MEET AGAIN
CHAPTER FOUR
Dazinco’s POV
“Ate!”
“Ate! Gising! May nagkakagulo sa labas! Ate naman eh!”
Nabalakiwas ako at palingon-lingon sa paligid ko, nakita ko ang mukha ni Ian na hindi mapakali sa kanyang inuupuan. Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil naputol ang mahimbing kong pagtulog, kay agaaga nambubulabog, kung hindi lang sila natulog dito baka natutulog pa ako, tiningnan ko ang orasan at napanganga lang ako dahil halos hating gabi pa, two o’clock in the morning?
“Ian, ang aga. Halos hindi pa nga sumisikat ang araw! Bakit ka nandidisturbo?” inis kong bulong sa kanya, tulog na tulog kasi ang kambal kaya bawal ang sigawan ngayon. Hindi niya ako sinagot at hinila na lang palabas ng kwarto, nagtataka ko naman siyang tiningnan habang hilahila ako patungo sa pinto palabas ng condo.
“Anong--” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang palad, kunot noo ko naman siyang tingnan, tinapik ko paalis ang kamay niya at nagtanong.
“Ano ba kasi ang ginagawa natin dito sa tapat ng pinto? Bawal lumabas ng condo hanggat hindi pa natatapos ang curfew time, five am pa ang off time.” Kinakamot ko na ang buhok ko ngayon dahil sa inis, ayaw na ayaw ko talaga na may gumigising sa akin ng walang magandang dahilan. Alam ni Ian yun, palagi ko siya napapagalitan tuwing ginigisin niya ako ng walang matinong sagot.
“Shhh…” sabi niya habang nakatapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi, pinakita ko naman ang kamao ko sa kanyang pagmumukha. Baka gusto nito ng suntok, kita na ngang badtrip ako ngayon, napapikit ako ng bigla niya akong yakapin at hinaplos ang ulo ko. Napahikab ako sa ginawa niya, aba, mahina ko naman siya kinurot sa kanyang tyan.
“Ate naman, sorry na. May nagsisigawan kasi kanina sa labas, makikiusisa lang tayo,” mahina niyang bulong sa akin na aking ikinagulat, umatras ako at tiningnan siya kung seryoso ba siya sa kanyang sinabi. Nakatingin lang ako sa mukha niya na puno ng kuryusidad ang kanyang mukha, kailan pa naging chismoso ang kapatid kong ito?
Idinikit ko na rin ang tenga ko sa pinto ng marinig ko ang sigawan ng isang lalaki at babae, aalis sana ako dahil hindi naman gaano ka interesting ang topic ng marinig ko ang salitang ibinitaw ng lalaki.
“Why are you crawling? Uod ka ba?”
Napahawaka ko sa bibig ko dahil muntik na akong humalakhak, what the heck are they doing? Hinawakan ko na rin ang bibig ni Ian ng tatawa pa ito ng malakas, gusto ba niyang mabuking agad? Itinuoon namin ulit ang attention sa labas, yung lalaki ay mukhang taga-ibang bansa dahil sa pananalita niyang may pagka-slang.
“Che! Tumahimik ka nga, ikaw ang may kasalanan nito. I’m crawling to save my life!”
Nagkatinginan kami ni Ian dahil sa narinig, anong pinagsasabi ng babaeng ‘to? Crawl to save her life? Wala naman siya sa military ground para dumapa, biglang nanlaki ang mata namin sa ideang pumasok sa isip namin.
Wala na kaming sinayang na oras at umupo sa sahig, napalunok ako ng ilang beses at kinakabahan na hinanda ang sarili para tumakbo kung sakali na makarinig kami ng putok ng baril.
The way the girl talks parang may lilipad na bala anytime, alam namin ni Ian dahil mahilig kami manood ng action movies, lalo na about military grounds pero parang imposeble naman na may mag babarilan dito dahil may guard naman sa labas ng building, dalawa pa yun at malalaki ang mga katawan, para na nga silang goons gaya ng mga characters sa action movies.
“This is a building, stand up.”
“No, I’m staying here on the ground. I don’t want to die, so excuse me so I can open my condo.”
Matigas na saad ng babae, nakarinig pa ako ng mga kalabog sa sahig na banta na gumagapang talaga ang babae. Mas nanginig ang kalamnan ko sa sinabi ng babae, saan ba galing ang dalawang taong ito sa labas ng pinto ko? Mga wanted ba sila? O may tinatakasan na mapanganib na tao?
“Your choice, don’t blame me for not warning you. Oh hi little spider,”
Narinig ko ang isang nakakabinging sigaw matapos sabihin ng lalaki ang salitang spider, nakatakip ako sa tenga ko ganun din si Ian. Naibaba lang namin ang aming mga kamay ng makapasok na ang babae sa condo niya, tumayo na kaming dalawa at lumayo sa pinto ng dalawang malalaking hakbang.
Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan namin, may intruder ba dito? Pero sabi ng babae eh papasok siya kanyang condo so meaning isa siyang tenant dito? Wait, wala naman pumapasok sa katapat ng condo ko.
“Ate,” nilingon ko si Ian, hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok ng kwarto. Nilock ko ang pinto at inusog ang mabigat na upuan sa harapan nito, mahirap na baka pasukan kami bigla ng naghahabol sa dalawang yun. Hihilain ko na rin sana ang lamesa ng maramdaman ko ang braso ni Ian na yumakap sa akin, bigla na lang ako napaiyak sa takot.
Hinayaan ko siyang hilain ako sa higaan at pinaupo, yumakap na rin ako pabalik sa kanya at pumikit. Hinayaan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi naman sa umiyak ako ng todo, tears lang yun dahil sa takot.
“Magpahinga muna kayo ate, ako na magbabantay dito kung sakali mang may mangyari,” mahina niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko, aangal na sana ako sa plano niya ng pahigain niya ako at kinumutan, napa-hikab na lang ako sa ginagawa niyang paghaplos sa akin. Ang effective niyang mag-patulog, bakit hindi niya ito ginawa sa kambal niyang kapatid?
Ang huli kong narinig bago ako makatulog ay ang kanyang pagsabi ng siya na ang bahala sa amin, nakatulog na nga ako dahil hindi talaga ako nakompletuhan ng tulog.
Naalipungatan ako ng maramdaman kong wala na sa tabi ko ang kambal, dahandahan akong umupo at na patulala sa bintana na bukas na bukas. Ang ganda ng sinang ng araw ngayon, kitang-kita ang buildings sa floor na kinalalagyan ko ngayon.
Tumayo ako at nagunat-unat, inayos ko na ang higaan at lumabas ng kwarto. Mamaya na ako magpapalit, hindi pa naman school day, bukas pa iyon, sa ngayon ay preparing pa ng body and mind para sa school.
“Good morning ate, breakfast is served.” Bungad ni Ian sa akin pagkasara ko pa lang ng pinto sa kwarto, ngumiti naman ako at naglakad patungo sa kusina kung na saan ang kambal na kumakain ng waffles with leftover fruits. I can say that my brother can be a chef in the future, he can make food from scratch, ako kasi kung gutom ako at wala akong makitang ready to cook na pagkain eh bibili ako sa labas.
Don’t me, I know how to cook it’s just that, I’m lazy. Pumunta na ako sa lababo at naghugas ng kamay bago sumali sa kanila, habang kumakain kami ay nag storya si Ian about sa dalawang tao sa tapat ng condo ko.
“Ate, those people are really a tenant here.” Napatango lang ako sa sinabi niya, muntik ko ng makalimutan ang nangyari kanina.
“Kilala mo ba sila?” umiling ako bilang sagot, hindi ko kilala ang mga yun, dalawang buwan na akong namamalagi dito at kailan man ay hindi ko sila nakita pero may pagkapamilyar ang boses ng lalaki, hindi ko lang alam kung saan at kailan ko ito narinig.
“Ate—Sshh,” pinutol ko ang sasabihin niya at sininyasan na kumain na lang, kahit nagtataka siya ay hindi na siya nagtanong, ewan ko pero ayaw ko muna sumagot ng kahit na anong tanong. Tahimik na tinapos namin ang breakfast at naghanda na para sa paglabas namin, simple lang ang sinuot kong damit, striped sando, blue jeans, white polo and a cap to complete the outfit.
Oh and one more thing I'm wearing a black wig, I need to wear one para hindi masira ang plano ko, my brothers are enough to see my real hair.
Ihahatid ko lang muna ang mga kapatid ko bago ako pupunta sa meeting place ni Kelly, she text earlier about accompanying her to an event, hindi ko alam kung ano ang occasion kaya casual lang ang suot ko ngayon.
“Ate lets go, tumawag si mom, they have arrived.” Dalidali kong inayos ang buhok ko at binuksan ang pinto, dumating na sila? Finally makikita ko na sila ulit, lumabas na ako ng kuwarto at nakangiting isinara ang pinto, tinanguan ko lang siya at kinuha ang cellphone ko sa coffee table. Lumabas na sila kaya sumanud na ako at pinatay ang ilaw bago isara ang pinto.
“They really arrived?” tanong ko pagkaharap ko sa kanya, kita ko naman ang pag pipigil niya ng kanyang ngiti.
“Hoy, wag mo’ng sabihin na nagsinunggaling ka lang kanina.” Tanong ko na siyang ikinangiti niya nang husto, nakasimangot kong sinapak ang kanyang balikat, nauna na akong lumakad at hinila na rin ang kambal.
Umasa lang ako sa wala, miss ko pa naman ang dalawang yun, madalas kaming hindi nagkikita dahil pagnandito sila eh busy naman ako tapos pag ako naman ang free sila naman ang busy, hindi namin talaga mahabol ang oras ng isa’t isa.
They are both company holders kaya understandable na palaging full ang schedule nila, ako naman college student kaya busy rin dahil sa projects and also I do part-time jobs, I know you’re asking, why? Bakit kailangan ko pa mag trabaho kung mayaman naman ang mga magulang ko?
Well, I’m training myself to be independent especially, financially independent. Nasa legal age naman ako at pwede na akong mag trabaho kaya, why depend on my parents money if I can work for it? May kambal pa akong kapatid and maybe a little baby too, mas mabuti na ang mag trabaho ako para na rin mabawasan ang problema nila, they plan to build a basketball team pa naman.
“Ate, wag ka ng magalit, dadating talaga sila, mamaya pa nga lang. Mga lunch time sila dadating, ate!” hindi ko siya pinansin at binuksan ang kotse ko, hindi talaga ako galit, bad mood lang talaga sa ngayon. Maayos na ang pagkakaupo ng dalawa sa likod kaya pumunta na ako sa driver’s seat, sasakay na ako ng may humila sa akin at biglang niyakap.
Napangiti ako at bumuga ng hanggin, ang clingy talaga ng kapatid kong ito, he knows me very well, ibinalik ko na lang sa kanya ang yakap bago kumalas at tiningnan ang kanyang mukha.
“Huwag kang umiyak, hindi ako galit, nagtatampo lang,” nakangiti kong sabi sa kanya ng makita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata, tumango-tango naman siya at agad na pinunasan ang kanyang mata. He is a softy I must say, ginulo ko na lang ang kanyang buhok at sumakay na, started the engine and looked at him again.
“Ano, sasakay ka ba oh, tatayo lang diyan?” agad naman siyang lumakad papunta sa other side at sumakay na, umiiling lang akong isinara ang pinto, sininyasan ko siyang mag-seatbelt matapos kong ma-ikabit ang akin.
Gagamitin namin ngayon ang kotse ko dahil ang kotse ni Ian ay inuwi na ni manong driver, kagabi pa ito naiuwi kaya ako na ang maghahatid sa kanila and besides wala pa naman sa legal age ang kapatid ko para mag maneho.
Ilang oras pa ay nakarating na kami sa bahay, napailing na lang ako ng hindi ko pa napapatay ang engine ay bumaba na ang kambal, nasa gate pa kami niyan ha.
“Good morning Madam Dazinco, Sir Ian,” ngiti lang ang isinagot namin, si manong Thomas ang guard namin, nag park muna ako sa entrance ng bahay.
“Ian, tingnan mo nga kung nasaan na ang kambal na yun.” Utos ko na kanya namang sinunod, ng makababa na siya ay ipinarada ko na ang kotse ko sa driveway ng garahe, dito muna ako paparada uuwi rin naman ako kaagad.
Kinuha ko na ang gamit ko bago bumaba, inayos ko na rin ang sarili ko at naglakad na papalapit sa mga kapatid ko na ngayon ay nag uusap, yung kambal nakatingala sa isang dalaga na sa tingin ko ay kapareho ko lang sa edad, si Ian naman ay nakatalikod sa gawi ko kaya nahaharangan niya ang mukha ng babae.
“Ian, Raze, Ash, bakit hindi pa kayo pumapasok?” tanong ko pagkalapit ko sa likod ni Ian, hinawakan ko ang balikat ni Ian at pinatagilid para makita ko ang kausap niya.
“Ah ate kasi, dumating ang mag aayos ng event mamaya, meet Ms. Jessie Gomez.” Pakilala niya sa babae, nanatili akong nakatitig sa kanyang mukha habang ang kamay niya naman ay nakalahad sa aking harapan.
Her face, still the one who got me astonished, her posture, more classy with elegance, and lastly her height, she is petite. It’s been years, the last time I saw her was the day at the cafeteria, and I smiled at the thought.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro