Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Loey


"Hey, masakit iyong hampas mo, ha!"

"Sino ba nanguna?"

"Hinaplos ko lang naman balikat mo, tingnan mo kaya, natuwa ang mga fans sa ginawa ko!"

"Mas lalo nilang nagustuhan ang paghampas ko sa iyo, kaya manahimik ka na riyan."

Baron and Dredleigh glared at each other while drinking their water. That's normal. Habang nag pe-perform kasi ay pabirong hinaplos siya ni Baron kaya ayon, nainis. Mabuti na nga lang at hindi ko inasar si Dred kanina, edi ako iyong nahampas, 'di ba? Ang bigat kaya ng kamay niya.

"Hey, it's been a while!" our leader suddenly shouted.

"What this? Kanina pa tayo nagkita ngayon ka lang nag ganyan?" natatawang sabi ni Nate.

Mabilis naman yumakap si kuya Eros sa kanya habang ang bunso namin ay sinusubukan na itulak siya palayo. Makikita mo talaga na silang dalawa ang close sa amin lalo na't dati silang roommate sa dorm.

"Gusto ko lang naman mangamusta, hindi ko nagawa kanina dahil kailangan mag host dito sa music show, eh," aniya habang kinukurot ang balikat ni Nate.

Lahat kami ay may mga individual schedules kaya naman ay para bang isa o dalawang araw na lang kami nagkikita sa isang linggo kahit na nasa iisang dorm lang naman kami. Ang naaabutan ko na nga lang tuwing umuuwi ay si Baron at Nate, sila na lang din ang nakakausap ko madalas.

We would gather for practice twice a week, then, we'll go back to our normal schedules. Simula naman noon ay ganito na kami kaya normal na ito, pero ngayon lang yata iyong halos parang matagal kaming hindi nagkikita.

"Still the same," Kaito answered. "I badly want to rest, but we need to work hard for our career and fans."

I looked at the mirror and combed my hair with my hand. Si Kaito at Matt lang ang sumagot kay kuya Eros habang ako ay busy sa pag aayos ng aking buhok. Si Baron ay hawak na ang kanyang phone at nagsimulang maglaro, si Dredleigh naman ay nakatingin lang sa mga nag uusap. Si kuya Jinmin? Ayon sa may gilid lang at nag se-selfie. Kaya ang daming nagsasabi na cute siya, eh. Ang hilig din kasi mag selfie.

Our managers packed our things and cleaned the dressing room.

"We need to go. Bye!"

Nate, Kaito, and our leader patted us on our shoulder before leaving. The three of them will be a guest in a variety show, while the rest of us are done with our schedule. Ito lang yata ang araw na maaga kaming natapos. Mabuti na lang talaga na silang tatlo lang ang kailangan doon, mas makakapagpahinga kami.

"Guys, I need your attention!"

Our eyes shifted to manager Riason who was standing near the door of our dressing room. Tinaas niya ang phone na nasa kanyang kamay, "Tumawag si Miss Alice. Kailangan niyong umuwi sa dorm niyo, bibisita si Primrose pagkatapos ng ginagawa niya. Doon din daw siya magdidinner."

Our eyes widened a bit, espcially  Baron.

"Oh, fuck!" he panicked. "Sobrang gulo ng dorm ngayon dahil lahat kami ay busy."

"Dalawang araw lang kami nawala ni Kuya Jinmin, ha? Ano bang ginagawa niyo sa dorm natin?" Dred glared.

"Wala naman pero wala naman na kasi kaming oras para maglinis," he answered.

"Busy man o hindi ay hindi ka talaga naglilinis."

Baron made a face.

Sa aming lahat ay sila ni kuya Jinmin at Dred ang mahilig maglinis. Sobrang naiinis kasi sila kapag makalat ang paligid nila, lalo na si kuya Jinmin, kapag pumasok ka nga sa kwarto niya ay wala kang makikitang dumi, tapos sobrang organized pa ng mga gamit.

"I'll clean," I volunteered. "Dred, okay lang ba na magluto ka ng sinigang na baboy? Alam ko kasi iyon ang paborito niya, isa pa ngayon mo pa lang mapapatikim ang luto mo sa future boss natin," sabi ko.

He nodded and called his manager to buy the ingredients. Habang naglalakad kami ay may isang taong kumapit sa balikat ko.

"Hey, since when did you become so attentive with a girl?" he smirked.

Inalis ko ang kanyang kamay, "I'm not."

"Weh? Noong nakaraan nga raw ang lungkot mo dahil hindi sumasagot sa mga mensahe mo si Primrose, eh. Dude, sa isang tao ka lang ganoon, well, dati."

"Matt."

He shrugged, "Okay fine! Sorry. Nagkikita pa rin naman kayong dalawa, eh." Halos pabulong na lang ang huling sinabi niya kaya hindi ko na lang din ito pinansin.

"Dorm pa ba 'to?" tanong ni Dred nang makauwi kami. "Tao pa ba ang nakatira dito?"

Tumawa nang mahina si Baron, "Sabi sa inyo, eh."

Karamihan sa mga sapatos sa entrance ay kalat-kalat lang sa sahig, wala sila sa mga tamang lagayan na akala mo ay binato lang ng mga may-ari. May mga papel, mga bote ng coke at pati ibang unan sa sofa ay nasa lapag na.

Seriously, we're legends to be able to sleep peacefully in a place I couldn't even recognize as a dorm anymore.

Parang mali yata iyong pagsabi ko na ako ang maglilinis, ah?

Our dorm was a bit small but the space was enough for the nine of us. It has two bathrooms and five bedrooms. Mukhang gawa sa kahoy ang dorm namin lalo na't brown halos ang mga kagamitan, even the tiles on the floor were brown except for the wall that's painted with a cream color.

Tahimik lang ako nagsimula sa paglilinis, mabuti na lang kahit pa-paano ay may mabait pa rin at tumulong. Dapat lang, si Primrose kaya bisita namin at isang pa iyon sa taong ayaw sa kalat.

We were already done cleaning the mess when someone knocked.

"Coming!" Baron shouted.

I threw the pillow to Matt as I stood and fixed my grey shirt and hair. Kailangan maayos pa rin sa bisita, kawawa naman image namin bilang idol.

"They're here!"

All of us gathered around to welcome the two lovely ladies who walked in. Just like the usual, we all bow our heads down.

"In fairness, mukhang nag ayos kayo, ah?" Iginala ni ate Alice ang kanyang mata sa apat na sulok na silid, ganoon din ang isang pang babae na sobra ang pagdikit sa kanya na akala mo ay may masamang mangyayari.

"Relax. Primrose, hindi ka naman siguro mawawala rito," natatawang saad ko.

She glared at me while pouting. Agad din naman siyang lumayo nang kaunti kay ate Alice bago tuluyang pumasok na akala mo ay dito siya nakatira. Ang bilis talaga magbago ng mood niya.

Napakamot ako ng ulo bago siya sinundan sa may sala namin at naupo sa sofa.

"Water or juice?" I asked.

"I'm fine with water," she replied. "A cold one, please."

I chuckled. Noong bumisita kasi siya sa isang show namin ay humingi siya ng tubig sa akin, kaso hindi na malamig ang nabigay ko sa kanya. Aba malay ko bang ayaw niyang umiinom ng hindi malamig.

I placed the cold glass of water on the wooden center table in front of her. Ate Alice roamed around the room before stopping in front of a glass cabinet containing our awards since we debuted.

She turned to us with a huge smile plastered on her face like a proud mother, "You guys were really amazing. Ang dami niyong nahakot kahit baguhan pa lamang kayo noon at hanggang ngayon ay humahakot pa rin ng mga parangal."

"That's not true, Ate. Tuwing may comeback na lang kami nagkakaroon ng mga award, marami na kasing bago at mas bata sa amin," nahihiyang sagot ko.

"Hiya naman Knights sa sinabi mo, ha? Para namang ang tanda niyo na," komento ni Primrose. "Kung matanda kayo, ano sila Kuya Rence? Gurang?"

Humalakhak naman ang karamihan roon, kahit si Dredleigh ay nagpigil ng tawa. I shook my head, walking towards the dining table, and helped to prepare for the dinner.

Ngayon ko lang napansin madalas kami mag dinner ni Primrose pag magkasama o nagkikita. Well, pareho naman kaming busy sa umaga at hapon lalo na't talagang pinag-aaralan niya na ang mga bagay sa entertainment industry with the help of Mr. Lee.

"I smell sinigang!" my future wife exclaimed. Lumapit siya sa dining table at dinungaw ang pagkain na nakahanda.

Tumaas ang gilid ng aking labi, "Ngayon mo lang matitikman luto ni Dred, 'di ba?"

Mabilis siyang tumango kahit nasa ulam pa rin ang mga mata. Wow, alam kong paborito niyang ulam ito pero mukha siyang gutom na gutom ngayon. Ang cute.

"Baka naman mabusog ka na riyan kakatitig mo," biro ko.

Umikot ang mata niya't naupo sa kung saan malapit ang ulam. Someone with a dark aura stood right next to her sit. She jumped a bit seeing Dred. Ang tahimik kasing tao tapos biglang lalapit habang walang emosyon ang mukha. He knows how to smile, but he often has that serious and dark vibe around him. Noong trainee pa nga lang kami ay takot sa kanya si Kaito at Nathan, ewan ko ba pero ngayon ay siya ang pinakakilala sa amin.

"Okay lang ba kung tikman mo muna iyong sabaw?" seryosong tanong ni Dred. Nang tumango si Primrose ay agad siyang naglagay sa isang maliit na bowl at maingat na inilapag.

"Ang sarap! Sakto lang iyong ang asim, nakakagana siyang kumain."

His face lit up with her comment. Iyan talaga ang gusto niya, eh, iyong may nasasarapan sa luto niya. Sobrang swerte talaga namin dahil may marunong at masarap magluto sa amin. Marunong naman kami, pero sobrang simple lang ng mga kaya naming lutuin, hindi kagaya niya na lahat ata ng pagkain ay kaya niya kaming ipagluto.

"Finally, mythic na rin!" sigaw ni Primrose. "Thank you, Baron. Ang bigat ko, 'no?"

He shook his head and chuckled, "Nope. May galaw ka nga, eh. Baka nahirapan ka lang kasi solo player ka. Ang daming bata pa naman na naglalaro."

"Mga iyakin pa. Salamat talaga, ha?"

"No problem. Kapag kailangan mo ng kasama mag rank, text mo lang si Loey."

She frowned, "Bakit si Loey?"

"I don't have your number, at madalas siya ang kaduo ko, so trio na lang tayo kung sakali."

I sat next to Dred who was now reading a book about cooking. In front of me were Primrose and Baron who played Mobile Legends. Kanina pa silang dalawa naglalaro habang ako ang naglinis ng mga pinagkainan namin. Ang iba naman ay nagpahinga na dahil may mga maagang schedule pa sila bukas.

When Baron learned that she was also playing the game, he was so excited and asked her to play until she gets to the mythic tier, which she did with his help. I couldn't deny the fact that he's really good at all the games. Isa rin kasi siya sa hindi mahilig lumabas ng bahay lalo na kapag day-off namin, nakakulong lang iyan sa silid niya't naglalaro magdamag.

"Baron looks like he's babysitting, though she's not a baby anymore but a lady whom you will marry soon," the guy beside me muttered. "Kaso ngayon, parang mas bagay ata na silang dalawa ang magpakasal, malapit na sila sa isa't isa, eh."

I didn't comment.

"Primrose, it's getting late now. Let's go. Baka mamaya magalit pa si Ate Alice kapag sobrang late kitang inuwi sa inyo."

Kailangan kasing umalis ni ate Alice at isa lang ang sasakyan na dala nila kanina, kaya naman sinabi ko na ako na lang ang mag uuwi kay Primrose. Ayaw pa ngang pumayag nung una ni Prim, pero nagulat na lang siya na naiwan na pala siya rito sa dorm namin. Ilang beses din niyang tinawagan si ate, pero hindi siya sinasagot.

Ngumuso siya, "Sabi naman kasi na pwede kong tawagan driver namin para magpasundo, eh."

Kung tutuusin ay pwede niya ngang gawin iyon, pero nanatili siya lalo na't may makulit na Baron na akala mo ay bata at ngayon lang nagkaroon ng kalaro.

"Look, I'll be your husband soon so it's normal for me to take you home, right?"

"Whatever," she rolled her eyes.

I chuckled. Minsan iniisip ko kung bakit parang masyado siyang maingat pagdating sa amin, lalo na sa akin. Primrose needs to take her position, but we also need to be close to convince the board that we're really into each other, which I find it hard since this girl really knows how to keep her distance.

Pero pansin ko na mas nagiging malapit na siya sa ibang SBG, sa akin na lang ata siya umiiwas.

"Ingat."

I nodded, "Want me to buy something?"

"Cola," Dred answered.

"Buy something that I can eat!" Baron shouted from the living room.

"Got it."

Hinatid kami ni Dred sa parking lot habang ay isa naman nakasimangot lang. Ayaw ba akong kasama nito? Well, wala siyang magagawa, ako mapapangasawa niya, eh.

"Bisita ka ulit, ha?"

"Sure! Basta lutuan mo ako ng masarap na pagkain."

The two of them laughed. He barely laughs, especially with an opposite gender, kaya naman isang himala itong parang ang lapit niya kay Primrose. Sweet naman si Dred, maalaga rin pero mas gusto niya talaga sa isang sulok lang at magmasid sa kapaligiran kaysa makipag-usap sa iba lalo na sa babae.

"Hey, ano ako, driver mo? Sa harap ka umupo," sabi ko nang makita siyang sa likod mauupo.

Umikot ang mata niya bago padabog na sinara ang pinto ng likod at lumipat sa harapan. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko, tinapik ko siya sa kanyang balikat bago tuluyang sumakay sa aking kotse.

Her house was not that far from our dorm, pero para bang ang layo dahil sa katahimikan namin sa biyahe. When I could no longer stand the silence, I decided to play music, our songs to be exact.

I watched her head bob a little to the music as the corner of her lips curved upward.

"Let me remind you that you're driving," she said when she caught me looking at her.

"Stoplight," I shrugged.

Primrose turned to me and glared, "As an idol and a human being, you know it's rude to stare, right?"

"I think it's not that rude, especially when I'm just appreciating the view."

She rolled her eyes. Bakit ang hirap niyang pakiligin? Babae pa ba siya?

I didn't mind her attitude sometimes. Kagaya nga ng sinabi ni kuya Karl noon, kailangan kong bigyan ng oras si Primrose, pero minsan napapatanong nalang ako kung hanggang kailan iyon. I want to get close to her, not because she's pretty nor our future CEO, but because she's not like some other girls. I could say that she's genuine, though she built a wall higher than the Empire building.

Nang makarating kami sa tapat na kanyang bahay ay nagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi siya gumagalaw sa upuan niya, ang mga mata'y diretso lang ang tingin sa harap na para bang may sinusuri.

Before I could even speak, she let out a deep sigh. Okay, what was that?

"I've heard Uncle Larry postponed your group's tour, even the other groups." she turned to me, her brown orbs locked into mine. "Please tell me that there's a good reason for that."

As far as I remember, hindi na gaano nagsasabi si Mr, Lee ng problema kay Primrose lalo na't naghahanda ito para sa posisyon na kanyang kukunin.

I smiled, "Don't worry about it. The CEO thinks that we should practice more before the tour especially now that we have a tight schedule."

She stared at me for a moment as if I'm lying. Well, it's true that we already have a tight schedule, we practice twice a week and we always worked harder than before since we don't have much time to clean our moves. Kailangan kapag nasa practice room na kami ay malinis na ang aming galaw, o kaya naman otni lang ang dapat ayusin.

"Say, can I say yes now?" she asked. "I think we wasted a lot of time now, Loey. Baka mamaya ay wala na ang E Entertainment bago pa tayo magpakasal. Alam ko naman na andyan si Uncle Reylan, pero hindi talaga ako mapakali."

She froze when I leaned forward and caressed her hair. I don't think I deserve to marry this innocent girl. But, I have to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro