Chapter 40: Hello, Goodbye
Fresia was speechless for a while. Nanlamig ang buong katawan niya. Natakot at nahiya sa sarili. She was ashamed because she now knows how stupid she was for pushing Bullet away without hearing his side of the story first.
Mona was right. It's not the absolute truth. She should have known better. She should have listened. Pero pinairal niya ang galit.
"I-It wasn't his fault..." nangangatal niyang sabi. "Oh god! What did I do?!"
Her mom held her hand and said, "There's still a chance, anak."
Despite the turmoil building up inside her, she froze when she heard that term. Matagal na panahon na rin niya iyong hindi narinig mula sa ina. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung dati siguro ay baka binara na niya ito. But now, all she could do was stand there and stare at her mother like an idiot.
Tumayo ito at inalalayan siya papunta sa guest room.
"Magpahinga ka muna. You'll need your strength tomorrow."
"Ma..."
Hinawakan siya nito sa pisngi. "Get some sleep, okay?"
Her mother took the diary that she was still holding. Isasarado na sana nito ang pintuan nang kumapit siya sa braso nito.
"Will you stay with me, please?" she pleaded. "Kahit ngayon lang, Ma."
Kita niya ang pag-aalangan sa mukha nito. It's not that her mother doesn't want to. It's just that... siguro kasi never naman silang naging close. So this is new to both of them. And it's definitely awkward.
But her mom said okay anyway.
Tinabihan siya nito sa kama. Her mother was sitting up. Nakasandal ito sa headboard habang siya naman ay nakapatong ang ulo sa kandungan nito. Yumakap siya sa bewang ng ina. Hinagod nito ang buhok niya.
"I should call him," she told her mother.
"You should rest first. You've been through a lot."
Kinusot niya ang mata. Nangangati na iyon dahil sa kaiiyak niya. "Sana nakinig muna ako sa kanya..."
"Yes, you should have. You shouldn't have let your emotions get the best of you," pagsang-ayon nito. "But you were angry because you love him. You trusted him. At hindi mo matanggap na nagawa niya iyon sa kapatid mo, na mahal mo rin. That's understandable."
Tiningala niya ito. "Nagalit ka rin ba sa kanya?"
"Noong una. I was angry at him because I thought that he took Fiona away and that he was trying to steal you too. Tapos... nalaman ko kaninang wala pala syang kasalanan sa nangyari sa kapatid mo."
"But you still like Richard better, huh?"
Tumango ito. "Of course I do," pag-amin nito. "If I could adopt Richard, I would. But you love Bullet and because you're stubborn, I know that you would never listen to me."
"I won't," she replied truthfully.
Ngumiti ito. "I'm glad that he made your sister happy, even for a short while. At matutuwa ako kung magkakaayos kayo. I want you to be happy."
Hinalikan nito ang tuktok niya.
"You know... this is weirding me out," she told her mother. "You're like a different person now."
Tumawa ito nang mahina. "I didn't change. You just see me now in a different light."
Bumangon siya at sumandal sa tabi nito. "Ma, Richard told me something..."
"What?"
She bit her lip, suddenly unsure if she should tell her mother what she knows. Nakakahiya kasi. But this is part of healing, treating the ugly wound. Lulubusin na rin niya, tutal ay medyo maayos na silang mag-ina.
"He told me about the greeting cards."
Natigilan ito. Tapos nang makabawi ay nag-iwas ito ng tingin. "Oh..."
"Can I see them?"
"Sure... but not tonight. Magpahinga ka muna," her mother insisted.
Pinahiga siya nitong muli at hinagod nang hinagod ang buhok hanggang sa antukin siya. She was tired of crying. She was tired of hurting. Bumuga siya ng hangin, kasabay ang pagpapaubaya ng katawan sa antok. She will rest for now. Bukas ay kakausapin niya si Bullet, hihingi siya ng tawad at makikipag-ayos dito.
--
She must have been really, really tired. Plano sana niyang gumising nang maaga para makasalo sa agahan ang mga magulang pero tinanghali siya ng gising. Ang katulong na lamang ang naabutan niya sa bahay. Nakapasok na sa trabaho ang parents niya.
Iniinit ng katulong ang lutong sinigang at kanin. Alam niyang tanghali na, pero fried rice pa rin ang hinahanap ng tiyan niya.
"Luto ni Ma'am 'yan," sabi sa kanya ng katulong. Inilapit nito ang isang bowl ng sinigang sa kanya. "Nirimedyuhan ko lang kasi... hindi masyadong masarap."
Kinuha niya ang kutsara at tinikman ang sinigang. It wasn't that bad. Narimedyuhan na kasi. Halos mangiyak-ngiyak siya habang kumakain. Unang beses siyang ipinagluto ng ina mula noong nawala ang kapatid niya.
She easily finished the whole bowl. Hindi siya masyadong nagkanin kaya siguradong hindi siya nabusog, pero pakiramdam niya ay busog na busog siya sa pagmamahal. Iba talaga kapag ramdam mong mahal ka ng magulang mo. Nakakataba ng puso.
Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang tinawagan si Bullet. Parang naging mabigat na bricks sa tiyan ang kinain niya nang hindi ito sumagot. She didn't know if he's busy or if he's just ignoring her calls.
Naligo muna siya, nag-ayos, bago tinawagan ang kaibigang si Mona. She might know something. Sana. Alam naman niyang hindi kauusapin ng mga kaibigan niya si Bullet hanggang hindi pa sila okay. But maybe Felix and Mickey know something and they happened to share it with them.
And she was right. Mona knows something. Hindi nga lamang niya inaasahan kung ano iyon.
"He didn't tell you?" Mona asked.
"Ni hindi sumasagot ng tawag e. Bakit? May nangyari ba?"
"Nasa ospital ang lola nya," sagot nito. "Kagabi pa nando'n si Bullet kasama nina Mickey."
Her heart sank. Lalo siyang nakonsensya sa pang-iiwan niya rito. He was dealing with so much right now. Ang lola na lamang nito ang natitira nitong pamilya. Lola Dolores was old. Mahina na rin ang katawan nito. Bullet must be feeling like hell right now.
After the call, mommy naman niya ang tinawagan niya. Nagpaalam siyang pupunta sa Pampanga para puntahan ang lola ni Bullet sa ospital na sinabi ni Mona.
--
Pinuntahan niya si Mona sa bakeshop. Nag-offer kasi ito na sasamahan siya pagpunta ng ospital dahil wala siyang sasakyan at kailangan niya ng moral support. They got to the hospital after a few hours. Naabutan nila si Mickey na kapapasok sa lobby. May dala itong pagkain.
"He hasn't eaten since last night," he told them. Iniabot ito sa kanya ang pagkaing nakalagay sa paper bag. "Gusto mo ikaw na ang magbigay?"
"Baka kasi... baka kasi hindi nya ako kausapin," may pag-aalangan niyang sabi.
Kinuha ni Mickey ang kamay niya at ipinakapit sa paper bag. "He needs you right now."
"He's right," Mona agreed.
Her stomach churned. It's just been days since she last saw him. She ripped the teddy bear open. She left his bullet necklace with it. She hurled hurtful words towards him. Pero ang pinakamalala niyang nagawa ay ang hindi pakikinig at pag-intindi rito. In a way, sinira rin niya ang tiwala nito. He trusted her to understand. She didn't.
"Samahan ka namin hanggang sa pinto." Kumapit sa braso niya si Mona. "Let's go!"
Wala siyang nagawa dahil mahigpit ang kapit sa kanya ng kaibigan. Gusto na rin niyang makita si Bullet. She wants to make sure that he and his grandma are okay.
True to their words, hanggang sa pintuan nga lamang ang dalawa.
"Good luck, Beh," bulong ni Mona.
Huminga siya nang malalim, lumunok, pilit na pinakalma ang naghuhuramentadong puso. This may not be the right time to make things right between them. He needs as much time as the heavens would allow to be with his grandmother. But she wants to make sure that he's okay. Baka naman kailangan nito ng karamay sa katauhan niya.
Bahala na nga.
Binuksan niya ang pinto.
--
Nakita niya kaagad si Bullet. He was sitting on a chair next to the bed where his grandmother lies. Nakayuko ito, hindi niya mawari kung natutulog ito o nagdarasal.
She tried her best not to make any noise. Dahan-dahan ang paghakbang niya, para bang ayaw niyang gambalain ang katahimikan ng paligid. Nang nasa likuran na siya nito ay tinawag niya ang pangalan nito. Bullet must have fallen asleep because he didn't look up.
Inilagay niya ang kamay sa kaliwa nitong balikat.
Bigla itong gumalaw at tumingala. Mapulang-mapula ang mga mata nito, mukhang dahil sa kawalan ng tulog at sa kaiiyak. Her heart went out to him.
"H-Hi..."
Bullet wiped the corner of his eyes and asked, "What are you doing here?"
"Nabalitaan ko kasi 'yong nangyari kay Lola," sagot niya. Kinakabahan siya sa tingin nito. Magkahalong galit at tampo ang nararamdaman niya roon. "A-And... Mickey bought food for you. Hindi ka pa raw kumakain simula kagabi."
Tiningnan nito ang iniaabot niyang paper bag. He took it and placed it on the table next to him. "Thanks."
Naiintindihan naman niya kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Kung nabaliktad ang sitwasyon nilang dalawa, baka mas malala pa rito ang gagawin niya. But it hurts. It really hurts.
She managed to set aside her feelings, though.
"You have to eat," she told him. Kinuha niya ang mga pagkain mula sa brown paper bag, inayos iyon at iniabot kay Bullet. "Ako muna ang magbabantay kay Lola."
"Wala akong gana."
"Bullet..."
"Just leave it there."
Ayaw nitong tanggapin ang pagkain kahit magpumilit siya. So she placed the food back on the table and told him, "Sa labas lang ako kung..." Tumikhim siya. "Sa labas lang ako."
--
"He didn't want to talk to me," she told Mona. Nasa labas sila ng kwarto nina Mickey.
"He was hurting. What did you expect?" Mona retorted. "You were like this a few days ago. Hindi ko nga alam kung ano ang sumapi sa 'yo at nagpunta ka rito."
"I read Fiona's diary," she told her friend. Ikinwento niya sa dalawa kung ano ang mga nakapaloob sa diary ng kapatid niya. That it wasn't entirely Bullet's fault. Kung tutuusin nga ay wala naman talaga itong kasalanan. Fiona already made her decision before she even met him.
"I wanted to tell him everything, pero may ganitong nangyari. I know it will take time for him to be okay enough to listen. Willing naman akong maghintay."
"Actually, he was angry at you for a different reason," singit ni Mickey.
"Ha? Ano naman 'yon?" May iba pa ba siyang nagawa? Baka nalaman ni Bullet 'yong tungkol sa teddy bear? She knew she shouldn't have slashed that poor stuffed toy. Nadala lamang siya ng galit.
"He saw you with Richard last night."
Napamaang siya. Last night? So he went to her apartment?
"Pero nagpasama lang ako kay Richard sa apartment ko kasi sira 'yong sasakyan ko." Na hindi pa rin niya naaasikaso. "Kinuha ko 'yong diary ko."
"Oh... so that's what happened."
"Ang hirap kapag nagku-conclude agad, di ba?" patutsada ni Mona.
May sasabihin pa sana siya nang biglang lumabas si Bullet mula sa kwarto ng lola nito. Diretso itong tumingin sa kanya. "Gusto ka raw kausapin ni Lola," sabi nito.
Tumayo siya. Akala niya ay sasama ito sa loob, pero naglabas ito bigla ng sigarilyo at nagsabi kay Mickey na tawagin ito pagkalabas niya.
Nang pumasok siya sa loob ng kwarto, una niyang napansin ang pagkaing dinala niya sa loob. It was still untouched. Hindi pa si Bullet naghahapunan, agahan, at tanghalian. Kape ito nang kape. At ngayon, naninigarilyo naman. Nagpapakamatay ba ito?
Naiiling siyang lumapit sa matanda. Gising na ito, nakatingin sa kanya. Naupo siya sa tabi ni Lola Dolores, hinawakan ang kamay nito, at nginitian. The old woman smiled back. Hampok na ang mga pisngi nito, ang mga mata'y parang gusto nang pumikit.
"Kumusta na po, Lola?"
"Mabuti naman, Hija," mahina nitong sagot. "Alam mo... hinihintay talaga kita. Mabuti at... nakarating ka."
Mahina ang kapit ng matanda sa kamay niya. Parang wala na itong lakas.
"Oo naman, Lola. Ikaw pa ba ang hindi ko dalawin? Magpagaling po kayo, ha? Ipagluluto nyo pa ho ako ng caldereta."
Tumawa ito. Napaubo. Suminghap. Ramdam niya ang paghihirap nitong makahinga nang maayos.
"Hija... aalagaan mo ang apo ko, ha? Palagi mong.. pakakain. Patulugin mo... nang sapat." Umubo itong muli. "Sabihin mong... huwag nang... manigarilyo. Masama 'yon... sa... k-katawan."
She squeezed the old woman's hand. Pinilit niyang ngumiti kahit gustong-gusto nang tumakas ng mga luha niya.
"Matigas po ang ulo no'n. Sa inyo lang po 'yon makikinig." Bumaling siya palayo sa matanda para magpahid ng luha. Bakit parang naghahabilin na ito? Inihahabilin na ba nito si Bullet sa kanya?
Hindi nito pinansin ang sinabi niya at sa halip ay idinugtong, "Hija... Apo... huwag na huwag mong... iiwan ang batang 'yon ha?"
"Lola..."
Pumikit ang matanda at bumuntong-hininga. "Magpaynawa naku..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro