo?" Napansin niya at sinang-ayunan ko naman.
Mabuti nalang at hindi lang ako ang nakapansin sa typing style ni Axel. At saka, parang sinasadya na niyang itype yung ganoong mga bagay just to gain attention, ayun lang naman yung nacomclude ko based on what I observed sa posts niya.
"Dito daw siya nag-aaral, pero parang hindi ko naman siya nakikita aroynd the campus," ani ko, "I told him to meet me up sa library mamayang lunch break."
"Anong sabi niya?" Tanong ni Shane.
"Okay lang daw na sa library kami magusap," Tugon ko, "Gusto mong sumama sa akin mamaya?" Tanong ko at nakita kong napahinga siya nang malalim.
"Sige, basta kapag nagutom ako, libre mo ako ng lunch," Pusta niya at wala akong nagawa kundi ang pumayag.
"Siguraduhin mo lang na uubusin mo yung pagkain dahil kung hindi, ipapalamon ko sa'yo yun," pabiro kong banta at napaupo nalang siya bigla.
"Axel ba yung name?" Tanong niya.
"Oo, bakit?" Nagtaka ako dahil sa kaniyang naisip.
"What if, dummy account iyan ni Alexsys?"
Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon.
Huh? Si Alexsys?
END OF CHAPTER TEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro