Chapter 9: Bullet Meets Ex
Fresia was right. Simula nang matikman ng tatlo ang luto ni Bullet, madalas nang makikain ang mga ito sa apartment niya. Tuloy, dumarami ang groceries na binibili niya kasi dapat palaging good for four, at least.
Mabuti na nga lamang at hindi palaging nagsasabay-sabay ang tatlo. May mga araw na si isa o dalawa lamang sa mga kaibigan niya ang nagpupunta.
Since Bullet is somewhere else during the weekends, nagpapaluto na siya rito ng ulam na aabot sa kanya hanggang linggo. For the past two weeks, adobo ang natipuhan nitong lutuin. And on the first week, naubos ni Mona ang ulam niya noong Sabado pa lang. Hindi kasi alam ng mga kaibigan niya na umuuwi si Bullet ng Pampanga tuwing weekends. The only upside to that was Mona got to treat her to a nice restaurant. Doon na rin nila pinag-usapan kung ano ang plano niya sa kasal ni Izzy.
Her cousin insisted that she attend the wedding. Para raw kapag nagka-problema ang damit nito ay nandoon siya para mag-ayos. Her aunt couldn't come dahil nasa Spain ito for a month. Sinadya nitong umalis dahil ayaw nitong makita ang mga kamag-anak nila. Nakakapagod daw kasing makipag-plastikan sa mga ito.
She didn't want to attend, either, pero pinapauwi siya ng mga magulang. Ang masama pa, inaasahan ng mga itong pupunta siya kasama si Richard. Alam ng mga ito na hiwalay na silang dalawa, pero as usual, they don't care. Gusto kasi ng mga ito si Richard. Nang maghiwalay silang dalawa, sa kanya pa nagalit ang mga magulang. Wala na raw siyang nagawang tama sa buhay niya.
Pakiramdam niya ay mas gusto ng mga ito si Richard kesa sa kanya. That made her angrier. Simula pa noon, minamaliit na siya ng mga ito. Si Fiona ang palaging binibigyan ng atensyon. Si Fiona ang palaging ipinagmamalaki.
It hurt her, but she was able to shrug it off because there's a downside to being the favorite daughter. Nasa kapatid din niya ang pressure. Fiona had to be the best because she was expected to be the best. Bata pa lamang siya ay ibinaba na niya ang sarili para hindi mag-expect sa kanya ang mga magulang.
When Fiona died, she thought that they were more disappointed than sad. Imagine, ilang taon ding ibinigay ng mga ito ang lahat sa kapatid niya tapos sa isang iglap, nasayang ang lahat.
--
Paborito na niya ang Lunes. Lalo na ang Lunes ng gabi. Sure, it's the start of another grueling weekend, but she loves her job so that doesn't count. Saka tuwing Lunes, may dalang pagkain si Bullet. Morcon ang dala nitong ulam noong pumunta ito sa apartment niya. May dala rin itong apat na liyanera ng leche flan para raw sa kanilang magkakaibigan. But she intends to keep the three for herself. Share-share na lang sina Mona sa isa. Hindi naman alam ng mga ito na maraming dalang ganoon si Bullet.
He also brought a change of clothes. Doon na raw ito manggagaling dahil mas malapit siya sa bahay ng kliyente nito. She couldn't complain because there's food.
Habang siya ay naghanda ng pagkain sa mesa ay dumiretso naman si Bullet sa couch para matulog. It's not even eight yet, pero mukhang pagod na pagod na ito. Kumuha siya ng kanin at morcon saka ito pinuntahan sa sala. Lumupagi siya sa carpet at doon kumain.
"Why don't you just come here every Sunday night?" tanong niya rito.
"Five days lang kasi ang usapan natin."
"E, 'di gawin nating six days," kaswal niyang sabi.
Kumunot ang noo nito. "Bakit parang bigla kang bumait ngayon? Epekto ba ng morcon 'yan?"
Kung tutuusin, siya nga itong nang-aabuso. Minsan, si Bullet pa ang namimili ng lulutuin nito sa gabi. Ipinagluluto pa nito sina Aika kapag pumupunta ang mga ito sa apartment niya. Tapos ay naglilinis din ito bago umalis.
"I'm not being nice. Dito ka na lang tuwing Sunday night para masarap ang pagkain ko."
Natawa ito. "You're unbelievable."
"Okay lang naman kung ayaw mo. I'm just suggesting. Ako rin naman ang makikinabang, e."
Good food is hard to come by, lalo na kapag mag-isa ka. Madalas siyang mag-noodles tuwing gabi dahil hindi siya marunong magluto. Magastos naman kung palagi siyang magpapa-deliver ng pagkain. Tamad pa naman siyang lumabas ng bahay tuwing gabi.
Kapag pupunta sina Mona sa apartment niya, either may dalang pagkain ang mga ito o sila ang magluluto. Dahil kung aasa ang mga ito sa kanya, pancit canton, nilagang/pritong itlog o canned food lang ang maihahain niya.
"All right. If you want to have me here often, then who am I to say no?" he said with a smirk.
"I did not say that."
"You just implied it."
She rolled her eyes. "Whatever." Tumayo siya at dinala ang kinakain sa kusina. Doon na niya tinapos ang hapunan. As usual, nang balikan niya ito ay tulog na tulog na ito sa sala.
Shaking her head, she went in her room to get his blanket. Kinumutan niya ito bago siya maligo.
--
Bullet woke up at around six in the morning. Tulog pa si Fresia nang magising siya. Usually kasi, quarter to eight pa itong nagigising. He quickly brewed coffee and prepared their breakfast. Gustong-gusto ni Fresia ang luto niyang sinangag kaya madalas na ganoon ang niluluto niya tuwing umaga. This time, daing na bangus naman ang ipinareha niya roon.
Pagkatapos niyang magkape at magluto ay agad siyang naligo.
He was in the middle of his bath when he heard a knock on the door. Hinayaan lamang niya iyon, thinking that Fresia will hear it too. But the knocking didn't stop.
Bumuntong-hininga siya, kinuha ang tuwalyang dala niya at saka iyon ibinalot sa sarili. Tumigil muna siya sa tapat ng kwarto ni Fresia, nagbabaka-sakaling magigising ito. Nang hindi pa rin ay siya na ang nagbukas ng pinto.
He saw a man standing outside. Sa paanan nito ay may dalawang cups ng kape at isang plastic ng pagkain. Mukhang almusal iyon. May hawak-hawak itong isang pumpon ng mga bulaklak.
He frowned. Hindi naman ito mukhang Chinese, pero bakit parang napakaaga naman yata nito kung umakyat ng ligaw? It's just past seven.
"Who the hell are you?!"
Hindi niya nagustuhan ang tono ng pagtatanong nito.
"Who the hell are you?" pabalik niyang tanong.
"Where's Fresia?" Sinilip nito ang likuran niya. "Fresia!"
Akmang papasok ito nang iharang niya ang braso sa pintuan. "She's asleep. Napuyat sya kagabi."
He didn't mean to make it sound like something happened to them, but this guy just gets on his nerves! Madalas mapuyat si Fresia dahil nanunuod ito ng movie o TV shows hanggang madaling-araw. Nalaman niya iyon dahil ilang beses na rin siyang nagising dahil sa ingay ng TV. Pero hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili sa lalaki. Let him think whatever he wants to think.
Tiningnan siya nito ng masama. That statement, plus him almost naked except for the towel wrapped around his waist painted a really graphic picture of things that didn't happen last night.
Kahit mas maliit sa kanya ang lalaki ay nagawa pa rin nitong itulak siya nang malakas. Napatabi siya habang ito naman ay dire-diretsong pumasok sa apartment. He pounded on Fresia's bedroom door.
Aawatin sana niya ang lalaki nang marinig niya ang malakas na pagmumura ni Fresia mula sa loob.
Natigilan sila pare-pareho nang bumukas ang pinto. Namutla si Fresia nang makita ang lalaki. Sila namang dalawa ay napamaang nang makita ang suot nito.
She's wearing a big white shirt with the hem barely covering her thighs. And by the looks of it, she's not wearing a bra. Hindi niya akalaing ganoon ang hitsura nito kapag nasa loob ng kwarto. Palagi kasing disente ang pananamit nito kapag nagpapang-abot sila sa kusina.
The three of them were all caught off-guard.
"What is the meaning of this, Fresia?" tiim-bagang na tanong ng lalaki. He pointed at him. "So it didn't take you long to replace me, huh? Kabi-break lang natin, may ibang lalaki ka na agad na ikinakama?!"
Fresia couldn't speak. Hindi ito kagaya ng babaeng nakilala niya almost three weeks ago. She was shocked. She looked vulnerable and scared.
Hinawakan niya sa balikat ang lalaki. "Pare—"
He didn't even manage to say what he wants to say. Umamba na ito agad ng suntok. Tinamaan siya sa pisngi. Napasandal siya sa pader dahil sa impact ng suntok nito. Ang lalaki naman ay galit na umalis ng apartment. He even kicked the new coffee table hard before leaving. Too bad he didn't break his foot.
Fresia was still frozen in place. Nilapitan niya ito at hinawakan sa tigkabilang braso.
"Hey... are you okay?"
Wala sa sarili itong tumango.
"Who's that?"
"Ex ko," mahina nitong sagot.
--
Fresia felt like she was just slapped. She gave Richard a week to come back. Nang hindi man lang siya nito tinawagan ay inisip niyang hindi na talaga ito babalik. So imagine her surprise when she saw him in her apartment, a few weeks later!
She was too shocked to feel anything, but when he left, it finally sank in.
But why did he come back? Why now?
"Sit down," utos ni Bullet sa kanya.
Inalalayan siya nitong umupo sa gilid ng kama niya.
"Are you really okay?"
Is she okay? She doesn't know. Maybe if she was prepared.... kung nagsabi man lang si Richard na pupuntahan siya nito, baka ngayon, nag-uusok na naman ang ilong niya sa galit. Because anger is a given. She expects herself to always feel that way towards Richard.
"Mabuti pa siguro, kumain ka na lang. Luto na 'yong almusal mo," nakangiting sabi sa kanya ni Bullet.
That's when realization kicked in.
He's in her room, hair's still wet and with only a towel wrapped around his waist.
He's in her room! She's not decent!
Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang suot niya.
"Get out of my room!" bulyaw niya rito.
"Fresia, I was just—"
"OUT!"
Itinulak niya ito palabas at saka niya muling ini-lock ang pinto. Sa sobrang kahihiyan niya ay saka lang siya lumabas nang magpaalam na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro