Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

INFORMATION

CHAPTER FIFTEEN


Don’t worry, may suot akong bandage na tinatakpan ang dibdib ko, hindi naman ako nasasakal dahil less pressure ang pagkakatali ko, hindi nila mahahalata dahil sa mga braso ko. Malapad ang likod ko at makapal ang braso ko, hindi talaga mapaghihinalaan na babae ang katawan ko, mukha akong muscular na lalaki sa paningin nila.

My body is safe as well as my disguise.

“Syempre ma’am! High fashion ang ibibigay eh!”

“Mamahalin pa!”

“Huwag kalimutan, libre siya!”

Naghiyawan na silang lahat matapos sumigaw ang babae, tama naman ang pinagsasabi nila, sino nga ba ang aayaw sa libre? Tumahimik na rin sila ng itaas ni ma’am ang kanyang stick, para na siyang stick na ginagamit sa billiards? Yung matitigas na ball ba, nakalimutan ko na ang tawag doon. Basta ganun ang kahaba niya, lumingon ako sa katabi ko ng kalabitin niya ang balikat ko.

“Can you reach that?” mahina niyang saad at itinuro ang sahig sa kanan ko, tiningnan ko naman ang tinutukoy niya at pinulot ito, isa itong hairpin na kulay yellow at may design na araw. Ibinigay ko sa kanya at nahihiya naman niya itong tinnggap, nakatingin lang ako sa kanyang ng ilagay niya ito sa buhok niya.

Babae ang katabi ko ngayon at masasabi ko lang na maganda siya, morenang binibini, napanganga lang ako ng tumama ang sinang ng araw sa mukha niya.

“Hi,” lumingon naman siya sa akin kaya ngumiti ako, agad akong pumikit-pikit at tinapik ng mahina ang hita ko sa ginawa niya. Ang ganda niya, mukha akong nabihag kanina, totoo namang nabihang niya ako. Humarap na ako kay ma’am at nakinig sa sinasabi niya, nandito ako para mag-aral hindi para maghanap ng maganda.

Hindi naman ako naghahanap, nakahanap nga lang, aish, hassle to ng very slight lang.

“Hello, intro muna ako ha? Kalma muna kayong lahat, hindi pa natin kilala ang isa’t-isa eh nagrarambulan na kayo,” nakataas ang kilay niya at nakapamewang pa habang sinasabi ang mga katagang yun, napatawa ako ng mahina sa tono ng boses niya. I know she’s the kind of teacher na sasabayan sa mga gimik ang mga estudyante niya, yung friends lang ang turingan niya sa mga students niya and that’s what I like.

“I’m Annika Soriano-Bautista, call me Ma’am Ann.” Pakilala niya, napakunot naman ang noo ko sa pangalan niya, sobrang pamilyar sa pandinig ko, hindi ko lang mahagilap kung saang banda nagmumula ang memorya.

Sumandal siya sa lamesa ginagawang suporta ang dalawa niyang braso na nakapatong sa lamesa, napa-tilt na lang ako sa kanan habang tinintingnan ang kanyang puwesto, napaka-pamilyar talaga. Nasaan ko ba siya nakita?

“You, you look like a newbie.” Lumapit ito sa table ko kaya napa-ayos ako sa kinauupuan ko, nakita ba niyang nakatitig ako sa kanya?

“A transferee?” tumango naman ako sa tanong niya, bakit pamilyar din ang pananalita niya? Anong nagyayari ngayon? Feeling ko parang nangyari na ito dati, Deja vu sa English, tumayo ako ng senyasan niya ako, napalunok ako ng ituro niya ang front, ako ata ang pinili niya para sa introduction.

Lumakad na ako at humarap sa mga kaklase ko na nakatitig lang sa akin, nasamid ako sa sarili kong laway ng makita ko ang mga babaeng nakanganga sa gawi ko.

“Hello, nice to see you, please don’t give me those stares,” simula ko at napatingin sa sapatos ko, nahihiya ako sa tingin nila, ganun ba ka-gwapo si Zian at pwede na silang maglaway?

“Ohhuu… shy po si mister pogi,” naramdaman ko ang paginit ng pisnge ko sa sinabi ni Ma’am Ann, alam ko na maganda ako pero hindi naman ako ganun kaguwapo dahil babae ako sa realidad, basta, hindi ko lang inaakala na ganun sila matutulala sa mukha ko.

Nagpeke naman ako ng ubo para bawas-bawasan ang nararamdaman ko na nakaka-flater, they’re boosting my confidence too much, baka makalimutan ko na isa akong tao.

“Uhum, I’m--” napasapo na lang ako sa mukha ko dahil sa hiyawan nila, namumula na ang buong mukha ko kung nagkikita ko lang, mainit ang buong mukha ko eh.

“Shhh, o ito na seryoso na kami, start your intro.”

Huminga na ako ng malalim at tumayo ng maayos, tumingin na ako sa kanila at seryoso silang tiningnan. Kumalma na ang mga kumikiliti sa tiyan ko kaya nag-simula na ako, dapat pinaghandaan ko ang mga ganito, pero hindi naman kasi ako agad kinikilig sa totoo lang, nakagugulat lang na kinilig ako sa ginawa nila. It got me flustered so easily, should I train?

Mamaya na nga ang pag-iisip, may ginagawa pa eh.

“I’m Zian Roosevelt, 19 years old. I’m taken.” ngumiti ako at kumurap, naghiyawan ang mga lalaki at mga babae naman ay nanlulumong tiningnan ako, alam ko ang mga dahilan nila. Dahil taken na ang gaya kong lalaki, kung hindi naman ako taken wala rin naman silang magagawa dahil pareho lang kami ng gender. Pwede sila, sa friend zoned, kaibigan lang ang pwede ko ibigay.

“Oh, girls, narinig niyo ‘yun? Taken na po si Mister Zian, next!”

“Wait!”

“Ma’am!”

“Unfair!”

Sari-sari nilang kumento at hindi na pinansin ni ma’am, nagtuloy-tuloy na nagpagpapakilala sa isa’t-isa hanggang sa tumunog na ang bell, nagpaalam na sa teacher at lumabas.

Sumasabay lang ako sa anod ng mga tao at tumigil sa isang bench na nasa harapan ng clinic, umupo ako at nakatanaw lang sa mga tao habang hinahanap si Kelly, umunti na ang mga tao sa pathway at wala pa rin ni anino niya ay nakita ko. Tumayo na ako at maglalakad na sana ng mag-ring ang cellphone ko, kiniha ko naman ito at sinagot.

“Hello?”

[Anzi, pasensiya na ha, hindi mo ako makikita sa ngayon,] napalingon-lingon naman ako sa paligid, hinahanap kung saan ba siya nakatago. Naglakad na ako at palingon-lingon sa bawat tao na nagkikita ko.

[‘Wag mo akong hanapin, babalik ako, promise, ikaw na kumuha ng uniform ko, next week pa ata ako makakapasok.]

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mahinang daing sa boses niya, what did I hear?

“Kelly, where are you?” tanong ko na may pagkademanding sa boses, isang ‘hmmm’ ang narinig ko sa kabila kaya lumukot na ang mukha ko doon, tama ba ang iniisip ko o mali?

[Nasa mansion, dumating kasi si dad kaya kailangan ko siyang puntahan, oh sige, paalam, next week ha.]

Nakatitig lang ako sa cellphone ko ng pinutol na niya ang linya na hindi man lang ako nakapagsalita, ako lang ba oh iba ng interpretation ng utak ko kanina sa mga naririnig ko? Ibinulsa ko na lang ito at napakamot sa ulo habang naglalakad, bakit bastos ang utak ko ngayon?

Kulang ata ang nakain ko kanina, tama, gutom lang ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Pumunta na ako sa cafeteria at nag-order, dalawang rice cup at isang chicken thighs ang kinuha ko, ipinakita ko na ang ID ko at naghanap na ng mauupuan.

“Guys, nalaman niyo ba na may transferee sa section diamond?”

“Sa pearl then may bago, babae.”

“Babae rin sa section gold.”

“Maraming chicks ah, akin sa section diamond ha.”

Napatawa ako sa sinabi ng nakapink ang hood, lumingon naman sila sa gawi ko kaya tiningnan ko sila, lumapit talaga ako sa pwesto nila dahil may bakante pa ang upuan nila ng dalawang upuan. Halos puno na ang iba kaya kailangan ko silang lapitan, mukha silang mga playboy sa kasuotan nila at nalaman ko na totoo nga ang nasa isip ko dahil sa narinig ko.

“Anong nakakatawa?” lingon sa akin ng nakablack shirt at long sleeve na black sa ilalalim nito, may hikaw rin siyang parang singsing sa kanyang kaliwang tenga, ito ata ang leader nila.

Tumayo sila lahat at nagulat ako ng slight lang dahil sa height difference namin, pinigilan ko ang paa ko na umatras ng lumapit sila at pinalibutan ako, isa hanggang sa tatlo ang pulgada na naiiba sa height nila sa akin. Mabuti lang at mas matangkad ako sa naka-pink hoodie, sa totoo niyan siya lang pinaka-inosenteng tingnan.

Mukha siyang innocent dahil sa suot niya, ang light at calm sa paningin, hindi gaya ng mga kasama niyang ito ay parang may namatay sa pinupuntahan nila. Full black at may eyeliners din sa ilalim ng mga mata nila, ayan tuloy nag mukha silang nag puyat ng limang araw.

Napatigil sila sa paglapit sa akin ng may napansin ang isa sa kanila, naka polo ito ng white na naka-open at nakikita ang black shirt niya sa ilalim. Hinawakan niya ang balikat ko at hinila ng marahan ang suot kong necklace, napalapit naman ang mukha ko sa ulo niya ng tingnan niya ang metal piece na nakasabit sa chain.

“Royal blue, boss, siya yung baguhan sa section diamond.” Lumayo siya sa’kin at yumuko, napatayo naman siya ng maayos ng hilain siya ng boss niya sa buhok nito. Nakangising lumingon sa akin ang leader nila at nagsalita,

“Xion, ayan chicks mo, enjoy.” Nagtawanan naman ang apat habang tinutukso ang nakahoodie, umubo ako ng peke na ikinatigil nila, gutom na ako at nangangalay na ang kamay ko pati ang mga paa ko sa katatayo dito. Tiningnan ko ang relo ko at twenty minutes lang ay next subject na naman ang papasok, nagmadali naman ang tatlo sa kanila na umupo at inayos ang upuan nila.

“Sali na po kayo sa table namin, may bakante pa.” Sumunod na lang ako kay Xion at umupo sa tabi niya, naghiyawan ang mga kaibigan niya kaya napailing na lang ako. Sinimulan ko na ang pagkain ko sa binili ko, pinagsabay ko na ang lunch at break time dahil hindi ako makakakain mamaya dahil matutulog ako sa kotse mamaya, biro lang.

Ang totoo niyan ay may kakausapin ako sa ibang bansa kaya sa kotse ko na siya kakausapin, mabuti nga at dala ko ang laptop ko ngayon.

“Eat.” Tiningnan ko ang apat ng tumigil sila sa pagsasalita, kanina pa sila usap ng usap at hindi pa rin nila hinahawakan ang mga pagkain nila, naririndi na rin ako sa boses nila kaya hindi ko na mapigilan na pagsabihan sila. Nagdabog naman ang leader at tumayo kaya tiningnan ko siya sa mata niya, nakatitig lang ako sa mata niya ng umupo siya at inutusan ang mga kasama niyang kumain na.

“Kain na tayo, malapit na ang time,” bulong niya habang binubuksan ang sandwich niya, ibinalik ko na rin ang attention ko sa plato ko at ninamnam ang chicken. Maaliwalas naman ang naging lagay namin kaya nakatapos ng matiwasay ang brunch time ko, break time and lunch time.

Nagpaalam na ako at umalis sa table nila, dumeretso ako sa classroom dahil wala rin naman ako gagawin sa labas ng building. Nag simula na ang second subject at tumagal ito ng dalawang oras, nag-bell na ulit kaya pumunta muna ako ng cafeteria para bumili ng bread at gatas, nagutom ako kaya magbabaon ako ng kakainin ko sa kotse.

Nakatayo lang ako dito habang hinihintay ang order ko, ganun pa rin marami ang mga estudyante dito, pansin ko rin ang nakakaiba sa school na ito. Divided ang mga tao, yung kulay rin ng mga table ay apat, red, white, yellow at blue. Yung inupuan ko kanina ay kulay blue, kulay blue ata ang mga lalaking yun, hindi ko rin alam kung tama ba ang iniisip ko dahil sa mga kasuotan ng mga yun.

“Here’s your order,” nakangiting saad ng ginang sa akin, hindi siya masyadong matanda, sa tansya ko ay nasa mid-forties siya. Inabot ko naman ang paper bag at ipinakita sa kanya ang ID ko, kinuha naman niya ito at itinapat sa scanner, nag matapos ang scanning ay inaabot niya sa akin gamit ang dalawa niyang kamay at nag-bow pa.

“Enjoy your meal, Master.”

Kunot noo akong tumalikod sa sinabi niya, anong nangyari? Nagaalinlangan akong umalis dahil sa sinabi niya pero ng makita ko ang mga tao ay nakatingin sa akin ay naglakad na ako, bakit nakatingin na naman sila sa akin?

Maganda na nga yung hindi nila ako napansin na pumasok dito, nakakailang sila tumingin sa totoo lang, feeling ko hinuhubadan nila ako o binubuklat ang pagkatao ko.  Derederetso lang ang lakad ko hanggang sa makalabas na ako ng cafeteria, napahinga ako ng malalim ng wala ng tao sa paligid ko.

“This is better,” usal ko sa hangin, naglakad na ako at pumunta ng parking lot. Habang naglalakad ay palingon-lingon ako sa mga nadadaanan ko, mga puno na malalaki, mga bulaklak na magaganda, ang peaceful dito kaya lang walang bench na nakalagay.

Napatignin ako sa smart watch ko ng mag-bip ito, nakailaw ang icon na sign na may tumatawag sa akin, late na ako. Tumakbo na ako papalapit sa kotse ko at sumakaya, twisted the key to start, sinuot ang seatbelt at pinindot ang button para lumitaw ang screen.

“Hi Rose, what can I help?”

Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa speaker, ngumiti naman ako dahil buhay pa ang boses na to.

“Hi, can you please make space for a video call?”

“Sure, a moment please.”

Napahawak ako sa seatbelt ng umatras ang inuupuan ko, tumigil na sa kaka-atras ang upuan at nawala ang stirring wheel sa kinalalagyan nito at napalitan ng isang screen na parang laptop pero walang keyboard.

May nabuksan na drawer sa ilalim nito at kinuha ko ito, dalawang earpiece at isang maliit na remote, napatingin ako sa window na biglang nawala ang ilaw niya, black tinted na ang buong glass ng kotse kaya ang nagsisilbi ko lang ilaw ay ang screen na nakabukas.

Sinuot ko ang wig at pinaandar ang aircon, sinuklay ko ang buhok ko gamit suklay na nilagay ko sa drawer, palagi ko itong nilalagay dito para in case na may mangyari ay may masusuot ako, duplicate siya ng nasa bahay kaya walang makahahalata na iba ang buhok ko. 

“Rose, what setting would you like the lighting be set?”

“Calm and a little bright,” saad ko na agad naman na-set ang lighting ng kotse, napatingin ako sa screen ng umulaw ito ng blue. Tamang-tama tumawag ang dapat ko’ng kausapin ngayon, pinindot ko na ang green button sa remote at lumitaw ang mukha niyang nakangiti.

[“How’s my friend doing?”]

“Maayos naman, Dan.” Masaya kong sagot, at last I get to meet her. She’s kind of an evidence of the past, hindi ko naman talaga siya kilala, she approached me and said she knows the owner of the book I’ve read. Yung libro na binabasa ko at naibahagi ko kay Kelly, yeah, that story.

I need her in the near future, that’s what my instincts says. Parang ang laki ng maitutulong niya sa akin pero hindi ko lang matukoy kung saan, kailan at paano? I trust my guts that’s why I kept her, and masaya naman at naging kaibigan ko siya.

[“So the information I texted you, have you seen it?”] Napatango naman ako at sumandal sa upuan ko, nakangiti siya ngayon at nakapatong ang baba niya sa magkadaop niyang kamay. The information is confidential kaya kami lang ang nakaaalam doon, secret talaga kaya sorry na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro