CHAPTER EIGHT
“Ano ang maitutulong ko sa’yo?” tanong ko at tiningnan ang hitsura niya, nakarobe ito ng pula na kanyang inayos ng mabuti, tiningnan ko ang mukha niya ngunit siya ay umiwas, napa-tilt na lang ako sa ulo ko ng makita ko ang pamumula ng kanyang pisnge. May lagnat ba siya?
“Miss? May kailangan ka?” ulit ko sa kanya, kasi kung wala siyang kailangan sa akin ay isasarado ko na ang pinto, gigisingin ko pa si Kelly para mag almusal.
“M-may hair dryer ka?” nahihiya nitong tanong at hindi makatingin sa mukha ko, may dumi ba sa mukha ko kaya hindi siya makatigin nang maayos sa akin?
“Oo, bakit?” tanong ko na lang kahit ang obvious ng sagot, wala lang gusto ko tingnan kung ano ba ang ikinahihiya niya sa akin? Hindi pa nga siya makatingin ng deretso sa mata o mukha ko lang man, sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay ko, hanggang bukas pa ata magsasalita ang babaeng to.
“I have a hair dryer, come inside, it can’t be detached from the wall so,” Sabi ko na lang at iniwan siya, bahala siya kung papasok siya o hindi, narinig ko naman ang pagsara ng pinto kaya sinilip ko siya.
“The bathroom is that way,” turo ko sa kaliwa niya, pumunta na ako sa kwarto ng makapasok siya ng banyo. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay nadatnan ko si Kelly na naguunat, gising na pala ito. Umubo ako ng peke at lumapit sa kanya, she needs to change, may bisita pa naman kami.
“Good morning Kelly, handa na ang almusal natin.” Umupo ako at tiningnan siya, tumigil naman siya sa kakapunas sa kanyang mata at tiningnan ako. Ngumiti ako sa kanya, she looks like someone who came from a boxing fight, maga talaga ang mata niya.
“Good morning too Anzi,” bati niya ng pabulong at bumalik sa pagmunas ng kanyang mukha, binigyan ko na lang siya ng dalawang pat sa kanyang likod at tumayo, well we can’t sit all day. It’s the first day of school kaya kailangan namin mag handa, pumunta ako sa harapan ng mirror ko at tiningnan ang sarili ko.
“Anzi, sorry pala, yung kagabi--”
“Shhh, Kelly, don’t be sorry, be thankful na lang.” putol ko sa sasabihin niya, nakita ko naman sa reflection niya ang kanyang pagtungo, ngumiti naman ako.
“Now, tumayo ka na d’yan at mag handa, first day of school. You don’t want to be late on the first day of school, do you?” sinuklay ko ang buhok ko, napatigil ako sa pagsuklay ng maalala ko ang nangyari kanina lang. Napapikit na lang ako sa mata ko at humawak sa sintido ko, I freaking forgot that I wasn’t wearing any wig earlier.
Kaya pala ganun na lang mag takip ng katawan yung babae at nauutal na nagsalita, dahil akala niya lalaki talaga ako. Anggaling talaga, hindi ko pa nga nasisimulan ang mission ko may nakakita na sa akin, marahas akong humarap kay Kelly at sumandal sa vanity table.
“What’s wrong?” nagaalala niyang tanong, hindi ko muna siya sinagot at tinitigan lang, napapitik na lang ako sa ere ng may maisip akong palusot, napangiti naman ako at bumalik sa pagsusuklay ng buhok ko.
“Anzi, anong klaseng ngiti yan?” tanong ni Kelly at dumungaw sa gilid ko, “Kelly, may bisita tayo sa labas, babae,” sabi ko at tinapos ang pagsusuklay ko, “Pretend as my girlfriend.” Humarap ako sa kanya at nakita ang mukha niyang gulat at nakakanganga pa, isinara ko naman ang kanyang bibig at inakbayan.
Edi sisimulan ko na ang pagpapanggap ko, the mission starts now, dapat nga mamaya pa pagkatapak ko sa loob ng JH University pero dahil unexpected ang nangyari, magsisimula na ako.
“Wait, bakit? Bakit kailangan ko magpanggap?” sabi niya at umaalis sa pagkakaakbay ko, huminto naman ako sa paglakad at hinarap siya.
“How do I look right now?” tanong ko sa kanya, sinuri naman niya ang katawan ko, from head to toe and back, she looks like judging me if I don’t know the purpose of those gazes.
“Para kang lalaki?” patanong niyang sagot, tumango naman ako at lumapit sa kanya.
“That’s it, may bisita tayo at nakita niya ako bilang lalaki,” sabi ko at hinawakan siya sa kanyang kamay, I’m looking at here with cute eyes, mahirap siyang papayagin. Please, sumangayon ka na, mas nagpa-cute ako sa harapan niya. Tinulak niya ang mukha ko gamit ang palad niya kaya napasimangot na lang ako, aba, pangit ba ang ginawa ko?
“Okay, just stop with that face,” sabi niya at tumalikod, napatalon naman ako at pumalakpak. Okay, chill lang muna. Inayos ko na lang ang sarili ko at lumapit sa pinto para lumabas, acting starts, now. Pipiitin ko na sana ang door knob ng tawagin ako ni Kelly, nakangiti ko naman siyang hinarap.
“Anzi, anong itatawag ko sayo, as a pretend girlfriend of yours?” napaisip naman ako sa tanong niya, oo nga pala, dapat panlalaki ang tawag niya sa akin. Binitawan ko ang door knob at sumandal sa pinto, I’m thinking of names and endearment as well. Hindi ko naman ito naisip, pangalan ko kasi panglalaki na, ewan ko kay mom at dad, maybe the wanted a boy kaya lalaki na lang ang ibinigay sa akin na pangalan.
“How about Zian?” napa-angat ang tingin ko galing sa sahig ng sabihin niya yun, ngumiti naman ako at tumango. Zian, Zian Roosevelt. That’s one hella good name, Zian, napakagat na lang ako sa dila ko dahil sa excitement.
“Then from now on, my name would be Zian Roosevelt. And you as my girlfriend, call me, honey.” Nakangiti na kaming dalawa sa kinalabasan ng pangalan ko, “So, ako muna ang lalabas tapos sumunod ka after three minutes.” Tumango lang siya bago ako lumabas, tahimik ang salas kaya pumunta ako sa kitchen only to see the girl sitting and eating the pancake I made for Kelly.
“What are you doing?” tanong ko at lumakad sa side ng table ko, she was eating peacefully and savouring each bite of my soft homemade fluffy pancake, and I interrupted it. Umiinom siya ngayon ng gatas dahil nabulunan siya sa gulat, pinanood ko lang siyang umiinom habang nakapatong ang dalawa kong braso sa ibabaw ng lamesa.
“Sorry, uhm I’m Raynez Cruz, nakatira diyan lang sa tapat ng pinto mo.” Pinupunasan na niya ngayon ang kanyang bibig, so, ano naman ang rason ng pagkain niya ng pancake na naluto ko? Being infront of my door doesn’t mean she has the right to eat my food.
“Why did you eat the pancake?” tanong hindi pinapansin ang pagpapakilala niya, don’t worry nagpapanggap lang akong walang pake, like duh, she’s still a stranger and also yung babae na gumapang doon sa hallway, baka siya yun.
“Dalawa naman ang nasa table, I thought it was just an extra dish?” tanong niya, magsasalita sana ako ng pumasok sa eksena si Kelly, napangiti na lang ako ng humarap doon si Raynez.
“Honey, s-sino siya?” muntik na akong tumawa sa boses niya, she’s talking like a shy girl, lumapit naman siya sa akin at kumapit sa braso ko habang nakatingin sa mata ko, napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pilit kumakawalang tawa. She’s cute, she’s wearing my shirt, now it looks like she isn’t wearing a short underneath it.
“Good morning hon, bisita natin, Raynez Cruz from the unit just infront of my door.” Pakilala ko at pinaharap si Kelly doon sa pwesto ni Raynez, nag-wave lang si Raynez at ngumiti.
“She’s Kelly Mae Sanchez, my girlfriend.”
“Honey, where’s my pancake?” tiningnan ko naman si Kelly dahil sa sinabi niya, she’s acting cute and sounding cute, ginulo ko na lang ang buhok niya at ngumiti.
“Your pancake is served my princess, sit down.” Hinila ko naman ang upuan sa harapan ko at siya naman ay umupo doon, sinilip ko si Raynez na ngayon ay nakapatong na sa kanyang kamay ang kanyang ulo habang nakatingin sa amin. She looks like watching a live show with the face she has right now, nakangiti na nga eh.
“Anyway, Raynez right?” tanong ni Kelly, umupo na lang ako sa kaliwang banda ni Kelly.
“When did you arrive? One year na kasing walang tao diyan sa unit number 19,” singit ko sa usapan nila, the manager said na ang may-ari ng unit 19 ay ang tenant na nawala matapos nitong mag-order ng pagkain online. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan ng babae dahil hindi sinabi ni manager, nagbabakasali lang kung siya nga ba ang babae na iyon.
“Just this morning, why do you ask?” nag-slice ako ng pancake at isinubo kay Kelly, “It’s because there was a tenant here that also vanished after a delivery man knock on her door.” Sagot ko, “I was just wondering, was it you? The girl who went missing after ordering online?” inilapag ko ang tinidor at tiningnan siya sa kanyang mata, I want to know, kasi it bothers me too much that I want to find her.
“To tell the truth, yes I am the girl who ordered online at midnight,” sagot niya at tumingin rin sa akin, “But I wasn’t kidnapped, I followed him,” dugtong niya ng ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magtanong ulit. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa nalaman, so all this time hindi kidnapping ang nangyari dahil tumakas siya. That’s a relief, ngiti lang ang ibinigay ko at siya naman ay umiwas.
Sinubuan ko ulit si Kelly ng kalabitin niya ang braso ko, kinareer na niya ang pagiging girlfriend ko. Isusubo na sana ni Kelly ang nasa tinidor ng may biglang kumatok sa pinto ko na parang gigibain na niya ito, tumayo naman ako at kunot noong lumapit doon. Sino naman ang taong ito?
“What is your problem?” tanong ko pagkabukas ko pa lang ng pintuan, agad kong nahawakan ang kamay ng taong ito ng muntik na niyang sapakin ang mukha ko. Matalim kong tiningnan ang may-ari ng kamay at marahas na binitawan ang kanyang kamao, mas malaki pa ata ang kamay niya kaysa sa’kin, mabuti lang at mabilis ang reflexes ko dahil kung hindi may black eye na ata ako ngayon.
“Cullen!” sigaw ni Raynez at tumakbo papalapit doon sa Cullen, napa-atras ako at hinaranggan ang mukha ko gamit ang braso ko. Shit! Cullen? What the hell is he doing here? Hinarap ko si Kelly na nasa likod ko lang pala, nag-papanic ko siyang tiningnan at tinuturo ang dalawa sa likod ko.
“Kelly, cover me. Kilala ko yang lalaking yan, he’s a friend of my brother.” Bulong ko sa kanya, nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad na itinago sa likod niya. Isinubsob ko agad ang mukha ko sa kanyang balikat para hindi nila makita ang mukha ko, If he sees me in this unit magkakagulo na talaga at masisira ang mission ng ganung kaaga.
“Ray, nandiyan ka lang pala, bakit ka ba nandito? And who are they?” rinig kong tanong ni Cullen, niyakap ko si Kelly sa kanyang baywang dahil sa takot, my heart is beating so fast, kinakabahan ako okay. Ganito pala pagkailangan mo mag tago kahit wala naman kasalanan, naramdaman ko ang mahinang pag palo ni Kelly sa kamay ko pero hindi ko siya pinansin, kinakalma ko lang sarili ko ngayon.
“Cullen, naghiram ako ng hair dryer sa kanila at nag breakfast na rin, ang tagal mo kasing magising.”
“Kelly, paalisin mo sila, sabihin mong hindi mabuti ang pakiramdam ko.” Bulong ko sa kanya, mahaba-haba pa ata ang paguusapan nila. And I’m eager to let them live, anxiety is attacking me right now, great, wrong timming pa naman ang pag-attake.
Now totoo nang hindi talaga mabuti ang pakiramdam ko, hindi rin ako makahinga ng mabuti, iniangat ko ang ulo ko at ang noo ko lang ang ipinatong sa kanyang balikat. Ipinatong ko ang kanan kong kamay sa kanyang balikat at humawak doon, umiikot na ang paligid ko.
“Excuse me, you can leave now, bigla kasing hindi mabuti ang pakiramdam ni Hon,” rinig kong sabi ni Kelly, mahina naman akong tumango habang nakapatong ang noo ko sa kanyang balikat.
“Hala, what happened? May ma-itutulong ba kami?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro