Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

Alon

"Ang kanyang mga mata ay nangungusap. Bawat galaw mo ay sinusundan nito. Alipin siya ng —"

"Have you checked his vitals?" malamig na pagputol ko kay Nurse Risa kaya nahinto siya sa kanina pang madrama niyang pagtutula.

"Oo, Doc. Stable naman." Sinulyapan niya ulit ang gawi ni Theo at nagpatuloy, "Alipin siya ng iyong atensiyon. Kahit isang sulyap man lang ay iyong pagbigyan—"

"What about his IV drip?" mariing tanong ko.

"Adjusted na, Doc," parang wala sa sariling sagot niya. Humaba na ang kanyang leeg kakatingin kay Theo at sa pasyente nito na nasa katapat lang na kama ng ward.

Muli akong napatingin sa natutulog pang pasyente. "That's all for today. Let's go," untag ko at mabilis na naglakad palabas ng ward.

Sumunod naman kaagad sa akin si Nurse Risa. "Kailan mo ba siya kakausapin? Tatlong araw na siyang ganyan..."

Alam kong si Theo ang tinutukoy ni Nurse Risa.

"Kapag naging paborito na ni Doc Eric ang ER," sabi ko.

"Hala! Napakaimposible naman!"

"E 'di imposible rin na kausapin ko siya." Tuloy-tuloy at mabilis ang ginawa kong paglalakad papunta sa Information desk.

Para na rin sa peace of mind ko, iniiwasan ko si Theo matapos noong nangyari sa condo unit niya. Para sa akin, nasabi ko na naman din sa kanya ang lahat maliban na lang ang tungkol sa anak namin. Alam kong may karapatan siyang malaman ito pero ewan ko ba, hindi pa yata ako handang paratangan na naman niya.

"Nasa management office ba today si Doc Georgina?" tanong ko kay Nurse Relani nang mahinto na sa harap ng Information desk. Pangatlong araw ko na rin itong pagtatanong sa kanya dahil hindi ko pa rin matiyempuhan si Doc Georgina sa kanyang opisina.

"Wait... Check ko," aniya sabay kuha ng telepono.

Naghintay ako habang dina-dial niya ang number ng management head ng ospital. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Nasa office raw si Doc Georgina sabi no'ng sekretarya niya," si Nurse Relani matapos makipag-usap sa telepono. "Available daw siya ngayon."

"Sige. Salamat. Aakyat na muna ako sa office niya."

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan pa? Magka-cancel ka talaga?"problemadong tanong ni Nurse Relani.

"Sasama rin si Theo..." sambit ko.

"Grabe na talaga 'yang pag-iwas mo!" Luminga-linga siya sa paligid. Nang makitang walang ibang staffs na malapit ay nagpatuloy siya sa mahinang boses, "Ito naman kasing si Doc Theo,  sa dinami-dami ng pupwedeng gawing kabit, ikaw pa talaga ang napili. Halatang 'di pa nakaka-move on..."

Nasamid ako sa sariling laway. "K-Kabit?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Hindi ba? 'Yan kasi ang usap-usapan dito..."

"Usap-usapan na ano?"

"Na kaya ka raw tatlong araw ng kinukulit ni Doc Theo ay dahil alam mo na..." Umalon-alon ang dalawang kilay niya.

"Hindi niya ako kinukulit para maging kabit," mariing tanggi ko.

May pagtataka sa hitsura ni Nurse Relani. "Kung gano'n, bakit siya sunod nang sunod sa'yo at parang aso kang tinatanaw mula sa malayo dahil iniignora mo?"

"Natatakot lang siyang kunin ko pati ang mana niya."

"Huh?"

"Wala. Aakyat na ako kay Doc Georgina," sabi ko at tumalikod na. Umalis na ako ng Information desk.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor ng managenent office. Nang marating ko na ito ay deretso ang paglalakad ko papunta sa opisina ni Doc Georgina. Kumatok ako sa pinto nito at nang may sumagot mula sa loob ay binuksan ko na ang pinto.

Nadatnan ko si Doc Georgina na kakasara lang ng kanyang drawer. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin.

"How can I help you, Doc Abby?" Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kanyang desk. "Please take a seat."

"Thank you." Ngumiti ako pabalik at naupo na. Tiningnan ko siya ulit. "Regarding nga pala sa medical conference in Tagaytay starting tomorrow," panimula ko, "is it okay if I cancel?"

"Oh! Is there a conflict with your work schedule?" Kumunot ang noo niya. "But I already double checked. Wala naman..."

"Wala namang conflict sa schedule ko. It's just that..." Nangangapa ako ng ibibigay na palusot sa kanya.

Pagod siyang bumuntonghininga. "I can approve your cancellation sana, kaso lang bukas na ang conference and it's a two day conference... You should have told me sooner..."

"I'm sorry. Nakaligtaan ko lang. I've been busy."

"That's because you're too hardworking," banayad niyang sinabi. "Don't worry. Hahanap ako ng paraan. Aasikasuhin ko muna ang medical mission sa Cebu tomorrow at pagkatapos ay isisingit ko na agad ang problem mo."

"There's a medical mission in Cebu?"

"Yes. Tatlong araw."

"Is it possible if I join that instead?" tanong ko, nakahanap ng lusot.

"Akala ko may iba kang gagawin kaya ka magka-cancel for Tagaytay's medcon," puna niya. "At tatlong araw 'tong sa Cebu. Mas mahaba."

"I don't mind," sabi ko agad.

"Okay then," walang kahirap-hirap niyang pagpayag. "Hahanap lang ako ng puwedeng ka-swap mo from the medical mission volunteer doctors. I'm sure marami ang papayag lalo na't dalawang araw lang ang sa Tagaytay."

"Thank you so much, Doc Georgina."

"Anytime, Doc Abby. I'll send you an email once it's fixed."

"Sige po." Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng kanyang opisina.

Tinupad ni Doc Georgina ang sinabi niya. Dumaan ang kalahating oras ay nakatanggap ako ng kanyang confirmation email. Isa na ako sa mga volunteer doctors sa gagawing medical mission sa Cebu.

Maaga akong  nagligpit ng mga gamit sa desk at lumabas ng quarters para makauwi at makapag-impake sa tatlong araw na medical mission. Nagtungo ako sa elevator para makababa na ng gusali at makauwi.

Binati ako ng mga nurses na nakakasalubong ko sa hallway. Nang marating ang elevator ay naghintay ako para sa pagbubukas nito. Hindi naman ako nito pinaghintay nang matagal dahil kaagad na bumukas ang pinto nito. Nga lang, bumungad naman sa akin ang nag-iisang nakasakay na si Theo. Mukhang papauwi na rin siya. Napansin kong nabigla rin siya nang makita ako.

Umalerto ako sa pagtayo at nakatangang nakatingin lang sa kanya. Hindi naman ako pupuwedeng kumaripas sa pagtakbo paalis.

"Do you... want to get in?" aniya sa mababang boses.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko at tinitigan lang siya. Kapag pumasok ako sa loob ng elevator, sigurado akong susubukan niya na naman akong kausapin. Mabuti sana kung marami ang sakay sa loob ng elevator kaya lang ang tahimik ng hallway.

Sa bagal ng pagdedesisyon ko ay unti-unti nang nagsara ang pinto ng elevator. Kasabay nito ay ang pagpikit ko. Wala akong ibang narinig kundi katahimikan. Mukhang nakababa na si Theo.

Unti-unti akong dumilat at nagulat nang makita ang isang braso na nakaharang sa gitna ng sasara na sanang pinto. Dahil sa ginawa niya ay muli itong bumukas.

"I understand," paos na saad niya. He silently stepped out of the elevator. "Mauna ka na..."

Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa pagpapaubaya niya. But I stood by my decision. I should avoid him no matter what. Dahan-dahan ko siyang tinanguan at pumasok na ako sa loob.

At sa unti-unting pagsarang muli ng pinto ng elevator ay malamig kong sinuklian ng tingin ang tila ba nanghihinayang niyang mga mata.

The medical mission team of doctors gathered outside the hospital building the next morning. Hila-hila ang maleta ay naglakad na ako palapit sa dalawang van kung nasaan ang iba ko pang magiging kasama.

Alerto akong pinagbuksan ng driver ng pinto sa van na nasa unahan. Siya na rin ang nag-asikaso ng maleta ko at naglagay nito sa likod. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa loob. Naupo ako sa pinakadulong bahagi.

"Complete na yata tayo. Nandito na si Doc Abigail," anunsiyo ng isang doktor.

" 'Yong kabilang van, kompleto na ba sila?"

"Hindi pa yata. Hinihintay pa nila si Doc Kim."

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.

"Sa isla tayo, 'di ba?" baling sa akin ng isang lalaking doktor na nakaupo sa kabilang gawi.

Pamilyar sa akin ang hitsura niya pero hindi ko siya personal na kilala. Taga General Physician department.

"Oo. 'Yong pangalawang team ang sa bundok," sagot ko.

"Oy! Si Doc Christian, kinakausap na ng crush niya!" panunukso ng isang babaeng doctor na kasamahan niya rin yata sa department. "Matagal ka ng crush niyan, Doc Abigail. Natotorpe lang kasi suplada ka raw."

Tipid lang akong ngumiti at kalmanteng sinulyapan ulit si Doc Christian. Pansin ko ang hiya sa mga mata niya at ang pamumula ng kanyang tainga.

"Pasensiya na. 'Di ko sinabing suplada ka, ah!" depensa niya sabay ngiti sa akin. Lumantad ang dimple niya.

"Okay lang..." sabi ko sabay baling sa bintana.

Tinukso siya ng iba pang doktor kaya umingay ang buong van. Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana. Ang importante ay nakatakas na ako mula kay Theo.

Tumahimik din ang lahat sa pag-andar ng van. Inihatid lang kami nito sa airport. Nang makarating na ay kanya-kanya ng hila ng mga bagaheng dala. And our flight to Cebu embarked.

We safely landed at Mactan airport. May pag-ulan kaming naranasan taliwas sa mainit na panahon sa Maynila. We went to our hotel accommodation kung saan kami mamamalagi ng tatlong araw.

Kinabukasan, habang maaga pa ay nagpahatid na kami sa isla Moalboal sakay ng malaking bangka. It's not my first time to attend a medical mission kaya medyo nasanay na rin ako sa mabagal na pag-usad nito sa umpisa dahil sa mga hindi maiiwasang aberya. Halos tanghali na kami nakapag-umpisa kaya na-adjust na naman ang schedule.

It was smoother the second day maski may mga pag-ulan pa rin. Hindi namin ito inalintana lalo na at maraming mga residente ang dumalo. This is our calling as doctors. We have to do our part to make a change in the community.

On the third day of the medical mission, the weather worsened. Hindi lang pag-ulan kundi may kasama na rin itong malakas na hangin.

"Ano? Tutuloy ba tayo?" Nagsimula na kaming magdebate sa lobby ng hotel. Umaga na at bibiyahe na sana kami kaya lang delayed dahil sa sama ng panahon.

"Signal number one na raw dito according sa balitang napanood ko kaninang madaling araw," anunsiyo ng isa pang doktor.

"May medical equipments pa tayong naiwan do'n sa center nila," si Doc Christian.

"Ipakuha na lang 'yon bukas," suhestiyon naman ng aming anaesthesiologist.

"May mga pasyente rin tayong naghihintay sa isla. Umaasa sila dahil sinabihan nating babalik tayo," giit ko na ikinatahimik ng lahat.

"Kung may ma-contact tayong ibang bangka, tuloy tayo. Kung wala, hindi na. Sabagay, signal number one lang 'yan, mga doktor tayo..." saad naman ni Doc Alvin, ang head ng team. "Sinong hindi sasama? Itaas ang kamay. Hindi 'to sapilitan! We know the possible risks."

Walang ni isang nagtaas ng kamay. Lumapit ang isa sa mga staff ng hotel sa amin at inanunsiyo nitong may na-contact na silang bangka na pupuwede naming gamitin dahil nagka-aberya ang unang ginamit namin.

"Last call. Inuulit ko, hindi 'to sapilitan," muling paalala sa amin ni Doc Alvin. "You are free to stay here if you want. We will not take it against you and asar asar you," natawa kami, "kapag nakauwi na tayo sa Makati Med."

Wala pa ring nagsipataas ng kamay.

Ngumisi si Doc Alvin habang isa-isa kaming tinitingnan. "Wow, my fellow doctors! That's the fighting spirit. I'm so proud of us—"

"Doc Alvin!" pagtawag ni Doc Mark na nasa sulok. Nahihiya siyang nagtaas ng isang kamay.

Napalitan ng kaonting lungkot ang ngiti kanina ni Doc Alvin habang pinagmamasdan si Doc Mark.

"Nalagasan na tayo ng—"

"May I go to the toilet?" nakangising dugtong ni Doc Mark.

"Gago!" sambit ni Doc Alvin. "Sa ER ka buong buwan pagbalik natin ng Makati Med!"

Nagsitawanan na kaming lahat.

Maski umuulan ay sumakay na kami sa van para maihatid sa pier kung saan naghihintay na ang bangka sa amin. Nagdasal kami sa loob ng van bago ito tumulak papuntang pier.

Milagro dahi pagdating namin sa pier ay hindi masyadong maalon ang dagat. Sumakay na kami sa bangka at umandar na ito.

Pagdating namin ng isla ay sumalubong nga sa amin ang mga taong naghihintay sa loob ng malaking tent namin sa gilid ng center nila. Nakatanaw sila sa pagdating namin. Nasabi ko sa sarili na tama nga na bumalik kami.

Ipinagpatuloy na kaagad namin ang medical mission. Maraming mga matatanda, bata, at kababaihan pa kaming mga pasyente. Dumagsa pa rin sila kahit na may bagyo. Ang ilan sa kanila ay mula sa karatig isla na dumayo pa talaga.

Nang mag-alas sinco na ay nagpaalam na kami sa mga lokal na residente. Pinigilan nila ang pag-alis namin at inimbitahan kami para sa hapunan. Preskong inihaw na isda ang inihandog nila sa amin. We did a boodle fight meal at talaga namang nabusog kami. Hindi na nga namin namamalayan na nagsisimula nang dumilim.

"Doc Abby, kanina pa nagri-ring ang phone mo ro'n sa tent," si Doc Grace na kalalapit lang. Sumali na rin siya sa inuman namin. Binigyan din kasi kami ng mga residente ng local drinks na tinatawag nilang 'tuba'.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan at nagpaalam sa mga kasama. Naglakad ako papunta sa kabilang tent at nilapitan ang bag na nasa ibabaw ng plastik na mesa. Binuksan ko ang zipper ng bag at nadatnan nga ang cellphone na wala pa ring tigil sa pag-ring. Kinuha ko ito at nakitang si Jok ang tumatawag. Sinagot ko ito kaagad.

"May update na ba?" intrada ko.

"Nasa'n ka?"

"Nasa medical mission ako ngayon sa Cebu. Tungkol ba 'to kay Red?" Lumayo pa ako ng puwesto dahil abot dito ang ingay ng mga nag-iinumang kasamahan.

"Yes."

Naging tensiyonado na ako. Tumigil ang paggalaw ng lahat sa paningin ko. "N-Nakita mo na siya?"

Hindi kaagad sumagot si Jok. "Attorney?" untag ko.

Dinig ko ang malalim na paghugot niya ng lakas ng loob bago siya muling nagsalita.

"I want to tell you the news in person. I think we should—"

"Nasa'n ang anak ko, Attorney?" Nanginig ang boses ko. Hindi siya sumagot. Pumikit ako. "P-Please, Jok..."

"My men finally discovered the residential home of Mr. and Mrs. Reynaldo Cortaleja aka Loida and Roy Villas," aniya sa mahinahong boses. "Nasa probinsiya sa Cavite lang pala sila nagtatago."

"At si Red?" Humigpit ang hawak ko sa cellphone.

"Nasunog ang inuupahan nilang bahay, Abby. We only found their dead bodies and..."

"Hindi..." Mabilis akong umiling, kasing-bilis ng pag-agos ng mababaw na luha.

"Red was with them, Abby," hirap niyang sambit. "I'm sorry..."

"H-Hindi..." paulit-ulit kong hikbi. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sunod na sinabi ni Jok.

Namilipit sa sakit ang dibdib ko. Ibinaba ko ang tawag at unti-unti akong napaupo. Paulit-ulit kong marahang pinagsusuntok ang sariling dibdib dahil nahihirapan akong huminga.

Walang tigil sa pagrasa ang mga luha ko. Sumasabay na sa malalaking alon ang paghihinagpis bilang inang nawalan ng anak at wala na talagang pag-asa na makakasama pa. Napaungol ako sa sinapit ng anak. Ang kawawang Red ko...

"Doc Abby, aalis na raw tayo!" Dinig kong pagtawag mula sa malayo.

Ayaw kong tumayo. Gusto kong manatili at mabaon na rin sa lupa. Pero sa isang banda ay gusto kong makita si Red. Kahit man lang ang... bangkay niya.

Gusto mang bumigay ng mga binti ko ay dahan-dahan pa rin akong tumayo. Kailangan pa rin ako ng anak ko. Pinalis ko ang mga luha at nagsimula nang maglakad. Kailangan kong umuwi para sa anak ko.

Bumalik ang sama ng panahon habang bumibiyahe na kami sakay ng bangka. Mabilis na domoble pa ang lakas ng hangin. Naghiyawan na ang mga kasamahan ko lalo na ang mga babaeng doktor dahil may pumasok ng tubig sa bangka dulot ng malalakas na alon.

"Kung bumalik na lang kaya tayo sa isla, Manong?" si Doc Alvin na pilit pa ring tumatayo maski malakas ang hangin. "Delikado na kasi ang alon kung tutuloy pa tayo sa pier. Malayo pa..."

"Naku, Doc, mas mahihirapan po tayo dahil sa deriksiyon ng hangin."

"Doc! Ang dami ng tubig!" sigaw ni Doc Grace. Nagpa-panic na siya.

"Dadaong po tayo sa pinakamalapit na karatig isla rito," saad ng bangkero.

Nanampal na naman sa galit ang alon. Nagsigawan ulit ang mga kasamahan ko. Tahimik lang ako sa sulok. Hindi na ako natakot dahil naging totoo na ang pinakakinatatakutan ko. Wala na talaga ang anak ko.

Sa kabila ng mabagsik na hangin ay nakadaong nga kami sa islang tinutukoy ng bangkero. Hindi namin ito masyadong klaro dahil madilim na. Gamit ang flashlight ay iginiya kami sa mabatong daan ng bangkero at ng assistant niya. Umalalay rin sa aming mga babaeng doktor ang mga lalaking doktor.

Iginiya kami ng bangkero sa isang abandonang cabin na nakatuntong sa mas mataas na lugar. Pumasok kami sa loob nito at dito na binalak na magpalipas ng gabi.

"Anong pangalan ng isla na 'to, Manong?" si Doc Alvin.

"Isla Bato po."

Nagtulong-tulong ang mga lalaking doktor sa paghahanap ng tela o kumot na pupuwedeng gamitin dahil basa na ang iba sa amin. May ilang kumot silang nakita at inilapag nila ito sa sahig. Matapos itong gawin ay nahiga na ang ilan sa amin. Nanatili ako sa sulok na puwesto samantalang ang mga lalaki naman ay naupo lang sa sahig at isinandal ang likod sa pader at sa ganitong puwesto na natulog.

Humiga ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig. Tanging malaking flashlight lang na dala ng bangkero ang nagsisilbi naming ilaw sa loob ng madilim na cabin.

Nilapitan ako ni Doc Christian at tahimik na kinumutan. Akala niya siguro ay nakatulog na rin ako.

Dahil na rin sa naging mahaba at abalang araw ay mabilis na nakatulog ang mga kasama ko. Sinubukan kong pumikit at pilit na hinahagilap si Red sa panaginip. Ilang sandali pa ay hinila na rin ako ng antok.

"Mama, gising na..." bulong ng boses ng isang bata sa tainga ko.

"Red..." sambit ko at dahan-dahang dumilat. Napahikbi ako nang hindi siya nakita.

"Mama..."

Mabilis ang ginawa kong pagbangon. Naglakad ako palabas kung saan may liwanag. Bumungad sa akin sa labas ang magandang araw at ang mahaba at purong puting buhangin. Sa may hindi kalayuan, malapit sa tubig ay nakita ko si Red. Nakatalikod man siya at nakaharap sa tubig ay alam kong siya iyon.

"I want to swim!"

"No..." Mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Nangangamba. Maganda naman ang panahon pero bakit ramdam ko ang paghihimagsik ng hangin? Ramdam ko ang panganib.

Lumusong si Red sa tubig. Nanakbo na ako pa papunta sa kanya.

"No... Red! 'Wag!" naaalarmang sigaw ko.

"I want to swim, Mama!"

"Anak... please... huwag. Dito ka lang!" Lumapit ako sa tubig ngunit hinampas ako ng malupit na alon paatras. Hindi ako nagpatalo. Nagpatuloy pa rin ako sa paglusong sa tubig dagat hanggang sa bandang dibdib ko na ang lebel nito.

Hindi man marunong lumangoy ay hind pa rin ako tumigil.

"Red!" sigaw ko kasabay ng biglang pagdilim at pagkatapos nito ay biglang umapoy ang tubig.

"Red!" Pilit akong lumangoy para maabot ang anak at mailayo sa panganib maski malakas ang alon. Nanlumo ako nang makitang tinutupok na ng apoy ang anak ko.

"B-Bakit mo'ko ipinamigay?" hikbi ni Red. "Mainit dito, Mama..."

"Red... anak ko..." Bumuhos ang mga luha ko.

"Claudine!" Boses ni Theo.

Biglang humupa ang lahat. Nawala ang apoy at naging maamo ang alon. Marahan akong napatingala dahil sa pagsilip ng bukang liwayway. Ibinaba ko ang tingin at mabilis na muling hinagilap si Red. Lumusong ulit ako sa tubig.

"Red!" I shouted. My voice had gone hoarse. "Red..." Lalangoy na sana ako sa mas malalim pang parte pero may parang baging na humawak sa beywang ko at pilit ako nitong inilalayo sa anak ko.

"Bitiwan mo'ko!" pagpupumiglas ko. "K-Kailangan ako ng anak ko..."

"Stop it, Claudine..." paos at maemosyonal na sambit ni Theo. "I'm... sorry..."

Mukhang nakalayo na kami sa puwesto ni Red kanina dahil hanggang beywang ko na ang tubig.

"K-Kailangan... ako ni... Red," hirap na hirap na hikbi ko. I was leaning forward and blindly reaching for her.

"H-Hindi ko siya... ipinamigay," usal ko. Ramdam ko ang pagyakap ni Theo sa akin mula sa likod.

Umiling ako at bumuhos ang walang hanggang luha. "We... had a child." Nanginig ang mga labi ko at mas humigpit naman ang pagyakap niya.

"I know..." he weakly whispered.

Natigilan ako. Unti-unti ko siyang hinarap. Pareho kaming basang-basa. He was crying as well.

"Nagkasakit siya," pagpapatuloy ko. "She needed a heart surgery. W-Wala akong p-pera..."

Theo closed his eyes as if he's in so much pain. Bumuhos ang mga luha niya.

"May... may mag-asawang tumulong sa operasyon. Ang sabi nila, sila na raw ang mag-aalaga kay Red pansamantala..." Walang tigil na ang ginawa kong rebelasyon.

"Isosoli raw nila si Red... pero..." Umungol ako sa sakit. "I-Inilayo nila sa'kin si Red, Theo... Kinuha nila sa'kin ang anak... natin."

Dumilat siya at may nakita akong panibagong galit sa mga mata niya. Galit na alam kong hindi para sa akin.

Nanlabo na naman ang paningin ko. "Hindi nila sinoli ang anak ko at ngayon... ngayon p-patay na siya..." Paulit-ulit akong umiling. "Pa'no na ako mabubuhay nito... kung wala na talaga siya?"

"She's not..." nanghihinang sabi niya. Napalitan ng awa at paghihinagpis ang galit sa mga mata niya.

"Our daughter is alive, Clau..." paos na paos niyang sambit bago napapikit at hinayaan ang pagdaloy muli ng luha. "She's with me..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro