Chapter 30: B.A.C
Coincidence lang ba na nawalan ng bala si Bullet at may nakita si Fresia na bala sa mga gamit ng kapatid niya? It even has Bullet's initials. Bullet Andreus Cardona. It's too much of a coincidence.
Ano na lamang ang gagawin niya kung totoo iyon? Kakayanin ba niya?
She shook her head. No. She shouldn't assume things. Malay ba naman niya kung saan galing ang bala. Maybe Fiona bought it from a souvenir shop. Uso naman 'yong mga balang ginagawang pendant. At napakarami ring pangalan na B.A.C ang initials sa mundo. Just because things look like one thing, doesn't mean it's the truth.
Shaking her head, she put the necklace on and went out of the room. Pinuntahan naman niya ang sariling silid para doon maghanap ng iuuwi. Wala nang masyadong gamit sa kwarto niya. Either naitapon o naipahingi na. Isang drawer na lamang ang nandoon. Pagkatapos niyang mailagay sa kahon ang mga dadalhin ay napagpasyahan muna niyang matulog. Kung maaga siyang uuwi, hindi niya madadatnan si Bullet. Ito pa naman ang gusto niyang unang makita pag-uwi niya.
Plano sana niyang idlip lamang ang gawin, power nap. Kaso ay mahigit dalawang oras na pala ang lumipas nang magising siya. Dali-dali siyang nag-ayos at lumabas ng kwarto dala ang kahon ng mga gamit.
"'Yan lang ang iuuwi mo?" takang tanong sa kanya ng ina. Nakaturo ito sa kahon na dala niya na wala pa yatang kalahati ang laman.
She nodded. "You can do whatever you want with the rest."
Isinukbit niya ang dalang bag at lumabas ng bahay patungo sa sasakyan. She called Bullet before starting the car, telling him what time she'll be arriving.
"Damihan mo ng luto, a. Paniguradong gutom ako pag-uwi ko."
"Oo naman. Kasya na ba sa 'yo ang isang kilong afritada at isang rice cooker na kanin?"
Ngumuso siya. "Grabe ka naman. Hindi naman ako ganyan katakaw."
Tumawa ito. "Malay ko ba kung hindi ka pa nagla-lunch. Feeling ko hindi masarap ang pagkain dyan. Kulang sa pagmamahal."
"Sobrang bland nga ng kinain namin kanina. Kung hindi lang ako gutom, hindi na sana ako kumain," sumbong niya.
"Don't worry. When you come back, you'll have the most amazing meal. I promise you that."
"I know," sabi niya nang may ngiti. "Nga pala, may pasalubong ako sa 'yo mamaya."
"Really? What's that?"
"Basta. You'll see."
"Okay. Drive safely."
Feeling a little uplifted, she drove home with a smile on her face. Iniwanan na niya ang inis sa dati nilang bahay.
--
The way back was laced with traffic. May aksidente sa daan. Mabuti na lamang at may mga CD siya ng paboritong kanta ni Bullet. Since they liked jamming in the car so much, nagpa-burn ito ng CD para mapatugtog nila sa daan, lalo na kung traffic.
Limang oras din siya sa daan. Kaya hindi pa man siya nakakarating ng apartment ay puro pagkain na ang nasa isip niya. She should have eaten something, kahit biskwit lang. Hindi sana siya dapil na dapil sa byahe.
Pero nang may maamoy siyang mabango ay nawala ang pagsisisi niya. Sa pintuan pa lamang ay kalam na nang kalam ang sikmura niya dahil sa bango ng niluluto ni Bullet. She excitedly opened the door and found the living room dark. Nakapatay ang ilaw. Tanging ang mga kandilang nakalapag sa sahig ang nagsisilbing ilaw.
There's also a scattering of rose petals on the floor.
Sumilip si Bullet mula sa kusina. Naka-apron ito at may hawak na sandok. He looks so cute! Parang house husband lang ang dating.
"Hey! You're back!"
Sa level ng enthusiasm nito, aakalain mong sa ibang bansa siya nanggaling.
"What's with the candles and rose petals?" nakangiti niyang tanong. First time niyang makaranas ng ganoon. Dati, pareho sila ni Richard na naku-corny-han sa ganoon. It's too much work for a busy man like him. Siya naman ay naaasiwa sa ganoon. And she feels that she's not that into him to exert so much effort. Then this guy came along...
"Gutom ka na?"
"Starving!"
He smiled. "Don't worry. I'm almost done here."
Inilapag niya ang mga dala at pinuntahan ito sa kusina. It smells heavenly! Pati si Bullet, amoy-ulam.
Pinaupo siya nito. "I cooked Italian tonight. I hope you don't mind."
"I love Italian!" She was expecting the afritada, though. Pero mukha namang marami itong niluto. "What did you cook?"
"Italian meatloaf, deep fried tortellini, and chicken parmigiana. And I made ricotta pie," he answered.
Pagkatapos magluto, sinindihan ni Bullet ang tatlong kandila sa gitna ng lamesa at inilapag ang mga pagkain. Saka nito pinatay ang ilaw.
"Ang bilis mong magluto, ha." Akala niya ay bago pa lamang ito magluluto kanina. It's only past seven. Pero patapos na ito nang dumating siya. "Pumasok ka ba?"
"Oo. Pero umuwi rin ako agad."
"You don't need to prepare a lot. Masaya na 'ko sa afritada. Basta luto mo naman, kahit ano, masarap."
"Wala namang ka-effort-effort 'yong afritada," he said.
This has a lot of effort. Bumili pa ito ng mga bulaklak. Pinitas-pitas ang mga talulot para ikalat sa sahig. Bumili ng scented candles. Bumili ng ingredients. Hula niya, naglinis pa ito ng apartment.
"You know what Richard and I did for our anniversary?"
"Not interested."
She grinned and told him anyway. "He told me to buy some takeouts and bring them to the hospital kasi 30 minutes lang ang available time nya. I didn't make it in time so ako na lang ang kumain ng binili ko."
"No wonder you couldn't love him."
And no wonder she's falling for this guy instead. At sa bawat subo niya ng pagkaing niluto nito, lalo siyang nahuhulog.
"Did I say something wrong? Bigla kang natahimik."
Umiling siya. "Wala naman. Ninanamnam ko lang 'yong pagkain."
"Kumusta nga pala sa inyo? Did your parents give you a hard time?"
She remembered their conversation earlier. "Hindi naman gaano. They just want to set me up with this guy..."
Napansin niyang naging alerto ito bigla. "Guy?"
"A doctor."
"But you told them no, right?"
"Sabi ko may boyfriend na 'ko... pero ayaw nilang maniwala."
"Sabi ko sa 'yo dapat isinama mo 'ko, e."
Mas malala naman kung kasama niya ito. Baka harap-harapan itong ipahiya ng mga magulang niya. And she's sure they'd still insist na makipag-date siya sa kung sinong Pontio Pilato na nagustuhan ng mga ito.
"Oo nga pala... yung pasalubong ko," paglilihis niya sa usapan.
"Nag-abala ka pa."
"Nakita ko lang naman sa bahay 'to." Inilabas niya ang kwintas na noon ay nakapaloob sa blusang suot niya. "I found this among my sister's things. Ikaw agad ang naalala ko pagkakita ko rito. Kagaya pa ng initials mo."
She showed him the B.A.C o the rim. "But this can't be yours, right? Hindi naman kayo magkakilala ni Ate."
Nag-iwas ito ng tingin. Parang naasiwa bigla.
"This isn't yours right?" pagkumpirma niya. Because god knows what she'll do if this is his.
When Bullet shook his head, she felt a rush of relief. "No. Copper 'yong sa 'kin. And it's from a different caliber."
"Oh." She exhaled. "B.A.C kasi. Akala ko—"
"Coincidence lang siguro," he said dismissively.
Pakiramdam niya ay nanlamig ito bigla. Was it because of the bullet? Naalala niya 'yong sinabi ni Mickey. Baka raw kinuha no'ng babae 'yong bala mula kay Bullet. He was supposed to give that to Leila.
Tiningnan niya ang pendant. Good thing this isn't copper.
--
Bullet's mood changed after she showed him the Bullet. Hindi niya alam kung paano ibabalik 'yong magaan nilang usapan kanina. Ang tanga naman kasi niya. Alam niyang may bad memories si Bullet na associated sa bala pero ipinakita pa rin niya iyon dito.
Nagboluntaryo siyang maghugas ng pinaglutuan at pinagkainan para makabawi kahit papaano.
"I'm sorry for bringing it up," she told him. "I should have known better."
Lumapit ito sa kanya at sumandal sa lababo. Bumuntong-hininga ito. "It's not your fault."
"Na-excite lang naman ako kasi naisip kong may pamalit na sa nawala mong bala." Nagyuko siya ng mukha. "I thought it was kind of meant of be," mahina niyang dagdag, silently cursing herself for being cheesy. Meant to be? Really? She could have thought of something cooler, but that's what she feels. And she likes being honest with him. For the first time in her life, she didn't have to pretend to feel something she doesn't really feel.
He smiled and leaned in for a kiss. It was just a peck. She couldn't make it longer because her hands are soapy. Dyahe naman kung hahawak siya rito na masabon ang kamay.
"You know how we're meant to be?," he asked as he lean away. "It's because I like to cook and you like to eat."
She made a face. "Pasalamat ka totoo 'yon."
Tumawa ito at yumukong muli para halikan siya. Hindi pa ito nakuntento. Niyakap siya nito nang mahigpit. So tight, it felt as though he had no intention of letting her go. She was so tempted to hug him back. Damn her soapy hands!
"And there's something else," she heard him whisper.
"What?"
Lumayo ito at masuyong hinawakan ang tigkabilang pisngi. His face was solemn and her heart couldn't help but react.
Her heartbeat doubled when he answered, "Kaluguran daka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro