Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32: A Woman In Love

Fresia was so angry last night, which she knows that many women will understand. Bullet should not have led her on. Sisimulan tapos hindi naman tatapusin? Dahil sa inis niya kagabi ay nasipa niya ito palabas ng kwarto. At dahil doon ay mukhang hindi ito nakatulog nang maayos.

Simula nang magtabi sila sa pagtulog, parang naging depende na sa kanya ang himbing ng tulog nito. Kapag malayo ito sa kanya, hindi ito masyadong nakakatulog. The further he is, the worse his nightmares get. But last night looked like hell for him.

Mapulang-mapula ang mga mata nito, parang hindi nakatulog at all. Parang may kung anong kumurot sa puso niya. She hates seeing him like this.

"Morning," he muttered. Inilapag nito ang bagong timplang kape sa lamesa. Her coffee. Then he drank from his own mug.

Hindi sana niya ito kakausapin kaso... nakakakonsensya. "Are you okay?"

Umiling ito.

"Had another nightmare?"

"The worst one so far." Inihilamos nito ang kamay sa mukha.

"Nakailang kape ka na?"

He raised his mug and answered, "This is my third cup."

Agad niya iyong kinuha mula rito. "Then enough."

Sumandal si Bullet sa counter at pumikit. He rubbed his eyes and said, "I need to stay awake."

Inilayo niya ang kape nang akmang aabutin nito. She took a few sips from her own cup before putting it on the table next to his. Inilahad niya ang kamay. "You need to sleep."

Tiningnan nito ang kamay niya. "Tatabihan mo 'ko?"

"Do I have a choice?"

"Hindi ka na galit?" nakangiti nitong tanong.

Kahit ayaw niyang ngumiti, napangiti siya sa tanong nito. "Lakas mo sa 'kin, e."

Hinila niya ito patayo at papunta sa kwarto. "You can sleep until noon," she told him. Anim na oras pa bago mag-alas dose. "After lunch na ako papasok."

Nahiga silang dalawa sa kama. Yumakap ito sa kanya at humalik sa pisngi. "Thank you," he said before dozing off.

Hindi na niya sinabi rito na kailangan din niya ng tulog. Last night was a disaster. She never should have worn that necklace in the first place. She didn't know that he was still so affected by what happened in his past. Sana man lang ay nagsasabi ito sa kanya. Ramdam niyang marami pa itong hindi sinasabi sa kanya. Maybe he's not ready yet.

She touched his face. Tulog na tulog na ito kaagad. She will let him rest for now, but he needs to tell her what's bothering him. Hindi pwedeng palaging ganito. Parang napakabigat ng dinadala nitong problema. It's wearing him down. Sa sobrang affected nito, just seeing the necklace triggered a bad memory. Naudlot tuloy 'yong...

Umiling siya. Ano ba, Aika! Lumayas ka nga sa utak ko!

Yumakap siya kay Bullet at pumikit. He will tell her someday... when he's ready.

--

Nagising si Bullet nang maramdamang may tumatapik sa pisngi niya.

"Hey... wake up. Tanghali na."

Kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa batok saka niya ito hinila palapit. "Five more minutes..."

Tumawa ito nang mahina. "Ano ako, alarm? Bangon na. Mamaya ka na lang uli bumawi ng tulog."

Well, if she didn't kick him out of the room last night, masarap sana ang naging tulog niya kanina. But he didn't point it out. Baka magalit na naman ito sa kanya. Kung hindi siya mukhang bangag kanina, siguradong hindi ito maaawa sa kanya. At pahirapan na naman ang panunuyo kung nagkataon.

She kissed his chin and untangled herself from his embrace. Bumangon na rin siya nang bumangon ito. Hindi pa siya nakakapagluto dahil sa sobrang antok. Ayaw naman niya itong paalisin nang hindi ito kumakain. A hungry Fresia is a scary Fresia.

Naghanap siya ng maluluto habang naliligo ito. Mabuti na lamang at hindi pihikan sa pagkain si Fresia. As long as it's edible and delicious, then she will gladly eat it. Huwag lang talaagang hipon o alimango dahil allergic ito. And curry. She hates curry.

Nag-prito siya ng isda at naggisa ng kangkong na may mushroom. After her bath, Fresia headed to her room to get dressed. Agad naman niya itong kinatok nang matapos siyang magluto.

Binuksan nito ang pinto. She's already putting her makeup on. May towel pa rin sa ulo nito. "Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain," sabi nito sa kanya.

"Nakapagluto na ako, e. Dito ka na kumain."

"But I'll be late for work!"

"You're already late," he pointed out. Nilakihan niya ang awang ng pinto at hinila ito palabas. He forced her to sit. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Isusubo na lang nito iyon.

"Mainit pa, e."

Kumuha siya ng kanin, isda, at gulay saka iyon hinipan. Nang mabawasan ang init ng pagkain ay saka niya iyon isinubo kay Fresia. There's something about the way she tries to hide her smile that captivates him. This is what he wants to do every day. Make her smile. Feed her. Smother her with kisses. Lock her in his embrace. Hold her close at night. Love her for the rest of his life... if only he could erase his past and start over with a clean slate. If only it was that easy.

Yumuko siya at masuyo itong hinalikan. "I love you," sabi niya rito.

--

There are many ways to say I love you. So even though Bullet doesn't tell her often, Fresia knows that she's loved. Pero iba pa rin talaga 'yong mismong mga salita ang sasabihin sa 'yo. It's like he deliberately aimed the arrow at her heart and made her watch as he shoots.

"Bumabawi ka ba sa kasalanan mo kagabi?" biro niya.

Ngumiti ito. "If you want, ngayon ako babawi."

Halos isang hininga na lang ang lapit ng mukha nito sa kanya. Ilang hakbang lamang ang kwarto mula sa kinauupuan niya. She could just take a day off and stay in bed for hours. But... it doesn't feel like it's the right time. Not when he's obviously rattled by the nightmare he had last night. Not when she needs to go to work and finish her pending duties.

Inilapat niya ang isang kamay sa dibdib nito. "Tempting... but no."

Bumuntong-hininga ito saka tumango. "I understand."

Lumayo ito at pumasok ng banyo para maligo. Siya naman ay nagmadali na sa pagkain. Dahil sa tanghali na siyang pupunta sa boutique, malaki ang chance na gabing-gabi na siyang makakauwi mamaya.

She needs to finish three dresses for tomorrow. Hindi lamang niya maiwan si Bullet kanina. Pakiramdam kasi niya ay matutumba ito kapag pinabayaan.

Bawat segundong itinatagal niya sa apartment ay katumbas ng segundong itatagal niya mamaya sa boutique, kaya kahit nangangapaso ang dila ay binilisan niya ang pagkain. Dali-dali rin siyang nag-makeup. Sa daan na siya magsusuklay nang maayos. Marami namang traffic lights sa daan. For sure, traffic din.

She gave Bullet a quick kiss before leaving, promising him that she'll try to come home as early as she could.

--

Fresia already told him that she'll come home late, but Bullet wasn't expecting this. Alas ocho na nga siyang nagluto ng pagkain para hindi iyon masyadong lumamig, pero alas once na ay wala pa rin si Fresia.

Nang tawagan niya ito ay nangako itong uuwi na ito nang alas doce. So he waited. Nang sumapit na ang alas doce ay tinawagan niya itong muli. She must be really busy, though. Rinig niya ang inis sa boses nito.

"Sandali na lang 'to. Lalo akong hindi matatapos kung tawag ka nang tawag," sabi nito sa kanya.

"Sorry na. Sabi mo kasi, 12 nandito ka na."

She sighed exasperatedly. "Just... don't wait up, okay? Marami pa akong ginagawa."

"Okay," napipilitan niyang tugon. "Kumain ka na ba?"

"We had pizza earlier."

"And?"

"'Yon lang. Hindi ko naman ramdam ang gutom kasi busy ako."

"Fresia, you don't have a normal stomach. You can't survive on pizza alone."

"So ano'ng gusto mong palabasin? Na matakaw ako?" It's a fact. She doesn't normally react badly to that. Sa tono pa lamang ng pananalita nito ay alam niyang gutom ito. Maybve she doesn't feel it because she's busy, but that doesn't mean that she doesn't need to eat.

Humingi siyang muli ng paumanhin dito saka sinabing maghihintay na lamang siya kung anumang oras ito darating. But he knew he won't be able to sleep well, so he didn't even try. Nagbalot siya ng nilutong menudo at kanin para dalhin sa boutique nito. Then he bought coffee on the way. Inubos na niya iyon sa sasakyan dahil alam niyang pagagalitan na naman siya nito kapag nakita nitong nagkakape siya.

--

Fresia's used to staying up late, so this should be no problem to her. Pero dahil wala siya sa bahay at kanina pa siya payuko-yuko ay halos makuba na siya. And this is while she still has her assistants. Paano na mamaya kapag umalis na ang mga ito? Matatanda na pa naman ang mga katulong niya sa pananahi at pagkakabit ng beads sa mga gown. May mga pamilyang uuwian. May mga anak na naghihintay...

But staying there until the wee hours of the night is okay with her, because she has no one but herself. If not for Bullet, who can't sleep soundly without her, she won't go home. Speaking of the guy, mukhang nagtampo ito dahil kanina. Hindi na ito tumawag muli nang pinagalitan niya.

Natarayan kasi niya ito kanina dahil pagod na pagod na siya.

This is why no matter how much she loves embellishments on gowns, mas prefer niyang lace na lang o plain ang gowns. Kung nakapag-overtime siya nang ilang araw, tapos na sana niya ang mga ginagawa. Pero dahil nasa bahay niya palagi si Bullet, palagi siyang late umalis at maagang umuwi.

Hindi niya alam kung tulog na ito. Maybe he couldn't sleep. Maybe he was waiting for her. Tawagan kaya niya ito? Baka umaga na siya makauwi. He should go to Mickey's. Makakatulog naman ito kung may kasama ito sa pagtulog.

Napakunot ang noo niya nang marinig ang pag-ring ng phone ni Bullet nang tawagan niya ito. It was loud... as if he's just there. Sinundan niya ang tunog sa may pintuan. Did he leave his phone there?

Nang buksan niya ang pintuan na papuntang opisina ay nakita niya itong nakatayo roon. May bitbit itong isang malaking plastic na may lamang rice cooker at isang malaking tupperware. At may hawak naman itong isang bote ng softdrinks sa kaliwang kamay.

Ngumiti ito pagkakita sa kanya. "You sounded hungry on the phone earlier so I brought food."

Napangiti ang dalawa niyang kasama nang makita si Bullet. She introduced him to them. Isang buong kaldero ang dala nitong kanin kaya nagkasya sa kanilang apat. Menudo pa ang ulam kaya ganadong-ganado siya.

Alam naman niyang sumasama talaga ang ugali niya kapag gutom. Ramdam kaagad niya ang improvement sa mood niya nang matapos sa pagkain. Bumalik nang kaunti ang gana niya sa ginagawa. Bullet helped clean the place while the three of them finished the two dresses.

Pinauwi na niya ang dalawang kasama pagkatapos nila sa dalawang damit. Kaya na niya iyong isa dahil walang masyadong beading.

"Why don't you take a nap first?" antok na tanong ni Bullet. Nakalatag na ang folding matress at ang isang unan na talagang nakalagay sa workroom para tulugan niya. Nakasandal si Bullet sa pader, naniningkit na ang mata dahil sa kakulangan sa tulog.

"If you want to sleep, then sleep. Nandito lang naman ako. Hindi ka na siguro babangungutin nyan."

He was so sleepy, he didn't even argue. Agad itong nahiga at pumikit.

Siya naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Dahil tahimik, mas naging maayos ang trabaho niya. Mas gusto kasi niyang nagtatrabahong mag-isa. When she checked the clock again, alas cuatro na ng madaling-araw.

She checked on Bullet, who's sleeping on the other side of the room. Nakita niyang pabaling-baling ang ulo nito. Lumapit siya para tingnan kung ano ang problema. Puno ng pawis ang ulo at leeg nito. He was groaning, mukhang binabangungot na naman.

Niyugyog niya ito sa braso. "Bullet..."

Bakit ba ito binabangungot? She's just a few feet away. Sa apartment naman niya dati, kahit magkalayo sila—nasa kwarto siya at nasa sala ito—maayos naman ang nagiging tulog nito. He even slept there one time while she was away! So bakit ganito ito ngayon?

"Bullet. Hey, wake up!"

Napabalikwas ito ng bangon, pawisan at hinihingal, na para bang may kung anong tinatakasan.

"Are you okay?" she asked in worry.

Kinusot nito ang mata. "No."

Naupo siya sa tabi nito. "Ano ba ang problema? You can tell me."

Bullet shook his head vigorously. "I... can't."

She cupped his face. "Why not? Nasabi mo nga sa 'kin 'yong kasalanan mo dati kay Leila, di ba? And I didn't judge you. I won't judge you. Whatever it is that you're not telling me, I promise that I will understand."

For a moment there, she thought that he would tell her. Parang may kung ano siyang nakita sa mga mata nito. Relief, maybe, because she told him that she will understand? Pero nawala rin iyon kaagad.

Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"I'm sorry, Fresia," he told her. "Hindi ko pa kaya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro