Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

ALES

| Bakit bigla kang umalis? Akala ko nangako ka na pag-uusapan natin kapag may problema tayong dalawa? Akala ko sasabihin mo na sa 'kin lahat ng nararamamdaman mo? |

I still couldn't move on from Theo's last text message.

Natanggap ko 'to nung umalis ako ng bahay. Tinamaan ako kasi hindi ko natupad ang pinangako ko sa kanya. Napagdaanan na namin 'to e, but here I am again. Hindi ko siya ni-reply-yan, pero hindi niya na rin ulit ako tinext pagkatapos no'n.

It's been a couple of days. Alam kong alalang-alala na siya sa 'kin. Tumawag din kasi si Jazz para hanapin ako. I know I gave them something to stress about, but I really had to do this for myself.

I went to the special place close to my heart: Sagada.

Alam ko, ang layo na naman ng napadpad ko. Wala lang kasi talaga akong ibang maisip na puntahan nung umalis ako ng bahay. Dito lang sa lugar na ito ako napapanatag.

It was past 4:00 a.m., and I was trekking up the Marlboro Hills to see the sea of clouds. Sobrang lamig kahit na ang kapal na ng suot kong jacket.

Ako lang mag-isa. I didn't join any travel group like before. Basta ginamit ko lang ang pagkakataong ito para klaruhin ang isip ko at umiyak kung kinakailangan.

Pagkarating sa tuktok, pakiramdam ko bigla na lang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.

The view was still surreal, like it was my first time seeing it. Parang maiiyak na naman tuloy ako. Ang ganda-gandang pagmasdan ng pagsikat ng araw.

Naalala ko tuloy nung unang beses akong nakaakyat rito at nakita ang sea of clouds. That was also my first real conversation with Theo. He was a complete stranger, yet there was already an undeniable spark between us. Hindi ko nga lang naisip na magiging asawa ko pala siya. Bigla ko tuloy siyang na-miss. Unti-unti ko nang nararamdaman ang guilt na iniwanan ko siya sa gitna ng problema namin.

"Hi, Alice."

Gulat akong napatuwid ng tayo.

I don't know if I'm hallucinating or what, pero parang narinig ko ang boses ng asawa ko. Mayamaya pa ay naramdaman ko nang may papalapit sa 'kin.

Lumingon na ako sa likod. I immediately froze, eyes wide and a hand covering my mouth when I saw Theo standing just behind me.

Ngumiti siya sa 'kin, samantalang ako naman ay hindi makapagsalita. Nanlalaki lang ang mga mata ko sa kanya kasi hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko.

"Ang layo naman ng narating mo," sabi niya sa 'kin. "Kung hindi pa dahil kay Jazz, hindi ko malalamang nandito ka na naman pala."

Doon na bumagsak ang mga balikat ko. I'm still piecing myself together, but seeing him here made me feel alive again. Sobrang na-miss ko siya! Tumakbo agad ako palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

He immediately hugged me back. Ang kapal din ng jacket niya, pero ramdam na ramdam ko kung gaano siya kainit.

Tuluyan na tuloy akong napaiyak. I don't know, biglang ang sarap sa pakiramdam na nandito rin pala siya. Parang kanina, iniisip ko lang siya, e. Pero all this time, magkasama lang pala kami. Hindi ko man lang siya napansin. Siguro dahil lumilipad ang isip ko habang umaakyat ng bundok. Kaya pala pakiramdam ko, safe ako kahit na ako lang mag-isa.

"Bakit ka sumunod?" tanong ko habang nakayakap pa rin.

"Anong klaseng tanong 'yan? Iniwanan mo ako, syempre susunod ako kung nasaan ka."

I stepped back a bit to look at him. "Nalaman mo kay Jazz na nandito ako? How? Hindi ko naman sinabi sa kanya."

"Hinulaan niya lang. Ang sabi mo raw kasi, wag ka nang sundan dahil malayo ang aakyatin mo. Baka raw nag-Sagada ka. Tama nga naman."

"But I told you I'll be back. Hindi mo ba nabasa ang sulat ko?"

"Nabasa. Gusto mo nga yata akong mamatay sa pag-aalala sa 'yo. Sa Sagada ka pa talaga napadpad."

Ngumiti ako nang mapait sabay umiwas ng tingin. "I'm sorry. Babalik naman talaga ako e. Gusto ko lang mag-isip-isip at buohin ulit ang sarili ko."

"Hindi mo ba pwedeng gawin 'yon na kasama ako?"

Pumikit ako nang mariin. "I'm really sorry." Hindi ko na siya matingnan pagkatapos.

Ewan ko, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Ang lamig ng klima pero ang init ng mga pisngi ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama na naman kami sa Sagada.

Huminga siya nang malalim sabay inangat ang mukha ko para muli akong tingnan. Ang ganda ng ngiti niya na para bang hindi siya nagalit at wala kaming pinag-awayan.

"Ayos na, hindi mo na kailangang mag-isip-isip," sabi niya sa 'kin.

My forehead creased. "What do you mean?"

"Nakaharap ko na ang pamilya mo at si Eithan. Walang nangyari sa inyo."

Bigla akong napaatras ng hakbang at muling pinanlakihan ng mga mata. "W-what? I told you not to confront them. Theo, you could be hurt."

"Wala naman silang ginawa sa 'kin. Hindi nga sila nakalaban. Saka kung hindi ko sila hinarap, hindi ko malalaman ang totoo."

"E-Eithan did not touch me?"

Umiling siya. "Siya mismo ang umamin sa 'kin na wala siyang ginawa sa 'yo. Inamin din ni Audrey ang lahat. Gusto ka lang nilang paniwalain kaya ka nila kinuhanan ng mga litrato, pero wala talagang nangyari."

Napahawak ako sa dibdib ko na biglang lumakas ang pagtibok.

At this point, I could no longer say anything. Ayoko na siyang kwestyunin kasi naniwala na agad ako sa sinabi niya.

I knew it. I felt it all along—I just needed proof. Kaya pala kahit na anong pilit ko, wala talaga akong maalala na may nangyari sa 'min ni Eithan. Kahit na ang dami niyang ebidensya na pinalabas, hirap pa rin akong paniwalaan na ginalaw niya talaga ako.

Theo caressed my cheek and smiled at me once more. "Alam mong gagawin ko lahat para sa 'yo. Hindi ako natahimik hangga't hindi kita naipagtatanggol."

Muli akong naluha kasi tuluyan nang nag-sink in sa 'kin ang ibinalita niya. "Hindi mo alam kung gaano kalaking tinik ang inalis mo sa dibdib ko. I felt so relieved right now. But you're making me worry. Paano mo napaamin si Eithan?"

"Ginulpi ko hanggang magsalita."

"What? Theo! You've really put yourself in trouble. Lalo mo akong tinakot sa pwedeng gawin sa 'yo ng pamilya ko."

"Wala na silang magagawa sa 'kin. Sinampahan ko na sila ng kaso, at sigurado akong makukulong silang lahat."

I stepped back again, shocked. "W-what are you talking about?"

"Tinulungan ako nina Arkhe at Isabela. Malakas ang mga koneskyon ni Sab kaya humingi ako ng tulong para mas mapabilis ang pagpapakulong kina Eithan. Pasensya na. Alam kong hindi ka sasang-ayon, pero kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sa 'yo. Nasampahan ko na sila ng kaso. Hawak na namin si Eithan. Si Audrey, nagtatago pa. Pero wala na rin naman siyang kawala, lalo na't may alam akong sikreto na mas lalong magdidiin sa kapatid mo."

"Ibig sabihin, talagang babagsak na ang mga negosyo namin?"

"Aalalahanin mo pa ba 'yon? Wag mo na silang isipin kasi hindi ka naman nila inisip nung pinagtulungan ka nila."

Pumikit ako sabay umiling. "It's not that. At this point, wala na rin naman akong pakialam sa kanila kahit kadugo ko pa sila. Honestly, 'yun din talaga ang plano kong gawin pagbalik ko. I will sue them and make sure they rot in jail. Hindi ko lang inasahan na ikaw na mismo ang tutupad no'n para sa akin."

Muli ko siyang tiningnan habang nangingilid ulit ang luha sa mga mata ko. "Thank you. I couldn't even put into words how happy you've made me. Iniwan pa naman kita. Akala ko masama ang loob mo sa 'kin, 'yon pala, kumikilos ka na para tulungan ako."

"Medyo natagalan nga. Dapat mas maaga pa kitang nasundan, kaso nagtago pa si Audrey. Buti na lang naabutan pa kita. Wag mo nang uulitin 'yon, ah? Hindi mo kailangang lumayo kapag may problema ka. Nandito ako."

Ngumiti ako nang mapait sabay yakap sa kanya.

Ngayon ko na naramdaman 'yung sobrang saya na magkasama na ulit kami. 'Yung wala na akong poproblemahin at babalik na ulit ang masaya naming pagsasama. Hindi ko na kailangang mahiya sa kanya at madumihan sa sarili ko kasi wala naman palang ginawa sa 'kin si Eithan.

"I missed you so much." I hugged him tighter. "I wanna go home."

Marahan niya akong hinalikan sa ulo. "Tara, uwi na tayo."

Kumalas kami ng yakap sa isa't isa at magkasama muna naming pinagmasdan ang tuluyang pagsikat ng araw sa ibabaw ng napakagandang sea of clouds.


"ALESSIA LOUISE ALVAREZ! Ano na! Tapos ka nang mamundok?"

Natawa ako kay Jazz habang ka-video call ko.

"Yeah," sagot ko sa kanya. "Sinundo na ako e."

Pinakita ko sa front camera si Theo na tinutulungan akong mag-pack ng mga gamit. "We're going home."

"Mabuti naman! Akala ko nagkamali ako ng hula na nasa Sagada ka talaga e. Buti na lang tama, kundi, yari ako sa asawa mo. Umakyat pa naman siya diyan."

I just chuckled again. "Alam na alam niyo na talaga kung saan ako pwedeng magpunta, ha. But thank you for helping my husband."

"Oh, but of course! Ikaw naman kasi, hindi ka na nagbago. May asawa ka na, kaya wag ka nang magkimkim ng mga problema."

"Yes, ma'am. Let's meet once we're back, hmm? Ang dami kong kwento sa 'yo."

"Ayan! 'Yan ang gusto kong Ales. 'Yung nagki-kwento. Sige na, hihintayin ko na lang kayong makabalik. Ingat kayo!"

Nagpaalam na ako sa kanya at saka binaba ang tawag.

I missed her so much. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa 'kin. Hindi sinabi ni Theo kasi baka raw lalo akong mahiya. I appreciate my husband so much for considering my feelings. Hindi niya talaga ako nilaglag.

Ipinatong ko na muna ang phone ko sa mesa para bumalik sa pag-eempake.

Theo was busy with his phone. Nakakunot nga ang noo niya at mukhang seryoso.

"Is everything okay?" tanong ko sa kanya.

Nagbuntonghininga siya. "Hindi pa rin nila mahanap si Audrey. May alam ka ba na pwede niyang pagtaguan?"

Napaisip ako. "Marami siyang properties na pwedeng pagtaguan. But right now, I think nagpa-plano na 'yon na lumipad papuntang Macau. She bought a place there years ago to feed her gambling addiction."

"Hilig niya pala talaga ang pagsusugal. Sige, tatawagan ko ulit sila Sab para ipaalam."

Lumabas na muna siya ng kwarto para makipagusap sa phone.

Hindi ko talaga inasahan na siya ang gagawa nito para sa akin. Ako dapat ang humaharap at kumakalaban sa pamilya ko e. Pinatutunayan niya talaga na kakampi ko siya sa lahat.

Malaki rin ang pasasalamat sa kapatid niya at kay Isabela. Theo told me everything about it. Malakas ang mga koneksyon at impluwensiya ng pamilya ni Sab kahit na ulila na ito, kaya mabilis nasampahan ng kaso sila Eithan. Theo had solid evidences, too.

Ikinwento niya rin sa 'kin kung paano niya napaamin si Eithan at si Audrey. Nalaman niya ang baho ng kapatid ko. Aware ako sa pagsusugal ni Audrey, pero hindi ko alam na lumalandi pa pala siya kahit malapit na siyang ikasal. I thought she was innocent and reserved.

Mabuti na lang nahuli siya ni Theo kaya may huling baraha pa kami. Ang sarap sa puso na isipin na sa mga panahong wala ako sa sarili, may mga taong nandyan para tulungan ako.

Pagbalik ni Theo sa kwarto, tinulungan na niya ulit ako sa pag-eempake, at ilang saglit lang ay umalis na rin kami para maabutan pa ang susunod na bus pabalik ng Manila.

I'm feeling better. Wala na akong pakialam kung anong kahihinatnan nila Audrey. Basta ba kasama ko ang asawa ko, panatag na ako.

• • •

WE ARRIVED IN Manila around seven in the evening.

Pagod kami ni Theo sa byahe, pero tila nagising ang mga dugo namin nang saktong makatanggap siya ng tawag.

Hinintay ko siyang matapos makipag-usap sa phone bago ko siya tinanong. "What is it?"

"Nahanap na si Audrey. Tama ka nga, palipad na siya papuntang Macau. Sa airport siya nakita. Wala na siyang takas ngayon."

Pakiramdam ko natanggalan na naman ako ng tinik sa dibdib. "That's the best news I heard tonight. Where is she now?"

"Hawak na rin ng mga tauhan nila Sab, kasama ang nanay niya at si Eithan. Kailangan nating masigurong hindi na sila makakapagtago."

"Can we see them? Gusto ko muna silang makaharap bago sila tuluyang hulihin ng mga pulis."

Pumayag si Theo at bumyahe agad kami papunta sa kinaroroonan nila Audrey.

Naabutan namin silang tatlo sa kamay ng mga tauhan ni Sab, balisang-balisa ang mga itsura.

They look so funny. Hindi ko naman na sila papatulan. Gusto ko lang silang tawanan dahil sa kinahinatnan nila.

All of them froze in shock as soon as they saw me.

Si Eithan, umiwas agad ng tingin na halatang hiyang-hiya sa ginawa niya sa 'kin. Ang dami niya ngang galos at pasa sa mukha. Grabe pala talaga ang panggu-gulpi sa kanya ni Theo.

Audrey also couldn't look at me. Pero itong nanay ko, gusto yatang makasungkit ng Best Actress award. Biglang umiyak at lumapit sa 'kin para sana yakapin ako, pero mabilis akong pinrotektahan ng ilan sa mga tauhan ni Sab.

Theo protected me, too. Pero hindi naman ako natakot. I even smirked at her.

"Wow. Look at you, mother. Kaya mo pa palang humarap sa mga tao nang walang make-up? You look awful."

Pero pinandigan niya pa rin ang pag-iyak-iyak niya kahit wala naman siyang luha. "Alessia, my dear daughter. I'm so sorry! Please withdraw the case. I don't have anything to do with it. Si Audrey lang ang nag-plano ng lahat."

Tumingin agad ako kay Audrey na halos bumagsak ang panga sa sahig dahil sa sinabi ng akala niya'y kakampi niya.

"Really, Ma?" Audrey stood up with her jaw clenched. "Ngayon mo talaga ako nilaglag? Don't you dare say you had nothing to do with it. Parte ka ng plano. You gave me the go signal!"

"Yes! But you were the mastermind! Malay ko bang itutuloy niyo talaga ni Eithan ang maruming plano niyo sa anak ko?"

Namula sa galit si Audrey.

Ako, natatawa na lang. Lalo na nung humarap na ulit sa akin ang nanay ko na umiiyak na ng pekeng mga luha.

She tried to hold my hands, but I stepped back right away.

"Alessia, please," she pleaded. "Iurong mo ang kaso. I promise, hindi ka na namin gugulohin. Hahayaan na namin kayong mag-asawa kung 'yon ang gusto mo. Just stop this. We can't lose our businesses. Alam mo kung gaano ka-importante ang mga 'yon sa Papa mo."

"Ginamit mo na naman si Papa. Wala na akong awa na maibibigay sa inyo. You thought my husband and I couldn't fight and defend ourselves? Kung hindi pa kayo nakahanap ng katapat niyo, hindi naman kayo magsisisi sa ginawa niyo sa 'kin. You all deserve this. Lalo na 'yang anak mo." Dinuro ko si Audrey.

Lalo namang nag-drama ang nanay ko. "So you mean hahayaan mo talagang bumagsak ang mga negosyo natin? Kaya mong mawala sa pamilya natin ang lahat-lahat?"

"Who told you that? Of course, hindi ko hahayaang mawala ang mga negosyo. They're my father's businesses, so I'll take care of them while you savor the struggles of prison life," sabi ko sabay ngumisi nang mayabang. "Hindi namin iuurong ang kaso."

Nanghina siya at napahinto sa pagda-drama.

Nginisian ko lang naman ulit siya, tapos nilapitan si Eithan na hindi pa rin makatingin sa 'kin.

"Bagay sa 'yo 'yang black eye mo," pang-aasar ko sa kanya. "Pasalamat ka hindi ka tinuluyan ng asawa ko. You're so filthy. Akala ko matalino ka at mataas ang pinag-aralan, pero tuta ka lang pala na nagsunod-sunuran sa plano ng kapatid ko. Hindi ka nandiri sa ginawa mo sa 'kin?"

Tumingin siya sa 'kin nang naluluha ang mga mata. "Ales, I'm sorry. But I didn't do anything to you. Alam na 'yon ng asawa mo."

"Still! Whether you touched me or not, you still drugged me."

"Pinilit lang ako ni Audrey na gawin 'yon. I was against that plan."

Sinampal ko na siya nang malakas! Nanginginig ang kamay ko kasi ito 'yung gustong-gusto kong gawin sa kanya nung umagang nagising ako matapos ang party.

"Isa ka pa, e pare-parehas lang naman kayo," nanggigigil na sabi ko sa kanya.

Hindi naman na siya lumaban sa sampal ko. Natahimik na siya at tinanggap na lang kasi alam niyang talo na siya kahit na ano pang sabihin niya.

Pinuntahan ko si Audrey pagkatapos. I was smirking at her. "Balita ko, nahuli ka raw ng asawa ko sa casino, ah?"

Hindi siya makatingin sa 'kin.

Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang mga pictures na pinadala sa 'kin ni Theo. "Do these look familiar to you?"

Nanginig siya sa galit, pero hindi siya makapalag.

"Ano kaya kung i-send ko ang mga ito kay Samuel Chen para maramdaman mo rin kung gaano ako nasaktan nung pinadala mo ang mga pictures ko kay Theo? Oh wait, fiancé mo pa rin ba siya, o wala nang kasalang magaganap?

"Alessia..." Sinubukan niyang agawin sa 'kin ang phone ko, pero nilayo ko agad.

"Makisama ka sa kaso kung ayaw mong kumalat 'to at mas lalong masira ang dignidad mo." Tinago ko na ang phone at tinalasan siya ng tingin. "Sayang ka, Audrey. Hindi ka lang pala basta clone ng nanay mo. Mas masahol ka pa sa kanya. Enjoy your time behind bars, my dear sister."

Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako kay Theo. My husband was smiling at me like he was so proud of what I did.

Proud din ako sa ginawa ko kasi at last, hindi na ako ang kawawa. Ang sarap sa pakiramdam na makaganti.

Pinaubaya na namin sa mga tauhan nila Sab ang lahat. Umalis kami ng asawa ko na may malapad na ngiti sa mga labi.

We decided to go straight to Isabela and Arkhe's home to thank them personally.

Mag-a-alas nueve na, pero pinaghandaan pa rin nilang mag-asawa ang pagdating namin.

This was my first time visiting their place, and it's way bigger than I thought. Iba pala talaga ang yaman nila Isabela. Siya ang unang lumabas para salubungin kami. Saglit niyang binati si Theo, tapos pinuntahan na agad ako at niyakap nang mahigpit.

I was quite taken aback. She doesn't usually greet me like this. Hindi ko sigurado kung alam niya ba ang eksaktong nangyari sa 'kin, pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya.

She pulled away and looked at me, almost teary eyed. "I'm glad you're back, Ales. Akala namin mababaliw na si Theo dahil nawala ka."

Ngumiti ako nang mapait. "I just had some time away. Isabela, thank you for everything. Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ang ginawa mo. Kayo ni Arkhe."

"That's nothing. We're family, right?"

"But it's too much. I just did not expect it."

"Wala 'yon. Mabuti na nga lang at humingi ng tulong sa 'min si Theo, kundi, hindi namin malalaman na may nanggugulo pala sa inyo. What matter most is that everything's settled."

Marahan ko lang ulit siyang niyakap, tapos saktong lumabas na rin si Arkhe.

Sa akin din agad ito dumiretso. "Napadpad ka pa talaga sa Sagada?" biro nito sa 'kin.

I chuckled softly. "Yes. Ang tyaga nga ng kapatid mo kasi sinundo niya pa talaga ako."

Napangiti na lang siya, tapos marahan akong hinaplos sa braso. "Buti naman at ayos ka na. Tara, kumain na muna tayo sa loob. Maraming pinahanda si Sab."

Humawak ako kay Theo at sumunod na kami sa kapatid niya papasok ng bahay.

We had a great dinner. Ang dami nga talagang pagkain kahit na last minute na kaming nagsabi na pupunta kami.

Ang dami rin naming pinagkwentuhan. Unti-unti kong na-open up kila Arkhe at Sab ang totoong nangyari sa 'kin. Hindi na ako nahiyang magkwento kasi wala naman pala talagang nangyari sa 'min ni Eithan. It was still traumatic, though. Pero hindi na gano'n kabigat dahil alam kong malinis ako. Arkhe and Sab didn't judge me, they just listened. Kaya lalong ang sarap sa pakiramdam makapag-open up.

Nung lumalim na ang gabi, hindi na muna kami pinauwi nila Isabela. Their house has enough rooms for us, so they insisted that we stay the night.

Okay na rin. Napagod na kasi talaga ako sa haba ng byahe mula sa Sagada. Mabuti na lang din at may sobra pa akong damit.

Theo and I were on our room's balcony, drinking beers and getting some fresh air. Ngayon na lang ulit kami nagka-moment na dalawa.

"Look at us," sabi ko sa kanya na katabi ko lang, "we survived the very first obstacle in our marriage. Thanks to you." Malambing kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Hinalikan niya naman ako sa ulo. "Ano nang nararamdaman mo?"

"Better. Alam mo 'yung parang bigla ng nawala 'yung malaking bato na nakadagan sa dibdib ko? Kung sakali nga talagang may ginawa sa 'kin si Eithan, hindi ko na alam kung papaano pa ako babangon. Buti na lang nalaman mo ang katotohanan. Masaya na ulit ako."

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi kita pababayaan. Masyado kang nasanay na maging independent. Nakalimutan mo nang manghingi ng tulong sa asawa mo." He laughed a little.

Napangiti ako nang mapait. "I'm sorry for leaving. Pero sobrang nalungkot din talaga ako nung ginawa ko 'yon. Wala ka naman kasing kasalanan. Patong-patong 'yung guilt sa puso ko, lalo na nung hindi kita pinapansin sa bahay kahit na nag-e-effort kang alamin kung ano talaga ang nangyari."

"Naiintindihan ko naman 'yon. Mabigat ang nangyari sa 'yo. Mabuti na lang talaga, napa-amin ko si Eithan."

"Buti hindi mo tinuluyan 'yon? He's a coward. Puro yabang lang."

"Kayang-kaya ko siyang tuluyan nung mga oras na 'yon, pero hindi kasi ako gano'n. Wala nga akong planong padampiin ang kamao ko sa gagong 'yon kung hindi lang para sa 'yo."

Nagpigil ako ng ngiti sabay haplos sa gilid ng buhok niya. "My husband is so brave. Pwede ko nang itigil ang pagiging strong, independent woman ko at maging sweet damsel in distress na lang."

Natawa siya, tapos umimon ng alak. "Hindi, ang tapang mo pa rin nga. Walang bakas ng pagsisisi nung nilabanan mo ang pamilya mo kanina." Tumingin siya sa 'kin. "Yung sinabi mo pala tungkol sa mga negosyo niyo, totoo ba 'yon? Na hindi mo pa rin pababayaan?"

Huminga ako nang malalim. "You know what, I didn't know why I said that. Basta bigla ko lang naisip si Papa at lahat ng mga pinaghirapan niya. Wala akong kahit na anong alam sa pagpapatakbo ng business, pero nakausap ko si Isabela kanina pagkatapos nating kumain. Nangako siya na tutulungan ulit ako."

"Si Sab? Ang alam ko, hindi naman siya ang may hawak ng mga negosyo nila. Wala rin siyang alam sa gano'n."

"Wala nga. Their businesses were being managed by her brother-in-law. Hihingi raw siya ng tulong doon para maisalba ang mga negosyo namin. Kung kaya ko nga lang sana, gusto kong ako na lang ang humawak. But my passion is with writing books, and I'm also planning to have our own family soon."

Kunot-noo siyang napatingin sa 'kin.

Ngumiti naman ako nang matamis. "Gusto ko nang magka-baby tayo."

Hindi na siya nakasagot. Uminom lang ulit siya ng alak para itago ang ngiti niya.

"Why are you smiling like that?" I asked.

"Wala. Nagulat lang. Akala ko kasi, ikaw muna ang baby ko."

Marahan ko siyang pinalo sa balikat. "We already talked about this, right? Sabi mo pa nga, gusto mo nang maraming anak."

"Oo nga. Pag handa ka na, gagawa na agad tayo."

I knew what he meant. Siguro iniisip niya na traumatized pa rin ako sa pangse-set up sa 'kin nila Eithan.

Tumayo ako at kumandong sa kanya.

He gently wrapped his arms around my waist.

"I'm okay now," sabi ko sa kanya. "Gusto kong bumawi sa mga panahon na nilayo ko ang sarili ko sa 'yo."

"Hindi mo kailangang bumawi. Dapat magpahinga ka lang hanggang sa tuluyan mong makalimutan ang nangyari. Aalagaan kita."

"But I feel better now, really. Basta babawi ako. Gusto kong maging masaya tayo ulit."

Ngumiti siya, tapos pinasandal ako sa dibdib niya.

I'm not used to this. Hindi talaga ako 'yung clingy at showy na babae, pero this time, gusto kong maglambing kasi sobrang na-miss ko talaga siya. Nanghihinayang ako sa mga araw na naging cold ako sa kanya at hinihindian ko siya sa tuwing naglalambing siya sa 'kin. Gusto ko talagang bumawi.

"Mahal na mahal kita, Ales," bulong niya. "Kahit ano pang problema ang kaharapin natin, hinding-hindi kita pababayaan. Ipagtatanggol kita sa lahat."

Ngumiti ako sabay pumikit nang mariin. "I know. Kampante na rin ako na kakayanin ko lahat basta kasama kita. I love you so much, Theo. I wouldn't know what to do without you."

Tumingala ako sa kanya.

Nginitian niya ako nang matamis bago hinawakan ang pisngi ko para halikan ako sa mga labi.

Theo was a stranger turned soulmate. He came into my life unexpectedly and brought the kind of love and companionship I didn't know I craved. Napakaswerte ko dahil itong lalaking ito ang makakasama ko habang buhay.

Alam ko, malayo pa at marami pa kaming pagdadaanan bilang mag-asawa. This is just the beginning. But I know whatever life throws our way, as long as I have him, I am safe. Forever.

TO BE CONTINUED IN EPILOGUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro