Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27: Reunion In Pampanga


Biyernes ng gabi nang magkita-kita ang magbabarkada. Kagaya ng dati ay dinala nila ang sasakyan ni Bullet. Sa dating mga pwesto rin sila naupo. Since Brandi was not around, nagmukhang triple date ang byahe nila. Fresia's with Bullet in the front. Mona and Felix are in the middle, and Aika and Mickey are sitting at the back.

Bullet worked his magic and convinced Felix to ask Mona out. Kaya ngayon, kumportable na si Mona sa lalaki. Masayang magkausap ang dalawa. Sina Mickey at Aika naman, magka-share sa isang pares ng earphones. Kailan pa naging close ang dalawang 'yon?

"Hoy Mickey, nilamon ka na rin ba ng sistema?" tanong niya rito.

Nilingon ni Mona ang dalawa. "Nanunuod ka ng KDrama? Hala!"

"Di ba, sabi mo mga mukhang bakla ang bida sa ganyan?" natatawang tanong ni Felix.

Sinamaan ito ng tingin ni Aika. Si Mickey naman ay sinipa ang upuan nito. Napailing na lamang siya. Ngayon nagkampihan pa ang dalawa. When did they find the time to hang out? Sa pagkakatanda niya ay iritado si Aika kay Mickey dahil malakas mang-alaska itong isa.

"Hey," untag sa kanya ni Bullet. Ipinatong nito ang isang kamay sa hita niya. "Eyes on me."

Matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. She took his hand and intertwined his fingers with hers. Nakita niya mula sa salamin na tumaas ang kilay ni Mona. Hindi kasi ito sanay na sweet siya. Hindi nga rin niya alam na kaya rin pala niyang maging sweet. But this guy's sweetness is infectious. Mahahawa ka kahit ayaw mo.

"Pwedeng huwag munang magpa-tweetums habang nagda-drive? Maaksidente tayo nyan, e," mataray nitong sabi.

"Bitter spotted," kumento niya.

Tumawa si Bullet pero inihiwalay din nito ang kamay para makapag-focus sa pagda-drive.

"I'm not bitter. Safety lang bago landi."

"Kung may kalandian ka rin, hindi ka magrireklamo." Her gaze shifted to Felix. "That's your cue, Felix."

Felix didn't take her statement seriously. Si Mona naman ay hinayaan na lamang sila ni Bullet. Itinuon ng kaibigan niya ang atensyon kay Felix, na noon ay mukhang hindi pa rin halatang patay na patay dito si Mona.

--

Mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ng lola ni Bullet at ni Manang Sinyang. Tuwang-tuwa rin ang mga itong marami silang kasama. They're especially happy to see Felix and Mickey again.

Matagal na palang magkakaibigan ang tatlo. College days pa. Schoolmates ang mga ito noon sa isang kolehiyo sa Maynila. They're also members of the same fraternity.

"Itong kumusta nakayu?" malambing na tanong ng matanda. She glanced at Aika and Monica and asked, "Ila ba deng bata yo?"

"Ali pu," sagot ni Mickey.

"Marunong silang mag-Kapampangan?" pabulong niyang tanong kay Bullet.

"Konti lang," sagot nito.

"Ano'ng pinag-uusapan nila?"

"My lola asked them kung girlfriends nila sina Aika."

Nilapitan ng lola nito ang dalawa niyang kaibigan at kinumusta. "Gutom na ba kayo, mga inang?"

Nahihiyang tumango si Mona. Aika doesn't get hungry easily, pero matakaw ito sa desserts. Siya naman ay ramdam na ramdam na ang gutom. Burgers at fries lang kasi ang kinain nila along the way. Sinabihan kasi niya ang mga kasamang huwag kumain nang marami dahil masarap magluto ang lola ni Bullet at si Manang Sinyang.

Inakbayan siya ni Bullet. "Apo, danupan ne pu ining girlfriend ku."

She guessed that he answered his lola's question. Tumingin sa kanya ang matanda at ngumiti.

"Naku! Hindi dapat ginugutom ang future granddaughter-in-law!" bulalas ni Manang Sinyang.

Inaya sila nito papuntang kusina. Tumulong silang lahat sa paghahanda ng pagkain. Caldereta ang ulam kaya siguradong gaganahan siyang kumain. She almost didn't want to share it with Mona and Aika. Lalo na kay Mona. Kapag nasarapan ito sa luto ay paniguradong mauubusan siya ng kakainin.

Kagaya nang inasahan niya ay nagparamihan sila ng kaing magkakaibigan. Pati si Aika ay sumandok pang muli. Sinamahan pa ng dessert na tibok-tibok ang tawag.

"Napakasarap nyo nga pong magluto!" pagpuri ni Mona sa dalawang matanda. "Kaya naman po pala gustong-gustong umuwi rito ni Fresia."

"Ay syempre naman, hija. Masarap talagang magluto si Nanay Dolores."

"Pwede po bang makahingi ng recipe?"

Nagktinginan ang dalawang matanda. Si Bullet naman ang sumagot. "Sa next of kin lang kasi ibinibigay 'yong family recipes namin."

Ngumuso si Mona. "Ay, gano'n? So kailangan bang makasal muna tayo bago ko makuha 'yon?"

Awtomatikong lumipat sa kanya ang tingin ng mga kasama sa hapag.

"Hala. Friendship over na ba?" pabulong na tanong ni Aika.

She ignored them. Kunwari wala siyang narinig. Basta tuloy lang ang pagkain.

"Sorry, Mona. Iba ang type ko, e," sabi ni Bullet sa kaibigan niya.

Bigla siyang nabilaukan. Nagsimula namang manukso sina Mickey. Hiyang-hiya siya sa dalawang matanda. Para silang mga bata kung magbiruan!

"Tapos si Aika pala 'yon, 'no?" natatawang sabi ni Felix.

Aika made a face.

"Kay Mickey na 'yan," Mona told Felix.

"Change partnerts ba?" sabat naman niya. "Akin si Felix."

"Nope!" agad na tanggi ni Bullet.

Pinaningkitan siya ni Mona. "Ganyan ka, ha."

"You started it."

"I'll give you the recipe if you give me your cupcake recipe," Bullet negotiated. "Deal?"

Mukhang naging hesitant bigla si Mona. "Huwag na pala," maya-maya ay sabi nito.

They resumed eating. Dahil alas nueve na rin ay nagpaalam na ang dalawang matanda. Matutulog na raw si lola Dolores. Si Manang Sinyang naman ay magpapahinga.

Nagtulong-tulong sila sa paglilinis ng mga pinagkainan. Pagkatapos ay humanap ng kumportableng pwesto sina Mickey at Aika at ipinagpatuloy ang panunuod. Seriously, how did those two find the time to bond?

Habang kinukulit ni Mona si Bullet na ibigay nito ang recipe, siya naman ay pinanuod si Felix na nasa isang tabi at kinukutingting ang cellphone. She wondered if she could like Felix the way she likes Bullet. And she came up with the conclusion that even if she could, she wouldn't want to.

No offense to him but he looks ordinary to her. Walang espesyal. But when she looks at Bullet, his great qualities automatically pop up. Even the way he walks towards her seems special.

She's had silly crushes before, but nothing like this. They're nowhere near like this.

"Tunaw na tunaw na, beh," bulong sa kanya ni Mona bago nito sinamahan sa sala sina Mickey at Aika.

Si Bullet naman ay ngiting-ngiting lumapit sa kanya.

"Hey."

It's amazing what one simple 'hey' does to her. Para siyang baliw!

Hinawakan siya nito sa bewang at saka dinala sa sala, kung nasaan ang mga kasama nila. Felix took out his Uno cards and urged them to play. Bullet and Mickey put the huge coffee table aside. Lumupagi silang lahat sa rug na nakapatong sa wooden floor.

The fun lasted until two in the morning.

--

Nang antok na silang pare-pareho ay napagdesisyunan na nilang tumigil sa paglalaro. Two bedrooms have been prepared for them. Kasama niya sina Mona sa kwarto habang nakahiwalay naman ang tatlong lalaki.

But as she was about to sleep, Bullet knocked on their bedroom door and asked for her.

Ngiting-ngiti siyang sumama.

Isang malamlam na ilaw na lamang ang bukas sa sala. Nakita niyang nilatagan ni Bullet ang malaking upuan ng kumot at inipon ang throw pillows sa isang tabi. Hinila siya nito pahiga roon.

"Hindi ka ba makatulog sa kwarto nyo?" may pag-aalala niyang tanong.

Yumakap ito mula sa likod niya at umiling. "I don't want to sleep yet."

"Why? Hindi ka pa antok?"

"Because you're in the other room."

Pilit niyang pinakalma ang puso. It's thumping really, really fast.

"Ilang oras lang naman tayong matutulog," sabi niya rito.

"Do you know that the hours go longer if you're not with the person you like?"

Yes, she wanted to answer. Kaya madalas siyang tamarin sa trabaho. The only thing that kept her from throwing a tantrum is that she wants him to see her smiling at the end of the day. So she keeps her grump in check.

"Well, we can't sleep here. Baka mamaya magising sina Manang, isipin pa nilang may ginagawa tayong iba."

"Iba? Pa'nong iba?"

Humarap siya rito. "Like... making out and stuff."

May kung anong kilabot siyang naramdaman nang hagurin siya nito ng tingin.

"That gave me an idea," he said, smiling coyly.

"No."

Lumapad ang ngiti nito. "Mahuhuli na rin naman tayo, di ba? Why not make it real, para hindi sayang ang pagkakataon?"

"Tumigil ka nga!"

But her protests were drowned by his fervent kisses. Kaplastikan lang naman ang pagtanggi niya. In reality, she wants to kiss him. She wants to kiss him every chance she gets. She'll never get tired of his soft lips, tasting like mint because of the toothpaste he used earlier or his tongue, gently parting her mouth open.

"B-Baka biglang lumabas sina Mona."

Bahagya niya itong itinulak.

"We're all adults here. They'll understand," dahilan nito. He leaned forward to kiss her neck.

"Bullet..." She jolted when she felt his hand on her inner thigh. Trip yata nitong mang-eskandalo! Baka atakihin pa sa puso ang lola nito kapag naabutan silang ganoon ang ginagawa! "Stop!" she said firmly.

Hinawakan niya ang mukha nito at ipinirmi sa lugar.

"Not here. Not now. Okay?"

He licked his parted lips, mukhang nabitin. Pero tumango ito.

"I'm going to bed."

"No." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. "Stay."

"Bullet..."

"Just stay a little longer. I'll behave," he promised.

Behaving means no kissing. Nakayakap lamang ito sa kanya, nakatingin. He'd occasionally smile for some unknown reasons.

"Totoo ba 'yong sinabi mo kagabi?" maya-maya'y tanong niya.

"Ang alin?"

"You only give your recipes to the next of kin?"

Bullet nodded. "'Yon kasi ang pamana ng mga nakatatanda, along with the restaurant and this house. Sa iisang tao lang palaging napupunta."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Kasi madalas solo ang anak sa pamilya namin. Madalang na madalang 'yong more than one."

She can imagine being an only child. Para kasi siyang solong anak dahil hindi naman sila close ng ate niya. Malungkot. Lalo na kung alam mo 'yong pakiramdam nang may mga taong itinuturing kang kapatid. Mona, Brandi, and Aika were the sisters she never had. They filled the void left by Fiona.

Masaya siyang may ganoong mga kaibigan din si Bullet. Mickey and Felix were like his brothers.

"That's why when I get married, I plan on having 6 kids," anunsyo nito.

She choked on her own saliva. Six? Does he know how hard it is to conceive?

"Masyado bang marami?" kunot-noo nitong tanong.

"Bakit sa 'kin mo tinatanong?"

The frown on his face deepened. Para bang iniisip nito kung bakit nagtatanong pa siya. "Because I don't get in a relationship to pass the time, Fresia. I intend to marry and start a family of my own."

"Isn't it too early for that?"

"I'm not saying that we should get married already. Ang sinasabi ko lang naman, kapag nakipagrelasyon ako, kasal ang end goal ko. I don't picture breakups. I picture a lifetime of love and commitment. Hindi ba gano'n ang nasa isip mo?"

Hello! Crush pa lang kaya kita! gusto niyang sabihin.

"Can we stop talking about future plans, please?" Ilang linggo pa lamang silang nagdi-date. Even if he's not hinting anything, just knowing what his plans are shook her. The truth is, she's afraid of getting married. She thinks that she'll never be ready for that.

Ayaw din niyang matulad sa pamilya niya na parang tipid na tipid magpakita ng pagmamahal. Maybe slowly, he'll be able to change her mind. But for now, she'll just enjoy what they have.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro