Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28: Not Slowing Down

Nang magising si Fresia kinabukasan, una niyang hinanap si Bullet. Hindi pa man nakakapaghilamos ay kinatok na niya ang kwarto ng tatlong lalaki. It was Mickey who open the door.

"Si Bullet?"

Nagpungas ito ng mata. "Nasa palengke."

"Kanina pa umalis?" Hindi man lang siya nito ginising. Kahit antok na antok siya, siguradong sasama siya rito.

Mickey shrugged. "Not sure. I think so?"

Halos alas kwatro na rin kasi nang makatulog sila kanina. She's only been asleep for four hours. Pagkagising niya ay siya na lamang mag-isa ang nakahiga. Wala sina Mona at Aika. Tulog pa rin si Felix. Nakadapa ito sa kama.

Mickey followed her to the kitchen where they found Aika.

"Lumalangoy na 'yong pancakes mo, o," puna niya. Sinabawan nito ng maple syrup ang pancakes nito. Nagmumog siya sa lababo. Sumunod naman si Mickey. Tapos ay kumuha sila ng kape.

Si Manang Sinyang ay abala sa pagluluto ng pancakes.

"Nasa'n si Mona?" tanong niya sa kaibigan.

"Namamalengke."

"Magkasama sila?" kunot-noo niyang tanong.

"Oo. Hindi ka kasi magising kanina so si Mona na lang ang nag-volunteer na sumama," sagot nito. "Kumuha ka nga ng iyo!" saway nito kay Mickey.

Inagaw ng lalaki ang tinidor mula sa kaibigan niya at nakikain ito sa plato ni Aika. Mickey easily finished half of the pancakes in two bites. Sinipa-sipa ito ni Aika sa inis.

"Naku! Diyan nagsimula ang lolo't lola ko. Parang aso't pusa kung mag-away pero kalaunan ay nagkagustuhan din!" kilig na kilig na sabi ni Manang Sinyang.

"Ibang case 'to, Manang," Aika argued.

"The more you hate, the more you love," panggagatong niya.

"The more you hate, the more you loathe is more like it," pagtatama nito.

"It's her loss, not mine," sabi naman ni Mickey.

Tinapik nito sa balikat si Aika bago kumuha ng sarili nitong pagkain. She did the same.

"Kanina pa po wala sina Mona?" tanong niya kay Manang.

"Oo. Didiretso raw sila sa restaurant, e," sagot nito. "Pabalik na siguro ang mga 'yon."

Habang kumakain ay pinanuod niya ang dalawang kasama. Tinabihan ni Mickey si Aika na noon ay nakatutok sa phone, mukhang nanunuod na naman. Inagaw ni Mickey ang phone. "Bakit nandito ka na? Episode 5 pa lang tayo kahapon, di ba?"

Napailing siya. Ang lakas makaimpluwensya ni Aika.

"Ang tagal mong gumising, e."

"Ulitin natin!"

Aika took her phone back. "Ayoko! Kumopya ka na lang kasi!"

"Ayoko!"

She knew Aika to be a little childish. She didn't expect Mickey to be the same. Nag-agawan ang dalawa sa phone hanggang sa makagalitan ni Manang Sinyang. Hindi na siya nakisali. Tahimik na lamang niyang hinintay na makabalik sina Mona.

It finally stopped raining. Masarap sanang sumama sa palengke kung hindi lang siya napuyat kaninang madaling-araw. Not that she's complaining.

--

Wala pa rin sina Mona nang magising si Felix. The three of them were already done with breakfast. Lumipat sila sa may sala habang kumakain si Felix sa kusina. Bago nila ituloy ang panunuod, tiningnan muna ni Aika ang koleksyon ng mga bala na naka-display doon. She also noticed the missing Bullet.

"He said he lost it," she told her friend. "Ang pangit tingnan, di ba?"

They're not exactly obsessive-compulsive, but little things like that missing bullet can be bothersome. Lalo na't eksakto ang espasyong inilaan sa mga bala tapos kinulang ng isa. It's like a misplaced tile, a glaring eye sore.

"Did he tell you the story?" tanong ni Mickey.

"About that?" Iisa lang yata sila ng nasa isip dahil tumango ito. "Yes, he did."

"What's that?" kunot-noong tanong ni Aika. "Ano'ng pinag-uusapan nyo?"

"Bawal sa bata," sagot ni Mickey.

Ngumuso ang kaibigan niya. "I'm already 26! Mas bata pa sa 'kin si Fresia, 'no!"

"I meant emotionally young," Mickey retorted. "Nagka-boyfriend ka na ba? Hindi pa, di ba? So you're emotionally immature."

"Writer ako! I know about romance!"

Mickey laughed mockingly. "No, you don't."

Aika stomped her foot in protest. Pumagitna siya sa dalawa bago pa mag-away ang mga ito. She promised Aika that she will tell her when she sits down. Naupo naman ito kaagad. Mickey sat on the coffee table across Aika. Si Felix naman ay mukhang gusto ring makisali. Manang Sinyang left a while ago. Pagkatapos nitong ipagluto si Felix ay sumibat na ito para gumawa ng ibang bagay.

"Bullet told me that he cheated on Leila," simula niya.

Aika looked so surprised. "He did?! Di ba, once a cheater, always a cheater?"

Mickey shook his head. "This is why you can't be in a conversation with us adults."

Her friend glared at him. "I am an adult!"

She rolled her eyes. "Can't you two keep it down?"

Aika apologized. She continued telling the story of what Bullet did to Leila. Nang sabihin niya ang dahilan ay binawi ni Aika ang una nitong sinabi.

"But what does it have to do with the missing Bullet?" lito nitong tanong.

Nagkatinginan sina Felix at Mickey. Do they something about it?

"Sobrang importante sa kanya no'n. It was his father's. Plano sana niyang ibigay 'yon kay Leila pero bigla namang nawala," Mickey explained.

"Tingin namin, kinuha 'yon no'ng babae."

"Did she?" she asked.

Felix shook his head. "Hindi namin alam. Sabi raw kasi no'ng babae, wala itong kinukuha. But we'll never know."

"Why not? He can ask her again."

Nagkibit-balikat si Mickey. "Maybe he didn't want to."

"Well... you could ask her," she suggested. Gusto na rin tuloy niyang hanapin ang nawawalang bala. Importante iyon kay Bullet. She's sure he'd want it back.

"We never met her. We didn't even know her name," Mickey told her. "Bullet kept her in the dark because he was ashamed of what he did to Leila."

Felix then told them how Bullet met Leila. Kaibigan daw ito ng on and off girlfriend ni Felix, na currently ay ex na naman nito. They just broke up a few months ago. Maybe it's why he's not entertaining the thought of getting together with Mona. That or he just doesn't like her friend. Either way, wala pang pag-asa sa ngayon ang kaibigan niya.

Marami pa sana siyang gustong malaman kaso ay dumating na sina Mona. Agad siyang tumakbo palapit kay Bullet na sinalubong naman siya ng yakap.

"Bakit ang tagal nyo?" tanong niya sa dalawa.

"Kinausap nya pa kasi 'yong mga cook sa restaurant. Tinatanong 'yong family recipes namin. Wala namang nagbigay sa kanya."

"Ang higpit ng pamilya nila, grabe!" reklamo ni Mona. "When you two get married, promise me that you'll give me the recipe," sabi nito sa kanya.

"Just give me your cupcake recipe and I'll give you what you want," Bullet negotiated.

"No way!"

"Akala ko ba next of kin lang ang pwedeng makakuha? So kamag-anak nyo lahat ang nagluluto sa restaurant?" kunot-noo niyang tanong.

"Parang gano'n na rin. After my father died, grandma adopted two boys and raised them as her own. Anak ni Manang Sinyang 'yong isa. Hirap kasi sila dati kaya kinailangang ipaampon 'yong anak ni Manang. Sila na ngayon 'yong nagluluto do'n."

"So pwede nyo ngang ibigay ang recipe sa ibang tao," singit ni Mona.

"Yes, but I'm not going to give it to you unless you give me your cupcake recipe," mariing sabi ni Bullet.

"The restaurant is still yours, right?" paninigurado naman niya.

"It is... if I want it."

"Do you want it?"

"I don't know. I just want to cook for my future wife and kids," nakangiti nitong sabi.

Mona grunted. "Pwede ba! Maghiwalay nga kayo!"

Imbes na sundin ang utos nito ay ikinawit niya ang mga braso sa batok ni Bullet para inisin ang kaibigan. Yumuko naman ang lalaki para halikan siya sa pisngi. While the others were laughing and teasing them, Mona looked actually annoyed.

Hinila siya nito palayo kay Bullet.

"Bitter mo talaga!"

"Jusko, beh! Sino'ng hindi mabi-bitter sa inyo? Kulang na lang magkapalit kayo ng mukha. Palagi kayong nakapulupot sa isa't isa!"

"Kasi kami!" dahilan niya. "Alangan namang palagi kaming magkalayo?"

She reached out for Bullet but Mona pulled her further away from him.

--

Diterminado si Mona na paglayuin silang dalawa ni Bullet. Kapit-kapit siya nito sa braso kahit saan ito magpunta. Nang magpunta sila sa kusina para maturuan nina Manang Sinyang kung paano magluto ay bantay-sarado siya ng kaibigan. She's standing near the counter with Mona and Aika. Nakaupo naman sina Mickey at Felix, tumutulong sa paghihiwa at pagbabalat ng mga sahog. Bullet's with his grandma, speaking in Kapampangan while making a steamed dessert.

She'd occasionally glance at Bullet and would smile when she catches him already looking. Si Mona naman ay dadalihan siya ng hampas sa braso.

"You'll cut your finger!" sabi nito sa kanya.

"Sa dessert na lang kasi ako tutulong."

Mona rolled her eyes and shook her head. "Ang landi mo, alam mo 'yon?" mahina nitong sabi.

Sumimangot siya. "Malandi na agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?"

"Your eyes sparkle a lot these days," seryoso nitong sabi.

She couldn't help but smile. It should be illegal to be this happy.

"Do you love him?" pabulong nitong tanong.

Hindi siya kaagad nakasagot. Looking at him from across the room, watching him do what he does, it does something to her. It makes her indescribably happy, but at the same time, makes her heart ache for some reason.

"I don't know," she told her friend. "It's too soon to tell."

"You know what..." Mona placed her hand on her shoulder and whispered, "I think you already do."

https://youtu.be/S88Wit5bNdY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro