Chapter 15: The Awkward Aftermath
It would have been nice if Fresia was drunk. At least, may excuse sya kung bakit bigla na lamang siyang nanghalik. But last night, she was totally sober.
Napasapo siya. She should have known better. Sinabi lang ni Bullet na espesyal siya, hinalikan na niya ito kaagad. He might have just said that to his grandma so she'll let him go. It could have been an excuse. His excuse.
It could mean nothing!
Niyakap niya ang mga tuhod at saka isinubsob ang mukha roon. It was still early. Wala pang alas seis ng umaga. Hindi na siya nakatulog dahil sa nangyari. It was so awkward after the kiss. Hinawakan siya nito sa tigkabilang pisngi at seryosong tinanong kung lasing ba siya. When she told him that she wasn't, hindi na ito nakaimik.
Masyado siyang nailang kaya nagpaalam siya kaagad na matutulog na kahit gising na gising pa ang diwa niya.
Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Malapit nang magsigising ang mga kasama nila. She can't hide inside the tent forever. Damn his lips for being so inviting. Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa utak niya!
She exhaled.
It's already done. All she can do now is pretend that it never happened. Nahiga siyang muli at pumikit. She needs to sleep, kahit konting oras lang.
--
Nagising si Fresia nang magising ang mga kasama. Nang tingnan niya ang relong suot ay nakita niyang alas siete pa lamang ng umaga. Halos isang oras lang ang naitulog niya. Hindi na rin kasi siya dinalaw ng antok dahil nag-iingay na sina Mona.
When they got out of the tent, they found the boys already cooking rice. 'Yong dala nilang skinless longganisa, iniihaw na ni Mang Ed.
May isang tindahan sa campsite pero mas mahal ang presyo ng bilihin kesa sa tindahan sa entrance. Nagbubukas lang iyon sa madaling-araw at nagsasara agad bago gumabi. Nagpainit sila roon ng tubig para sa pangkape nila. She's not fond of instant coffee but it's all they have.
Hinayaan niyang sina Aika at Bullet ang maghanda ng kape. She plans on staying away from him the whole day... but that didn't happen. Lumapit na ito kaagad sa kanya dala-dala ang isang cup ng kape.
"Good morning," nakangiti nitong bati.
"M-Morning," she murmured. Kinuha niya ang kape at lumayo dito. She couldn't even look him in the eye, for chrissake!
Naupo siya sa tabi ni Mona na noon ay pinanunuod si Felix na magsaing, which translates to him just standing near the stove, waiting for the rice to cook.
"Are you okay? You look pale," puna nito.
"I'm okay. Hindi lang nakatulog nang maayos."
"Uy... bakit?"
"Kasi nag-ingay kayo agad. Patulog pa lang ako kanina."
"Umaga na kasi, friend," sabi nito sabay higop ng kape. "Ang umaga, para sa paggising, hindi para sa pagtulog. Kung mag-date naman kasi kayo, madaling-araw na."
Pinandilatan niya ito. How did they know? Akala niya ay tulog na ang mga ito nang mga oras na 'yon!
"D-Did you—"
"See what you did?" Tumango ito. "We saw it."
Mona patted her back. Siya naman ay lalong nahintatakutan. Her friends would tease her nonstop! Baka may mang-blackmail pa sa kanila! Dapat kasi talaga ay hindi siya agad bumigay sa tukso.
"I'm dead," naiiling niyang sabi.
Tumawa si Mona. "Ano ka ba! Okay lang 'yon, 'no. Mukhang nag-enjoy din naman sya sa kiss nyo."
Did he? Pasimple niyang tiningnan si Bullet sa hindi kalayuan. Biglang nag-init ang pisngi niya nang makitang nakatingin ito sa gawi niya. He smiled when he saw her looking. Siya naman ay biglang nag-iwas ng tingin.
"It was nothing, Mona," sabi niya sa kaibigan.
"Okay lang namang ma-attract ka sa kanya. Single ka. Single din naman sya. You're both adults."
"Wala nga lang 'yon."
"Sus!" Tinaasan siya nito ng kilay. "Wala lang ba, e tinitingnan ka pa lang, hindi ka na mapakali."
"Because I did something stupid, okay? 'Yon lang. Dahil lang do'n kaya hindi ako mapakali."
Mona gave her a teasing smile. "Okay. If you say so..."
--
Hindi naman siya nilalapitan ni Bullet. He was keeping a safe distance. But his stares make her so uncomfortable. Hayagan pa naman ito kung tumingin. Tuloy, hindi siya makakain ng maayos. Maya't maya siya kung mabulunan! At ang mga walanghiya niyang kaibigan, tawa lang nang tawa.
"Kumalma ka kasi sa pagkain," sabi sa kanya ni Brandi. "Maraming kanin, okay? Di ka mauubusan."
"Tubig, o." Ipinaabot ni Bullet kay Aika ang isang cup ng tubig para ipainom sa kanya. He smiled sympathetically.
She took the cup and drank the water in huge gulps. Sumandok ulit siya ng kanin para hindi halatang affected sya. Since the sausages are all gone, de-lata naman ang inulam nila.
After their breakfast, nagkayayaan nang maglangoy. Brandi was quick to change into her bikini. Palibhasa ay sanay na itong nakaganoon dahil modelo ito. Si Aika naman ay nagpalit ng t-shirt at shorts. She originally planned on wearing her bathing suit pero ngayon ay nagdadalawang-isip siya. Pareho pa pala sila ni Mona. Naka-one piece ito pero may doble na malaking t-shirt.
The guys have no problem showing off their abs. Kahit si Manong Ed, meron din. Si Brandi lang ang hindi mukhang affected sa kanila dahil halos araw-araw itong nakakakita ng abs.
Pinangunahan ni Manong Ed ang pagbaba sa falls. Kasabay nito iyong mga lalaki kaya nagpahuli siya. Sina Mona at Aika naman ay kasunod-sunod ng mga ito.
"Would you take that off?" Brandi tugged at the hem of her shirt. "Nag-bikini ka pa tapos tatakpan mo rin naman."
"Marami akong kinain kanina," dahilan niya rito.
Iniangat nito ang shirt niya. "Hindi naman halata. Baka nga tunaw na 'yong kinain mo, e."
"Grabe ka naman!"
Brandi grinned. "Give him a show or he'll be disappointed," sabi nito sa kanya bago ito sumabay kina Aika.
Great. They're onto her now. Pakiramdam niya ay hindi siya titigilan ng mga kaibigan hanggang walang sequel ang katangahan niya kaninang madaling-araw.
--
The way down the falls was slippery and steep. Puro ugat lang ng mga puno sa paligid ang tanging kapitan nila pagbaba. And since she was the last one to go down, wala na siyang katulong sa pagbaba.
She was contemplating on whether to jump or just return to their tent when he came back... probably to get her.
"Need any help?"
"Kaya ko na." Humanap siya ng batong matatapakan saka siya kumapit sa isang ugat. She was doing so well until it got uprooted. Sumemplang tuloy siya sa bisig ni Bullet. Masyado mang cliché pero nag-iba na naman ang ritmo ng puso niya. Kumakabog nang malakas... mas malakas pa sa lagaslas ng talon.
Natakot siyang baka bigla nitong marinig iyon kaya nagpumilit siyang bumaba.
"Careful," he said.
Great advice since she's been nothing but careless around him.
"Thanks."
She pushed his hand away and trekked down to where their friends are. Her dear friends gave her teasing looks and smiles. The devils! Kulang na lamang ay ipagsigawan ng mga ito kung ano ang nangyari kagabi.
She was a bit glad that it didn't go beyond kissing. Baka nagka-video scandal pa siya kung nagkataon.
Pinilit niyang alisin ang tensyon na nararamdaman. The cold water helped. Sa sobrang lamig ng tubig, sandali siyang naparalisa. She stayed in the water until her brain stopped functioning. Tapos ay bumalik siya sa mabatong gilid kung nasaan si Aika. Kumukuha ito ng litrato.
"You're not going to swim?" tanong niya rito.
"Mamaya na."
Kinuha niya ang sariling phone at saka nakipag-selfie kay Aika. When the gang asked for pictures, they both obliged.
"Sali naman kayo rito!" aya ni Brandi.
"We're taking pictures!"
"Si Manong Ed na lang ang pakuhanin nyo!"
As is on cue, nilapitan sila ng matanda at kinuha ang mga gadgets. Mickey pulled Aika in. Hihilahin din sana siya ni Bullet pero inunahan niya ito. She jumped into the water and swam to Mona's side.
"Reydi!" sigaw ni Manong.
It sure is hard to pose kung wala kang tapakan. Hindi sila makaayos dahil panay ang pagkaway nila. Si Manong Ed naman ay click na lang nang click. Paniguradong puro candid ang kuha nito.
Lumipat sila sa batuhan at doon nagpu-pose.
It's good that Manong Ed was there. Nalilibot kasi nito ang kabuuan ng falls nang walang kahirap-hirap. Armed with the gadgets inside the waterproof bag, he treaded the water so he could take amazing pictures. They even have one underwater, courtesy of Bullet's Go-Pro.
Nang mapagod magpu-pose ay ipinahinga muna nila ang pictorial at nagkanya-kanya sila ng langoy. The guys wanted to know how deep the water is kaya isa-isang sumisid ang mga ito para tibawin ang lalim noon. Sila naman ay kumakain ng chichiria sa isang tabi.
"Take off your shirt, Fresia," bulong ni Brandi sa kanya.
"Ayoko nga!"
"Friend, unfair na ikaw lang ang naglalaway sa kanya. Dapat sya rin maglaway sa 'yo," Mona told her.
"Kelan ako naglaway?!"
"Kunwari ka pa, e!"
Tiningnan niya si Aika na ngingiti-ngiti lang sa isang tabi. "Aiks, help me out here!"
Aika ate a potato chip and nodded. "Carpe diem, Fresia."
"Seriously, you're all annoying!"
Tumubog siya sa tubig at akmang tatawid sa kabila nang biglang lumangoy papunta roon si Bullet. Humagalpak si Mona nang simangot siyang bumalik sa pwesto.
Sandaling nalingat ang atensyon ng mga ito nang umakyat sa uka-ukang bato si Manong Ed. He was aiming for the cave-like hole on the wall. Popular iyon sa mga lalaki. A guy friend tried it once. Nakababa sila agad dahil nalaglag ito sa batuhan nang makakalahati.
The guides, however, are professionals. Araw-araw ang mga itong umaakyat doon kaya walang problema. Nang makarating sa butas si Manong Ed ay sinabihan nila itong huwag munang tatalon.
Armed with their phones, the girls took pictures and videos of Manong Ed jumping. Kahit sanay na siyang makakita ng ganoon ay napapahanga pa rin siya.
"Where are you going?" she heard Felix ask.
Nakita niyang umahon si Bullet. Ngumiti ito sa kaibigan at tumuro sa itaas. Her stomach twisted. The idiot is going to kill himself.
And her friends cheered him on. Kinuhanan pa ng mga ito ng video. Bullet was enjoying the attention. He braved the rocky wall until he reached the hole. He stood straight and spread his arms as if they were wings.
Her heart jumped the same time he did.
--
Daig pa ni Bullet ang naka-high nang lumanding siya sa tubig. He loved how thrilling the jump felt! Gusto pa sana niyang umulit kaso ay nakita niyang nag-walk out si Fresia.
She's been avoiding him all morning. Ni ayaw nitong tumingin sa kanya. He knew it has something to do with the kiss. Maybe she regretted it? Maybe she was ashamed of it?
Agad niya itong sinundan.
"Hey!"
She glared at him.
"What's wrong?"
"What's wrong?! What's wrong?! Tapos ka na ba sa pagmamagaling mo, ha? Why don't you just jump again and this time, aim for the rocks!"
"I wasn't hurt!"
"You could have, you moron! 'Yan ang hirap sa 'yo, e. Ang hilig mong magmagaling! Tingin mo ba kakayanin ng konsensya ko kung may mangyari sa inyo?!"
She was fuming mad. He's never seen her this mad before.
"Fresia, I'm okay. Really."
"Well, I'm not!"
He was shocked by her outburst. Everyone cheered him up. They all thought he could do it. Ito lamang ang mukhang takot na takot sa ginawa niya. Maybe she has fear of heights? Or was it because she was scared of losing people again? Whatever it is, it made him feel guilty.
He tried to apologize but she brushed him off. He tried to help her climb the rooted path but she just told him to get lost. Hindi na ito bumalik sa talon. She just stayed in her tent while they tried to bring back the fun.
"Hayaan mo na 'yon," sabi sa kanya ni Mona. "She was just worried about you."
"There's nothing to be worried about."
"Just let her cool down."
He followed Mona's advice and left Fresia alone. But Fresia must be really upset because she didn't get out of the tent until it's time to go home. Hindi rin ito kumain ng tanghalian. Ang mga kaibigan naman nito ay pilit siyang ina-assure na ayos lang ito. Wala raw silang magagawa kung galit ito. Kusa na lamang daw iyong mawawala.
She trekked ahead of the group. Tahimik din ito sa byahe nila pabalik. And even in his car, on their way home, Fresia changed seats with Brandi. Nagpasak ito ng earphones. Mukhang ayaw pagambala.
Kahit noong sila na lamang dalawa sa sasakyan, hindi pa rin siya nito kinausap. Matindi pala itong magalit. When she slammed the door on his face after entering her apartment, he feared that he'll have nothing to sleep on tomorrow. Baka pagpunta niya roon kinabukasan ay sira na naman ang mga gamit nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro