Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

Arrangement

"Where are we going today, Mama?"

Yumuko ako para maglebel ang mga mata namin ni Red. "To the park. Do you want that?"

"Yes!" tango niya at pagkatapos ay nilingon si Theo na nasa likod niya. "Are you coming with us, Papa?"

"I'm afraid I can't. I have to go to the hospital today." Bumaling si Theo sa akin. "Did you take a day off today?"

"Oo. Balak ko rin na mag file ng leave of absence for one week." Tumayo na ako ng maayos at hinawakan ang kamay ni Red. "I want to spend more time with Red."

Ngumiti si Theo. He nodded understandingly. Muli siyang napasulyap sa mansiyon. "Maybe Liz can come with you as well—"

"Bakit siya sasama?" medyo agresibong tanong ko. Naiinis kung bakit isasama pa ang asawa niya sa lakad namin ng anak ko.

"She can help you..." Kumunot ang noo ni Theo habang mariing nakatitig sa akin.

"We can manage," giit ko. Kaya kong alagaan ang anak ko, dagdag ng isip ko. Tiningnan ko ulit si Red at matamis na nginitian. "Are you ready? You can say goodbye to your Papa now."

Binitawan ko ang kamay niya. Mabilis niyang niyakap ang ama.

"Bye, Papa! We'll see you later!"

Muling bumalik sa akin si Red at kinuha ulit ang kamay ko.

"Aalis na kami," paalam ko kay Theo.

Tumango siya pero may pagtataka pa rin sa mga mata niya. Pumasok na kami ni Red sa loob ng kotse ko at ilang sandali pa ay pinaandar ko na ito paalis.

We went to the park. Sa parehong parke kung saan kami nagkita ni Winona. Ang likot ni Red at ang dami niyang mga tanong sa bawat nakikitang bagay sa paligid. Naaaliw naman ako habang sinasagot siya.

"Do you want some ice cream?" tanong ko kay Red nang makahinto kami sa tapat ng nagtitinda ng sorbetes.

"I want vanilla ice cream," tugon niya. "Your favorite is chocolate ice cream. Papa told me!"

"Your papa is right." Napangiti ako. Pati pala ang mga paborito ko ay naikuwento ni Theo sa anak namin.

Kinapa ko ang pera mula sa bulsa ng suot na jeans at lumapit na sa ice cream vendor.

Pagkatapos naming bumili ng ice cream ay naupo kami sa magkatabing swing. Hinawakan ko ang likod ng kanyang swing para masigurong hindi siya mahulog mula rito.

"Is it okay with you if we get to know each other better?" marahang tanong ko.

"But I already know you so well, Mama."

"I know." Marahan akong natawa. Bilib na bilib nga sa maraming alam niya. Banayad ko siyang tiningnan. "But I... I still don't know a lot about you." Nangibabaw na naman ang emosyon ko. "I don't know your favorite color..."

"My favorite color is red, and yours is green."

Napangiti ako. "What's your favorite fruit?"

"Strawberries, green apples, grapes..."

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa at marahang pinunasan ang sulok ng labi niya dahil sa ice cream. "And who is your best friend?"

"It's Papa. Your best friend is Papa as well!"

Natigilan ako sa pagpupunas. "Your Papa told you that?"

"Yup! He said he's your best friend."

Matagal pa bago ako nakabawi. Natatakot na tuloy akong malaman kung ano pa ang mga pinagkukuwento ni Theo sa anak namin tungkol sa akin.

"What's your favorite food, Red?" pagpapatuloy ko.

"I love hotdogs and shrimp. You love shrimp too, right?"

"Not anymore, anak." Naalala ko ang allergy. Tuluyan nang naubos ang ice cream na kinakain ko.

Nagtagpo ang kilay ni Red. "Why not, Mama?"

"I've developed an allergy so I always try to avoid eating shrimp."

Napaisip siya at pagkatapos ay unti-unti ring tumango. Nang makitang naubos na ang ice cream ko ay inubos niya na rin ang sa kanya. Kinuha ko ang wipes mula sa loob ng bitbit na maliit na bag at pinunasan ang bibig niya pati na rin ang mga kamay niya.

"Maybe I should stop eating shrimp too. I could develop an allergy..." metikulusang saad ni Red.

Natawa ako sa advance na pag-iisip ng anak. Marahan kong hinagkan ang noo niya.

"Who cooks you your favorite foods?" muling tanong ko.

"The Manangs... and sometimes Papa if he is not at the hospital."

"How about... Liz?" Gustong bumaluktot ng dila ko. "She doesn't cook for you?"

"Liz doesn't know how to cook, Mama. She only takes care of me and then goes to Papa's bedroom—"

"Kite!" natatarantang singhap ko sabay turo sa itaas. Naging palusot ko ito para hindi niya maituloy ang sinasabi dahil naalarma ako.

Alam ko namang may asawa si Theo pero hindi ba sila puwedeng maging medyo... discreet naman sa anak ko habang gumagawa ng milagro?

"That's a bird, Mama. That's not a kite." Nanliit ang mga mata ni Red.

"Oh? M-My mistake, anak..." Kabado akong natawa. Humagikgik na rin si Red.

Nang mag alas onse na ay kumain na muna kami ni Red ng lunch sa isang family restaurant. Pagkagapos ng lunch ay dinala ko rin siya sa condo unit ko.

Mangha niyang iginala ang tingin sa sala ko.

"You live here, Mama?"

"Yes, Red."

Umaliwalas ang mukha niya. I could also see excitement in her eyes. "Papa and I are going to live here, too?"

Umawang ang labi ko. Her question ambushed me. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Or are you gonna live in the mansion with us?"

Para akong sinundot ng matulis na bagay sa tagiliran dahil sa tanong niya.

"Come here, anak..." paos na tawag ko.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. Naupo ako sa sofa at kinandong siya. Humugot muna ako ng lakas bago nagsimula sa pagpapaliwanag.

"Your Papa and I... aren't back together," sabi ko. Hindi ako sigurado kung mauunawaan niya ba. "And I... I want you to understand that it doesn't change the fact that we both love you so much."

"But you don't love each other anymore?" nag-aalalang tanong niya sa maliit na boses.

"We do," sambit ko. Hindi ko lang alam kung ano ang opinyon ni Theo tungkol dito.

"Then why aren't you back together?"

Napapikit ako. Nahihirapan ako kung paano ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon naming dalawa ng ama niya. It was so hard to explain to a child our current family arrangement.

Dumilat ako. "Because it's now a different kind of love," banayad kong sinabi sabay haplos sa pisngi niya. "It's the kind of love that has finally learned to let go of all the emotions that made it love in the first place. The happiness, sadness, anger, pain, loss, and love itself." I murmured and kissed the top of her head. "And it's now the kind of love that has a common ground, and that is our love for you..."

Unti-unti siyang tumango na para bang sa wakas ay naiintindihan na niya ang sitwasyon. Nawala ang nakadagan sa dibdib ko.

Excited siyang ngumiti sa akin. "Can I see your room, Mama?"

"Siyempre naman."

Dinala ko siya sa kuwarto ko at ipinakita ang loob nito. Mabilis niyang napansin ang mga naka-display na litrato.

"That's me when I was a baby!" singhap niya sabay turo nito. "That's also me! Those are all me!"

Hindi pa siya nakuntento at nilapitan niya ang shelves. Natutuwa niya itong pinagmasdan. Tinitigan ko si Red at may dumapong lungkot at pagsisisi sa puso ko.

Lumapit ako sa kanya at yumuko para matingnan siya nang maayos sa mga mata. Tiningnan niya ako.

"I'm sorry, Red that... it took so long for me to get to you," nanginginig kong sinabi. "I'm so sorry for making you wait for so long..."

Mas lalo lang akong naluha nang makita ang panginginig ng munting mga labi niya.

"Mama really tried... so hard to find you," hikbi ko. "I love you so much... more than life itself..."

Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak siya. "I-I have missed you s-so much, Mama! Don't go away anymore... p-please..." Humiyaw siya sa sakit. The bravery that she had shown during our first meeting collapsed. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang matinding pangungulila niya.

"I k-knew you'd c-come back. Papa promised me..." hagulgol niya. "B-But it's... it's just so hard... to wait... everyday..."

I cried harder than ever. My hold on her tightened as her little body shook because of her endless cries. I was reassuring her that I would stay. Soothing for her pain to go away.

Kinalma ko ang sakit na dinarama niya maski ako ay bugbog na rin ng sakit at pighati. Nagbabakasakali ako na sana mahigop ng mainit na yakap ko ang pagdurusa ng anak ko. Na kung puwede lang ay ako na lang ang masaktan. But the pain did not even spare my own child. The cruelty of those people did not spare her.

Inihatid ko si Red pabalik ng mansiyon kinahapunan. Ipinarada ko ang sasakyan at bumaba na kami ni Red mula rito. Sinalubong kami ni Theo sa bukana ng pintuan. Hindi siya mag-isa lang dahil sa tabi niya ay nakatayo ang isang babae na kasing edad lang yata ng pinapaaral ko sa probinsiya na si Emily.

"Mama and I had so much fun today, Papa!" sabulong ng anak namin kay Theo. Nawala na ang bakas ng pag-iyak niya kanina.

"Susunduin ko siya ulit dito bukas," sabi ko kay Theo.

Tumango siya at binalingan ng tingin ang katabing babae.

"I want you to meet Liz," aniya sa seryosong boses. "She's our daughter's personal yaya."

Umawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata dahil sa pagkakagulantang.

"Red sometimes calls Eliza, Eli and I call her Liz," pagpapatuloy ni Theo habang kritikal akong pinagmamasdan. "Anak siya ng mayordoma rito sa mansiyon at minsan naa-assign siya sa paglilinis ng kuwarto ko."

Gusto kong magtago sa ilalim ng bato dahil sa kahihiyan sa maling akala. At bakit ba tunog pinagdidiinan ni Theo na mali ang iniisip ko?

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagiging guilty. Mistulan niya namang hinuhuli ang tingin ko.

"I don't have a wife," mariin niyang sinabi.

"But I've seen annulment papers in your drawer," hindi ko na napigilan pa.

Theo groaned. "Those are my parents'. Pinahawak lang sa'kin ni Mom."

Sumulyap ulit ako kay Liz... na katulong niya pala. Nakita kong binubulungan niya ang anak ko. Ilang sandali pa ay tumango si Red at umalis silang dalawa.

"But... you had a fiancee," litong baling ko kay Theo. "Sinabi sa'kin ng mommy mo no'ng... no'ng tinawagan ko siya para hanapin ka."

"You did that?" Nanghina ang mga mata niya at pagkatapos ay pumungay ito. "I never had a fiancee nor a wife." Kabado niyang ipinalandas ang dila sa ibabang labi habang pinagmamasdan ako sa nakakalusaw na paraan. "P'wera na lang kung... pumayag ang babaeng gustong gusto ko..."

Hindi ko maipaliwanag pero bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko. Parang gusto na nilang bumigay.

"I can have a fiancee right this evening... and make her a wife the next morning," paos na dugtong ni Theo.

Nag-iwas ako ng tingin at maingay na tumikhim. "Well... Anyway... as I said," isang tikhim ulit, "susunduin ko ulit dito si Red bukas ng umaga..."

"All right." Napasulyap si Theo sa loob ng mansiyon. "Do you want me to call Red so that you can say goodbye to her?"

"Huwag na. Nakapagpaalam na naman kami sa isa't isa sa sasakyan at magkikita rin kami ulit bukas."

"Okay. Hindi ko ulit ipapasama si Liz," umangat ang sulok ng labi niya at may panunukso rin sa mga mata niya, "Red's personal yaya."

Hindi ko na naawat pa ang sarili at harap-harapan na siyang inirapan.

"Alis na ako," sabi ko sabay talikod.

I heard him chuckled.

Nahirapan akong matulog nang makauwi na ng condo. Sa tuwing pumipikit ako, ang pamumungay ng mga mata ni Theo na nakatingin sa akin ang nakikita ko. Naaalala ko rin ang kapalpakan ng pag-aakalang may asawa na siya.

Nabunutan ako ng tinik dahil na-realize na hindi naman pala ako naging kabit ni Theo noong may... nangyari sa amin.

Just like what I have promised, sinundo ko ulit si Red kinaumagahan. Mas inagahan ko ang pagpunta para na rin sa pakay na pakikipag-usap kay Theo tungkol sa magiging arrangement namin bilang mga magulang ni Red.

Kabababa ko lang ng sasakyan ay sinalubong niya na agad ako. Ang presko niyang tingnan at mukhang handa na siya para sa pagpunta sa trabaho. Suot niya ang isang white button down long sleeve shirt at black khaki pants.

"Pinapaliguan pa si Red," bungad niya. "You said you want to talk to me."

"Yes. Can we..." Isinuyod ko ang tingin habang naghahanap ng lugar kung saan kami puwedeng mag-usap.

"There's a coffee shop near the village," agap niya. "It's only a five minute drive from here. Alam kong 'di ka komportable rito sa mansiyon."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at marahang tumango.

"Can we use my car or..." nag-aalinlangang tanong niya.

"It's okay."

He smiled a bit. Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto nito. Walang imik akong pumasok sa loob.

Huminto kami sa isang maliit na coffee shop. Hindi na ako naghintay pa na pagbuksan niya ng pinto ng sasakyan at kusa ko na itong binuksan at bumaba na.

We entered the quiet inside of the coffee shop. Um-order siya ng kape namin. Nang dumating ito ay nauna akong sumimsim sa kape ko at pagkatapos ay nagsimula nang magsalita.

"About our arrangement as Red's parents," sabi ko at maingat siyang tiningnan. "If we can have a schedule... kung kailan ko siya p-puwedeng h-hiramin sa'yo."

"You can take her anytime and spend time with her for as long as you want."

"What if I say everyday?" Marahan akong natawa sa sarili dahil sa labis na kagustuhang makasama ang anak. "I don't want to be unfair to you..."

"You're not being unfair to me." Malungkot na ngumiti si Theo at nagbaba ng tingin sa tasa ng kape niya. "Kumpara sa'ting dalawa, ako 'yong naging unfair. As I said, you can have her anytime, and if it's everyday you want then I don't mind."

"Thank you, Theo," bulong ko. I was very grateful for his understanding.

Sumimsim siya mula sa tasa ng kanyang kape at pagkatapos ay muli niya itong inilapag sa mesa.

"Balak kong isama na si Red sa condo ko," he continued as he looked at me. "I know that it's hard for you to... go to my parents' mansion. I want you to be comfortable when you want to pick up our child."

Natahimik ako at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng mapait na kape.

"And I want you to know that if you want to take our child," pagpapatuloy ni Theo, "because it's hard for you to see me as well, I won't protest."

"Theo..."

"All I ask is for you to allow me to see her... once in a while."

Bumara ang mapait na kape sa lalamunan ko. I was reminded by what he said before. Red is everything to him. Now, I witnessed how selfless Theo really is.

"I don't want to see you hurting anymore, Claudine." His jaw clenched as he swallowed hard. "So please, just tell me what I can do to spare you from any more pain."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro