Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HEARTBEAT

CHAPTER SIXTEEN



[“Goodbye, see you soon.”]

“See you,” paalam ko at pinatay na niya ang video call, “Zack, back to normal please.” Utos ko at agad naman bumalik sa dati ang upuan ko at ang stirring wheel, kalahating oras ang lumipas at usapan lang namin ni Dan ang nangyari. Wala naman masyadong topic na pinag-usapan namin, kumustahan lang naman ang nangyari sa video call na yun, kaya ako nagmadali dahil ngayon lang siya may free time, may duty na naman yun at hindi ko na naman ma-contact sa susunod kaya kinuha ko na nag pagkakataon.

“Rose, I detect loud noise coming from outside, would you like me to activate sound absorber?”

“No thanks Zack, I’ll step outside.” Tinanggal ko ang wig, ipinasok sa drawer at binuksan na ang pinto, sinara ko na at nakita ang pagkawala ng black shade ng mga bintana. Nakinig ako sa paligid kung mayroon ngang malakas na tunog, napahimas na lang ako sa batok dahil sa tahimik na paligid, wala namang malakas na ingay.

Isang katamtamang tapik ang ginawa ko sa bubong ng kotse at nag lock ito, umalis na ako ng masigurado ko na wala na ang tunog ng engine. Inaayos ko ang buhok ko gamit ang kamay ko habang naglalakad papasok, nakapasok na ako sa gate at ganun rin ang pagtungo ng speaker.

[SCHOOL UNIFORMS WILL BE NOW DISTRIBUTED. PLEASE PROCEED TO THE GYM TO CLAIM YOURS.]

Hmm, tamang-tama natapos ang usapan namin ni Dan, naglakad na ako patungo sa gym at nakita ang nagkukumpulang mga tao. Naguunahan kung sino ang mauna, nakatayo lang ako dito malapit sa crowd at hindi pa nakikisiksik. Wala ba silang guard na mag-aasikaso sa mga ganito?

Nagkkasakitan na sila sa totoo lang, may nasapak sa mukha, may nasubsob sa likod ng kaharap at may naapakan na nag kanyang paa. Napasuklay na lang ako ulit sa buhok ko dahil sa inis, oo naiinis ako sa nagkikita ko. I sighed heavily and stepped forward, kung wala, edi ako na ang gagawa.

“I don’t want to do this, but I need to.”

Hinila ko ang lalaki na nasa sahig at pinatayo sa tabi ko, takot naman itong tumingin sa akin habang inaayos ang kanyang salamin, “Stay here,” sabi ko na siyang tinanguan niya, pumasok na ako sa nagkukumpulan at pinapatayo ang mga nakaupo na sa sahig. Most of the one I helped are girls, sampu na ang natulungan ko at nadadagdagan na naman, tumigil na ako sa kalalakad at huminga ng malalim.

What am I doing? Pansin ko lang, lahat babae ang nadadapa, at kapag may pinapatayo ako may matutumba na naman, isang babae na naman. Ewan ko ba kung tama ang hinala ko, sinasadya nila para matulungan ko lang. Oh tingnan mo nga ang isang to, walang tumulak pero ito nadapa, sa mismong tapat ng sapatos ko.

“STOP MOVING OR YOU’LL DIE THIS INSTANT!” sigaw ko sa hanggat kaya ng boses ko, napangisi naman ako ng tumigil sila. Takot lang pala ang solusyon para tumigil sila, pinatayo ko ang babae at seryoso silang tiningnan.

“Now, please line-up,” sumunod naman sila kaya napatango ako, “follow me.” Naglakad na ako habang sila ay nakasunod sa akin, nakarating na ako sa dulo ng stage at nadatnaan ang mga uniform na nakasabit sa clothes hanger. May lumapit namang babae sa harapan ko, I think she’s around 20 years and above, nakangiti siyang sumilip sa likod ko at ibinalik sa akin ang tingin.

“Salamat sa ginawa mo, hindi nila kasi marinig ang boses ko kaya hindi naayos agad.” Tumango lang ako sa sinabi niya, umalis na ako sa harapan niya at lumapit sa boys section. Hindi naman sa bastos pero parang wala na siyang sasabihin sa expression niya, ayaw ko lang tumayo doon na tinititigan niya ang mukha ko, it’s uncomfortable.

“Boys that way, girls this way please,” mahinhin at halos hindi marinig niyang saad, sinilip ko naman sila. Binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang grupo ng kalalakihan na nagtangkang sumingit, bumalik naman sila sa pwesto nila na parang maamong pusa, bumalik na ako sa paghahanap ng akin at nag pirma na ng matanggap ko na ang akin.

“Sir paki balik lang po ang hanger pagkatapos niyang suotin ang damit, Salamat.” Tango lang ang ibinigay ko at lumabas na ng gym, pupunta lang ako sa shower room, sa labas kasi nakalagay. Lumiko ako sa kanan at pumunta sa pool building, dito lang ang alam ko na may shower room, nahanap ko ang shower room kaya pumasok na ako at nagpalit.

Hinubad ko ang t-shirt na suot ko at sinuot ang white long sleeved polo, wala akong choice dahil kung hindi ko yun huhubarin para na akong nasa winter days which is wala dito sa Pilipinas. Isa sa dahilan ay may kasaling sweater vest na kulay gray, matatakpan nito ang katawan ko kaya hindi na problema. Isinuot ko na rin and necktie na kulay royal blue at lumabas na daladala ang amerikana-like na nasa kulay na black, inayos ko muna ng mabuti ang buhok ko para magandang tingnan ang hitsura ko at masasabing isa akong estudyante.

“Where is it?!” napatalon ako sa gulat ng may sumigaw sa isang cubicle, agad akong lumapit doon at tiningnan kung sino ang sumigaw. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang dalawalang lalaki na naka bantay sa pinto. Ano ang ginagawa ng dalawang ito? Isinampay ko sa balikat ko ang coat at naglakad papalapit sa pwesto nila, sa mga ganitong scene, sobrang pamilyar niya sa akin.

Sa kanonood ko ng k-drama na highschool ang plot ngayon lang ako makakikita ng ganito. The truth is I’m thrilled to throw some punches, I faked a cough that made them look at me.

“Anong kailangan mo?”

“What are you doing here?”

I surpassed a laugh when they asked in sync, nag-practice ata sila para lang pagsabihan ang mga gaya ko na nakikialam sa gagagwin nila. Sa halip na sagutin sila ay sinilip ko ang nasa loob ng cubicle, may nakatalikod sa gawi ko na naka-white polo, napatingin naman ako sa sahig at nakita ang isang lalaki na naka higa lang at may bahid pa ng dugo ang kanyang labi, titingnan ko na sana ang mata ng lalaki ng harangan ako ng dalawa.

“Is that your friend?” tanong ko, i know it’s dumb to ask that question pero sinasadya ko lang, let’s play dumb for now. They stepped forward and totally blocked the scene, tiningnan ko silang nagtataka at nalilito which is in reality I’m feeling excited, annoyed and a little angry. Somewhere in my heart feels a slight sting, it’s aching in a state I can bear. Pinatili kong blanko ang mukha ko ng marinig ko ang daing ng nasa likod ng dalawang ito, that scream gives spark to the pain inside me.

“Mind your own business.”

“Get out f*ker, shoo.”

“Hey, I’m asking nicely, no need to curse me.” Taas kamay kong saad, pretending to surrender and move out, nakatingin lang sila sa akin at naghihintay na umalis ako sa harapan nila. Maybe, aalis na lang kaya ako, hindi rin naman ata malala ang gagawin nila sa lalaking yun. So with the decision to leave the shower room I walked away, napatigil ako sa paglakad palabas ng marinig ko na naman ang daing.

“So much for being the retired heartthrob, anyway you will be my slave now.”

Napapikit ako ng mariin at agad na lumiko papasok sa isang cubicle, this is not my mind but my heart commanding may body.

Umapak ako sa ibabaw ng inodoro at sinilip sila, isang cubicle ang pagitan ng kinalalagyan nila sa akin kaya nakikita ko ang ulo nila. What are they talking about anyway? Heartthrob, slave? That rings a bell, tama ba ang na sa isip ko? Napa-squat ako ng lumingon ang isa sa kanila. Bakit nila nalaman? Hindi man lang ako gumawa ng ingay para malaman nila na nandiro ako.

“Someone is with us.” Napalunok ako ng makita ko ang dalawang pares na puting sapatos ang nasa likod ng pintuan na nasa harapan ko, the shoe is very expensive, a limited edition from CharmV. Siya pala ang nakakuha, bibilhin ko to last month pero ng pumunta ako sa shop nila ay wala na ito sa kinalalagyan niya, naunahan ako ng araw na iyon, one hour ahead ang lalaking ito sa akin.

The shoes is simple, pwedeng isuot sa lahat ng outfit at babagay pa rin ito, nagulat ako ng bigla nitong sipain ang pinto na ikinatayo ko. Ngumiti naman ako ng tipid ng magtagpo ang mga mata namin, agad naman lumaki ang mata niya at lumingon sa kanan para isumbong ako sa leader niya.

“It’s the guy, why are you still here?” lingon niya sa akin ng matapos niyang isaigaw na nandito ako, tinanggal ko ang ngiti sa mga labi ko at binigyan siya ng ‘wala-kang-pake’ na tingin. Nakapamulsa akong pumapa ng inodoro at ipinantay ang mata sa mata niya, three inch apart ang pagkatatayo ko sa harapan niya.

“Why do you care?” Binangga ko pa ang kanyang balikat bago ko siya nilampasan, lumiko ako sa kanan at derederetsong pumasok sa cubicle kung saan nakatayo pa rin ang leader nila at nasa sahig ang lalaki. Napatingin ako sa braso na humarang sa daanan ko, umatras ako ng isang hakabang at nilingon ang may-ari ng braso. Kinabahan ako sa ginawa niya, it nearly touched my chest.

That was a close call.

“Your off limits, you’re not allowed to approach the campus heartthrob.” Parang isang knight na saad niya, tinabig ko naman nag kamay niya at lumapit pa rin, hindi pa lumalapat ang kanyang kamay sa balikat ko ay nasa sahig na siya habang nakaluhod ako sa likod niya hawak-hawak ang kamay niyang nagtangka niyang ihawak sa akin.

“I don’t like that move you tried to do, I hate it.” Mariin kong saad, agad ko siyang binitawan at tumayo na para ituloy ang naudlot na paglapit ko sa leader nila. Sinuot ko na lang ang coat at inayos ang vest, nakakaabala pa ito sa gagawin ko kung sakaling may suntukan na magaganap. Nakatingin na sa akin ngayon ang leader nila at napangisi na lang sa nakita ko, ito ba ang leader nila? Akala ko isang muscular na lalaki pero isang malaki ang tyan ang nakita ko, a chubby bully with a little charm.

“You? A heartthrob?” hindi ko mapikilang itanong, hindi talaga ako makapaniwala na campus heartthrob ang isang ito, he looks more like a father than a heartthrob to me.

“Yeah, got a problem with that?” mayabang niyang tanong, I scoffed and looked at the man lying on the floor looking like a drunken man.

“He looks more like a heartthrob to me, than you do.” I said mockingly and gave him a glance, agad kong nasalo ang kamao niyang dadapo sana sa kaliwang pisnge ko, pikonin pala ang isang ito. He’s fast but not fast enough to hurt me, marahas naman niyang binawi ang kamay niya at nilagpasan ako making space for me to approach the victim.

“Are you okay?” tanong ko at lumuhod para tingnan ang mukha niya, pinaharap ko ang mukha niya sa akin at napasinghap ng makita ang duguan niyang noo, napatingin ako sa pligid at nakita ko ang sanhi ng dugo. They slammed his head to the side of the toilet bowl, mahina kong tinapik ang pisnge niya ng hindi man lang siya tumingin sa akin, para siyang patay dahil sa nakasteady niyang mata.

“Don’t dare take a step forward, I’ll break your bones.” Banta ko ng maramdaman ko ang presensiya ng dalawa sa likod ko, napairap na lang ako ng sumugod pa rin sila sa akin. They do not listen, I should teach them a lesson. Marahan kong ibinalik sa pagkakasandal ang ulo ng lalaki at hinarap ang dalawang pasaway, agad ko sialng pinatulog by tapping there pressure points. Napahandusay sila ng sabay at bumungad sa akin ang gulat na mukha ng leader nila, ngumiti naman ako sa kanya at mabilis na sinipa ang tiyan niya.

“Spare me, please.” He plead while tightly closing his eyelids, humawak ako sa kwelo niya at marahas na inilapit sa mukha ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko at nagsalita.

“Don’t ever lay a finger on that man, clear?” Nanginginig siyang tumatango-tango kaya binitawan ko siya at bumalik sa lalaki, napalingon ako ulit ng may na tandaan ako. I forgot to ask their names.

“What is your name?” Natigil naman siya sa paglakad at lumingon sa akin, “Je-Jef-ferson, Jefferson De Leon.” Nauutal niyang saad, tumango naman ako at tiningnan ang mga kasama niyang walang malay. “Jeff, now that I know your name.” Tumayo ako habang akay-akay si—“Who’s this?” tanong ko at tumingin sa kanya, nagkikita ko ang pagaalinlangan sa mata niya kaya lumapit pa ako ng ilang hakbang para pasagutin siya.

“T-Terry! Terry Chua, that’s him. The 2019-2020 heartthrob of JH University.” Napatigil naman ako sa sinabi niya at napatingin sa nakapikit na mukha ni Terry, napaubo na lang ako at iniwas ang tingin at naglakad na papalabas ng restroom. A scene suddenly showed up on my mind, but it was very blurry that I barely see the object, I set it aside focused on walking.

Ang bigat nito pero hindi naman ako nahihirapan, it’s kind of weird though, bakit ang dali niyang buhatin? Napatigil ako sa paglalakad at hinawakan mabuti ang baywang nito, napaisip lang ako, what if I carry him?

Napalingon-lingon ako sa paligid, wala namang katao-tao dito kaya pwede ko namang i-try, wala namang mawawala diba?

“Okay,” usal ko at huminga ng malalim, inilagay ko na ang kanang braso ko sa likod niya at ang kaliwang braso ko naman ay ipinalibot ko sa likod ng kanyang mga tuhod. Nagbilang ako ng tatlo at binuhat na siya, “What! Shit!” I exclaimed as I stand straight, unbelievable!

“Kumakain ka pa ba?” tanong ko habang nakatingin sa mukha niyang namumutla na.

“Hospital!” naisigaw ko na lang at tumakbo na, pagkalabas ko ng pool building ay napatigil ako ng muntik ko na mabangga ang isang estudyante.

“Sorry.” Hindi ko na tiningnan ang nagsalita at tumakbo na ulit, hindi ako tumigil kahit pa may nabubunggo pa ako sa mga tao. Kumakabog ang puso ko na napakabilis, hindi ko alam kung dahil ba ito sa katatakbo ko o dahil sa taong buhat-buhat ko na namumutla. Nakarating na ako sa gate pero nakasara ito kaya napalingon ako sa guard house, nakita ko ang paglabas ni manong Josh, hinihinggal ko siyang nilapitan.

“Oh iho, anong nangyari sayo at hinihinggal ka?” nakangiti niyang tanong, napalunok ako at nag-salita na. “Sir--” hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa maraming nawalang hangin sa katawan ko, tumingin naman ako sa gate at lumapit doon. Sumandal ako doon at tiningnan si manong sa mata habang nakatingin lang siya sa’kin gamit ang nagtataka niyang mga mata, this won’t do.

“Open the gate, please,” mahina pero alam kong narinig niya ang sinabi ko, agad kasi itong bumalik sa loob at wala pang isang minuto ay nabuksan na ang gate. Lumusot na ako sa maliit na pagkakabukas nito, hindi ko mahintay na magbukas ito ng napakalawak para lang lumabas. Mabuti na lang at malapit ang kinalalagyan ng kotse ko ngayon, dahil kung hindi baka maubus na ang lakas ko.

“Zack! Backseat!” sigaw ko ng nasa sampung hakbang ang layo ko sa kotse, agad namang nabuksan ang pinto sa backseat kaya madali kong naipasok ang katawan ni Terry, pinindot ko ang isang switch at agad na isinara ang kotse. Sumakay na ako at lumarga na, minuminuto akong napapalingon sa salamin para tingnan ang lagay niya. Kahit pa rocky ang kalsada ay hindi siya mahuhulog sa inflated bed.

“I don’t know you, but my heart says I have known you for a long time.” Saad ko at tinapakan na ang gas, I need to rush. He seems weak, or maybe he really is weak even before his blood goes gushing out.

Just who are you Terry Chua?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro