Chapter 21: Status: It's Complicated
Para sa translations, let's let our Kapampangan friends do the honors. :)
--
"What?! You're sleeping together? Kelan pa?"
Inilayo ni Fresia ang phone mula sa tenga nang magtanong si Mona nang malakas. She wants to tell someone about the arrangement because it's driving her crazy. Simula noong Lunes ay palagi silang magkatabing matulog ni Bullet.
"We're not having sex, Mona," paliwanag niya rito. "We're just... sleeping."
"Friend, ang tanda na natin pareho. Huwag na tayong maggaguhan."
Napasapo siya. Paano ba niya ipaliliwanag nang maayos sa kaibigan na wala naman talagang nangyayari sa kanila ni Bullet? Mas attracted pa yata ito sa pagtulog kesa sa kanya.
"i'm not messing with you. Natutulog lang talaga kami."
"Weh?" Hindi pa rin ito makapaniwala. "You mean to say na hinainan ka na ng masarap at malamang steak pero hindi mo kinain kasi diet ka?"
"Mona, be serious!"
"I am serious! What the hell is wrong with you?"
"Why would I sleep with him? Hindi naman kami."
"E ano nga ba kayo? You're together all the time. You sleep on the same bed. You like him and he obviously likes you too. So, ano nga ba kayo? Bakit hindi mo alam? Akala ko ba nag-confess ka na sa kanya?"
Ikinwento niya kay Mona ang nangyari noong Lunes. Panay ang layo niya sa phone dahil irit ito nang irit. And apparently, her employees are listening as well. Todo kumento ang mga ito pagkatapos niyang magkwento. Some even insisted that she brings Bullet to the cakeshop.
"Mona, private conversation naman, please."
Tumawa lamang ang kaibigan niya. "Don't worry, Beh, kapag may nag-spill ng beans sa labas, sisante agad. Di ba, girls?"
She heard the women answer in chorus.
"As for the boys, wala naman silang pake sa tsismis. Behaved naman sina Paco dito."
Agad siyang napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto. Tumingin siya sa digital clock. It's already past seven in the evening. Dumating na si Bullet.
"Next time na lang tayo ulit mag-usap. He's already here."
"Ayeee! Okay, sige. Basta pag-isipan mo 'yong sinabi ko, ha. Go for it!"
Napangiti siya. She wished it was that easy. Wala siyang lakas ng loob kapag hindi lasing. At kapag naman lasing siya, puro kahihiyan naman ang pinaggagagawa niya.
"Sige na. Bye!"
She ended the call and went out of the room. Kalalapag lamang ni Bullet ng dalawang malaking plastic bags sa lamesa.
"You went shopping without me?"
"Dumaan na 'ko bago pumunta rito. Hindi na kita tinawagan kasi ayaw mong magpabalik-balik, di ba?"
Well, he has a point. Tinulungan na lamang niya itong ayusin ang mga pinamili nito. May kalahating kilo ng baboy na cubes ang hiwa. May patatas, carrots, at peas. Tapos atay. May mangilan-ngilan ding gulay, prutas, condiments, at herbs na kasama. Everything that's missing in her kitchen, which was a lot. Bumili na rin ito ng bagong toothpaste, shampoo at conditioner, at dishwashing liquid. Pati toilet paper, meron!
"'Yong totoo, apartment mo 'to?"
Bullet let out a laugh. "Nakakahiya naman kung inuubos ko ang mga gamit mo tapos hindi ko papalitan."
Inilagay nito ang ilang ipinamili sa kitchen counter, while some went to the cupboards and the fridge. Habang ito ay abala sa pag-aayos ng mga gamit, siya naman ay abala sa panghuhula kung ano ang iniisip nito.
He was practically living in her apartment. May toothbrush at razor na ito sa banyo. May ilang damit na rin ito sa drawer niya. Minsan, dito na rin ito naliligo. He brings his work here too, and asks her for her inputs.
But they don't talk about their setup. It's like an unmentionable thing hanging above their heads. As if talking about it would end whatever it is that's happening between them.
"Menudo ang lulutuin ko, ha," sabi nito.
Tumango lamang siya.
"By the way, may plano ka ba bukas?"
Ang puso niya, muli na namang umasa. Bakit kaya ito nagtatanong? Will he ask her out on a date? No, Fresia. Don't get ahead of yourself.
"Why?"
"Tumawag kasi sa 'kin si Lola kanina. She wants to meet you," he answered while folding the plastic bags. Itinabi nito iyon sa plastic bag na lalagyanan niya ng mga plastic bag. Dahil sa pagsunod ng tingin niya sa galaw nito ay hindi kaagad nag-sink in sa kanya ang sinabi nito.
"What?"
He said something in his dialect and laughed. Hula niya, kapag tinanong niya ito, iyon uli ang isasagot nito sa kanya. Wala. Ang sabi ko... maganda ka, which is actually not so bad.
But back to the matter at hand...
"Sama ka sa 'kin bukas sa Pampanga."
"H-Ha?" Did she hear him correctly? Pampanga raw? "Bakit? Ano'ng gagawin ko do'n?"
"Didn't you hear what I said? Sabi ko... gusto kang ma-meet ng lola ko."
"Bakit?!" Peste. Kinakabahan na naman siya.
"Buri ke kasing pakilala kaya ing babaying espesyal kaku," sagot nito.
"Ano? Tagalog please."
"Ang sabi ko-"
"Oo na. Matagal ko nang alam na maganda ako," she said impatiently. "Ano ba kasi talaga 'yong sinabi mo?"
Ngumiti ito at pinisil ang pisngi niya. "Ka-cute!"
Pinalis niya ang kamay nito. She was pretty sure that she's blushing. Ramdam niyang nag-init ang mukha niya, e.
Bullet ignored her question and proceeded in cooking the menudo. Siya, as usual, ay nakapanuod lang. Kaya naman pala hindi ganoon karami ang perishable goods na binili nito. They'll be going to Pampanga tomorrow. She'll be spending the weekend with him and his grandmother.
The thought alone sent butterflies to her stomach.
Paano na lamang kung hindi siya magustuhan ng lola nito? Alam niyang masyado pang maaga para isipin ang ganoong bagay, pero paano naman kung humantong sila sa ganoon? Mahal na mahal ni Bullet ang lola nito. Not getting his grandma's approval would surely put an end to their hypothetical relationship.
"You're frowning," puna ni Bullet. "What's wrong?"
"Wala. Uhm... sino'ng kasama natin bukas? Inaya mo ba sina Felix?"
"Nope. Tayong dalawa lang."
Sa mga hinihiwa nitong patatas siya nag-concentrate. Hindi niya ito matingnan sa mukha. Nahihiya siya.
What's happening to her? Noong ipinakilala naman siya ni Richard sa parents nito, hindi naman siya ganito kakabado. In fact, she was cool, calm, and collected. Ngayon, Biyernes pa lang, maloka-loka na siya.
They're not even together. Baka naikwento lamang siya sa lola nito dahil malakas siyang kumain. Maybe he just mentioned to his grandmother that she liked her food a lot. O dahil baka inagaw niya ang isang weekend ni Bullet na dapat sana ay gagamitin nito sa pagdalaw sa lola nito.
It could be anyhing really. Assuming lang talaga siya.
"Nakakahiya sa lola mo. Baka maubusan kayo ng pagkain," she joked, trying to lighten the mood.
"Excited na nga sya, e. Ipagluluto ka raw nya ng specialty nya. Caldereta."
Just the thought of that succulent dish was enough to lessen her anxiety. Okay. No matter what she's feeling right now, it should not affect her decision. She will go with him to Pampanga. Para sa caldereta (at iba pang pagkaing ihahanda ng lola nito)!
--
The next day, maaga silang dalawang gumising para maaga ring makapagbyahe. Bullet has enough clothes in her apartment to bring to Pampanga. Doon na ito nagmula. Umalis sila nang alas ocho ng umaga. Isang malaking tote bag at sling bag lamang ang dala niya. She's wearing a jacket outside because it's raining. Again. The September weather was as unforgiving as its predecessor.
Medyo traffic na rin pa-North dahil marami pa ring nagtatrabaho ng Sabado. Idagdag pa ang ulan. Kaunti patak lang, hindi na magkandamayaw ang mga sasakyan sa daan.
While stuck in traffic, Bullet had this hilarious idea to sing along to a compilation of the old boybands' songs. Westlife, BSB, NSYNC, A1... you name it, he's got it.
Kaya naman kahit traffic sa daan ay aliw na aliw siya. Well, she was having a blast until he asked her to sing along.
"I already heard you sing," sabi nito nang tumanggi siya. "Manhid na ang tenga ko sa boses mo."
"Grabe ha!"
Tumawa ito. "But really... it's okay. I don't mind."
Even though her lips were still hesitating, her heart was already singing. And when she finally gave in to his request, she had a lot of fun.
They must have been singing for hours. Halos paos na sila nang makarating sa Pampanga. But they were both happy, really happy. Masaya palang maging baliw kapag may kasama ka sa kabaliwan.
Bumusina si Bullet nang mapatapat sila sa isang malaking bahay. May malaki rin itong pulang gate at nasa kanto ng kalsada. A middle-aged woman with an umbrella opened the gates. Ipinasok ni Bullet ang sasakyan. Nang nasa silong na sila ng bubong ay saka sila bumaba.
The woman tried to take their bags but Bullet insisted na ito na lamang ang magdadala.
"Si Manang Sinyang. Kasama ni Lola sa bahay," pakilala nito sa matanda. "Manang, si Fresia po."
"Kalagu mu naman pala talaga ne nang!" Manang Sinyang told her.
She looked at Bullet for the translation. Ngumiti naman ito at sinabing, "Maganda ka raw."
"Ayan ka na naman."
Tumawa ito. "Bakit ayaw mong maniwala? Itanong mo pa kay Manang."
Tumango ang matanda. "Totoo, Hija. Napakaganda mo naman talaga!"
"Salamat po," medyo nahihiya niyang sabi.
Manang Sinyang took her by the hand and led her inside. The whole house was made of wood. Makintab ang sahig. Napakalinis ng bahay. Pagpasok pa lang, makikita na ang litrato ng parents ni Bullet, mga medals at diplomas, at isang glass case na may mga balang naka-display. Iyon siguro ang koleksyon ng ama nito. But it's missing one bullet.
Kitang-kita ang resemblance ni Bullet sa ama nito. His dad looks magnificent and proud. Naka-uniporme ng pansundalo ito sa litrato. His eyes look cold, though, so she's guessing na nakuha ni Bullet ang mga mata ng ina nito. They were expressive eyes.
"Apo!" Napalingon siya sa tumawag. Isang matandang nakaupo sa wheelchair ang tulak-tulak ni Manang Sinyang papunta sa kanila. Nilapitan ni Bullet ang matanda at hinalikan sa pisngi. "Mayap namu at dintang ka."
"Syempre, Lola. Sabi ku na keka, datang ku e. Di ba?"
The old woman nodded. Napansin yata nitong nakatayo siya sa hindi kalayuan. Tumayo ang lola ni Bullet at nilapitan siya. Todo-alalay naman ang apo nito.
She looked at her grandson and spoke (this time, she knew she was mentioned), "Wa, sinabi mo pin. Iya na ba ing amanwan mo?"
"Yes, Lola."
When near enough, the old woman took her hands.
"Good morning po," nakangiti niyang bati. "Kumusta po kayo?"
Ngumiti ang matanda at muling tumingin kay Bullet. "Malagu ya pin."
Nahiya siyang itanong kung ano ang ibig sabihin noon. But after that, the three spoke in Tagalog. Dolores pala ang pangalan ng lola ni Bullet. Mahina raw ang katawan nito at madaling mapagod kaya naka-wheelchair na. Si Manang Sinyang ang namamahala ng kainan ni Lola Dolores. Ito rin ang madalas magluto ng mga pagkaing ipinadadala kay Bullet.
Recipes lahat ni Lola Dolores ang gamit at tinitikman nito ang bawat putahe para masiguradong tama ang timpla at masarap ang lasa.
Kagaya ng ipinangako ni Bullet ay marami ngang inihandang pagkain ang lola nito. Kaso, medyo tinamaan siya ng hiya dahil ayaw niyang masira ang impression ng matanda sa kanya. Konti lang ang kinain niya noong tanghalian.
--
Walang masyadong magawa si Fresia dahil umuulan. Mahina lamang iyon pero hindi naman tumitigil. Ang naging libangan tuloy niya, ang tumingin sa photo albums ng pamilya ni Bullet. He's with his grandmother upstairs. Kinakausap nito ang matanda bago ito magpahinga. Si Manang Sinyang naman ay bumalik daw sa restaurant para siguraduhing maayos ang pagpapatakbo roon ng katiwala nila.
So she was alone in the living room when her stomach grumbled. It's only been two hours since lunch but since she didn't eat enough, nagrereklamo na naman ang tiyan niya.
She went to the kitchen to see if there's any food. Well, marami naman. Nasa fridge ang karamihan. Kaso ay ayos na ayos ang mga pagkakalagay ng pagkain doon. Nahiya siyang bumawas nang walang paalam.
Kaya umakyat siya sa kwartong tutulugan niya at naghanap ng makakain. May nadala yata siyang granola bar galing kay Aika. Her friend gave her some of her chocolates after the trip. Hindi na raw kasi nito maubos sa dami.
Halos magtatalon siya sa tuwa nang makakita siya ng isa. She opened the wrapper and took a bite. She was chewing on it when Bullet went inside the door she forgot to close.
"Hungry again?"
Napatigil siya sa pagnguya. Nakataas pa rin ang granola bar malapit sa bibig niya. Huling-huli siya nito. Wala siyang excuse!
"I told you to eat some more. Alam naman ni Lola na malakas kang kumain."
Lumapit ito sa kanya at tiningnan ang kinakain niya. Then without saying a word, he bent down and took a bite of her granola. Pansamantala yata niyang nakalimutang huminga. She just stared at his closed mouth while he was chewing.
How can he make it look so hot? He wasn't even trying!
"Tuknangan mo kung lalawen o i-kiss da ka."
What did he say? Sinabi na naman ba nitong maganda siya? Alam na naman niya iyon. Kailangan pa bang ulit-ulitin?
"Sabi ko, eka tititig."
She didn't even get the chance to ask what he meant. Itinukod nito ang mga kamay sa kama, sa tigkabila niya. Then he bent down and claimed her lips.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro