Chapter 24: Official
Fresia was excited to tell Mona the news, but she had to wait until she's alone to do it. Kaya tinawagan niya ang kaibigan nang nasa boutique na siya. She stayed in her office during the call because her employees are giving her weird looks. Masyado na yatang malaki ang ngiti niya. Usually kasi ay masama ang mood niya tuwing Lunes ng umaga dahil walang masarap na pagkain sa bahay. Pero dahil kagagaling niya ng Pampanga ay sagana siya sa masarap na pagkain. Her fridge was full with food.
Nakapagbaon pa siya ng adobo at fried rice kaya masaya kahit ang tanghalian niya.
"Pa'no naging kayo? Umamin sya sa 'yo?"
"Uhm... medyo. Para kasing mutual confession tapos nagkasundo kaming kami na."
"Oh... and then you had sex?"
"Mona!"
Humagalpak ito ng tawa. "Joke lang! E, kasi naman 'yong sa movies, hindi pa sila pero nagchu-chukchakan na. Malay ko ba kung gano'n din kayo."
"We're not like that."
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang palagi kayong magkatabing matulog tapos walang nangyayari sa inyo. Wala talaga o nahihiya ka lang magkwento?"
She sighed. Mona couldn't let it go. "Wala talaga."
"I applaud his self-control."
"Bakit 'yong kanya lang?"
"Ay... nagpipigil ka rin ba?" Tumawa ito. "O, sige. I applaud yours too."
Mabuti na lamang at hindi silang dalawa magkaharap kundi ay baka nakailang sapak na ito sa kanya.
"It's too early for that."
"It's never too early for that. You're both adults. If you both want it, you can have it."
"Mas gusto nyang matulog," nakanguso niyang sabi.
Tumawa na naman si Mona. "Beh, wala ka yatang appeal! Akitin mo kasi!"
"Gaga! Ayoko nga!"
Baka sabihin pa ni Bullet, sabik na sabik siya rito. Nakailang initiate na nga siya ng halik. Para siya palagi ang gustong-gusto noon. It's no wonder na pabalik-balik si Mari sa pad nito. He must be good in bed. She'll know. Someday. If she's lucky.
"Ayokong madaliin 'yon. 'Yon nga lang pagiging official namin, parang nabibilisan ako, e. I mean, I don't even know his birthday."
"E, di itanong mo!"
"Hindi man lang nya 'ko niligawan."
"Pwede ka naman nyang ligawan kahit kayo na. Kung iniisip mo na hindi mo pa sya lubusang kilala, well, friend, it takes a lifetime to know a person fully. Because people change. What he is now may be different from what he will be tomorrow or the next day," Mona lectured. "You like him and he likes you. You're comfortable around each other. You make each other happy. Isn't that enough?"
"I don't know," she admitted. "Three years with Richard wasn't enough for me to love him."
"Bakit gagawin mong basehan si Richard? In the first place, hindi mo naman talaga sya ginusto. You tried, but you can't love him because he's not the right guy for you."
"And Bullet is?"
"I hope so. Magkasama ba kayo nitong weekend?"
"Oo." She told her about Bullet's grandmother. Inisa-isa rin niyang i-describe ang mga pagkaing kinain niya roon. Inggit na inggit si Mona sa kanya. Gusto nitong sumama sa kanya next week. Uuwi kasi ulit si Bullet at isasama siya nito.
"I'm sure Aiks and Brandi would go kung hindi sila busy. Saka isama nyo rin sina Felix at Mickey, ha."
She rolled her eyes. "Ayun. Kaya naman pala. Gusto mo lang makita si Felix, e."
"Hindi ko naman itinatanggi. Wala kasing way para magkita kami nang hindi kayo kasama."
"I have his number. Bigay ko sa 'yo. Ask him out."
"Ano naman ang idadahilan ko?"
"Ipa-renovate mo 'yong bahay mo!" she suggested.
"Magagastusan pa 'ko."
"Then ask him out on a date. Like a normal person."
"Pa'no kung hindi sya pumayag?"
"Friendly date lang naman. Malay mo magustuhan nya tapos sya naman ang mag-aya sa 'yo next time."
She could imagine Mona's face at that moment. Kunot ang noo, kagat ang ibabang labi, at nakalagay sa bewang ang isang kamay. And she's probably tapping the floor with her foot in anxiety.
"Nahihiya akong mag-aya."
"If you want, I can ask Bullet to ask Felix to ask you," she offered.
"Mas nakakahiya naman 'yon."
"Mon, you're an adult and you like him. Hindi na uso ngayon 'yong paghihintay sa lalaki. Malay mo matuwa sya kasi nagti-take ka ng initiative."
"Malay mo ma-turn off sya kasi ako ang naunang mag-aya," Mona countered.
"E, di fine. Maghintay ka kung gusto mo."
"Kung kasingganda nyo lang ako, ego boost pa sa lalaki kung ako ang mag-aaya."
Minsan talaga, nakakainis na rin ang kawalan nito ng confidence sa katawan. It started out when Mona had her first relationship. Second year college ito nang unang maligawan. Ilang buwang nanligaw ang lalaki bago nito sinagot.
Todo effort pa raw ang kaibigan niya. Palagi nitong binibigyan ng pagkain ang lalaki. Palagi rin nitong inililibre kapag lumalabas ang dalawa. She was so smitten with the guy that she didn't see the signs.
Tinu-two time pala ito ng lalaki. The other girl was skinier, according to Mona. Sirang-sira ang confidence ng kaibigan niya dahil sa lalaking iyon. Sinubukan pa nitong mag-diet para balikan ito ng lalaki.
Ang ending... naospital si Mona.
Since then, Mona was never the same. Nagkaroon pa naman ito ng boyfriends pagkatapos ng nangyari. Ang kaso, makaramdam lamang ng mali si Mona, nakikipaghiwalay na ito kaagad.
Her friend never really embraced her curves. Ilang taon na rin ang pakikipaglaban nito sa excess fats nito sa katawan. Pero dahil palagi itong napaliligiran ng pagkain ay palagi itong talo.
Hanggang hindi yata ito pumapayat ay hindi nito siseryosohin ang mga lalaking nagpapakita ng motibo rito. Hindi niya alam kung mababago ni Felix ang thinking ni Mona. And she might never know if Mona won't make a move. Halata naman niyang one-sided pa lang ang feelings.
"If I have your body, I'd still feel beautiful." But she probably won't enjoy eating as much kasi bibilis ang pagtaba niya.
"Palit na lang tayo ng katawan."
Ngumiti siya. "Kung pwede nga lang, e."
"Sana kasi pwedeng ipamigay ang taba. Bibigyan ko si Brandi ng marami."
"Itatakwil ka no'n, sige ka. Alam mo namang takot na takot 'yong tumaba."
May sinabi pa ito pero hindi niya masyadong naintindihan dahil biglang bumukas ang pintuan ng office niya. A consultant told her that there's a man waiting at the reception desk.
"Sige. Thanks," sabi niya sa empleyado. "Mon—"
"Yeah, I heard. Sige na. Don't keep him waiting."
"I'll talk to you later, okay? Bye!"
She hurried outside. Nakita niya sa may kanto bago magpunta sa reception na nagkumpulan ang ilan niyang consultants. She cleared her throat. Ang mga nagulantang namang empleyado ay ngumiti lamang sa kanya at nagsibalik sa mga kanya-kanyang ginagawa.
Pinuntahan niya si Bullet na noon ay nakikipag-usap sa receptionist. Agad itong lumayo sa desk pagkakita sa kanya. Bullet smiled and greeted her with a big hug.
"Bakit nandito ka?"
"Na-miss kita."
"Agad?" Wala pang tatlong oras silang magkahiwalay. Sinabayan nito ang pasok niya para maihatid siya sa boutique. Sa apartment na kasi niya ito halos nakatira. Marami na itong gamit doon. "Wala kang client?"
"Pupunta ako kina Lena mamaya. Do'n ako bibili ng furniture saka art pieces. Then I'll head out to Martin's shop para kunin 'yong ipinagagawa kong light fixtures," sagot nito.
"So dumaan ka lang dito?"
"Oo. Nag-lunch ka na?"
"Hindi pa."
He raised the paper bag he's holding. "Great! Sabay na tayo."
She took the flowers and led him to her office. Panay naman ang sunod ng tingin ng mga nakakita sa kanila. Bihirang-bihira kasing magkaroon ng lalaki sa store. Usually kapag napili lang ng bride na magsama ng lalaki sa entourage o kapag may pumupuntang maintenance personnel.
She's not worried about her consultants because most of them are in a relationship. Hindi rin siya nag-aalala sa mga bride kasi, hello, ikakasal na ang mga ito. But she's worried about the friends of the brides, na madalas ay single pa.
Pinaupo niya si Bullet sa swivel chair niya. Wala kasi siyang ibang upuan dahil crammed na ang office niya. She's usually alone there. Ang appointments naman, sa reception desk na rin dumaraan. Via phone or email kasi ang pagsi-set ng appointments sa kanila.
Itinabi niya ang mga nakakalat sa lamesa at saka doon ipinatong ang mga bulaklak at ang dalang pagkain ni Bullet.
"Your office is so small," puna nito.
"Kulang na kasi sa space. Kapag pinalakihan ko pa 'to, liliit ang work room ko."
She pointed at the other door inside the office. 'Yong work room niya ang malaki. Ayaw kasi niya nang may kasamang gumagawa para hindi siya ma-distract so naka-solo siya. Half of the floor above her office is where her seamstresses work. The other half was for the VIP clients.
"Sana sinabi mong sasabay ka sa 'kin pagla-lunch para dinamihan ko ang baon ko. O kaya nakalabas tayo."
"Akala ko kasi maabutan kitang may pinagagalitan, e," nakangiti nitong sabi. "Turns out you're just here in your small office."
"I was about to eat lunch. Saka tinawagan ko si Mona."
"Why?"
"Uhm... I asked her about the cupcake recipe."
"What did she say?"
"She didn't want to give the recipe. Secret nga raw kasi."
Bullet looked disappointed.
"Did you tell her about us?"
"I mentioned it in passing." She was trying to sound nonchalant. Nakakahiya kasi kapag nalaman nito ang mga pinag-usapan nila ni Mona. Napaka-vivid pa naman ng imagination ng kaibigan niya. Palibhasa frustrated... sa buhay.
"Ano'ng dala mong pagkain?"
Binutbot niya ang dala nitong plastic. May dalawang magkahiwalay na lalagyan sa loob. Ang isa ay may lamang chicken inasal. Ang isa naman ay may lamang doseng siomai. May mga nakahiwalay na toyomansi at sili. At may dalawang balot ng kanin. May bottled iced tea rin itong dalang inumin.
Inilabas naman niya ang pagkain niya. Isang bilog na tupperware na may lamang adobong manok at isang rectangular na tupperware na sinangag naman ang laman.
Nang mailatag niya ang pagkain ay marahan siya nitong hinila paupo sa kandungan nito. She blushed in an instant, remembering her conversation with Mona earlier.
"Tatayo na lang ako," sabi nito. Pinilit niyang tumayo pero nakayakap ito sa kanya. "Hindi tayo makakakain nang maayos nito, e."
"But I like having you this close."
"Kapag hindi ako nakakain nang maayos, magagalit ako sa 'yo, sige ka," pananakot niya.
Bullet smirked. "But I already know how to pacify you."
He cupped her face and pulled her head down for a kiss. Agad naman siyang lumayo pagka-isa.
"Baka may biglang pumasok. Maeskandalo pa sila."
"Wow... you're cold."
Bumawi siya ng ngiti. "Sa office lang."
He got off from her seat and made her sit down instead. "Bumawi ka sa 'kin mamaya, ha."
Babawi talaga siya. Especially now that there's no reason needed for their intimacy. So he leaned back on the table and ate habang siya naman ay kumportableng nakaupo.
"By the way, I told Mona that we'll be going back to Pampanga this weekend. Gusto raw nyang sumama. E, alam mo naman 'yon. Kapag kasama ang isa, dapat kasama na rin silang lahat. Okay lang ba sa lola mo?"
"Oo naman! Mas ganado 'yong magluto kapag maraming bisita."
"I also need a favor—" She stopped herself. Should she ask him?
"Yes?"
She sighed. Wala rin namang mangyayari kung walang magsisimula. She's just thinking about Mona's happiness. Maiintindihan din siya ng kaibigan niya.
"It's about Mona and Felix. Si Mona kasi—"
"She likes Felix," he said with a nod. "I know. Kaya nga sabi ko sa 'yo, di ba? I know someone who can make her give up her secret recipe." Ngumiti ito at nagpatuloy, "I already asked for Felix's help."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro