Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Intruders

Tuwang-tuwa si Fresia sa lasagna na dala ni Bullet. Manghang-mangha itong nakapanuod sa kanya nang makalahati niya ang laman ng tray. She just couldn't stop eating! Mabuti na nga lamang at hindi siya mabilis tumaba. Safe pa naman ang waistline niya kahit manakit-nakit ang tiyan niya pagkatapos kumain.

"Nahiya ka pa. Hindi mo pa inubos," kumento nito.

Since she was in a fantastically good mood, pinalampas na niya ang pang-aalaska nito.

"I hope you're that good," sabi niya rito.

"Sorry to disappoint you, but no one can rival my grandma. She's the best. Pero masarap din naman akong magluto."

"Lahat kayo sa pamilya, marunong magluto?"

Tumango ito. "We have a restaurant in Pampanga. Sina lola ang nagma-manage. Si mama sana ang magti-takeover kaso..."

Kaso namatay agad ang mommy nito.

"Kapampangan ka pala?" pag-iiba niya ng topic.

"Yep."

"Really? Hindi halata." He looks more like a city boy, born and raised somewhere in Manila. "Magsabi ka nga ng Kapampangan."

"Ot nakang katako? Nakang kalati pero kung makapangan ka balamu metung kang banwang pedanupan."

"What does it mean?"

Ngumiti ito. "Wala... sabi ko ang ganda mo."

"Weh. Ang haba-haba ng sinabi mo, e."

Tumawa ito. "'Yon nga 'yong sinabi ko. It's up to you kung maniniwala ka o hindi."

Ngumuso siya. Alam niyang hindi iyon ang ibig nitong sabihin. The glint in his eyes gave him away. Baka mamaya ay nilalait na pala siya nito nang hindi niya alam. Wala pa naman siyang kaibigang Kapampangan. I-Google kaya niya?

Just let it go, Fresia, she told herself.

She put the rest of the lasagna inside the fridge. Kumuha siya ng damit na pamalit at saka naligo. He was watching TV when she got out of the shower. At home na at home talaga ito sa apartment niya. Nakataas na naman ang paa.

"Bakit hindi ka pa matulog?" tanong niya sabay palis ng mga paa nito.

"Kaiinom ko lang ng kape, e."

She sat next to him and took the remote. Hindi nagreklamo si Bullet nang ilipat niya ang channel. May marathon ng bridal shows sa isang cable channel. Inaabangan niya iyon simula last week pa.

"That will definitely put me to sleep," sabi nito sabay pagulong ng mata.

"My house, my channels."

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Sabi ko nga."

--

Dalawang oras din siyang nanuod at dalawang oras nagtiis si Bullet sa mga reaksyon niya. She's emotional when watching those shows. Kaya nga niya nagustuhan ang pagdidisenyo ng mga damit pangkasal. Iba kasi ang pakiramdam niya.

Dahil na rin siguro iyon sa impluwensya ng tiyahin niyang malakas ang hilig sa kasal. Frustration kasi nito iyon dahil tumanda itong dalaga. Does that mean that she'll end up that way too?

She already eliminated the best possible candidate to be her husband. Hindi talaga niya nagawang mahalin si Richard. She tried, but what's the use of being in a relationship if you'll just try? Shouldn't loving someone come naturally?

She even did it with him, once. Naisip niya noon na baka kapag compatible in bed sila, magustuhan na rin niya ito. That maybe that carnal need will soon develop into love. Kaso wala... Richard couldn't satisfy her.

Aika told her that it must take the right person to make her feel something, something different and magical. It bacame clear to her then that Richard wasn't the one.

Could it be this guy?

Tiningnan niya si Bullet. Nagpupungas na ito ng mata, mukhang antok na antok na.

She turned the TV off. Kumuha siya ng kumot sa kwarto at saka ibinigay dito. Nagpasalamat ito sa kanya at saka nahiga. He's lucky her couch was big enough for him.

--

May pakpak ang balita pero sa kanilang magkakaibigan, ang balita ay kasingbilis ng speed of light kung makaikot sa kanila. Aika must have told Brandi and Mona about Bullet right after she told her not to. Sinurpresa siya ng mga ito kinabukasan. She was just finishing up at the boutique when her friends barged in.

"Kapag regular na lakad, ang hirap nyong hagilapin. Kapag lalaki, kahit hindi planado, go kayo. Ang tindi nyo rin, e!"

Humalakhak si Mona. "Gano'n talaga, friend. Nakakaumay ka rin naman kasi minsan. At least ngayon, may bago kaming titingnan."

Brandi agreed. "Don't worry, if he's not as hot as we expect him to be, hinding-hindi ka na namin dadalawin sa apartment mo."

"I hate you!"

"He's hot. Papatulugin ba naman ni Fresia 'yon sa apartment nya kung hindi?" sabi naman ni Aika.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Gano'n agad? Hindi ba pwedeng naawa muna ako do'n sa tao?"

"Pity didn't let him in. His looks did."

She wouldn't admit that it's one of the deciding factors. Para naman kasing ang babaw niya kung ganoon ang dahilan niya. Naawa naman talaga siya rito. And as it turns out, masarap pa itong magluto.

Halos nasimot niya lahat ng butil ng kanin sa fried rice na niluto nito kaninang umaga. The best din ang kasahog noong tapa. At kahit itlog, malasang-malasa!

Nauna pang sumakay sa kotse niya ang tatlo. Mona sat on the passenger's seat while aika and Brandi took the backseat. Wala siyang nagawa kundi isama sa apartment ang tatlo. She's outnumbered!

She had a feeling that Bullet was already there when they arrived. Sa pintuan pa lamang ay amoy na niya ang bango ng kung anumang niluluto nito.

She called him while they were on the way. Binalaan na niya ito na darating ang mga kaibigan niya. Sinabihan na rin niya itong palampasin na lamang ang pang-iintriga ng mga ito. He was cool with it and even offered to cook dinner for the three.

Tatanggi sana siya kaso ang lakas ng pandinig ni Mona pagdating sa pagkain. Inanusyo nito sa dalawang nasa likod na magluluto ng hapunan si Bullet. Kapag nasarapan ang tatlo sa luto nito, baka sa apartment na niya maghapunan ang mga ito araw-araw.

That's fine with her, as long as aambag ang mga ito sa pang-grocery niya. But knowing her friends, they probably won't.

"Be nice, okay?" sabi niya sa tatlo. "And don't ask inappropriate questions."

"Oo na! Buksan mo na 'yong pinto!" pangmamadali ni Brandi.

She exhaled and opened the door.

Sumilip si Bullet mula sa kusina. Ngumiti ito nang makita sila.

"I'm almost done," sabi nito.

Nakaramdam siya ng ilang kurot sa braso. Nang lingunin niya ang mga kaibigan ay nakakagat-labi si Mona at mukhang nagpipigil naman ng kilig si Brandi. Aika was grinning widely.

Great. This is going to be a long night!

--

Bullet was very accommodating. Isa-isa pa nitong ipinaghila ng upuan ang mga kaibigan niya. But that was probably because when he did that to Aika, the other two remained standing until they got the same treatment.

Pinaupo na rin siya nito habang ito ang abala sa paghahain sa hapag.

He cooked chicken adobo. Isang malaking bowl noon ang inilagay nito sa lamesa. Agad na kumuha ng pagkain si Mona pagkalagay ni Bullet ng kanin.

Dahil apat lamang ang upuan niya sa dining area ay tumayo na lang si Bullet sa may kitchen sink at doon kumain. Not wanting him to feel left out, Brandi and Aika dragged a single seater from the living room. Pinatungan pa iyon ng dalawa ng maraming throw pillows para maging kasingtaas ng upuan niya sa kainan.

"Ayan! Problem solved!" nakangiting sabi ni Brandi.

"My god! This is the best adobo ever!" kumento ni Mona na noon ay nakakakalahati na.

Bullet grinned. "Thanks. My lola would be pleased. Timpla nya kasi 'yan, e."

"Lola's boy ka?" Aika asked.

Bullet simply nodded and said, "I guess you could say that."

Tinapik ni Brandi ang kamay ni Mona nang akmang dadamak ito ng kanin. "Girl, ang diet mo!"

"One week pa lang naman akong nagda-diet!" reklamo ni Mona sa kaibigan.

"E, pa'no kasi... linggo-linggo mo ring sinisira 'yang diet mo!"

Napasapo siya. "Guys, can't you eat quietly? Nasisira ang appetite ko sa inyo!"

Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang apat na kasalo.

"May nakakasira pala sa appetite mo?" taas-kilay na tanong ni Bullet.

"So... he knows!" Brandi looked amazed. "Hindi ka na-turn off sa katakawan nya?"

Tumawa lang si Bullet. "Hindi naman. Na-shock lang. Kinalahati nya agad 'yong dala kong lasagna kagabi, e." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Mas malaki pa pala syang kumain kesa sa 'kin."

"Kapag nag-tag team 'yang sina Mona at Fresia, for sure, malilimas ang kusina ng kahit sino."

"The only difference between the two," Brandi added, "is that Fresia has a blackhole inside her. Si Mona mahal na mahal masyado ang mga kinakain nya. Hindi sya maka-let go. Kaya ayan."

Siguro kung hindi siya sanay sa ganoong biro ni Brandi, maawa siya kay Mona. Noong una, medyo nao-offend pa si Mona kapag pinupuna ni Brandi ang timbang nito. Brandi's tactless. She tells things the way she sees them. Nang lumipas ang panahon, pasok sa kaliwang tenga at labas na lang sa kabila ang mga sinasabi nito. Sanayan na rin siguro.

--

The dinner took a while. Lahat na yata ng pwedeng itanong kay Bullet ay naitanong na ng mga kaibigan niya. Kung hindi pa siguro nagtanong ang mga ito ay hindi niya malalaman kung bakit Bullet ang pangalan ni Bullet.

Kwento nito, mahilig daw mangolekta ang daddy nito ng mga bala mula sa iba't ibang baril na nagamit nito. His father died when he was still inside his mother's womb. In memory of his father, his mom named him Bullet.

Nalaman din niyang nagka-girlfriend na ito dati. Her name was Leila and she died from breast cancer. He told them that he didn't know until it was too late because Leila didn't tell him.

Siguro iyon ang dahilan kaya napansin niyang bigla itong lumungkot nang may nasabi si Cyrus. Maybe he still gets sad about it. She knows the feeling because she still gets sad about her sister's suicide.

At least, with Leila, alam kung ano ang problema. Pwede itong magamot. 'Yon nga lang, pinili rin nito iyong itago. Maybe it's for Bullet's sake. He already lost his mother to cancer. Maybe Leila didn't want to give him any more pain.

But with Fiona, nobody had a clue. Hindi nila alam ang problema kaya hindi rin nila iyon nasolusyunan. Maybe it was sadness. Maybe it was heartache. Nobody knew and nobody will ever know. Pakiramdam niya ay hindi nila mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya dahil doon.

--

"Ot nakang katako? Nakang kalati pero kung makapangan ka balamu metung kang banwang pedanupan."Bakit ang takaw mo? Ang liit-liit mo pero kung makalamon ka, akala mo isang taon kang ginutom.

--

Thanks, Nicole and anneboleyn673,  for the translations!  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro