Chapter 23: Pancakes and Bullets
We need our Kapampangan friends again. Mambulabog na kayo ng kakilala nyo para mag-translate haha. Please excuse the typos. Antok na antok lang. Sobra.
--
Fresia woke up the next morning with Bullet staring intently at her. Agad na dumapo ang mga daliri niya sa gilid ng mata. Nakakahiya naman dito kung makikitaan siya nito ng muta.
"You missed one."
Agad siyang tumalikod at kinapa-kapa ang paligid ng mata. Narinig niya itong tumawa. Then he hugged her from behind and whispered, "I'm kidding."
Siniko niya ito saka siya bumangon. They were given separate rooms to sleep in last night. Sa dating kwarto ng parents nito siya pinatulog. Ito naman ay may sariling kwarto. But after midnight, Bullet knocked on her door and asked if he could sleep beside her.
Hindi siya tumanggi. Wala naman kasi itong ibang ginagawa sa kanya. Ito pa ang madalas maunang matulog. But to be on the safe side, natutulog siya nang naka-pajama. Hindi rin siya nagtatanggal ng bra. Ina-unhook lang niya iyon. She couldn't forget the look he gave her when she opened the door wearing a white shirt with nothing underneath and her panties.
"Kanina ka pa gising?"
"Medyo."
"Why didn't you wake me up?"
"Ang sarap kasi ng tulog mo," nakangiti nitong sagot. "Humihilik ka pa."
"Grabe ka ha. Hindi kaya ako humihilik."
Lumapit ito at umakbay sa kanya. "Okay, you didn't snore. But you definitely sleep-talked."
She raised an eyebrow. "Really? What did I say?"
"Gibberish," seryoso nitong sagot. "Maybe you're enumerating all the food that you want to eat today."
She hugged his waist with her left arm. "Speaking of food, what are we having for breakfast?"
"I don't know. Let's ask lola."
Together, the two of them headed to the kitchen. Naabutan nila ang dalawang matanda nag-uusap sa kusina. Bullet removed his hand from her shoulder. Lumapit ito sa lola nito at hinalikan iyon sa pisngi.
"Balamu masanting ka gising ngeni, Apo," sabi ng matanda kay Bullet.
"Manyaman matudtud atin ka-kawul, Lola."
"Asus!" Ngumuso si Manang Sinyang. "Magpakasal kayu pa bayu ye dinan apo keng tud i apu mu!"
As usual, she was feeling left out again. Sana kasi, my subtitle kapag nagsasalita ang mga ito para nakakaintindi rin siya. Magpakasal lang ang naintindihan niya. Hindi pa niya sigurado kung kapareho noon ang iniisip niya.
"Good morning po," bati naman kina Manang Sinyang at Lola Dolores.
She excused herself and went to the bathroom to freshen up. Pagbalik niya ay naipagtimpla na siya ni Bullet ng kape. Nagluluto si Manang Sinyang ng bacon at itlog. Si Bullet naman ay naglabas ng harina, itlog, at gatas.
"We're making pancakes!" nakangiti nitong anunsyo.
Tumabi siya rito at nanuod sa ginagawa nito. He measured the flour and put it on a huge bowl. He made a well in the middle. On a separate bowl, he whisked the eggs. Saka nito inihalo ang gatas.
He then added some dry ingredients to the flour before he combined it with the milk and eggs. He began mixing all the ingredients with a whisk.
"Pa-try," sabi niya.
He gave her the whisk. Todo halo naman siya ng mixture. They make the pancakes from scratch. Ngayon lang niya naranasan ang gumawa noon. Sanay kasi siya sa pancake mixture.
"Marunong ka bang magluto, Hija?" tanong ni Lola Dolores sa kanya.
"Naku, hindi po. Tagakain lang po ako."
"Ayos lang 'yan. Magaling namang magluto iyang si Bullet," singit ni Manang Sinyang. "Bage kayu pa rin namang adwa."
She looked at Bullet for the translation, but he simply shrugged his shoulders.
"Atin kayu bang balak simba?"
"Kutnangan ke, La." Bullet turned to her and asked, "Kung gusto mo raw magsimba."
"Wala akong damit na pang-simba." She tugged at his shirt. Yumuko naman ito ng kaunti. Saka siya bumulong. "Magagalit ba ang lola mo kapag hindi tayo nagsimba?"
"Sobrang relihiyosa nyan, e," he said thoughtfully. "Dapat nga kasama nila ako kaninang alas seis sa simbahan. Kaso nahiya naman silang iwanan ka ritong mag-isa."
"Hala! Pa'no na? Hindi naman pwedeng naka-shorts ako pag-simba, di ba? Baka pagalitan ako."
"Atin bang problema, Apo?"
"Ala ya pu kanung malan, Lola."
Tumingin sa kanya si Lola Dolores. "Lawen mu keng kwartu ng ima mu. Pota atin magkasyang malan kaya."
Ano raw? Pota raw? Minumura ba sya ng matanda?
She gave Bullet a questioning look when he looked at her from head to toe. Saka ito ngumiti. "Siguru naman atin magkasya keka."
"What?"
"Come with me." Kinuha nito ang whisk mula sa kamay niya at ibinigay kay Manang Sinyang. Ito ang nagpatuloy ng ginagawa niya.
Bullet took her back to the room they slept in last night. Binuksan nito ang isang lumang tukador na may malaking salamin sa pintuan. Punong-puno iyon ng mga kumot, kurtina, punda, at panlatag. Sa pinakang itaas ay may isang plastic ng mga damit. Iyon ang kinuha ni Bullet.
"These were my mom's favorite clothes. I asked my grandma to keep them. Iyong iba, naipamigay na."
Inilabas nito ang mga bulaklaking bestida at palda. Some were really old-fashioned. In fairness to his mom, may taste ito sa timeless fashion. Classic ang cut o material ng mga damit nito. Iyong tipong mahirap mawala sa uso.
"Try this one." He gave her a dress with cap sleeves and A-line skirt. Kulay moss green iyon na may mga bulaklak na kulay pink. Pati baby collars, may design ng mga bulaklak. It has a little peek-a-boo in the back, just under the nape. Hanggang sa simula ng butas lamang ang zipper sa likod. Tapos ay pinaghuhugpong naman ng butones ang parte ng kwelyo.
"Now?"
He nodded.
"Labas ka muna ng kwarto."
"I've seen you almost naked. It doesn't bother me anymore."
"Gusto mo lang manilip!"
Tumawa ito nang hilahin niya ito patayo. Bullet raised his hands in defeat and saw himself out. Isinarado niya ang pinto saka siya nagpalit ng damit.
The dress did fit her body, but it didn't fit the present era. Nagmukha siyang matanda dahil sa suot.
"Can I see?" she heard him ask.
Simangot niyang binuksan ang pintuan.
"You look..." He paused for a long while. "...old."
"I feel old." She didn't want to hurt his feelings, but it's the truth.
"Try another one," sabi nito.
She closed the door again and looked for another dress. May nakita siyang isang silk pencil skirt na pink ang kulay. May disenyo iyong lace appliques na kulay itim. The thick waistband was also black.
She tried it on and thought that it was pretty cool. Kinuha niya ang blusa na kulay puti sa bag niya. May itim na lace iyong disenyo sa leeg at balikat. Itim din ang cuffs at butones noon. She put in on and tucked the hem of the blouse under the skirt.
Tamang-tama ang dala niyang boots na kulay itim. The whole look made the skirt look modern. Hindi niya maiwan ang salamin dahil hangang-hanga siya sa ayos.
When Bullet knocked, she hurried to the door and showed him the outfit. He gave her two thumbs up.
Agad siyang nagpalit ng damit at bumaba para mag-almusal. Alas diez daw sila magsisimba. Maulan-ulan pa rin sa labas pero kaya nang daanin sa payong.
Nagsalang na si Manang Sinyang ng pancakes nang makabalik sila. May nakahanda na para kainin. Bullet ate his pancakes with bacon and eggs. Breakfast na breakfast ang datingan. She likes hers simpler, with just maple syrup and butter.
"Ano'ng gusto mong ipaluto, Hija?" tanong ni Lola Dolores sa kanya. "Magdadala kayo ng pagkain, ano?"
Mas matindi pa ang epekto noon sa salitang mahal kita. Pagkain lang yata talaga ang minahal niya simula umpisa.
"Adobo po. Saka lasagna. Tapos pwede rin po 'yong leche flan na may sinukmani?"
"Oo naman!" masayang sagot nito. "Iyon lang ba?"
Nag-isip siya nang mabuti. Napakarami niyang gustong kainin pero kapag tinatanong naman siya, bigla siyang naba-blangko. Lalo na't may kinakain siya ngayon. Iyon lang ang laman ng utak niya. Ang masarap na pancakes na timpla ni Bullet at luto ni Manang Sinyang.
"'Yon na lang muna, La," Bullet interjected. "Isasama ko na lang sya rito tuwing weekend."
She liked the sound of that. Libreng masarap na pagkain araw-araw? Sino ba naman ang makatatanggi?
His grandmother said something in their dialect. Binasa na lamang niya ang tono ng pananalita nito, na tunog masaya naman.
--
Pagkatapos ng almusal ay naghanda na sila sa pagsimba. Siya muna ang pinauna nitong maligo. After taking a bath and getting dressed, she went down to the living room to wait for Bullet.
Ngiting-ngiti ang dalawang babae sa kanya.
Nag-usap ang mga ito sa Kapampangan at hindi niya agad napansin na isinasali na pala siya ng mga ito sa usapan. It was only when her name was mentioned that she joined in.
"Sorry po. Hindi po kasi ako nakakaintindi ng Kapampangan."
"Pasensya ka na rin, Hija. Mas sanay akong mag-Kapampangan kaysa managalog," paghingi ng dispensa ng matanda.
"Okay lang po. Ako na lang po ang mag-aaral ng dialect nyo para nagkakaintindihan tayo," nakangiti niyang sabi.
Nakakahiya naman sa matanda kung ito pa ang mag-a-adjust. Syempre nga naman, nasa pamamahay siya ng mga ito. Siya dapat ang matuto. Manang Sinyang made her promise that she'll come back next weekend. Tuturuan daw siya nitong magtimpla ng pancake mix dahil paborito raw iyon ni Bullet.
She readily agreed. It's only right to learn how to make his favorite food. Partida pa, napakadali noong gawin.
Pagkatapos daw ng misa ay hihiramin muna siya ng dalawang matanda para tumulong sa paghahanda ng mga dadalhin niyang pagkain. Dinagdagan pa ng mga ito ng bonus na puto ang iuuwi niya.
--
Simpleng long-sleeved shirt at jeans naman ang suot ni Bullet. She felt a little overdressed. But he didn't let her change clothes. Maganda na raw siya at wala na silang oras. Kaya nagpaalam na sila sa dalawang matanda para mag-simba.
Papalabas na sila ng bahay nang madaanan na naman ng mga mata niya ang display ng mga bala ng daddy ni Bullet. It doesn't feel right that it's missing one bullet.
"Aware ka bang kulang ang display ng dad mo?" tanong niya kay Bullet nang makalabas sila.
Binuksan nito ang payong habang siya naman ay kumapit sa braso nito.
"Yeah. I'm aware," sagot nito. "I took it."
"Oh..."
"Why?"
"Wala lang. Akala ko kasi hindi mo alam. Nasa'n na 'yon ngayon? Do you keep it somewhere safe?"
He looked ahead and answered, "I used to."
"What happened?"
"Nawala, e."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro