DISCOVERED
CHAPTER FOURTEEN
“Kelly,” kinakabahan kong tawag, nakatitig lang ako sa kanya at binibigyan ng signal para lapitan si Ian. This is bad, very bad, nakalingon na lahat sa amin at hinihintay kung sino ang ate na sinasabi ni Ian, lagot talaga ang batang to, ang lakas magsalita.
Napakapit ako sa tuhod ko sa paghawak niya sa balikat ko, dapat kumilos na si Kelly, matatapos na ang disguise ko kung tawagin niya ako at paharapin sa kanya, naramdaman ko ang paghila niya ng balikat ko kaya umandar ang reflexes ko.
“Please, ‘wag mo akong ibuking,” bulong ko sa kanya, nakatayo ako ngayon habang hawak-hawak ang kanang kamay niya sa kanang kamaya ko, ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo, ang mukha ko naman ay nakatapat sa kanan niyang tenga.
Mukhang gulat ang mga tao at nagtataka sa ginawa ko kaya binitawan ko na ang kamay niya at lumayo sa kanya, hindi maipinta naman ang mukha ni Ian sa ginawa ko.
“I’m sorry, I don’t like to be touched nor called from the back.” Paumanhin ko, umaliwalas naman ang mukha niya at tumango-tango, “That’s alright, my bad.” Saad niya at inayos ang buhok niya, lumapit naman siya kay Kelly at niyakap ito, nanlalaki ang mata ni Kelly habang nakatingin sa akin kay tumango lang ako ng mahina.
Nakikita ko ang pagkailang niya sa kilos niya, ibinalik niya rin ang yakap ni Ian kahit ganun. Hinila ko na ang kwelo ni Ian ng hindi pa rin siya bumitaw, naiilang na nga ang kayakap.
“Too much hugging, she’s my girlfriend, I’m Zian Roosevelt, what’s yours?” walang tiggil kong saad, nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya na ilang segundo muna ang lumipas bago niya ito tinanggap, kunot noo niya akong tiningnan kaya bahagya kong itinaas ang kilay ko.
I chuckled short and turned my face back to plain, nalilito niya ako tiningnan.
“Sorry, I’m Ian Keith Bellor,” tumango ako at inakbayan siya, kailangan niyang umalis dito, ang daming matang nakatingin sa pwesto namin. Tiningnan ko si Kelly at ang plato niya, kami na lang kaya ang umalis? Parang patapos na siya sa kanyang pagkain, mas mabuti nga pala yun para magkausap kami ng kapatid kong ito.
Umalis na ako sa kakaakbay kay Ian at kinuha ang bag ko, hinila ko na patayo si Kelly at mahigpit na hinawakan ang kamay niya, hindi naman nagreklamo si Kelly kaya madali ko lang siyang tinabihan.
“Ian, outside, now.” Nilagpasan ko na siya at hindi na nilingon o tiningnan ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin, lalo na sa akin. Nararamdaman ko ang titig na yun, hindi ko naman kilala ang may-ari nito pero alam kong lalaki ang nakatitig sa akin, nanlalamig nga ako sa tingin na yun pero hindi ko lang pinahalata na nararamdaman ko siya. Kung sino ka man, ano ang kailangan mo sa akin?
Nakaupo na kami ngayon sa loob ng kotse ko, ako sa driver’s seat at si naman ay Kelly sa likod. Tatlong oras na ang lumipas at sa mga oras na yun ay explanation ang ginawa ko sa mga kapatid ko, pati na rin pala si Kelly.
Hindi ko kasi na sabi kay Kelly na may kapatid ako, ang alam niya ay ang pangalan ko lang. I know it’s not good lalo na kung bestfriend ang turing ko sa kanya, pero hindi ko naman kasi mahanapan ng oras ang pagpapakikilala ko sa kanya ng mga pamilya ko.
Basta ang alam ko hindi pa handa ang utak at puso ko sa mga ganun, may nagsasabi sa isang banda ng utak ko na ‘wag muna ako magsasalita kasi may masamang mangyayari, may double thoughts talaga sa utak ko pag nagtetyempo akong magsalita.
Napasilip ako kay Ian na nakaupo sa shotgun seat, nakatingin lang siya sa harap ng kotse, tinititigan ang limousine. Hindi ko alam kung bakit doon ang tingin niya, nilingon ko na lang ang kambal na ngayon ay mahimbing ang tulog habang nakaunan sa hita ni Kelly. Tulog silang tatlo, ang dalawang kamay ni Kelly ay nakapatong sa likod ng dalawa, napangiti na lang ako sa nakikita ko.
At least they like her, marami akong pinapakilala sa kanilang kaibigan ko pero niisa hindi nila tinabihan, yung una kong pinakilala sa kanila ay tinakbuhan nila ng tumabi ito sa gawi nila sinasabing isang clown daw.
Hindi rin nagtagal ang pagkakaibigan namin dahil nagnakaw ng malaking pera ang babaeng yun, mukhang mabati siya ng lumapit siya sa akin pero mukha lang pala, hindi ko na siya pinansin pa ng mawala ang sampung libo sa bag ko.
That time kasi nawala ang wallet ko kaya nilagay ko na lang sa isang sobre at deretso sa bag, nag-mall kaming dalawa para bumili ng ibinilin sa akin at sa kanya rin, habang nakatindig na kami sa counter ay bigla akong na-cr kaya pinahawak ko muna sa kanya ang bag ko, trusting her to keep it safe and not lose the bag.
Ang bobo ko lang na pinagkatiwalaan ko siya ng mga panahon na iyun, ayun nga natapos na ako sa pag-cr at sa pagbalik ko wala na siya. Wala na ang pigura niya kasama ang bag ko, hindi nga niya nawala pero nawala siya kasali ang bag. Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang black card ko at cellphone dahil kung na sa bag yun baka umuwi na akong walang dala, swerte ko rin yun.
That’s one heck of a trust breaker, sa nangyaring yun ay nawalan ako ng tiwala sa mga tao. Hindi ako napagalitan sa panahon na yun dahil ginamit ko ang pera ko sa card kaya hindi na nila nalaman na may nawala, talino ko rin no? Hindi naman problema sa akin na mabawasan ang akin, pinaghirapan ko yun para sa kanila kaya okay lang talaga.
“Ate,” napabalik ako sa realidad ng hawakan niya ang balikat ko, hinarap ko siya at nagtatakang tiningnan.
“Why?” I sighed. I know this will happen, magtatanong siya kung bakit ko ginawa. “Ate, cutting your hair short is okay, alam ko mahilig ka maghanap at gumawa ng bago pero hindi ko inaakala na ito ang gagawin mo.” Napalunok ako ng laway dahil sa tono ng boses niya, may pagkabigo doon at parang kinurot ang puso ko sa tono niya.
I didn’t meant to disappoint him, may na sa puso ko na nagtulak sa akin, yung feeling na kailangan ko ito gawin. Hindi ko lang talaga ma-explain kaya sasabihin ko na lang sa kanya ang pinaka-obvious na excuse.
“I want to explore, you know what if… I was born as a boy?” nakangiwi kong saad, agad kong hinarangan ang mukha ko ng itaas niya ang kamay niya.
“Oo na, alam kong ang lame pero hindi mo ako mapipigilan!” sigaw ko, dahandahan kong ibinaba ang braso ko ng makita kong wala na ang kamay niyang nakataas, umupo na ako ng maayos at hinarap siya ng mabuti.
“Ian, just don’t expose me, please?” nakadaop ang mga kamay ko at ipinatong doon ang baba ko habang nakatingin ng deretso sa mata niya, umiwas siya at sumunod naman ako, hindi ako titigil hanggang sa sumuko siya at pumayag.
Hinahabol ko pa rin ang mata niya, umiiwas lang siya at hinahagilap ko naman ang mata niya, hinawakan ko ang braso niya at pinaharap sa akin.
“Ian,” saad ko habang yakap-yakap ang braso niya sa pagitan ng leeg at balikat ko, tiningnan ko siya at ginamit ang last card. Puppy eyes, ang pinaka-last card ko, kung hindi pa siya mapapayag ng mata kong ito hindi ko na siya papansinin ng isang buwan.
Oo, gagawin ko talaga yun, and maybe stop with the disguise, hindi ko kayang ituloy kung hindi siya sang-ayon kasi bibigat ang puso ko habang ginagawa ang disguise.
“Ate, gusto mo ba talaga ang ginagawa mo?” bigla niyang tanong ng hindi lumilingon sa akin, tumango-tango naman ako, unti-unting napapangiti ako ng dahandahan siyang lumingon. Lumayo na ako sa kayayakap sa braso niya at pinipigilang ngumiti sa harapan niya, umayos na siya at nag seryoso kaya ganun din ako.
Malapit ko na siyang mapapayag, malapit na kaya kailangan kong pumunta sa good side niya.
“Promise me, keep yourself safe.”
Tumango ako at sumilay nag maliit na ngiti sa bibig ko, hinawakan ko ang bibig ko at ibinaba rin agad para hindi niya mahalata na napangiti ako.
“Don’t hang out with boys alone,”
Tumango ako ulit, hindi talaga ako lalabas na walang kasamang babae, ano pa ba ang sasay na pagpapanggap ni Kelly kung hindi ko naman siya makakasama sa mga gala.
“Don’t--”
Pumikit ako at tumango ulit, madadali lang pala ang mga bilin niya at may sense pa.
“Date bo--”
Napamulat ako at umupo ng maayos, narinig ko ba ng tama? Oh mali lang ang pagka-deliver niya.
“Ano?!” gulat kong tanong, kunot noo naman siyang tumingin sa akin pero hindi ako gumalaw, gulat pa rin akong nakatingin sa kanya.
“Don’t date boy--”
“Shut, I know what you said,” sabi ko habang nakalapat ang palad ko sa bibig niya, “what I mean is, tanga ba ako?” umiling naman siya sa akin kaya tumango ako, handa na ang kuko ko para kurutin siya kung sakaling mali ang isagot niya sa tanong ko.
“Hindi pala eh, kaya makakaasa ka na hindi ko yan magagawa, kumuha na nga ako ng girlfriend ko, mangangaliwa pa ako sa isang gaya ko?” I murmured and laid on my seat, thinking about me in my disguise as a man to date a man makes me uncomfotable.
Hindi sa ayaw ko sa mga ganun, makakasakit lang kasi ako ng tao kung sa huli I’m a fully formed woman. Isipin mo nga, puso at isip ko ay babae, panunuot ko at pananalita ko ay lalaki at kaharap ang isang lalaki na ka-date ko. Paano kung sa gitna ng date na yun nawala ako sa act, ano na kaya ang gagawin ko? Stressed na ako niyan habang iniisip lang.
“Sorry, nadala lang sa pagbilin,” mahina niyang paumanhin. Alam kong masakit sa puso kung ang taong pinapahalagaan at minamahal mo ay isa pa lang peke, nawawala ka sa katinuan habang iniisip kung sino nga ba ang minahal mo? Isang peke at gawa-gawang katauhan, basta, ayaw ko makasakit, period.
“Okay lang, ano, ihatid ko na kayo, gumagabi na oh.” Pinaandar ko na ang engine at nilingon siya, “Tawagan mo si manong, sabihin mo na ‘wag na siyang pumunta dito.” Kinuha naman niya ang cellphone niya at nag-dail, tinanggalan ko na ng brake at tinapakan ang gas ng kotse. Isang oras ang itinagal namin bago kami nakarating sa bahay, pinahinto ko na ang kotse sa harapan ng gate.
“Dito lang kami, pumasok na kayo.” Tumango siya at humalik muna sa pisnge ko bago bumaba, binuksan na niya ang pinto sa backseat at ginising ang dalawa, nagising naman ang dalawa at nag-unat.
“Shh,” saad ko ng ibinuka ni Raze ang maliit niyang bibig, “Goodnight baby ko, I love you both.” Mahina kong bulong at kumaway, nakangiti naman silang kumaway pabalik at bumaba na. Napahinga ako ng maluwag ng ma-isara na nila ang pinto, mabuti na lang at hindi na tuloy ang pagsasalita ni Raze, ang lakas ng boses ng batang yun. Lumarga na ako at umuwi sa condo, sa akin muna si Kelly.
KINABUKASAN
“Good morning class,” tumayo naman ako at bumati sa kapapasok lang na teacher, nasa classroom na kami ngayon, naka-white shirt at black maong pants.
They announced it yesterday later at night, matutulog na ako no’n ng may nakuha akong notification galing sa isang website, hindi ko nga alam kung bakit ako naka-receive ng ganun pero binuksan ko pa rin dahil sa logo ng school na bakalagay sa icon niya.
From: JH UNIVERSITY
Dear student/s,
You’re here to be informed that your uniforms will be distributed tomorrow noon, please wear white clothes to be overlapped with your uniforms.
That’s all thank you!
-MJ
“So, lahat excited ah, prepared na prepared oh,” nakangiting saad niya at tiningnan kami isa-isa, tumingin na rin ako sa mga kaklase ko, naka-white kami lahat, may nakita akong babae na parang naka-pajama lang sa suot niya.
Sando na puti at shorts na puti, parang Hinubad niya ang uniform niya sa hitsura niya ngayon, halos lahat pala ng mga babae dito ganun ang suot nila. Ang mga lalaki naman ay white t-shirt at maong pants, bare body and only wearing a white t-shirt, shirt lang talaga ang suot ko dahil maiinit ngayon ang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro