Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THE STORY

CHAPTER SEVEN

[She’s right here, unconscious.]

“Why? Where are you right now? She’s okay right?”

[Yeah she’s fine, I’m here at Lim’s Condominium, fourth floor right infront of unit number 24.]

What is she doing there? Pinatay ko na agad ang tawag at ibinalik ang tracking device sa drawer, pagkarating ko sa condo ay pumarada na ako sa parking lot.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa fourth floor, nadatnan ko si Kelly na nakasandal sa pintuan ko, you’ve read it right, she’s here in front of my condo unit. Agad ko siyang nilapitan at sinuri kung ano ang nangyari sa kanya, she’s in her workout clothes, agad kong binuksan ang pintuan at hinila siya papasok pero hindi ko pa tuluyang nahihila papasok ng may bumuhat sa kanya.

“Where can I put her?” Bubuksan ko na sana ang bibig ko para mag salita pero tinikom ko na lang ang bibig ko, hindi ko mabubuhat si Kelly ngayon, he can be a helping hand for now. Agad ko siya sinamahan sa kuwarto ko, binuksan ko ang kumot at doon pinalapag si Kelly.

Kinumutan ko siya at hinarap ang lalaki, his just standing there roaming his eyes around my room, he is foreign looking man. Ginising ko ang sarili ko bago pa ako mag daydream, time is running and night is getting deeper, first day of school pa bukas. 

“Thanks for helping, you can go now.” Lumingon naman siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti, nag lakad ako papalapit sa pinto at sininyasan siyang lumabas, isinara ko ang kwarto pagkalabas niya, tumalikod ako pero napahinto ako ng makita ko ang mukha niyang dalawang pulgada lang ang layo.

“You’re welcome, Miss?” Napapikit ako ng tumama ang kanyang mabangong hininga sa mukha ko, umatras ako ng isang hakbang lang at nagmulat ulit, he’s too close, what is wrong with this man?

Doesn’t he know the word personal space? I’m not really comfortable being alone with a stranger, lalo na sa mga lalaki. Ngumiti naman ako nang pilit, oo napipilitan akong ngumiti ngayon dahil hindi ako komportable sa kanya, like hello? His a man whom I don’t know.

“I’m Dazinco Roosevelt the only heir of the Bellor family, now please leave, I’m going to check on my friend’s condition,” saad ko at nilagpasan siya, I know I’m being rude right know, pero ganito ako makitungo sa isang lalaki na hindi ko kilala at kami lang dalawa.

Well ngayon lang pala ako ganito, I think dadalawin ako bukas, I'm just saying, baka totoo. Binuksan ko ang pinto at hinintay siyang lumabas, tiningnan ko siya at nagtatakang tiningnan, napatango naman ako ng lakad na ito palabas.

“Aren’t you going to ask my name?” tanong niya at humarap sa akin, pinutol ko na kung ano pa ang sasabihin niya ulit, as much I want to talk to him nicely but the night is going deep, I’m tired from the party, buong araw ako nakatayo.

Oo parang one hour lang ang pagkakaupo ko pero paputolputol naman, paano kasi inaya ako ng mga bisita na magsayaw. Ten minutes lang ata ang pinakamahaba na umupo ako, yun yung katabi ko ang dalawang B Falcon.

“No thanks, I’m busy, so goodnight.” Isinara ko na ang pinto nung magsasalita na naman siya, napasandal ako sa pinto at huminga nang malalim, pinunasan ko naman ang pawis na kakatulo lang sa leeg ko, malamig pa ito.

Tumayo na ako nang maayos at bumalik sa kwarto, tinanggal ko na ang wig at inilagay sa pinanggalingan niyang packaging. Nagluto na ako ng kakainin namin ni Kelly at ginising siya para kumain, tahimik ang paligid habang kumakain kami hanggang sa matapos na ang dinner time ay hindi pa rin nagsasalita si Kelly.

“Kelly, is everything okay?” marahan kong tanong habang sinusuri ang kanyang mukha, mukha siyang nakapasan ng napakalaking problema sa mukha niyang walang tulog, halatang-halata naman eh.

Sa mugto niyang mata, maitim na under eyes, at magulong buhok, hindi sa sobrang gulo, parang hindi siya nagsuklay ng dalawang araw. Pero isang araw lang naman ang hindi namin pagkikita, ano ba nangyari ng hindi ko siya kasama?

“Bakit hindi ka dumating?” napaiwas ako ng tingnan niya ako sa mata na parang ang laki ng kasalanan ko, straight face na naman siya gaya ng dati, napakamot na lang ako sa batok at sinilip siya, napalunok ako na lang ako.

“M-may biglaang ganap s-sa bahay kaya h-hindi ako nakapunta,” nauutal kong saad, “Tatawagan sana kita para ipaalam pero nakalimutan ko.” Dagdag ko, kinakabahan ako sa mood ni Kelly ngayon dahil hindi ko mabasa ang nasa isip niya, I can’t guess what is here next action. Baka galit siya sa akin o mayroon talagang nangyari na hindi ko alam, she’s being unpredictable right now.

“Okay, don’t worry hindi ako galit,” saad niya at ngumiti, awkward naman akong tumawa nang mahina, she’s smiling pero yung mata niya iba ang pinapakita, parang pinilit niyang ngumiti.

Tiningnan ko lang siyang tumayo at pumasok sa kwarto, niligpit ko na agad ang pinagkainan namin at sinundan siya. Hindi muna ako pumasok ngunit binuksan ko nang maliit ang pinto para silipin siya, nakita kong nakaupo siya sa higaan at tulala sa kawalan, ano ba talaga ang nangyari sa kanya?

“Bumalik siya, saan na ako nito magtatago?”

Mahina akong kumatok at pumasok, ngumiti naman ako kay Kelly ng nilingon niya ako, she has this worried face plastered on her face.

“Kanina ka pa nand‎iyan?” may himing ng pagkabalisa ang boses niya sa itinanong niya sa akin, hindi ko ba dapat marinig ang kanyang sinabi?

“Uhm, hindi, ngayon-ngayon lang, bakit?” pagsisinungaling ko at lumapit sa higaan na kinauupuan niya, if it’s the only way I can make her not too stressed, then be it. Umupo na ako sa tabi niya at tiningnan siya, hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya.

I want to listen so I made myself comfortable, itinaas ko ang paa ko at niyakap ang mga binti ko, isinandal ko ang ulo ko sa tuhod ko habang nakaharap sa kanya ang mukha ko. Hindi na niya sinagot ang tanong ko, she’s back to staring in space.

“Is something bothering you?” mahina kong tanong na siyang ikinalingon niya sa akin, pilit naman siyang ngumiti at umiling-iling pa na parang kinukumbinsi ang sarili na okay lang siya. I sighed and look at my toes, she’s obviously faking her smile and I know that feeling.

Limang minuto kaming tahimik na ang tanging naririnig ay ang aircon at busina ng mga kotse sa labas, tahimik pero hindi ako matahimik dahil sa katabi ko na parang malapit ng sumuko sa buhay. Ang tamlay niya, natatakot na ako magsalita na pwede niyang dibdibid ng todo, hindi pa naman filtered ang salita ko minsan ng hindi ko namamalayan.

“How about I tell you a story,” tanong ko at nilingon siya, isang mahinang tango ang ibinigay niya habang nakayuko. She’s busy playing with her fingers, itinabi ko na muna lahat ng takot ko para naman matulungan ko siya, she needs someone and that someone is me.

Ako lang naman ang pinuntahan niya, and that made me think, ano na lang kung wala siyang kasama at ako lang ang tao na pwede niyang pagsabihan. Ngumiti na lang ako at ibinalik na lang ang tingin sa paa ko at nagsalita, silence means yes, they say.

“You know there is one girl, she has everything a person wants, a loving family, a big house, branded clothes, favourite shoes and a bunch of books. She has it all, but despite having all the comfort of life, she feels out casted.” Napangiti ako at nilingon si Kelly, nakatingin na ito sa akin at mukhang nagka-interes sa storya.

“Why?” she finally asked, hindi na ako lumingon sa kanya at pinakalma ang sarili kong puso, kinakabahan ako pero wala naman dapat, huminga muna ako nang malalim bago nag-salita.

“Because, e-everyone, hates her.” nilunok ko ang laway ko para mawala ang bumabara sa lalamunan ko, huminga ako ulit ng malalim dahil feeling ko hindi ako makahinga.

“At home everyone calls her beautiful, talented, and sweet, but, outside their lovely home, it’s far worse than what she hears all the time.” Dugtong ko ng wala akong narinig na salita galing sa kanya,

“Fat nerd, ugly girl, flirt, idiot and such horrible words that can leave a scar,” garagal na boses kong pagdugtong, agad kong pinunasan ang tumulong luha sa pisnge ko. I let out a little chuckle, laughing at my own silly doing. 

“And you know what hurts the most? No one helped her to stand against the bullies, they let her suffer from their traps and tricks.” Napatingin na lang ako sa kesame para pigilan ang luhang pilit kumawala sa mata ko, it hurts, hindi ko naman ito naranasan pero heto ako parang nangyari talaga sa akin, this story is too wretched when I started reading it. Her life is glum, it made me want to help her and take her with me.

“Where is her family? Wala ba silang alam sa nangyayari sa anak nila? Does she has siblings?” I sighed and smiled a little, family, she has a family, the overprotective and over-loving ones. They feed her right with love, clothe with care and cherish her with a promise of eternity.

But, it’s heartbreakingly good, too loved that pushed her to something she will regret. She was loved too much that she doesn’t want to hurt her family, she thought that if she keeps smiling and tell them that she’s okay, nobody will hurt. Little did she know that one thing she did, that plan of hers, leads to a tragic end. Hinarap ko si Kelly at ngumiti.

“She has, she has five loving brothers, her five knight in shining armour,” naka-ngiti kong saad habang iniisip ang limang yun, those men, they really did all the things to protect their only sister. They do all sorts of thing to safe their sister, in their own little way, I wish I can thank them with their efforts. How are they doing now?

“Then, why is the bully still bulling her? Hindi ba nila ito pinigilan?” It’s because she kept it all to herself and acted as if nothing is happening to her.

“They have no clue, and they thought that their little princess is doing great,” sagot ko at bumuga ng hangin, tiningnan ko siya sa mata, she is now really confused with the things I said.

“She let it pass, again and again for five years, she believes that those who bullied her needed to let their anger out and she was the chosen one.” Napa-tsk ako sa sinabi ko, the chosen one? What kind of excuse is that? Ano siya, nasa comic book, sa movie?

“Then what happened? Did she tell?” nag-aalala niyang saad, malungkot ko naman siyang tiningnan sa mata at mahinang umiling.

“That’s the sad part, she never told anyone about being bullied nor maltreated. And that doing of her made a big hole in her heart, three years moved on, got kidnapped on the first day of examination day and died leaving her family in grief.” Pagtatapos ko ng storya, humiga ako at tiningnan siya na ngayon ay tulala, napangiti ako nang tipid at humiga nang maayos pagkatapos ay pumikit. Tinapos ko na, it’s heavy to talk about it.

“Wait, she died?! Why? How?” binuksan ko ulit ang mata ko at tiningnan ko si Kelly na ngayon ay na sa gilid ko na at nakaluhod habang niyuyugyug ako, wala ng lungkot sa mata niya kundi pagtataka at pagkagusto na marinig ang sagot sa tanong niya.

“Wait, oo, sasagutin ko na.” pinigilan ko ang kamay niya, tumigil rin naman siya at nilagay ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng kandungan niya.

“Yes she died but, fifty-fifty of truth. Why? Kinidnap naman lang siya ng isang lalaki na nasa edad thirty pataas at tinutukan ng baril sa mukha, she escaped but then nahuli rin. How? The man shot her twice, I don’t know where, then she fell off a cliff.” Paliwanag ko at tinungkod ang ulo ko gamit ang kamay ko para tingnan siya, para na akong nag-pose para sa isang magazine cover, kinamot naman niya ang kanyang ulo at marahas na humiga.

“Nakakalito, sabi mo patay na pero fifty-fifty pa naman, ano ba talaga? At bakit mo ba ito ikinuwento sa akin? Sino ba yung babae?” sunod-sunod niyang tanong at tumagilid para harapan ako, humiga ako nang maayos at tumingin sa kisame. Hmm… sa ngayon hindi ko pa pwedeng ibunyag ang pangalan ng babae, sekretong malupit, hindi ko sasabihin. Like duh, it’s confidential at hindi pa ngayon ang oras ng kanyang pagsulpot, malayolayo pa siya makikilala.

“Hindi pa nahahanap ang katawan niya so fifty-fifty, I shared kasi parang kailangan ko. Yung babae, kilala ko pero hindi ko muna sasabihin kung sino siya. My main point here is, huwag mong kimkimin ang problema, share to lessen the pain.” Tumagilid ako at hinarap siya,

“Spill it.” Walang paligoy-ligoy kong saad, nakita kong tumingin ito sa aking gilid tila iniiwasan ang tingin ko.

“The truth, I know you’re not okay and something is bothering you.” Banta ko at pinandilatan ng mata, hilaw naman siyang ngumiti, aba, gagawin talaga kung hindi ko pa siya pinandilatan ng mata.

“Should I? parang hindi, wag na lang, baka dumagdag pa ako sa problema mo,” sabi niya at tumalikod sa akin, napa-irap na lang ako sa kanyang ginagawa, she really is stubborn.

Sa dalawang buwan naming pagsasama memoryado ko na ang mga kilos niya, ang ginagawa niya ngayon ay pabebe, pa-hard to get siya sa ngayon. Lumapit ako sa kanya at binigyan ng back hug, isang bagay na ngayon ko lang gagawin sa kanya, naramdaman ko ang paninigas niya sa kanyang kinahihigaan.

“Kelly, sabihin mo na, kung hindi mo yan sasabihin edi mas dadagdag ka talaga sa problema ko. Simula ng magkita tayo, mamomorblema talaga ako tungkol sayo pero ginusto ko yun, gusto kong problemahin ka dahil kaibigan kita Kelly. Kelly,” mahina kong bulong sa kanyang tenga, I want her to know that I’m here, I can be her listener, keeper and the one she can count on.

Naramdaman ko na lang ang mahinang pagyugyug ng kanyang katawan, mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at ipinatong ang baba ko sa kanyang balikat.

“Ganyan, ilabas mo, pagkatapos, sabihin mo.” Bulong ko at hinaplos ang kanyang balikat, umatras ako ng humarap siya sa akin, she looks pretty messed up, hinaplos ko paalis ang mga buhok na humaharang sa kanyang mukha. Lumapit ako at niyakap na lang habang hinahaplos ang kanyang likod, tahimik lang akong nakikinig sa kanyang sinasabi, I’ll let her say it all then later on, I’ll analyse it.

“B-bum-a-alik siya, bakit pa ba siya b-bumalik?”

“A-ayaw k-ko siyang ma-makita, Anzi, na-natatakot ako, a-ayako siyang makasama ulit.”

“Anzi, ma-masama ba mag-mahal? Bawal ba mag-mahal ang taong gaya ko?”

“A-ayoko, h-hindi ako babalik d-doon.”

“Kailangan kong tumakas doon, demonyo siya, manloloko.”

“Sleep tight, I’m here to keep you safe,” mahina kong bulong ng nakatulog siya sa kakaiyak, kinumuton ko siya at pumikit na rin para matulog, sinigurado kong yakap ko siya ng mabuti bago ko pinatay ang ilaw. Unang araw ng pasukan bukas, at bukas ko na siya ilalayo sa sinasabi niyang demonyong manloloko.

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga, nilingon ko si Kelly na ngayon ay mugto ang mata at mahimbing na natutulog sa tabi ko. Dahandahan akong umaalis sa higaan at iniwan para mag handa sa mga Gawain ngayong araw, matapos ko ang morning routines ay nagluto na ako ng almusal namin.

Simpleng almusal lang ang ginawa ko, four small fluffy pancake, some berries to add flavour and a cup of milk to give freshness. Habang hinahain ang pagkain sa lamesa ay may kumatok sa pinto, napatingin naman ako sa wall clock ko, seven in the morning, sino naman ang kakatok ng ganitong kaaga?

Pinunasan ko muna ang kamay ko bago lumapit sa pinto at binuksan ito ng maliit lang para silipin kung sino ang taong kay aga mag bisita, impossible na si Ian dahil nine pa ang gising non.

Nasilip ko ang isang babae na hanggang ilong ko lang ang tangkad, pareho lang sila ni Kelly pero mas matangkad ito ng isang pulgada, maluwag ko na itong binuksan at bumungad sa akin ang babae na mukhang kakagaling lang sa shower or bath sa buhok niyang basa pa.

*She looks familiar, where and did I met her?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro