BROTHERS
CHAPTER THREE
Dazinco’s POV
[Hello Anzi,] I heard Kelly said in a cheerful tone, nakauwi na kami galing sa pagbibili ng libro at pamamasyal sa NS mall.
“Hello, bakit ka na patawag?” tanong ko at pinunasan ang mukha ko, kakatapos ko lang maghilamos at bigla na lang siya tumawag. Ang kulit din kasi ng isang to, simula ng maging coach ko siya palagi siyang tumatawag sa akin kaya instant kausap ko na siya every time na bored siya. Noong una eh hindi ko pinapansin ang tawag niya pero dahil makulit siya, wala na akong nagawa kun’di sagutin ang mga tawag niya.
[Wala, kinukumusta lang kita, anyway kumusta ang pag-uwi mo? Hindi ka ba tinanong ng guard?]
“Hmm…Mabuti naman at hindi ako tinanong ng guard, ikaw? Nasaan ka?” umupo ako sa higaan at hinintay ang sagot niya, wala namang masyadong naging problema sa pagpasok ko dahil palagi akong low-key pag lumalabas at pumapasok ng building.
[Ito na sa bahay,] napakunot ang noo ko sa pagsagot niya, ang lalim ng buntonghininga na ginawa niya.
“Are you okay?” tanong ko at dahandahan hinila ang kumot para ibalot sa katawan ko, tahimik ko lang siyang hinihintay kung ano ang sasabihin niya dahil sa naririnig ko lang sa kanya ngayon ay parang may problema siya. It’s the first time I heard her like this, I usually hear her in a cheerful and sometimes serious voice but never the problematic one.
[Hah? A-ah yeah I’m okay, don’t worry. Anyway! I got a question for you,] sagot niya at iniba ang topic pati na rin ang kanyang boses, hinayaan ko na lang siya at hindi pa nagtanong. She still doesn’t want to open up and share her problems so I’ll leave it, time will come that she will welcome me to her life comfortably.
[Do you believe in destiny?]
“What? Bakit mo yan naitanong sa akin?” nagtataka kong tanong, minsan rin eh ang out of the topic ang pinagsasabi niya.
[Eh…ewan ko rin basta sumagi sa isip ko kanina tapos kung saan-saan na napadpad, hindi nga ako makatulog ngayon dahil sa kakaisip.] napahiga ako sa higaan at tiningnan ang kesame, destiny is fate and also known tadhana in Tagalog. I do believe in destiny and there is no explanation, I can’t explain it.
“I, believe in destiny.”
Sagot ko sa tanong niya, naniniwala ako na mayroon para sa akin, kahit ano pa iyan ma pa soulmate ko o sa trabaho na makukuha ko, sinabi kong na I can’t explain kasi tamad ako mag explain. Basta ayaw ko mag-explain, i-google mo na lang kung hindi mo alam.
┐( ˘_˘)┌
[Okay, now, do you believe that the mission you’re going to do is your destiny?]
I was taken back with her sudden question, what do she know about my mission? And is it my destiny? I think it is my destiny to do the mission, it’s a thing I must do. I cleared my throat and answered yes, she just hummed yes and heard her yawn. I glanced at the wall clock and its nine fifty-five, it’s already getting late.
“Goodbye. Sleep well.”
Pinatay ko na ang tawag at sumandal sa sofa ng wala akong narinig na response galing sa kanya, she is probably sleeping already. Knowing her hanggang nine lang ng hapon ang up time niya, she is an early sleeping person kaya ayan tulog na kahit pa may kausap siya.
Napangisi na lang ako sa darating na araw, excited na ako sa mission na gagawin ko. The mission is not given by some boss I work for, it’s a mission I made for myself and that what makes it more exciting. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para ihanda ang kakainin ko, naghain ako ng kanin na kanina pa naluto at leftover fried chicken na dinala ko galing sa KFC.
Huwag ka, hindi ko kasi na ubos yung akin kanina at dahil pinalaki ako nila na hindi dapat mag sayang kaya binalot ko na lang at inuwi ko. Umupo na ako at nag simulang kumain, ang tahimik ng paligid and the only noise I can hear is the fan in front of me and my spoon clinking to the glass plate.
It’s lonely here. I sighed and finished my food as fast I could, niligpit ko na ito at kinuha ang gatas sa refrigerator bago pumasok ng kwarto daladala ito. I’m not really that fond of being alone, na sanay kasi akong maingay ang paligid.
Back at the house palagi silang na sa tabi ko, they are either annoying me or just curious about the things I do. Umupo na ako sa swivel chair ko at humarap sa laptop, pinatunog ko ang mga buto ko bago binuksan ang browser.
“It’s time to check my accounts.” I said as I wear my plain black headphones, kailangan kong mag-research about something important after checking my accounts, but, before anything else, G-mail/Email whatever you call it, is the first I need to check. Napangiti na lang ako sa nakita ko, just right in time. Nag-reply ako at nag scroll ulit, there is no more interesting emails just a bunch of Facebook notification.
Nag exit na ako sa website at pumunta na sa google for my research, its important but also confidential and that means you guys won’t be allowed to know those topics, after ten minutes ay nanuood na ako ng anime. Hindi pa dumadating sa gitna ang pinanonood ko ng marinig ko ang doorbell ng condo ko, tinanggal ko muna ang headphone ko at pinakinggan ang paligid.
Napatayo na ako ng marinig ko ang malalakas na kalabog at walang tigil na kakapindot sa doorbell, puwede na niyang palitan ang doorbell ko kung sakali na masira ang button.
“What the hell do yo—” naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng mga kapatid ko, nawala ang nakakunot kong mukha at nagtataka silang tiningnan. Nakatingala lang sila sa akin at tulala sa mukha ko, nilingon ko ang mag kabilang hallway at wala akong nakitang tao doon. Tatanungin ko sana ang dalawa ng tumakbo na sila papasok sa loob at nagtatalon sa sofa na kakabili ko lang last month.
“Ash, Raze. Why are the two of you here? Where is Ian?” tanong ko pero hindi sila sumagot at tila hindi nila ako narinig dahil nag-uusap pa ang kambal,
“Is he a friend or a future brother in-law?”
“Hindi ko alam,”
Na-wiwirdohan ko silang tiningnan, sino ba ang hindi ma-wi-weird out kung naguusapan sila tapos ang mata na sa’yo? Napailing na lang ako at isasara na sana ang pinto ng may tumulak nito kaya napa-atras ako at matalim na tiningnan ito. Nakahawak siya sa hamba ng pinto at sa tuhod nito habang hinahabol ang kanyang hininga, binuksan ko ng tuluyan ang pinto at nakapamiwang na siya ay tiningnan.
“What are you and those two doing here?” tumayo naman ito ng maayos at ngumiti pero nawala ng magtama ang mata namin, bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso at tumayo ng maayos. Anong nangyari sa kanya? Yung ngiti niya kanina, alam ko na ang ngiti niyang yun ay dahil iisa lang ang ibig sabihin non. Tiningnan ko lang siya para hintayin ang sagot pero wala nakatitig rin sa akin, staring contest ba ang ganap ngayon?
“Who are you? Where is my sister?” napataas ang kilay ko sa itinanong niya, may pa-english pa ito ngayon, at ano? Where is my sister? Ako lang naman ang sister niya diba? Mayroon pa ba maliban sa akin? Wala naman sa pagkakaalam ko, napa-crossarms ako at tininganan siya sa paraan na makikilala niya ako. Sana naman makilala niya ako, this brother of mine rarely observe me because he stays in his bedroom all day.
“Ate! Ate! Who is this human?” sigaw niya at nilagpasan ako, here I am standing near the door dumbfounded with the word he said and actions he did. Huwag niyang sabihin kahit boses ko hindi niya nakilala? Ano boses lalaki na ba ako? Nagsisigaw pa rin siya at umupo sa sofa kung nasaan ang dalawa, kahit pa mawalan ka ng boses Ian hindi mo ako makikita na mahaba ang buhok.
Sinara ko na lang ang pinto at hindi na nagsalita na pumunta sa gawi nila, napatahimik ang kambal ng tiningnan ko lang sila. Hindi ko sila pinansin at umupo sa single sofa na nasa harapan ng kanilang kinauupuan, ngayon tahimik na ang buong kuwarto at sila naman ay nakayuko habang pinaglalaruan ang kanikanilang daliri. Nakatitig pa rin sa akin si Ian na parang anytime susuntokin niya ang mukha ko, may umaway ba sa kanya?
“Where did you hide my sister?” galit nitong tanong, kumunot ang noo ko sa inaasta niya ngayon. Napangise ako at napailing-iling, baka nagbibinatana ang kapatid kong ito kaya ang weird niya ngayon. Napatayo ako at napaiwas sa kamao niyang dadapo sana sa mukha ko, gulat ko siyang tiningnan. What the?
“What is your problem‽”
“You, you are my problem! Where is my sister‽” tanong niya pero mas galit na ang tono at malapit na siyang sumigaw, seryoso ko na siyang tiningnan pero bago ko siya sagutin ay tiningnan ko ang kambal na ngayon ay malapit ng umiyak dahil sa pinapakita ng kanilang kuya.
“Babies, close your eyes and think of a food you want to eat for dessert.” Malambing kong saad habang nakatingin sa kanilang mga mata, tumango-tango naman sila at gamit ang kanilang maliliit na kamaya ay tinakpan nila ang kanilang mata. Ibinalik ko ang tingin kay Ian, galit pa rin ang tingin sa akin.
“Who are you!” sigaw niya sa mukha ko na siyang ikinagalit ko, ganito ba siya makitungo sa mga tao? Kung may bisita ako at ito ang nakabukas sa kanya baka ito ang ipakita niya, kailangan ko itong pagsabihan dahil parang nakalimutan niya ang sinabi ko sa kanya dati.
Mas lumapit ako sa kanya at tinangkang hawakan ang balikat niya ng itapat niya ang kamao niya sa mukha ko, hinawakan ko ang kamao niya at ibinaba. Pilit niyang kunin ang kamay niya pero hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko dito, ang hina ng strength niya, ayan kasi hindi sumasama sa akin pag-inaaya ko siyang mag gym.
“I said, who are you!”
“Ian Keith Bellor, who said that you can rise your voice at me?” seryoso kong tanong, tiningnan ko siya at ngumiti.
“Hmm…little brother.” nakangiti kong saad at pinasayaw ang magkabila kong kilay, naibaba niya ang kanyang kamay at gulat akong tiningnan. Bigla siyang namutla kaya agadagad ko siyang hinawakan sa balikat ng mawalan siya ng balanse, may sakit ba siya?
“Okay ka lang?” tumango lang siya at humalik sa pisnge ko, napangiti ako at ginulo na lang ang buhok niya at pinaupo sa tabi ng kambal. Kahit hindi magsabi si Ian ng sorry ay halik ang gagawin niya, bumalik ako sa upuan ko at serious face ulit dahil may tanong pa ako na importante.
“Answer me. Why are you here?” tanong ko kaya iniangat ni Ian ang kanyang ulo at tumingin ng deretso sa mata ko, tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang sagot niya. Napaiwas siya at nakita ko kung paano niya dilaan ang kanyang labi at lumunok ng ilang besses, mayroon ba siyang kasalanan?
Nilipat ko naman ang tingin ko sa kambal, they did something and I don’t know what because looking at their outfits, it’s not helping me know what they did. Nakapangbahay lang sila at naka tsinelas, pumunta ba sila ng ganyan lang ang suot? Wait… malamang nakarating nga sila at ganyang ang damit, napa eye roll na lang ako sa sarili kong tanong, I crossed my arms and observed them.
They arrived here so late at night, ten o’clock to be exact wearing those pajamas.
“Ate,” tawag pansin ni Ian sa akin kaya tiningnan ko siya, mahabnag katahimikan muna ang nangyari ulit bago siya nagsalita.
“Hindi kasi makatulog ang dalawa dahil hinahanap ka nila, I and nanny did our best to make this two sleep but it didn’t work.” Paliwanag niya at yumuko, nilingon ko ang kambal na ngayon ay tumingin sa akin pero napa iwas agad ng magtama ang mata namin. Nalaman rin nila na ako ang ate nila, kanina pa ako tanong nang tanong pero tiningnan lang ba naman tapos nagbubulungan pa ng kung ano.
“Ash, Raze,” tawag ko sa dalawa, tumingin naman sila sa akin at tumayo.
“Is it true?” tanong ko, mayamaya lang ay umiiyak silang tumakbo patungo sa akin at niyakap ako.
“I miss you ate, I miss you.” Sabay nilang iyak habang nakayakap si Ash sa tiyan ko at si Raze naman ay sa leeg ko, sinilip ko naman si Ian pero nakangiti lang siyang tumango kaya niyakap ko na lang ang dalawa. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakadalaw sa bahay, it’s good that they came.
“I miss you two, my sweet, stubborn little brothers. Now stop crying.” I said as I lean backward to look at their faces, ngayon ay pinupunasan na nila ang kanilang mukha at pasinghot-singhot pa ng kanikanilang sipon.
I pat their heads and later on kissed them on their foreheads, they really are crybabies and that’s what I like, expressing their feelings. That made me know what they want and taking care of them is much easier, I hope they continue to show their feelings towards me.
“Have you eaten already?” tanong ko at tiningnan si Ian, binuhat ko si Ash at pinaupo sa lap ko. Mahina akong napatawa ng pilit rin umaakyat si Raze sa kandungan ko, binuhat ko na rin siya at pinaupo sa kanang banda ng kandungan ko. Hindi naman masikip ang sofa dahil kasyang-kasya kami, naibalik ko ang tingin ko kay Ian ng sumagot ito.
“I didn’t have the chance to eat ate.” Sagot niya at nagkamot sa kanyang batok,
“And why is that?”
“I just arrived that time when they rushed to the car I used, sinabihan ko silang pumasok muna pero pasaway talaga ang dalawang yan kaya hindi na ako tumangi ng sabihin nilang puntahan ka dito. Luckily I still remember the address you said, hindi mo lang man isinulat o text mabuti nga at matalas ang memory ko.” Proud niyang saad habang nakangiti sa akin, napailing na lang ako at ngumiti na rin.
“Then that means these two didn’t eat as well?” sabi ko at tiningnan ang dalawa, umiling naman sila at nagsalita,
“We ate some food ate, I have eaten turon with orang--” saad ni Ash pero naputol ito ng sumabat na agad si Raze.
“It was super masarap ate, Yaya Drea is nice.” May pagka-conyo nitong saad, napatawa ako doon at pinisil ang pisnge niya. Yaya Drea, baka bagong nanny ng kambal na ito. I wish I can visit home para naman makilala ko ang bago nilang nanny, mom started to hire one nung mapansin niyang hindi niya kayang wala ako sa bahay.
I was always with her kasi simula ng ipanganak niya ang kambal, they were thankful of having me kasi blessing daw ako sa kanila. I don't know pero nung sinabi nila yun para akong naginhawa pero may kirot rin sa puso, I just gave them a smile every time they thank me. Thinking of them bigla ko na lang sila na miss, kailan kaya sila uuwi? Ibinalik ko ang sarili ko sa realidad at nakangiting nagsalita,
“It’s delicious Baby Raze, English of masarap is delicious. You say it,” nakawak pa rin ako sa mukha niya, inosente naman siyang tumingin sa akin at kumapit sa baba niya na parang iniisip kung paano niya ito sasabihin. Ilang sandali lang ay lumaki ang mata niya at nakangiting ibinigkas ang salita.
“Delios, delios!” masaya niyang bigkas at pumalakpak pa, wala na pinuno ko na lang ang kanyang mukha ng halik. Nagulat ako ng biglang umiyak si Raze kaya agad akong tumigil at tiningnan siya, nakahawak ito sa kanyang ulo habang nakatinggala kaya tiningnan ko rin ang kisame pero wala akong nakita doon.
“Ash smacked him, ate. Anyway may pagkain ka ba sa kusina? Gutom na ako eh.” Napalingon ako kay Ian at nilingon si Ash na ngayon ay nakabusangot ang mukha habang naka-cross arms,
“May natitira pang hotdog sa lamesa,” saad ko habang pinapatahan si Raze sa kakaiyak, selos na ata ang baby Ash ko. This is the problem sometimes, if you do something to his twin then you don’t do it to him he’ll punch his twin. Ewan ko, embes na ako ang suntokin niya eh ang kambal niya ang kanyang binatukan.
“Ate! Walang hotdog dito!” narinig kong sigaw ni Ian kaya agad akong napatayo leaving Ash on the sofa alone, nakalimutan ko na leftover pala ng KFC ang ulam ko. Buhat-buhat ko si Raze sa bisig ko na kakatahan lang, nilingon ko si Ash ng hindi pa siya tumayo para sumama sa akin.
Lumapit ako at hinawakan siya sa kanyang ulo, sinilip ko ang mukha niya that made me make a sad face. Nangingilid na ang luha niya pero galit pa rin siyang tumitig sa sahig, marahan kong hinalikan ang mata niya kaya ayun tumulo na nga. Ang kyut niya mag-tampo, it's my baby brother anyway, natural na yan sa pamilyang Bellor, ganda ng lahi ni dad.
“Let’s eat, baby Ash. I’ll feed you, you miss that right?” mahina kong tanong, tumango naman siya at pinunasan ang mata niya. Tumayo na ako kaya bumaba na rin siya sa pagkakaupo, I reached his hand that he gladly hold on to it. Naglakad na kami papunta sa kusina at nadatnan namin si Ian na busy kakatingin sa ref, pinaupo ko na ang dalawa sa stool.
“Behave if you don’t want to fall.” Sabi ko na kanilang tinanguan, lumapit ako sa gawi ni Ian na nasa harapan lang ng ref.
“Ate, bakit ang liit ng laman nito? Hindi ka ba nag-grocery?”
“Bukas pa ang schedule ng grocery kaya ganyan iyan,” paliwanag ko at kinuha ang nuggets sa freezer, hindi nagtagal ay natunaw na ang ice kaya nilagay ko na ito sa maiinit na mantika. It’s good that I still have leftover food, dahil kung kinain ko ito kanina baka kailangan naming lumabas para bumili.
Hindi kami maka-order online dahil ten na at hindi pinapapasok ang delivery man, ang strict ng manager dito and I asked her why? And what she said were scary…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro